Chapter 25.2: Gumagaan ba ang loob moMATAPOS MALIGO, tumitig si Skylar sa salamin nang matagal, nakaramdam ng kaba. Mas naging buo ang hugis ng kanyang dibdib, mas malaki kumpara noong magkasama sila ni Jaxon limang taon na ang nakalilipas. Kahit konserbatibo ang suot niyang pajama, kapansin-pansin pa rin ang kanyang ganda.Pagbalik niya sa kwarto, nakatayo si Jaxon sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng red wine habang pinagmamasdan ang buwan. Dahil glass wall ang naroon, kahit si Skylar ay natatanaw ang dilim sa labas. Nang marinig nitong binuksan niya ang pinto, lumingon ito. Nakasabog ang kanyang mahabang itim na buhok sa balikat, at sa ilalim ng liwanag ng chandelier, nagmistulang perlas ang makinis niyang balat.Sa bawat hakbang niya, bahagyang umaalog ang kanyang dibdib. Ang makinis at mapuputi niyang hita na may patak pa ng tubig mula sa shower ay tila kumikislap sa liwanag. Nakayuko si Skylar, halatang kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Inangat niya ang kamay para ayusi
Chapter 26: Bayarang babae“SAAN ka pupunta?” Bago pa makabawi sa takot si Skylar, naitulak na siya ni Jaxon sa pader. Ang malamig at mababa nitong boses na may halong amoy ng alak, ay narinig niya mula sa itaas ng kanyang mukha. Naiilang siyang umiwas at lumayo ng bahagya sa mukha niya kay Jaxon. “Tinatanong kita, saan ka pupunta?!” Nang makita ni Jaxon ang pag-iwas ni Skylar, biglang sumiklab ang galit sa itim nitong mga mata at tumaas nang sobra ang tono ng boses. Napayuko si Skylar mula sa lakas ng sigaw ni Jaxon. Napaatras siya at sinubukang maging kalmado. “Tingin ko dapat mag-usap tayo nang maayos.” “Mag-usap?!” Hinawakan ni Jaxon ang kanyang baba at itinaas ang mukha niya para tumingin sa malamig nitong mga mata. “Isa ka lang babae na binabayaran ko para painitin ang kama ko. Anong karapatan mo para magsalita nang ganyan sa akin?” Ang nakakababa nitong mga salita ay lalong tumindi na unti-unting napuno ng luha ang mga mata ni Skylar. Naging malungkot siya pero hindi niya
“Miss Skylar, huwag kang mag-alala. Wala akong masamang intensyon. Gusto lang kitang makausap nang maayos.” “Anong pag-uusapan natin? Hindi kita kilala, kaya bakit kita kakausapin?” prangkang sabi ni Skylar. “Uh…” Nagulat yata ang lalaki sa sagot niya. Sandali itong tumahimik bago siya tinakot, “Kung ayaw mo akong harapin, wala akong magagawa kundi kunin ang kapatid mo.” “Kîdnapping na ang ginagawa mo!” galit na sagot ni Skylar. “Ang lakas ng loob mo, ha?” “Kaya, pupunta ka ba nang kusa o gusto mo bang ipakuha kita sa mga tao ko para sunduin?” “Ang dami mo nang sinabi, paano ako hindi pupunta?” Galit ngunit nagmamadaling lumabas ng villa si Skylar. Bitbit ang kanyang bag, nagmamadali siyang humarang ng sasakyan sa kalsada. Ang napagkasunduang lugar ay ang mismong kwarto ni Terra sa ospital. Hindi alam ni Skylar kung ano ang balak ng lalaking iyon at hindi siya mapakali. Kung magawa nitong maghasik ng gulo sa ospital nang walang takot, tiyak na makapangyarihan ito. Delika
