Nawala ang ngiti sa mukha ni Ashwin. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang natitirang pag asa sa puso niya ay naglaho sa isang iglap!“Sige, simulan na natin ang party,” Sa utos ni Iris, bumalik ang lahat sa upuan nila. Ang mood ay naging masigla na ulit.Ito ang kaarawan ni Iris. Sinamantala ng ilang executive ang masayang okasyon para mag alok ng toast kay iris at bumati ng congratulations upang magiwan sila ng magandang impresyon kay Iris.Noong una, gusto ni Iris na magtoast ng tsaa sa halip na wine, ngunit hindi siya makatiis sa gusto ng lahat. Nasa magandang mood siya ngayon, kaya nagdesisyon siya na uminom na lang ng wine.Gayunpaman, masyadong maraming nag alok ng toast sa kanya. Pagkatapos ng ilang katagalan, kahit na hindi mabigat ang wine, nagsimula nang maging pula ang mukha niya. Medyo lasing na siya.Maliban kay Iris, hindi rin ito naiwasan ni Leon.Pinabagsak niya si Ashwin at nabigla ang lahat sa kanya. Nag iwan siya ng impresyon sa karamihan ng mga tao d
Tinulungan ni Leon si Iris papunta sa kwarto nito.Ito ang unang beses na pumasok siya sa kwarto ni Iris. Ang disenyo ng lugar ay kaswal at nakakarelax. May ilang mga cute na manika sa kama at shelf.Malinis ang kwarto, at kahit ang hangin ay may kakaibang bango.Maingat na tinulungan ni Leon si Iris papunta sa kama.Mabagal ang tama ng wine. Habang pauwi, tila mas lalong nalasing si Iris.Sa sandaling ito, ang mga mata niya ay pula at malayo ang tingin niya. Iba ang itsura niya kumpara sa malamig at proud na ugali niya. Parang ibang tao siya ngunit may pambihirang akit pa rin siya.Napakaganda!Mas lalong nakakabighani si Iris kapag lasing siya!Mabilis ang tibok ng puso ni Leon habang tumitig siya sa makinis na mukha ni Iris, medyo nabigla siya.“Nauuhaw ako, gusto ko ng tubig…” Ang bulong ni Iris sa sarili niya.“Kukuha ako ng tubig para sayo,” Tila bumalik sa sarili si Leon at mabilis siyang kumuha ng tubig para kay Iris.Pagkatapos nito, tinulungan niyang bumangon si Ir
Sinampal ni Leon ang sarili niya sa mukha.Kahit na gusto niya maging matapang at ayaw niyang umamin ng pagkatalo sa kapalaran, at least ay dapat niyang ligawan ng tama si Iris para makuha ang pagmamahal nito.Ngunit, sinamantala niya ang pagiging lasing ni Iris. Kung may ginawa siya na sumosobra na, ito ay kawalan ng galang kay Iris! Magiging isang insulto ito kay Iris!Kapag gumising si Iris, baka habang buhay na mawala sa kanya si Iris!Ito ang isang bagay na hindi pwedeng tanggapin ni Leon!“Iris, patawad,” Puno ng pagsisisi ang mukha ni Leon habang sinubukan niyang hilahin palayo ang kamay niya.Gayunpaman, niyakap ni Iris ang braso niya, tumanggi ito na bumitaw.“Leon, ‘wag mo akong iwan…”“Masaya ako ngayong araw. Hindi ka ba pwede manatili na kasama ko ng kahit konti?” Tumingin si Iris kay Leon gamit ang kanyang magandang mga mata.Mag isa lang siya nitong nakalipas mga taon at masaya siya ngayong araw. Nararamdaman niya pa rin ang mood ng selebrasyon, hindi niya napag
Umiling si Iris.“Sige pala, aalis na ako.”Kaswal na sinabi ni Leon. Pagkatapos, tumalikod siya at umalis.Pagkatapos umalis ng villa, dumating si Leon sa tuktok ng bundok sa likod.Simula noong sinet up niya ang Energy Convergence Circle, kailangan niya lang magsanay ng dalawa hanggang tatlong oras araw-araw sa tulong nito.Natutulog siya ng gabi at gigising siya ng mga alas kwatro o alas singko ng umaga para magsanay sa bundok. Ang schedule ng tulog at pagsasanay niya ay perpekto ang tugma sa isa’t isa!Sa gitna ng circle, umupo si Leon ng nakakrus ang paa bago sniya nilabas ang clear pendant na nagpagana sa circle.Nagsanay siya ng higit sa isang oras.Ang spiritual energy ng circle ay gumana na habang nagsama-sama ito sa isang lugar papunta sa katawan ni Leon.Pagkatapos ng katagalan, napatalon ang katawan ni Leon habang dumilat siya bigla. May kinang sa kanyang mga mata.“Umabot na ako sa breakthrough!” Tuwang tuwa si Leon habang nakangiti ng masaya.Pagkatapos magsana
