Chapter 27: Kapalit"HARVEY, that's my name, Miss Skylar," dahan-dahang binanggit ng lalaki ang pangalan nito. "Harvey?!" Napakurap si Skylar, iniisip kung tama ba ang narinig niya. "Ikaw ba ang kapatid ni Audrey?" Si Audrey ay isang babaeng anak-mayaman tulad nina Jaxon at Jeandric. Magkaibigan sina Skylar at Audrey noon at nabanggit nito na may kapatid itong nagngangalang Harvey. Dahil sa kakaibang sexual orientation at lifestyle ni Harvey, nanirahan ito ng matagal sa ibang bansa kaya hindi pa ni Skylar nakikita si Harvey kundi ngayon pa lang. Bahagyang tumango si Harvey, sandali siyang tinitigan at saka nagsalita. "Huwag mong isipin na dahil kaibigan mo si Drey, papayag akong kalimutan ang one hundred million na utang ng ama mo." "Imposibleng magkaroon ng utang na one hundred million ang tatay ko. Hindi iyan naaayon sa patakaran ng underworld kasi wala naman siyang kakayahang magbayad ng ganung kalaki, maliban na lang kung sinadya niyong dayain siya," sagot ni Skylar. Alam
Isang malakas na tunog ng kung ano ang narinig mula sa linya ni Jaxon na ikinagulat ng lahat. Maging si Harvey ay napakunot noo at tila natigilan sandali. Blangkong nakatingin naman si Skylar sa cellphone kung saan naririnig ang boses ni Jaxon. Nai-imagine niya ang galit na mukha ni Jaxon - iyong parang handang pumatay para sa kanya dahil sa gulong dala ni Harvey sa kanya. Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil pakiramdam ni Skylar, may pakialam si Jaxon sa kanya. Nang makita ni Harvey na seryosong galit na si Jaxon, inalis nito ang speakerphone at diretsong bumalik sa pakay. "Mr. Larrazabal, hindi mo kailangang magalit ng ganyan. Hindi ko sasaktan si Skylar at hindi ko na rin kailangan ang one hundred million. Pero may pakiusap ako. Sana palayain mo si Quinn dahil pinasara mo ang isa naming casino." Quinn?! Bahagyang napakunot ang noo ni Skylar. Hindi pala siya ang dahilan kaya naroon si Harvey ngayon. Si Quinn na mukhang nakaaway ni Jaxon ang totoong pakay ni Harvey. Pero
Chapter 28: MaawainUMUPO si Caridad sa sahig at humagulhol nang malakas. Ang mga tao mula sa ibang ward at pasilyo ay nagtipon-tipon dahil sa komosyon. Nakita nilang nakaupo si Caridad sa sahig, may mga pasa sa mukha at braso na tila dahil sa pambubugbog, kaya agad silang naniwala sa sinasabi nitong kwento at galit na sinita si Skylar. "Ang tigas ng puso mo, hija! Inalagaan ka ng nanay mo nang buong pagsisikap. Madali ba iyon? Imbes na respetuhin mo siya, ginanito mo pa siya. Hindi ka ba natatakot sa karma, ha?" Para sa mga tao, ang pagiging mabuti sa magulang ay pinakamahalaga sa lahat. Sa paniniwala nila, ang mga anak na hindi marunong magpasalamat sa magulang ay dapat maparusahan. Karamihan sa mga nanonood ay matatandang lalaki at babae kaya't masyado silang emosyonal. Galit na hinila ni Skylar ang braso ni Caridad para itayo ito mula sa sahig. "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Hindi kita sinaktan!" Itinulak ni Caridad si Skylar palayo at itinuro ang kalahati ng kanyang mu