Chapter 27: Kapalit"HARVEY, that's my name, Miss Skylar," dahan-dahang binanggit ng lalaki ang pangalan nito. "Harvey?!" Napakurap si Skylar, iniisip kung tama ba ang narinig niya. "Ikaw ba ang kapatid ni Audrey?" Si Audrey ay isang babaeng anak-mayaman tulad nina Jaxon at Jeandric. Magkaibigan sina Skylar at Audrey noon at nabanggit nito na may kapatid itong nagngangalang Harvey. Dahil sa kakaibang sexual orientation at lifestyle ni Harvey, nanirahan ito ng matagal sa ibang bansa kaya hindi pa ni Skylar nakikita si Harvey kundi ngayon pa lang. Bahagyang tumango si Harvey, sandali siyang tinitigan at saka nagsalita. "Huwag mong isipin na dahil kaibigan mo si Drey, papayag akong kalimutan ang one hundred million na utang ng ama mo." "Imposibleng magkaroon ng utang na one hundred million ang tatay ko. Hindi iyan naaayon sa patakaran ng underworld kasi wala naman siyang kakayahang magbayad ng ganung kalaki, maliban na lang kung sinadya niyong dayain siya," sagot ni Skylar. Alam
Isang malakas na tunog ng kung ano ang narinig mula sa linya ni Jaxon na ikinagulat ng lahat. Maging si Harvey ay napakunot noo at tila natigilan sandali. Blangkong nakatingin naman si Skylar sa cellphone kung saan naririnig ang boses ni Jaxon. Nai-imagine niya ang galit na mukha ni Jaxon - iyong parang handang pumatay para sa kanya dahil sa gulong dala ni Harvey sa kanya. Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil pakiramdam ni Skylar, may pakialam si Jaxon sa kanya. Nang makita ni Harvey na seryosong galit na si Jaxon, inalis nito ang speakerphone at diretsong bumalik sa pakay. "Mr. Larrazabal, hindi mo kailangang magalit ng ganyan. Hindi ko sasaktan si Skylar at hindi ko na rin kailangan ang one hundred million. Pero may pakiusap ako. Sana palayain mo si Quinn dahil pinasara mo ang isa naming casino." Quinn?! Bahagyang napakunot ang noo ni Skylar. Hindi pala siya ang dahilan kaya naroon si Harvey ngayon. Si Quinn na mukhang nakaaway ni Jaxon ang totoong pakay ni Harvey. Pero
Chapter 28: MaawainUMUPO si Caridad sa sahig at humagulhol nang malakas. Ang mga tao mula sa ibang ward at pasilyo ay nagtipon-tipon dahil sa komosyon. Nakita nilang nakaupo si Caridad sa sahig, may mga pasa sa mukha at braso na tila dahil sa pambubugbog, kaya agad silang naniwala sa sinasabi nitong kwento at galit na sinita si Skylar. "Ang tigas ng puso mo, hija! Inalagaan ka ng nanay mo nang buong pagsisikap. Madali ba iyon? Imbes na respetuhin mo siya, ginanito mo pa siya. Hindi ka ba natatakot sa karma, ha?" Para sa mga tao, ang pagiging mabuti sa magulang ay pinakamahalaga sa lahat. Sa paniniwala nila, ang mga anak na hindi marunong magpasalamat sa magulang ay dapat maparusahan. Karamihan sa mga nanonood ay matatandang lalaki at babae kaya't masyado silang emosyonal. Galit na hinila ni Skylar ang braso ni Caridad para itayo ito mula sa sahig. "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Hindi kita sinaktan!" Itinulak ni Caridad si Skylar palayo at itinuro ang kalahati ng kanyang mu
Habang pinapanood ang papalayong likod ni Caridad, mabigat ang pakiramdam ni Skylar. Hindi niya alam kung biyaya o sumpa ang tuluyang pagputol ng ugnayan nila ni Caridad. Mula sa kabilang dulo ng pasilyo, biglang narinig ang malalakas na yabag ng paa. Inalis ni Skylar ang mga matang nakamasid kay Caridad at tumingin sa pinagmulan ng yabag ng mga paa. Isang lalaki na may karismang nangingibabaw na napapaligiran ng mga lalaking naka-suit ang papalapit sa kanya nang buong tikas. Para iyong eksena sa isang drama na tila ang isang bida ng kwento na pararating ay may dalang napakalakas na charisma. Ang kilos nito ay puno ng gilas at dignidad, parang isang hari na bawat galaw ay nagpapakita ng kapangyarihan. Habang dahan-dahang kumurap ang mahahabang pilikmata nito at hindi naiwasan ni Skylar na matulala. Mula noong una niyang makita si Jaxon, alam na niyang napakagwapo at kaakit-akit nito, isang taong agaw-pansin kahit saan siya magpunta. At ngayong araw, pakiramdam ni Skylar na mas
