Paano niya ipagtatanggol si Liam kung ang lahat ng ebidensya ay nagtuturo na ito ang pumaslang kay Jasmin? Inosente nga ba ang nobyo? Kahit sino ang makakita ng ebidensyang inilatag ng mga pulis ay maniniwalang siya ang salarin.Paano niya matutulungan si Liam? Posible siyang maging saksi sa resort kung saan naganap ang unang pagtatangka sa buhay ni Jasmin. Katabi niya ang binatang matulog. Kasama din niya ito sa araw na matagpuan ang bangkay ni Jasmin sa ilog. Sinundo siya nito sa ospital. Ngunit may time lapse sa mga oras na kasama niya ang binata at ng maganap na krimen. Naniniwala pa din siya na hindi magagawa ni Liam ang pumatay.Dinalaw niya ito at dinalahan ng gamit at pagkain. Labis ang kanyang pag-aalala. Ngunit wala siyang magawa para sa nobyo.“Liam, natatakot ako. Paano kapag nadiin ka sa kaso?”Inilabas ni Liam ang kamay sa kulungan upang mahawakan ang kanyang mukha. “Malinis ang kunsensya ko, Mika. Hindi ko magagawang patayin si Jasmin. Huwag kang mag-alala mapapatunayan
Luminga siya sa paligid. Parang normal ang lahat at pangkaraniwang araw lamang para sa iba. Ngunit nanginginig ang kanyang buong katawan. Ano ang kanyang gagawin? Totoo kayang may bomba sa loob ng korte? Totoo man o hindi, ang kaligtasan ng lahat ang dapat unahin.Madaming tao ang posibleng malagay sa panganib ngayon lalo ang mga mahal niya sa buhay. Kailangang magpakatatag siya at magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat.Mag-uumpisa na ang kanyang salaysay. Pumikit siya. Pilit inaawat ang luhang gustong pumatak. Muli niyang sinulyapan si Liam. May gusto siyang ipahatid dito ngunit nanatili itong nakayuko.Tinanong na siya ang kabilang kampo ngunit hindi niya maibuka ang bibig. Hindi niya kayang ilaglag si Liam at iwan sa ere. Si Liam ang kahuli-hulihang taong magagawa niyang saktan. Pero paano kung sumabog ang bombang sinasabi ng abogado? Naninikip ang kanyang dibdib. Hindi pa siya natatakot ng ganito katindi sa buong buhay niya.Inulit ng abogado ng kabilang kampo ang tanong. “Ayon s
Nanginginig ang mga kamay ni Nessa ng titigan ang resulta ng pregnancy test. Dalawang pulang guhit ang nakita niya. Napasandal siya sa pader. Positibo. Buntis nga siya.Napamura siya. Isang beses lang nangyari. Nakabuo agad sila ni Andrei. Hindi siya makapaniwala. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Nilamon siya ng pangamba. Paano ba maging isang mabuting ina? Iniwan siya sa bahay ampunan ng kanyang ina ng siya ay anim na taong gulang. Doon sila nagkakilala ni Liam na isa ding batang lagalag ng iwan naman ng nanay nito sa istasyon ng bus.Binalikan siya ng tiyahin sa bahay ampunan. Akala niya ay aalagaan at pag-aaralin siya. Ginawa lang siyang alila nito sa bahay na kanyang tiniis. Ang sabi nito ay mayaman ang kanyang ama. Katulong ang kanyang ina at nabuntis ng anak ng amo. Ilang taon din niyang hinanap ang tunay na ama. Pinuntahan niya ito sa mansion ngunit ipinagtabuyan siya nito. Sandaling hindi niya makakalimutan. Kawawang kawawa siya. Umuulan pa ng araw na ‘yon. Kung minsan ay napa