“Siguradong may mali lang!!” Ang malamig na sinabi ni Ashwin.“Nakita natin lahat kung ano ang nangyari. Nasaksihan ng lahat ang nangyari sa celebration party kagabi, kaya ano ang nangyari?” Nalilito si Michael.“Maaaring hindi totoo ang nakikita natin!”“Naghihinala ako na sinasadya ni Ariel na gawin ito!” Ang sabi ni Ashwin habang nakasingkit ang mga mata.“Ano ang kinalaman nito kay Ariel?” Hindi sigurado si Michael.“Syempre meron! Isipin mo. Si Ariel ang girlfriend ni Leon. HIndi ba’t normal para protektahan niya si Leon?! Hindi pwede pagkatiwalaan ang mga salita niya!” Ang sabi ni Ashwin.“Ang ibig mo bang sabihin ay peke ang imperial green necklace? Gumawa lang ng istorya si Ariel?” Naintindihan na rin ni Michael ang ibig sabihin ni Ashwin.“Baka hindi peke ang kwintas!”“Sa reputasyon ni Master Summers, hindi nagbibiro si Ariel gamit ang pangalan ng lolo niya. Sa tingin ko ay ginawa siguro ni Master Summers ang kwintas! Pero, hindi tayo makakasiguro na ang material ay a
Kuminang ang mga mata ni Ashwin.Pagkatapos ng celebration party kagabi, alam niya na intensyon ni Iris na sanayin si Leon.Bukod pa dito, nagawa ni Leon na paboran siya ni iris kagabi. Maliwanag ang kinabukasan niya!Kapag marami na ang karanasan ni Leon, ang posisyon ni Ashwin ay mapupunta sa panganib. Baka palitan siya ni Leon sa huli!Hindi niya ito pwedeng hayaan na mangyari!Kailangan niyang patayin si Leon bago pa maging matuto si Leon!Kailangan niya pigilan ang mga problema sa darating na panahon.“Mister Mercer, dati ko pa sinusubukan na palayasin si Leon sa kumpanya, pero tinutulungan siya ni Ariel. Hindi magiging madali para harapin siya. May magandang ideya ka ba kung paano?” Siya mismo ay muntik nang matanggal sa posisyon pagkatapos matalo sa pustahan noon. Maingat siya kay leon at napilitan siyang umasa kay Ashwin.“May ideya ako! Nakuha ni Leon ang partnership sa Wick Group para sa kumpanya. Mataas ang tingin sa kanya ni Miss Young at gusto ni Miss Young na magi
Pagkatapos ng mahabang sandali, binasa na ni Leon ang impormasyon at binaba niya ang dokumento na hawak niya.“Ariel, binasa ko na ang impormasyon. Tara at tumingin tayo sa factory.”“Sige,” Tumango si Ariel, at silang dalawa ay umalis ng opisina ng magkasama.Nang lumabas na sila ng opisina, nakarating na sila sa parking lot.Binuksan ni Ariel ang pinto ng BMW niya, at papasok na siya ng kotse nang tumingin siya sa likod. Mabilis niyang napansin na nakatayo lang si Leon sa lugar na parang isang puppet, tila walang plano si Leon na sumakay.“Leon, bakit nakatayo ka lang dyan? Dalian mo at sumakay ka na,” Ang sabi ni Ariel ng nalilito.“Ayos lang, pupunta ako doon sakay ang motorsiklo ko!” Tumuro si Leon sa motorsiklo niya.“Walang traffic ngayon. Maganda kung gagamit tayo ng kotse. Bakit gusto mong gamitin ang motorsiklo mo?” Ang nalilitong tanong ni Ariel.“Ano sa tingin mo? Ayaw kong maiwan ulit habang papunta!” Tumingin ng masama si Leon kay Ariel.“Ikaw…” Biglang namula an
Sa loob ng factory office, nakilala ni Leon at Ariel ang factory manager na si Guido Boyd. Siya ay medyo mataba na lalaki at nakasuot siya ng business suit.Si Guido ang may hawak ng day-to-day operations ng factory, siya ang nangangasiwa ng ilang mga proseso kabilang na ang production, shipment at quality inspection. Parte rin siya ng top management ng kumpanya at maaarin rin ikunsidera na isa mga big shots.Pero, si Leon at Ariel ay mga high-ranking na tao na pinadala ng head office para tignan ang factory, at sila rin ang mga taong may hawak ng cooperation sa Wick Group, partikular na si Ariel, siya ay kinukunsidera na makapangyarihang tao na kabilang sa head office, kaya kailangang mag-ingat ni Guido sa kanila.“Miss Summers, Mister Wolf, hayaan niyo akong samahan kayo sa workshop.” magalang na pagalok ni Guido.“Okay lang, Mister Boyd. Hindi planado ang pagbisita namin ni Mister Wolf. Titignan lang namin ang sitwasyon dito. Ituloy niyo lang ang mga ginagawa niyo. Maghanap ka l