Chapter 29: 99th confessionSa VIP Channel ng airportSuot ni Audrey ang isang itim na Chanel dress, naka-dark blue na reflective sunglasses, may hawak na Louis Vuitton limited edition handbag sa kaliwang kamay at abala sa pakikipag-usap sa cellphone gamit ang kanang kamay. Lumabas siya mula sa VIP channel ng airport na parang isang queen, kasabay ng kanyang mga assistant at bodyguard. Agad na sumigaw ang mga fans na nag-abang sa kanya sa airport. Nagtaas sila ng mga bandila at props na may pangalan niya habang sumisigaw. "Audrey, mahal kita! Goddess Drey, mahal kita! Reyna ng aming puso, mahal ka namin!" Napuno ng tao ang exit area sa sobrang dami ng fans. Malalakas ang sigawan at sobrang taas ng energy nila pero taliwas dito, si Audrey ay nanatiling malamig ang ekspresyon. Tuloy lang siya sa pakikipag-usap sa cellphone na nakasimangot. Hindi man lang niya binigyan ng ngiti o pansin ang mga fans niya. "Isa kang inutil! Ang simple lang ng trabaho, hindi mo pa magawa nang maayos!
Chapter 195: BakasyonHABANG nagdadalawang-isip si Skylar kung dadalhin ba niya si Terra para hanapin sina Audrey at Jeandric, sina Audrey at Jeandric naman ay nakaupo sa tabi ng apoy habang kumakain ng inihaw na kamote. First time ni Audrey kumain ng ganitong simpleng pagkain.Dahil maitim ang balat ng inihaw na kamote, naging maitim din ang kamay niya pagkatapos hawakan ito. Nangamot pa siya sa mukha kaya mukha na siyang pusang itim. Malamig ang ihip ng hangin dahil rainy season at lumilipad ang buhok ni Audrey habang nakaupo siya sa lupa. Sa kahit anong anggulo mo tingnan, parang isa siyang pulubi na ilang araw nang pagala-gala at hindi nakakain ng maayos.Pero kahit ganito ang itsura niya, para kay Jeandric, si Audrey pa rin ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya.Tinitigan niya ito nang may pagmamahal, at nang matapos kumain si Audrey ng kamote, tinanong niya ito ng mahinahon, “Busog ka na ba? Gusto mo pa?”Nilunok ni Audrey ang huling subo, bumuntong-hininga
Chapter 194: PaghahanapNAWALA ng kontak sina Audrey at Jeandric at nagkagulo ang pamilya Lim at Larrazabal. Maraming tao ang ipinadala para hanapin sila.Bilang matalik nilang kaibigan, hindi rin nakatulog ng maayos sina Skylar at Jaxon kinagabihan. Lalo na si Skylar na simula nang mabuntis ay laging natutulog hanggang tanghali. Pero kaninang madaling-araw pa lang, tumawag na siya kina Audrey at Jeandric. Pero gaya ng kagabi, hindi pa rin sila makontak.Nagising si Jaxon sa ingay ng paglalakad ni Skylar. Nang malaman niyang wala pa ring balita kina Audrey at Jeandric, agad siyang nag-utos kay Wallace na pangunahan ang paghahanap malapit sa tulay kung saan huling nakita ni Kris sina Audrey at Jeandric kagabi.Lumipas ang oras at tanghali na, pero wala pa ring balita galing sa pamilya Lim o kay Jaxon. Parang nawala na lang bigla sa mundo sina Jeandric at Audrey at walang iniwang bakas.Masama ang loob ni Skylar at wala rin siyang ganang kumain. Dalawang beses lang siyang kumuha ng pag