Alam niyang ito ay panaginip lamang dahil galit si Liam sa ginagawa niyang pagdiin dito sa korte. Nanatiling nakasara ang kanyang mga mata. She really missed him. Gusto niyang maranasang angkining muli ng binata kahit sa panaginip lamang.Naramdaman niya ang mga kamay na humahaplos sa kaniyang katawan. Sinapo nito ang kanyang dibdib. Napaliyad siya ng lamasin ng kamay ang kanyang dalawang bundok. Naglakbay ang palad sa kanyang mga hita. Napaawang ang kanyang labi sa bumabangong pagnanasa sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang pagpatong ng lalaki sa kanyang ibabaw. Iminulat niya ang mata. Hindi na ito panaginip!“Liam?!” Niyapos niya ng mahigpit ang binata. Umagos ang luha sa kanyang mga mata.“Shhhhh. Huwag kang umiyak. Sabi sa’yo babalik ako, hindi ba?”“Liam, ang nangyari sa korte, wala akong magawa. Tinakot ako ng abogado. May bomba daw sa ilalim ng upuan mo. Takot na takot akong mapahamak ka.”“Alam ko, binabasa ko ang lahat ng sulat na ipinapadala mo. Ang mga sulat mo ang nagbib
Wala na silang matatakbuhan ni Liam. Nakita niyang bumunot ito ng baril sa tagiliran. Armado pala ito.Umiiyak na siya sa labis na takot. “Liam, sumuko ka na. Gagawan natin ng paraan na mapatunayan na wala kang kasalanan.”Hindi niya inaasahang kinabig ng binata ang kanyang leeg at mas nagimbal siya ng maramdaman niya ang baril na nakatutok sa kanyang ulo.“Walang lalapit! Papatayin ko ang babaeng ito! Hayaan ninyo kaming makatakas,” anito sa mga pulis.Kasinungalingan lang ba ang lahat ng sinabi ng nobyo? Ginamit lang ba siya nito upang makatakas? Plano lang ba siyang gawing hostage? Ang daming tanong sa kanyang isip. Her heart was broken into million pieces.Ngunit walang nabago sa nararamdaman niya. Wasak man ang puso niya. Isang pangalan pa din ang isinisigaw nito. Si Liam. Sa kaibuturan kanyang puso gusto pa din niyang maniwala sa pagmamahal na ipinangako nito.Nakita niyang tumatakbo ang ama palapit sa kanila ngunit pinigilan ito ng mga pulis.“Huwag kayong magpapaputok! Liam, h
Nasisiraan na ito ng bait. Paano kung mahuli ito ng mga pulis? Tumingin siya sa bintanang salamin. Nakita niyang nakaupo ito sa tabi ni Mika. Umuuga ang balikat nito. Alam niyang umiiyak ito sa sinapit ng nobya.Kailangang libangin niya si Gemma. Baka mapansin nito ang binata sa loob.“Gemma, baka nagugutom na ka na o gusto mong magpahinga. Ako na ang bahalang magbantay kay Mika.”“Sure ka? Kailangan ko din kasing matulog at may duty pa ako bukas.”“Oo, sige, hihintayin ko ang mga magulang ni Mika.”Tumayo ang dalaga at akmang sisilip sa loob. Makikita nito si Liam! Nag-iisip siya ng paraan kung paano ito papatahimikin. Suntukin na lang siguro niya sa mukha ng makatulog. Hindi pa naman ay nakukunsensya na siya.“Sige, aalis na ako. Maraming salamat.” Tila wala naman itong nakita.Agad siyang sumulyap sa loob ng ICU, wala nga si Liam. Pumasok siya sa loob.Nakita niya ito sa likod ng pinto. Bakas sa mukha nito ang pagod at lungkot.“Liam, bilisan mo at baka dumating ang mga magulang ni
Lumipad ang mga araw, linggo, at taon. Ang panahon ay tila tubig sa ilog na patuloy sa pagdaloy at hindi na muling babalik pa.Nakatanaw si Mika mula sa bintana ng eroplano sa madilim na kalangitan. Pabalik na siya sa Pilipinas makalipas ang limang taon na pagsasanay sa Amerika. Isa na siyang ganap na duktor. Gusto niyang magsilbi sa bayang sinilangan kaya siya babalik.Naglalakad siya palabas ng airport. Susunduin siya ng mga magulang. Isang taon din silang hindi nagkita. Miss na miss na niya ang mga ito. Sobrang daming tao sa airport kaya nagpasya siyang tawagan ang ama.“Hello, Dad. Nasaan na ang po kayo? Nasa terminal 1 po ako.” Natanaw niya ito kasama ang kanyang ina. Mahigpit niyang niyakap ang mga magulang. Isa pa sa dahilan ng pagbabalik niya ang mga magulang. Tumatanda na sila at gusto niyang sulitin ang natitirang panahon upang makabawi sa mga ito.Ang traffic ay walang ipinagbago noon at ngayon. Usad pagong ang mga sasakyan. Napansin niyang dumami ang mga building at malala
