Share

Kabanata 102 Twisted Truth

Naabutan ni Zion si Alona na nagwawala habang hawak ng dalawang guwardiya. Lasing ang babae at inagaw ang baril ng isa sa security ng hotel. Nagpaputok ito ng baril sa itaas ng ceiling. Mabuti na lamang at walang tinamaan at nasaktan sa insidente.

“Andrei, ako ang dapat mong pinakasalan. Hindi ang taga-iskwater na ‘yan! Mang-aagaw ka, Nessa!” hiyaw nito habang hinihila palabas ng mga security.

Naawa si Mika kay Alona. Alam niyang dahil sa pagmamahal kay Andrei kaya nito nagawa ang ganoong bagay. Hindi lang ilang ulit nagpupunta sa ospital at nagmamakaawa kay Andrei ang babae. Ngunit nagdulot ito ng kaguluhan sa kasal kaya talagang papaalisin ito ng security. May imbitasyon ang pamilya nito dahil magkaibigan ang mga magulang ni Alona at Andrei.

Umuwi na sina Mika at Liam. Masaya na makasaksi ng pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Para bang na-iinlove siya all over again kahit hindi naman siya ang ikinasal. Ibinalita din ng bagong kasal ang pagdating na isa pa nilang anak.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pag-aabang sa bawat kabanata.
goodnovel comment avatar
Charie Ramos Garcia
sana matuklasan na Kong cno tlga mastermind sa LAHAT....more update pa PO please!!!!!...…
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa pagsubaybay. Malapit na po ang inaabangan nating lahat!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status