Chapter 193: KidnappedBIGLANG bumuhos ang malakas na ulan sa Metro. Parang kabayong nagwawala sa bilis ang Bugatti Veyron ni Jeandric habang tinatakbo ang malapad na kalsada. Nakahiga si Audrey sa passenger seat, nakapikit pa at hindi pa rin nagigising mula sa pagkaka-coma."uu~"Tuloy-tuloy ang pag-vibrate ng cellphone. Tumatawag si Jaxon. Pang-108 na niya itong tawag.Hindi pa rin ito sinagot ni Jeandric. Ni hindi nga niya tiningnan ang phone. Diretso lang ang tingin niyang malamig at seryoso sa kalsada at kay Kris na hindi tumitigil sa paghabol sa kanya.Si Kris, nandito lang para masigurong ligtas si Audrey. Alam niyang mahal na mahal ni Jeandric si Audrey, kaya kahit papaano, hindi mapapahamak ang buhay nito sa kamay ni Jeandric.Pero sa ibang bagay; gaya ng dangal; ibang usapan na 'yon. Bilang boyfriend at kaalyado ni Audrey, ramdam ni Kris na responsibilidad niya itong ibalik mula kay Jeandric.Tiningnan ni Jeandric si Kris sa rearview mirror. Halatang inis siya. Bigla niyang
Chapter 192: RegaloNASA kalagitnaan ng pagsasalita si Barbara nang bigla siyang napasigaw sa takot. Bigla na lang naging kakaiba ang pakiramdam ng katawan niya, parang masakit ang bawat parte. Hindi ito sobrang sakit, pero parang tinutusok-tusok na mahapdi.Tapos, may biglang nagsulputang maraming lalaking naka-itim na suit sa harap niya. Lahat sila may suot na sunglasses at may hawak na baril. Nakatutok sa kanya ang mga itim na dulo ng mga baril mula sa iba't ibang direksyon."Ahhhhh!"Napasigaw si Barbara at tinakpan ang ulo niya. Awtomatiko siyang tumalikod at tumakbong palayo. Pero pagharap niya, nakita niyang napapalibutan siya ng mga lalaking naka-itim. Wala na siyang matatakasan."‘Wag n’yo kong patayin, ‘wag n’yo kong patayin!" Umupo siya sa lupa habang tinatakpan ang ulo niya, tapos lumuhod parang aso, gumapang at hinila ang pantalon ng isa sa mga lalaki habang nagmamakaawa.Pero sa totoo lang, iba ang nakikita ng lahat ng tao sa paligid.Wala namang killer o baril. Ang toto
Chapter 191: PanlolokoGalit at nakakatakot ang itsura ni Barbara. Ang kutsilyo sa kamay niya ay kumikislap sa ilaw ng kristal, at ang dulo nito ay nakatutok diretso sa tiyan ni Skylar.Biglang dumilim ang mukha ni Jaxon, agad siyang yumuko at inakay si Skylar sa bewang, pinaikot para makaiwas.Habang umiikot sila, nagkalat ang buhok ni Skylar sa hangin, at ang dulo ng buhok niya ay dumampi sa ilong ni Jaxon, may dala itong amoy na sobrang bango.Tumingala si Skylar sa kanya. Ang mukha ni Jaxon ay kalmado, parang walang nangyayaring delikado kahit muntik na silang saksakin. Mahigpit lang siyang nakayakap kay Skylar habang umiikot ng elegante.Para silang nasa isang eksena sa drama kung saan nililigtas ng bida ang babae. Sa paningin ni Skylar, sobrang gwapo ni Jaxon.Namumula ang mukha niya at mabilis ang tibok ng puso, parang dalagang napaibig sa unang pagkakataon. Si Jaxon lang ang tinitingnan niya, wala na siyang ibang nakikita.Kumikinang ng kaunti ang mahahabang pilikmata ni Jaxon
Chapter 190: ScandalPAVILIONMay hawak na sigarilyo si Kris sa pagitan ng kanyang payat na mga daliri. Nasa bulsa ang kaliwang kamay niya habang nakatitig sa malabong tanawin ng gabi. Pumapalibot ang puting usok sa kanyang gwapong mukha.Nakatayo si Audrey sa may hagdan sa labas ng pabilyon. Tahimik siyang tumingin kay Kris ng ilang sandali. Naka-pulang evening dress siya at napakaganda sa ilalim ng buwan."Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ni Kris nang hindi siya nililingon.Ngumiti si Audrey at lumapit. "Ganyan ka palagi. Sampung taon mo na akong tinataboy. Buti na lang, hindi ikaw ang mahal ko. Kung hindi, matagal na siguro akong nasaktan ng sobra."Hindi nagalit si Kris. Inapakan niya ang sigarilyo at saka siya nilingon. "Ikaw ba 'yung nakarinig sa usapan namin ni Zandra?""Hindi ko naman sinadya. Malungkot lang ako noon, tapos napadaan ako at narinig ko.""Anong gusto mong sabihin ngayon?""Ano pa nga ba?" sabi ni Audrey. "Matagal na kitang hinahabol, kahit nakakahiya. Lahat