Habang pinapanood ang papalayong likod ni Caridad, mabigat ang pakiramdam ni Skylar. Hindi niya alam kung biyaya o sumpa ang tuluyang pagputol ng ugnayan nila ni Caridad. Mula sa kabilang dulo ng pasilyo, biglang narinig ang malalakas na yabag ng paa. Inalis ni Skylar ang mga matang nakamasid kay Caridad at tumingin sa pinagmulan ng yabag ng mga paa. Isang lalaki na may karismang nangingibabaw na napapaligiran ng mga lalaking naka-suit ang papalapit sa kanya nang buong tikas. Para iyong eksena sa isang drama na tila ang isang bida ng kwento na pararating ay may dalang napakalakas na charisma. Ang kilos nito ay puno ng gilas at dignidad, parang isang hari na bawat galaw ay nagpapakita ng kapangyarihan. Habang dahan-dahang kumurap ang mahahabang pilikmata nito at hindi naiwasan ni Skylar na matulala. Mula noong una niyang makita si Jaxon, alam na niyang napakagwapo at kaakit-akit nito, isang taong agaw-pansin kahit saan siya magpunta. At ngayong araw, pakiramdam ni Skylar na mas
Chapter 29: 99th confessionSa VIP Channel ng airportSuot ni Audrey ang isang itim na Chanel dress, naka-dark blue na reflective sunglasses, may hawak na Louis Vuitton limited edition handbag sa kaliwang kamay at abala sa pakikipag-usap sa cellphone gamit ang kanang kamay. Lumabas siya mula sa VIP channel ng airport na parang isang queen, kasabay ng kanyang mga assistant at bodyguard. Agad na sumigaw ang mga fans na nag-abang sa kanya sa airport. Nagtaas sila ng mga bandila at props na may pangalan niya habang sumisigaw. "Audrey, mahal kita! Goddess Drey, mahal kita! Reyna ng aming puso, mahal ka namin!" Napuno ng tao ang exit area sa sobrang dami ng fans. Malalakas ang sigawan at sobrang taas ng energy nila pero taliwas dito, si Audrey ay nanatiling malamig ang ekspresyon. Tuloy lang siya sa pakikipag-usap sa cellphone na nakasimangot. Hindi man lang niya binigyan ng ngiti o pansin ang mga fans niya. "Isa kang inutil! Ang simple lang ng trabaho, hindi mo pa magawa nang maayos!
"Audrey, tama na," sabi ni Jaxon na may malamig na boses at halatang galit."Audrey, tama na," ginaya ni Audrey ang tono ni Jaxon, bahagyang ngumisi, saka kinuha ang phone nito mula sa bag at nagpadala ng message sa group chat. To: all@everyone, may party sa Lumineers Club at magiging host si Master Jeandric. Invited kayong lahat pero limited lang ang pwedeng makasama kaya bilisan n'yo kung gusto n'yong sumama. "Who told you to invite some people?" taas-kilay na tanong ni Jaxon, halatang hindi maitago ang galit sa boses nito, dahil noong magpadala ng message si Audrey, kasama si Jaxon na na-notify. Hindi si Jaxon mahilig sa maingay na lugar at kung hindi lang dahil sa matchmaking nina Jeandric at Audrey, hindi nito sasayangin ang oras para samahan sila sa club. Hindi pinansin ni Audrey ang galit ni Jaxon, tinaas pa ang baba at matapang na nagsalita. "Gusto ko, eh!" Nagkasalubong ang matitinding aura ng dalawa. Si Skylar naman ay tahimik na nanonood habang nakikiramdam. Nakita
Chapter 30: DareHINDI SI AUDREY ang nakita nilang papasok kundi isang babae na naglalakad na parang nasa isa itong red carpet dahil sa kilos at mismong sa suot nitong damit. Ang pangalan nito ay Barbara. Pinsan ito ni Audrey at isang artista sa film and television company ni Audrey. Kahit marami na si Barbara na nagawang drama kasama si Audrey, hindi ito kailanman sumikat. Isa siyang classic example ng mga artistang hindi talaga mabigyan ng break sa industriya. Mas bata ng isang taon si Barbara kay Skylar. Bata pa lang ito, humahanga na ito sa kagwapuhan ni Jaxon. Kaya tuwing magkasama sina Jaxon at Audrey, palagi itong sumasama bilang pinsan ni Audrey para ipakita ang pagpapapansin nito kay Jaxon. Pero sayang lang ang lahat ng effort ni Barbara. Kahit na anong gawin nito ay hindi man lang 'to sulyapan man lang ng lalaki. Si Jaxon ay buong pusong in love kay Skylar, ni minsan hindi ito tinitingnan nang diretso. "Jaxon, Jeandric," bati ni Barbara nang magalang sa dalawang pinak
