Kumandong siya kay Liam. Sumubsob siya sa leeg nito upang magsalita at madinig nitong mabuti ang kanyang sasabihin. Kaso ay sobrang lasing na ito at hindi na yata naiintindihan ang mga sinabi niya. Nag-isip siya ng paraan para makausap ito dahil bantay sarado din siya ni Lolo Artemio. Kapag nakatunog ang bantay niya na nawawala siya ay tiyak na isusumbong siya. Kailangan niyang magmadali.Plano niyang dalahin sa banyo si Liam at buhusan ng tubig para mahimasmasan. Ang bigat ng binata. Ngayon lang niya nakita itong sobrang lasing. Hindi niya ito mabuhat o maiangat man lang sa sofa. Sumuko na siya. Kumuha siya ng tissue paper at nagsulat ng note kung saan sila pwedeng magkita. Binigyan niya ito ng instructions. Ipinasok niya sa bulsa ng jacket nito ang tissue. Sana ay mabasa nito.Kinuha ni Lolo Artemio ang sim card niya at pinalitan ng bago. Nasa pangalan nito ang sim na ipinagamit sa kanya kaya malalaman nito ang lahat ng messages at calls niya. Hiningi din nito pati passwords ng soci
Hinila si Mika ng kamay ng isang lalaki sa madilim na sulok at dinala siya sa storage room. Tinakpan nito ang kanyang bibig kaya hindi siya makasigaw. Nahintakutan siya. Hinarap siya ng lalaki. Si Liam!“Anong ginagawa mo dito? Baka mahuli ka ng security,” bulong niya na puno ng pag-aalala.“Siyempre dinadalaw ka. Akong bahala. May kasalanan ka sa akin na dapat mong pagbayaran.”Isinandal siya nito sa wall ng storage room. Siniil siya ng halik ng binata. Halos madurog ang labi niya. Ramdam niya ang pananabik ng asawa. Gumanti siya ng halik. Halik na walang kasing tamis. Naramdaman niyang gumagapang ang kamay ni Liam sa kanyang katawan. Pinigil niya ito.“Baka makita tayo ni Lolo Artemio. May CCTV ang bawat sulok ng bahay,” aniya sa pinakamahinang boses.“Huwag kang mag-alalala. Kontrolado ni Zion ang CCTV monitoring ng bahay na ito,” bulong nito sa kanyang tenga na bahagyang kinagat.Dumampi ang halik nito sa kanyang leeg at balikat. Pinisil ng binata ng dalawang kamay ang kanyang puw
“Sigurado akong hindi mo ipuputok ‘yan. Maraming impormasyon at kayamanang mababaon kapag pinatay mo ako ngayon,” ani Liam kay Marco.Ibinaba ng matanda ang baril. “Tama ka, hahanap ako ng perfect timing para burahin ka sa mundong ito kasama ng ganid mong lolo.”“Tsaka kaya mo bang patayin ang sarili mong anak?”“Oo, naman. Kaya kitang itumba.”“Kung mamamatay tao ka, ikaw nga ang totoong pumatay kay tatay Diego? Tama ba?”Humahangos ang tatlong tao ni Marco. “Sir, may gulo sa casino. May mga nagdatingang pulis.”Agad na tumayo si Marco at sumunod sa mga tauhan nito.“Sampung araw, hihintayin kita sa PLCC,” habol niya.Lumakad na siya palabas ng opisina nito at lihim na nangiti. Siya ang nagsumbong ng iligal na casino nito sa San Marcelino.Nasa sasakyan na sila ni Zion. “Boss, nakita mo ba mga armas nila? Parang naghahanda sa World War III. Nakakatakot. Kailangan nating magdagdag ng armas.”“Lalaban tayo ng hindi gumagamit ng dahas. Walang dapat madamay na inosenteng tao.”“Mainam la
Nadinig niya ang sinabi ni Lolo Artemio. Maliwanag na ang kausap nito ay nagtatrabaho sa ospital. Kaya ba madalas ang matanda doon kahit mukha naman itong walang sakit? Kailangan niyang alamin kung sino ang kasabwat nito. Hindi naman siguro ang daddy niya. Biglang kumabog ang kanyang dibdib.Napansin ni Liam ang pagkatulala niya. “Mika, huwag mong alalahanin ang nadinig mo. Kami na ang bahala ni Zion. May mga suspect na kami.”“Sino? Sino ang mga suspect ninyo? Bakit hindi ninyo man lang sinabi sa akin.”“Kami na ang bahala. Sabi naman sa’yo. Alagaan mo na lang si Enzo. Huwag ka munang pumasok sa ospital. Huwag matigas ang ulo mo.”Tumango na lamang siya. Ngunit hindi siya mapakali. Iniisip niya kung sino ang posibleng suspect.Niyakap siya ni Liam. Inalis niya ang mga kamay nito. “Eto na naman tayo, hindi mo na naman sinasabi sa akin,” aniya. May tampo ang kanyang tinig.“Mahal ko, ayoko lang na mag-alala ka.”“At sa tingin mo ngayon ay hindi ako nag-aalala?”“Mika. Huwag na tayong m