Sabay silang napalingon ni Andrei sa pinaggalingan ng sigaw. Pigil ang paghinga niya ng ilang segundo. Magkikita na ang mag-ama! Ngunit biglang nawala si Bella. Mukhang nakikipaglaro ito ng taguan.Hinawakan ni Andrei ang kanyang kamay. “Mag-usap tayo, Nessa. Hinahanap kita.”“Pare!” Bumukas ang pinto ng katabing room. Isang lalaki ang lumabas at dala nito ang buntis na asawa na mukhang manganganak na dahil sapo nito ang malaking tiyan.Nabaling ang atensyon sa mga nito ni Andrei.“Tara sa delivery room,” anito at tinulungang akayin ang babaeng nagle-labor.Dali-dali niyang kinarga ang anak na lumabas mula sa likod ng guard. Nagpasalamat siya sa gwardiya. Kinakailangang makalayo sila agad.“Mommy, baka po madapa ka.” Halos tumakbo na kasi siya sa pagmamadaling makalayo sa lugar.“Bella, late ka na kasi sa school,” aniya sa anak.Nakahinga lang siya ng maluwag ng makapasok sa loob ng sasakyan. Hindi na dapat malaman ni Andrei na nagkaanak sila. Ayaw na niyang guluhin ang buhay nito at
Niyakap ni Mika si Liam upang pakalmahin ito sa matinding galit at sindak sa natuklasan nito tungkol sa amang matagal ng hinahanap. Dumating ang ambulansya at isinugod sa pinakamalapit na ospital si Karlo at ang ina nito. Nadakip naman ng mga pulis si Atty. Flores. Nag-uwian na ang mga bisita. Nananatiling nasa labas ng resthouse si Liam. Pinuntahan ni Mika ang asawa. Umiinom ito ng alak. Alam niyang nasasaktan ang kanyang asawa ngayon. Tinapik siya sa likod ng asawa. “Magiging okay din ang lahat.” “Akalain mo ‘yun si Atty. Flores pala ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.” Naalala niya ang mga pinagsamahan nila ng abogado. Totoong hindi nga ito nawala sa tabi niya. Palaging ito ang nagpupunta sa school events dahil busy ang kanyang tatay Diego. Masakit lang na itinago nito sa kanya ang lahat at pinagbalakan nitong gawan ng masama ang mga taong mahal niya. At hindi din niya mapapalagpas ang pananamantala nito sa kanyang nanay Lucinda noon. “Liam, gawin mo ang inaakala mong tama.
“Paano kita naging kapatid?” tanong ni Liam kay Karlo. Lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak niya sa baril.“Simple lang dahil parehas tayo ng ama.”Tuluyan na niyang ibinaba ang baril. Nanlambot ang kanyang tuhod sa natuklasan. May kapatid siya at kilala nito ang kanilang ama.“Sino ang tatay natin? Matagal ko na siyang hinahanap.”“Huwag mo ng alamin kung sino ang demonyong ama natin! Dahil pinagsisihan ko na nakilala ko siya!” tumatawang sabi nito.“Alam niya ang lahat ng nangyayari sa’yo at naghahanap lamang siya ng tiyempo upang magpakilala sa paborito niyang anak! Pero matutuwa ka kapag nalaman mong mahal na mahal ka ng tatay mo.”Pinitsarahan niya ito. “Sino ang tatay natin? Sabihin mo!” Dinuraan siya sa mukha ni Karlo.“Mahigpit ang bilin niya na siya daw ang magsasabi sa’yo. Kaya huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kapag patay ng lahat ang taong malalapit sa’yo ay lilitaw ang tatay mong matagal mo ng hinahanap.”Hindi niya alam kung maniniwala sa lalaki o hindi. Tila baliw na