Pagpasok nila, nagbigay sila ng galang kina Jaxon at Jeandric. "Mr. Jaxon, Master Jeandric," bati nila. "Drey, ang tagal mo sa banyo! Kanina pa kita hinihintay," reklamo ni Jeandric, pero hindi maitago ang saya sa mukha nito nang makita si Audrey. Nakabihis na si Audrey ng pulang dress at nakatali ang buhok. Sexy at elegante itong tingnan, kaya ito ang agad na tumayo bilang pinaka-kapansin-pansin sa grupo. Tumigil ito sa harap ni Jeandric at kalmadong ipinaliwanag, "Nagpalit ako ng damit pagkatapos kong mag-restroom." Pagharap ni Audrey sa mga kasama, malawak ang ngiting pinawalan nito. “Si Jeandric ang host ngayon, marami siyang pera, kaya kain at inom lang kayo, huwag kayong mahihiya. Kapag may oras ako, ako naman ang mag-iimbita sa bahay ko para sa party.” “Wow, Goddess Audrey, ang galante mo talaga!” Agad na sumaya ang atmosphere sa kwarto. Yung iba’y nag-inuman, yung iba’y kumanta, kaya naging masaya at maingay ang paligid. Pagkatapos ng ilang tagay, halatang masama a
"Hmm?" Nag-angat ng tingin si Audrey mula sa strawberry platter, may 47-carat pink diamond ring sa bibig nito. "Alam kong bad mood ka lately, pero hindi naman kailangang gumastos ng ganito kalaki." Napakamahal ng dessert na ‘to, parang ang pera ng Lim family galing lang sa hangin."Maikli lang ang buhay, kaya dapat mag-enjoy habang kaya pa. Kakainin at iinumin ko na ang gusto ko habang buhay pa ako. Kung hindi, baka patayin ako ni Barbara at ng anak niya balang araw tapos ni hindi ko man lang naranasan ang masarap na pagkain," ani Audrey na parang walang pakialam, habang pinupunasan ang pink na diamond ring, inilagay nito iyon sa kahon ng alahas at iniabot kay Skylar. "Ano 'to?" Medyo kumunot ang noo ni Skylar, hindi niya maintindihan kung ano na naman ang trip ni Audrey. "Kunin mo. Ibigay mo kay Terra bilang regalo sa kanyang ika-18th birthday." Mabilis na tumanggi si Skylar, iniiling ang ulo. "Hindi, sobrang mahal nito. Hindi ko pwedeng tanggapin." Pinaningkitan siya ng mat
Chapter 35: Bati na ba tayo o hindiINAKALA ni Skylar na na si Audrey ay magpapakita ng ugaling isang nakatatandang kapatid at papagalitan si Barbara. Sasabihin nito na masyado si Barbara na makasarili at walang alam at ang ganitong ugali ay sisira sa magandang reputasyon ng kanilang negosyo. Pero hindi ni Skylar inaasahan na ang unang magsasalita ay ang matangkad na lalaki sa tabi niya. Si Jaxon. "Audrey, I want this store." Hindi ito tanong kundi utos. "Sige, aasikasuhin ko ang mga papeles para sa transfer mamaya." Isang luxury shop lang iyon. Hindi pipiliin ng Lim family na kalabanin si Jaxon dahil sa ganitong maliit na bagay. Halos maiyak si Barbara sa galit. Hindi lang tindahan ang nawala rito pati na rin dignidad nito. "Manager," malamig na sinabi ni Jaxon, kasabay ng bahagyang pag-angat ng labi nito. Takot na lumapit ang manager. "Mr. J-Jaxon, ano po ang kailangan ninyo?" Tiningnan ni Jaxon si Barbara nang malamig. "Tandaan mo ang mukha niya. Huwag na huwag mo siy
