Naabutan ni Zion si Alona na nagwawala habang hawak ng dalawang guwardiya. Lasing ang babae at inagaw ang baril ng isa sa security ng hotel. Nagpaputok ito ng baril sa itaas ng ceiling. Mabuti na lamang at walang tinamaan at nasaktan sa insidente.“Andrei, ako ang dapat mong pinakasalan. Hindi ang taga-iskwater na ‘yan! Mang-aagaw ka, Nessa!” hiyaw nito habang hinihila palabas ng mga security.Naawa si Mika kay Alona. Alam niyang dahil sa pagmamahal kay Andrei kaya nito nagawa ang ganoong bagay. Hindi lang ilang ulit nagpupunta sa ospital at nagmamakaawa kay Andrei ang babae. Ngunit nagdulot ito ng kaguluhan sa kasal kaya talagang papaalisin ito ng security. May imbitasyon ang pamilya nito dahil magkaibigan ang mga magulang ni Alona at Andrei.Umuwi na sina Mika at Liam. Masaya na makasaksi ng pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Para bang na-iinlove siya all over again kahit hindi naman siya ang ikinasal. Ibinalita din ng bagong kasal ang pagdating na isa pa nilang anak.
Nadinig ni Liam ang pagpunit sa envelop ni George. “Sir, probability of paternity is zero,” sabi nito sa kanya sa kabilang linya. Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Totoo nga ang sinabi ni Marco Saavedra. Sino ang kanyang ama? Ang ina lamang niya ang makakasagot.Nagpadala siya ng mga tao upang bantayan si Marco Saavedra. Nagkaroon ito ng heart attack dahil sa aksidente. Kasalukuyan itong nasa ICU. Hindi malayong isunod ito ni Dr. Ramirez. Nasa seminar ito sa ibang bansa sabi ni Mika. Ngunit natitiyak niyang may mga tao itong kayang utusan. Hapong hapo siya ng dumating ng bahay. Sinalubong siya ng asawa at niyakap ng mahigpit.“Liam, grabe ang pag-aalala ko. Mabuti at walang masamang nangyari sa’yo sa aksidente sa minahan. Abot abot ang dasal ko para sa kaligtasan mo.” Hinaplos nito ang kanyang mukha.Paano niya sasabihin dito ang natuklasan na ang kinikilala nitong ama ang pasimuno ng lahat at ang kriminal na matagal na niyang hinahanap na pumatay sa tatay niya? Paano kung kasabwat
Nanginginig ang kamay ni Liam habang tinatawagan si Mika. Unattended ang phone nito. Hindi ito nagpapatay ng cellphone. Matindi na ang kabog ng kanyang dibdib. Ang security naman ni Mika ang kanyang tinawagan.“Hello, Tim. Nasaan si Mika ngayon?”“Sir, nasa bahay po ni Lolo Artemio. Kanina pa pong mga isang oras na sila ni baby Enzo sa loob.”“Pumasok ka ngayon sa bahay. Gusto kong makausap si Mika. Ngayon na! Huwag mong ibaba ang telepono.” Mariin niyang sabi.Halos hindi siya humihinga. Dinig niya ang nagmamadaling yabag ng bodyguard.“Don Artemio, nasaan po si Ma’am Mika? Gusto daw pong makausap ni Sir Liam,” sabi ng bodyguard.“Hello, Liam.” Tinig ni Lolo Artemio.“Gusto kong makausap si Mika.” Halos hindi lumabas sa labi niya ang mga salita. Pigil ang kanyang paghinga sa sagot ng matanda.Nadinig niya ang halakhak nito. “Apo ko, kung gusto mo pang makita ng buhay ang mag-ina mo. Gumawa ka ng kasulatan na ililipat mo sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian mo at bigyan mo ako ng tse
Bakit siya tinawag na anak ni Ms. Castro? Lumapit siya dito. Tila may nais itong sabihin ngunit hindi na nito maibuka ang bibig. Hinaplos nito ang kanyang mukha bago mawalan ng malay. May putukan ng baril sa labas ng lumang mansyon.Nagkagulo na at nagpang-abot ang dalawang grupo. Dumating si Zion at ang kanilang team upang lumaban sa mga tauhan ni Lolo Artemio.Iniwan niya si Ms. Castro sa kanyang bodyguard. Utang niya sa nurse ang kanyang buhay. “Zion, ikaw na muna ang bahala kay Ms. Castro, hahanapin ko si Mika at baby Enzo.” Inabutan siya nito ng dalawang baril upang maproteksyunan niya ang sarili.“Mika, Mika.” Umiiyak na tawag niya sa asawa. Baka mapahamak ang mga ito. May umiiyak na sanggol sa loob ng bahay. Ngunit hindi niya makita ang mag-ina. Natitiyak niyang tinatarget ito ni Lolo Artemio. Kailangang siya ang maunang makakita sa asawa at anak.May mga pulis ng dumating na nakapalibot na sa labas ng bahay. Alam niyang lalaong magagalit ang matanda. Nawala ang iyak ng sanggo