Binuksan ni Liam ang loud speaker upang madinig din niya ang usapan.“Si Ernesto Dimagiba. Naalala mo ang isa sa kinuhanan mo ng paternity test?”“Oo, naalala ko siya. Anong nangyari?”“Car accident din, may bumanggang truck. Pero hindi ito nakaligtas. Sumabog ang kotse nito kaya hindi na umabot ng buhay sa ospital. Lasing din ang driver ng truck at kusang sumuko sa pulis.”“Sige, salamat. Paki-check kung sino ang may-ari ng mga truck company na dawit sa mga aksidenteng kinasangkutan ng miyembro ng White Web Mob. Makibalita ka sa issue na ‘yan. Baka may kinalaman si Marco. Kailangan nating makaipon ng mabigat na ebidensya laban sa kanya. Ang video ng pagpatay kay Noli dela Torre ay hindi matibay na ebidensya. Itinali niya sa railing pero putol na ang video. Posible pa siyang makalusot.”“Sige. Hindi tumitigil ang mga tao natin sa paghahanap ng ebidensya.”“Kumusta na nga pala kayo diyan sa bahay? Si baby Enzo?”“Okay naman kami. Tulog na si baby Enzo. Panay ang tawanan namin kanina. B
Sinalubong niya ng tingin ang kaharap. “Marco, huwag mo akong paikutin. Sino pa ba ang may malaking motibo para ubusin ang miyembro ng White Web Mob? Hindi ba at ikaw upang masolo mo ang kayamanan?”“Mahalaga ang kapatiran sa grupo. Alam ‘yan ng bawat miyembro. Kaya nga nagalit sila kay Diego. Kinuha niya ang lahat ng yaman na dapat ay paghahatian.”“Kaya mo pinatay ang kinikilala kong ama? Dahil sa kinuha niya ang pinaghirapan niya. Ayon kay Atty. Flores, ang ama ko ang nagpalago ng negosyo lalo ang minahan na nag-aakyat ng limpak na salapi sa samahan ninyo.”“Hindi ako ang pumatay kay Diego. May nanakot sa akin kaya ako umamin sa pulis. Hawak nila noon ang asawa at isa ko pang anak. Ang sabi ay tutulungan nila anong makalaya na hindi nila ginawa kaya gumawa na ako ng paraan para makatakas sa kulungan.”“Sino ang taong nanakot at nag-utos sa’yo?”“Hindi ko kilala, tauhan lang niya ang kumausap sa akin.”“Wala kang suspect?”Huminga ng malalim ang kaharap. “Si Artemio. Ngunit wala nam
Naabutan ni Zion si Alona na nagwawala habang hawak ng dalawang guwardiya. Lasing ang babae at inagaw ang baril ng isa sa security ng hotel. Nagpaputok ito ng baril sa itaas ng ceiling. Mabuti na lamang at walang tinamaan at nasaktan sa insidente.“Andrei, ako ang dapat mong pinakasalan. Hindi ang taga-iskwater na ‘yan! Mang-aagaw ka, Nessa!” hiyaw nito habang hinihila palabas ng mga security.Naawa si Mika kay Alona. Alam niyang dahil sa pagmamahal kay Andrei kaya nito nagawa ang ganoong bagay. Hindi lang ilang ulit nagpupunta sa ospital at nagmamakaawa kay Andrei ang babae. Ngunit nagdulot ito ng kaguluhan sa kasal kaya talagang papaalisin ito ng security. May imbitasyon ang pamilya nito dahil magkaibigan ang mga magulang ni Alona at Andrei.Umuwi na sina Mika at Liam. Masaya na makasaksi ng pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Para bang na-iinlove siya all over again kahit hindi naman siya ang ikinasal. Ibinalita din ng bagong kasal ang pagdating na isa pa nilang anak.
Nadinig ni Liam ang pagpunit sa envelop ni George. “Sir, probability of paternity is zero,” sabi nito sa kanya sa kabilang linya. Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Totoo nga ang sinabi ni Marco Saavedra. Sino ang kanyang ama? Ang ina lamang niya ang makakasagot.Nagpadala siya ng mga tao upang bantayan si Marco Saavedra. Nagkaroon ito ng heart attack dahil sa aksidente. Kasalukuyan itong nasa ICU. Hindi malayong isunod ito ni Dr. Ramirez. Nasa seminar ito sa ibang bansa sabi ni Mika. Ngunit natitiyak niyang may mga tao itong kayang utusan. Hapong hapo siya ng dumating ng bahay. Sinalubong siya ng asawa at niyakap ng mahigpit.“Liam, grabe ang pag-aalala ko. Mabuti at walang masamang nangyari sa’yo sa aksidente sa minahan. Abot abot ang dasal ko para sa kaligtasan mo.” Hinaplos nito ang kanyang mukha.Paano niya sasabihin dito ang natuklasan na ang kinikilala nitong ama ang pasimuno ng lahat at ang kriminal na matagal na niyang hinahanap na pumatay sa tatay niya? Paano kung kasabwat