Tiningnan ng saleslady ang black card, bahagyang nanginig ang bibig nito at namula ang mukha sa kahihiyan. Napangiti si Skylar sa nakita at saka nagtanong. "Pwede mo na bang i-wrap ito para sa akin ngayon?" Nahihiya, tumango ang saleslady, nanginginig ang mga kamay habang kinukuha ang bracelet mula sa counter. Halos tumulo ang pawis nito sa noo sa kaba. Sa buong mundo, ang may hawak ng black card ay alinman sa mga sikat na personalidad o mga super wealthy people sa upper class. Alinman sa dalawa, hindi nito kayang bastusin o balewalain ang mga ito. Pero kanina, trinato nito nang masama ang may-ari ng black card na ito. Alam ng saleslady na literal na naghukay ito ng sarili nitong libingan. Habang nanginginig ang saleslady na kinukuha ang bracelet mula sa counter, pinilit nitong ngumiti at ipinaliwanag ang disenyo at craftsmanship ng bracelet kay Skylar, umaasa na makakabawi ito. Pero biglang sumulpot si Barbara. "Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ‘yan, akin na ang bracelet
Chapter 34: Kapatid sa labasBAHAGYANG tumaas ang kilay ni Audrey. "Alam mo bang si Barbara ang nagpakalat ng pekeng malaswang video mo?" Tumango si Skylar. "Oh..." Tinanggal ni Audrey ang sunglasses nito, tumingala sa langit at huminga nang malalim. Sa tiyak na tono, nagsalita ito. "Ibig sabihin, alam mo rin na ako ang nag-utos kay Jeandric na humanap ng scapegoat para sa kanya." Bahagyang tumango si Skylar. Kumunot ang noo ni Audrey at tumingin nang diretso sa mga mata ni Skylar. "Galit ka ba sa akin?" Umiling si Skylar. "Pinsan mo siya kaya natural lang na protektahan mo siya." Napangisi si Audrey at isinuot muli ang sunglasses. "Kung ako lang, gusto ko na ngang patayin siya." Nanlaki ang mga mata ni Skylar sa narinig dahil hindi niya inaaasahan iyon kay Audrey. Laging nakakaalalay si Audrey kay Barbara na parang babysitter na nga ito kaya ang malaman pala na may may galit pala si Audrey na sobrang lalim kay Barbara ay kagulat-gulat. Habang naglalakad si Audrey papa
"Gawin mo na lang ang inuutos ko. Ang dami mo pang sinasabi!" mariing sagot ni Jaxon na puno ng galit. Pagkatapos nito, agad niyang binaba ang tawag. Hindi naman niya gustong gawing komplikado ang lahat, pero ang problema, malinaw na ayaw ni Skylar magsalita tungkol sa nararamdaman nito. Kung gusto nitong magkwento, hindi sana ito umiiyak nang walang sinasabi. Mahimbing ang tulog ni Skylar, kaya hindi siya nagising kahit na nakarating na sila sa bahay. Dahan-dahang binuhat siya ni Jaxon papunta sa banyo. Tinanggal niya ang damit nitong amoy alak, hinugasan ang katawan niya gamit ang maligamgam na tubig at sabon, at pagkatapos ay inilagay siya sa kama at tinakpan ng kumot. Basa pa ang suot ni Jaxon habang nakaupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang bahagyang namumulang pisngi ni Skylar. Unti-unting nawala ang lamig sa kanyang mga mata, at yumuko siya para halikan nang marahan ang noo nito. "Good night," mahinang sabi niya, puno ng lambing. Kinabukasan, paggising ni Skyla
Chapter 33: Hinala"THEN TAKE it off. Tingin mo sinong natatakot sa gagawin mo, Skylar?" Desidido si Skylar sa banta kaya inabot niya ang zipper ng damit sa likod ng leeg niya at hinila pababa. Kitang-kita ang makinis niyang balat nang unti-unting lumilitaw dahil sa paghuhubàd niya ng damit. "Siraulo ka ba?!" Agad na lumaki ang mga mata ni Jaxon sa galit at mabilis na lumapit para pigilan siya. Lalo namang nasaktan si Skylar dahil sa matalas nitong boses. Tumingala siya at tinitigan si Jaxon, tapos ay bigla siyang umiyak. "Baliw ka talaga, Jaxon! Bakit mo ako sinisigawan..." Ang boses niyang puno ng hinanakit ay parang dagok sa puso ni Jaxon. "Tumigil ka nga!" Sigaw ni Jaxon, lalo pang nagalit dahil umiiyak siya. Gusto nitong paluin si Skylar para maramdaman nito kung ano talaga ang pagiging masungit. Pero mas lalo pang lumakas ang iyak ni Skylar. Namumula na ang mga mata niya habang bumubulong. "Ayoko tumigil... Buhatin mo ako... gaya ng dati..." Parang bata si Skylar na