Agad nilang tinignan ang CCTV footages. Sumakay ito sa elevator. Hinabol nila si Lolo Artemio kasama ang ibang pulis. Pupunta itong sa parking at tatakas. Inabutan nila ito. Hawak nito ang balikat. Dumudugo ang sugat ng matanda. Ngunit may hawak itong baril kaya hindi sila makalapit.“Lolo Artemio, sumuko ka na. Hindi pa huli ang lahat, maari pa kayong magbagong buhay. Tutulungan ko kayo.”“At sa tingin mo ay maniniwala ako sa’yo! Alam kong mabubulok ako sa bilangguan!”“Hindi ka namin ipapakulong, makinig ka lolo Artemio. Hindi man tayo naging close, pero mahal kita. Buhay si Lucinda. Buhay ang anak mo. Maari tayong magsama at maging masaya.”“Patay na si Lucinda! At hindi ko naman siya tunay na anak! Wala akong pakialam kung buhay o patay siya! Anak siya ng ibang lalaki. Kaya ako galit na galit sa inyong mag-ina. Nakuha ninyo ang yaman na dapat ay sa akin!”Nagpaputok ito ng baril ng akmang may pulis na lalapit.“Lolo Artemio, sumuko na po kayo! Ibaba ninyo ang baril,” sigaw ni Liam
Huminga si Liam ng malalim. Ayaw niyang masira ang bakasyon nila. “Sige, tawagan mo ako mamaya para sa update. Sana ay hindi nawala ang limang bilyon. Pakisabi sa IT department, ayusin nila ang problema. Higpitan pati ang cyber security. Baka pati system natin mapasok ng hacker. Malaking problema kapag nagkataon.”“Okay po, sir. Tatawag po ako agad kapag may importanteng dapat ninyong malaman.”Agad niyang ibinaba ang telepono ng lumapit ang asawa. Hindi muna niya sasabihin kay Mika ang problema. Baka masira ang birthday nito. Ngayon pa naman ang saktong kaarawan nito. May konti siyang surprise para dito mamaya. Mauunang umuwi ang kanilang pamilya at kaibigan. Gusto niyang masolo si Mika. Masyado silang naging busy sa mga nangyari.Naghanda siya ng dinner sa tabi ng dagat. Ipinahanda niya ang lahat ng paborito nitong pagkain.“Wow naman, ang sweet ng asawa ko. Thanks, Liam.”Hinila niya ang upuan para makaupo na ang asawa. May tumutugtog din ng violin ng mga paboritong kanta ni Mika.
Sinagot ni Lovely ang tawag at nagmamadaling bumalik sa loob ng opisina. Sumunod din siya. At bakit tinatawagan ni Liam si Lovely? Malilintikan sa kanya ang asawa!Halos sabay silang iniluwa ng pinto papasok sa opisina ni Liam. Si George ang bumungad at tila nakaabang na. “Ms. Lovely, naiwan po ninyo ang microphone at flask drive ng hinihingi ninyong kopya ng videos ng bagong branch. Sige po, salamat.” Magalang nitong itinaboy ang babae na hindi na nakapagsalita.Binunggo niya ito ng bahagya upang makapasok at makalapit sa asawang nakatalikod at kumakain na ng lunch na dala niya kanina. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman pala nagtataksil ang asawa. Paranoid lang siya.Tinakpan niya ng kamay ang mata ng binata. Nagulat ito ng bumalik siya. “Mabuti at bumalik ka tara at kumain ka na din, sabay na tayo.”Kumuha ito ng isa pang plato at kutsara at tinidor sa maliit na kitchen sa loob ng opisina. Sabay silang kumain. Pinagmasdan niya ang asawa. Mas lalo itong naging gwapo at matipuno s
Wala namang kakaiba sa impormasyong nakuha tungkol kay Karlo. Laki ito sa hirap at nakulong dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan. Halos sabay silang napasok ng kulungan, nauna lamang siya ng ilang araw. Sinadya niyang makulong ng panahon na iyon dahil gusto niyang makausap si Marco Saavedra. Nagnakaw sila sa ng bahay ng isang mayamang pulitiko. Sinadya niyang magpahuli sa mga pulis upang makapasok sa kulungan. Naalala niya na iniligtas niya si Karlo sa riot. Kaedad ni Mika ang lalaki, mas matanda siya ng dalawang taon.Malaki ang utang na loob niya kay Karlo dahil sa pagkakaligtas nito sa kanila ni Mika kaya tutulungan niya ito. Gayundin si Benjie na naging kasangga niya sa loob ng kulungan. Lahat ng tao kahit pa nabilanggo at nakagawa ng pagkakamali basta nagsisi at nagbagong buhay ay may karapatang muling bumangon at mamuhay ng marangal.Inalis na niya ang anumang masamang hinala kay Karlo. Baka naman nadala lang siya ng selos.Hanggat maaari ay hindi siya nag-oovertime sa opisi