Chapter 189: PaghahanapMALAMIG ang hangin at tahimik sa paligid. Walang sumasagot kay Zandra. Kaya sumigaw siya ulit, “Sino ka? Lumabas ka na! Kung hindi, ako na ang lalapit sa 'yo at hindi ako magiging mabait!”Walang lumabas, kaya tinanong ni Kris, “Saan galing ang tunog?”Tinuro ni Zandra ang mga puno sa gilid ng hardin. Nilapitan ito ni Kris. Paglapit niya, biglang tumalon ang isang pusa at sinugod siya.Matalas ang mga kuko ng pusa at mukhang galit ito. Akala ni Kris ay isang rabid na pusa kaya agad siyang umiwas. Habang iniiwasan niya ito, may isang tao na nagtago sa likod ng puno ang biglang tumakbo palayo. Pagbalik ni Kris, wala na ang taong nakatago.“Kuya, nahuli mo ba?” tanong ni Zandra.Tahimik ang paligid, maliban sa malakas na ihip ng hangin at kaluskos ng mga dahon. Naka-kunot ang noo ni Zandra.“Wala? Baka namalik-mata lang ako.”Tahimik lang si Kris. “Sige na, papasok na ako, hahanapin ko si Skylar.” Naglakad na si Zandra, pero huminto muli at tinanong si Kris. “Kuy
Chapter 188: Totoong gusto"HUWAG kang mag-alala, Skylar. Kilala ko ang kapatid ko. Kahit ayaw niya, uunahin pa rin niya ang mas mahalaga. Tsaka engagement lang naman ‘to, hindi kasal. Kung ayaw niya talaga sa babae, puwede namang makipaghiwalay sa huli."Kalmado lang si Audrey. Hindi siya nag-aalala na hindi darating si Harvey. Nag-text na rin siya dito at alam niyang alam ni Harvey kung gaano kaimportante ito kaya siguradong pupunta ito."Okay, kung hindi nag-aalala ang ‘main character’, edi hindi na rin mag-aalala ang ‘audience’."Napailing si Audrey at inirapan si Skylar. "Kung anu-ano talaga sinasabi mo, Miss Skylar."Umiling si Skylar at gumawa ng nakakatawang mukha. "Tawagin mo na lang akong Mrs. Larrazabal. Ayoko na sa Miss Skylar, gusto ko na yung Mrs. Larrazabal."Nakita ni Audrey sa mga mata ni Skylar na seryoso siya, pero halatang ayaw ni Audrey itong tawagin na Mrs. Larrazabal, iyon ang titulong matagal na niyang pinapangarap para sa sarili.Pero hindi naman pinilit ni Sk
Chapter 187: DNA TESTKINABUKASAN, nagpadala ang clothing store ng mahigit sampung damit kay Yssavel para mapagpilian niya. Ito ang unang banquet na dadaluhan niya mula nang bumalik siya sa Pilipinas kaya kailangan niyang mag-ayos.Buong hapon siyang nagfitting sa cloakroom pero hindi pa rin siya makapili. Tinawagan niya si Xenara para tumulong pero hindi ito makontak.“Xenara...” Tawag niya habang lumalabas ng kwarto at sumisilip sa hallway pero walang sumagot. Kaya nagpunta siya sa kwarto ni Xenara at binuksan ito.“Xenara...” Wala ring tao sa loob.“Saan na naman napunta ang batang ’yon?” inis na sabi ni Yssavel, sabay balik sa kwarto. “Bahala na, ako na lang mamimili.”Si Jetter ay pabalik na sa army pagkatapos ng bakasyon. Si Jaxon naman ay bumalik sa ancestral house para ihatid ang kapatid. Habang umaakyat silang magkapatid, nasalubong nila si Yssavel sa hallway.Napansin agad ni Yssavel si Jetter at tinawag ito. “Jetter, tamang-tama ang dating mo. Pupunta si Mama sa banquet ng