"Skylar, hindi dahil kinakampihan ko si Barbara. Sa totoo lang, mas mahalaga ka sa akin kaysa sa kanya. Pero limang taon na ang nakalipas, nangako ako kay Audrey na papakawalan si Barbara. Ayokong sirain ang pangako ko kay Audrey, kaya..." malungkot na sabi ni Jeandric."Ganoon na lang? Titiisin ko lahat ng sakit at lulunukin na lang ang lahat ng hirap?!" Galit na galit si Skylar. Kung ibang bagay lang ito, baka hindi na niya pinagtuunan ng pansin dahil pinsan ni Audrey si Barbara. Pero ang insidenteng ito ang sumira ng malaking bahagi ng buhay niya. Hindi lang niya natapos ang pag-aaral at nawalan ng tsansa na makahanap ng maayos na trabaho, kundi pati ang dangal at pagkatao niya ay labis na naapektuhan. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya malimutan ang araw na nilait siya ng mga kaklase. Pinagsabihan siyang mababa ang moral at bastos - pakawala. Hinagis nila ang mga gamit niya, pinunit ang kanyang damit at pinaalis siya sa eskwela. May ilang lalaking kaklase rin na nanood ng v
Chapter 32: Ang totoong may sala"LIMANG taon na ang nakalipas, tinulungan ko si Barbara sa isang bagay. Pinasahan ko ang kapatid ko para i-upload ang isang malaswang video kung saan ang isang babaeng estudyante ay may nude videos. Pero nalaman ko kalaunan na may koneksyon pala ‘yung babaeng estudyante kina Jaxon at Jeandric. Kaya ayun, nakulong ang kapatid ko nang dahil sa kanila," sabi ng lalaki at napahinto na tila nabulunan. Pagkatapos ay nagpatuloy ito, "Si Barbara, ‘yang babaeng ‘yan, natatakot na kung mabunyag ko ang totoo, babalikan siya nina Jaxon at Jeandric dahil siya ang nag-utos n'on. Kaya hinahayaan niyang perahan ko siya nang paulit-ulit..." Nakainom na nang husto ang lalaki, kaya deretso nitong nasabi ang lahat. Kung nasa tamang isip ito, siguradong hindi nito sasabihin kahit kanino ang lahat, kasi katulad ni Barbara, takot din ito na gantihan nina Jaxon at Jeandric. Ang nangyari sa kapatid ng lalaki ang pinakamalinaw na halimbawa—nakakulong pa rin iyon hanggang nga
“Audrey!” sigaw ni Skylar, galit at namumula sa hiya. Talagang ang tanong nito ay palala nang palala. Malamig ang tingin ni Jaxon at nagsalita. “Kailangan mo ba ng ruler para sukatin?” Tiningnan si Jaxon ni Audrey nang may ngiti. “Kung willing kang sukatin dito sa harap ng lahat, maghahanap ako ng ruler.” “Okay, maglalaro pa ba tayo o hindi?” inis na tanong ni Jeandric at pinatay ang hawak na sigarilyo. Pagod na ito sa laro, lalo na’t hindi ito nakakakuha ng pagkakataong magtanong kahit kailan. Ang malas talaga nito. Lahat naman ng mata ay nakatingin kay Skylar na parang sinasabi na: 'Sagutin mo na, Skylar.' Nanlamig ang anit ni Skylar dahil sa mga titig nila. Umupo siya nang matuwid at medyo nanginig, 'A-Ako... pipiliin ko ang dare.' Hindi sa ayaw niyang sabihin ang totoo pero hindi naman niya nasukat kailanman ang “bagay” ni Jaxon, kaya wala siyang ideya sa sukat nito. Basta… hindi "maliit" si Jaxon. "Audrey, mag-isip ka na ng dare! Dali na!" sigaw ng grupo na aliw na ali