Sinipa ni Mika si Karlo sa maselang parte ng katawan nito sa harapan. Mainam at nagamit niya ang pinag-aralang self-defense. Namilipit ang lalaki sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataong makatakas. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa loob ng bar. May mga nag-iinuman na sa loob at may maingay na tugtog. Nakita niyang nakasunod si Karlo at hinahabol siya. Hindi niya alintana ang mga nababanggang tao.Nang may humawak sa kamay niya. Si Isaac! Parang siyang nabunutan ng punyal sa dibdib. Nayakap niya ito. Hindi sila magkaintindihan sa loob at malakas ang tugtog.“Girl, ayoko ng sumama sa trip mo, last time nabugbog ako ng sobra ng jowa mo.”“Tulungan mo ako, may humahabol sa akin.” Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.“Ha? Hindi kita madinig. Saan tayo pupunta? Mag-uumpisa na ang show.” Hinila niya ito sa labas.“Isaac, pahiram ng phone mo, nanganganganib ang buhay ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko.”Kukuhanin na ng kaibigan ang cellphone sa loob ng bag kaso ay kumaripas ito
Ilang minuto ng umaandar ang sasakyan. Huminto ito. Binuksan ni Karlo ang trunk sa likod. Binulungan siya nito. “Mika, magpapalit tayo ng sasakyan at kakain. Kapag ikaw ay nagtangkang tumakas. Babarilin kita. Sumunod ka lang sa gusto ko at hindi ka masasaktan.” Tumango siya habang tumutulo ang luha. Inalis nito ang plaster sa bibig at tinulungan siyang makalabas sa loob ng trunk. Pinunasan nito ang kanyang luha. Lumipat sila sa ibang sasakyan. Pumasok sila sa loob ng convenience store. Umorder ang lalaki ng pagkain. Gusto niyang humingi ng tulong sa babaeng kahera ngunit nakatutok sa tagiliran niya ang baril ni Karlo. Nadako ang tingin nilang dalawa sa telebisyon ng tindahan. Nakita nila ang balita sa TV ng pagkawala niya at ang patong na sampung milyon sa ulo ng kidnapper at ang larawan ni Karlo. Agad na hinablot ng lalaki ang pagkain sa cashier at nagmamadaling hinila siya palabas ng tindahan. Nanlaki ang mata ng kahera ng mamukhaan ang kakaalis lang na customer. Agad itong tumaw
Mabilis na naglahong parang bula ang anino bago pa makita ni Liam. Kumakabog ang dibdib ni Karlo ng makalayo sa kwarto nila Liam at Mika. Hindi niya dapat pairalin ang damdaming umaalipin sa kanya. Si Mika ang una sa listahan ng mga taong aalisin nila sa buhay ni Liam ayon sa kanyang ama. Kapag nawala si Mika sa buhay ng kapatid ay madaming tao ang mawawala kasabay nito, si Aurora, Dr. Ramirez, at Zion. Isusunod nila si Lucinda. Plano ng amang pagdanasin ng pighati si Liam at tsaka ito lalapit at magpapakilalang ama. Tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ama. “Karlo, nakakita ka na ba ng pagkakataon para patayin ang asawa ni Liam?” “Hindi pa, mahigpit ang security nila. Hindi basta basta ang ipinapagawa mo,” iritableng sabi niya. “Hindi ba at nasa resort kayo ngayon? Bilisan mo ang kilos. Makipaglapit ka. Gamitin mo ang charm mo sa babae. Madaming nagkakagusto sa’yo, hindi ba? Akitin mo ang asawa ng kapatid mo.” “Iba si Mika sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Nakik
Walang ibang magaling sa ama kundi si Liam at siya ay isang hamak na utusan lamang. Sarado ang mata nito sa mga kayang niyang gawin.“Basta, pagbutihan mo ang pinapagawa ko sa’yo. Unti-unti nating buburahin ang mga taong malapit sa kanya at tsaka tayo lalapit upang kilalanin niyang pamilya. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong magkasama kami ng anak ko at magbuhay hari. Siya lamang ang pag-asa kong yumaman,” sabi ng ama.Nakita ni Karlo ang tila demonyong ngiti nito. Tinalikuran na niya ito. Walang utos ang ama na hindi niya sinunod. Gusto niyang matuwa ito sa kanya ngunit tila hindi nito nakikita ang kanyang mga ginagawa. Sinundan niya sa kulungan si Liam dahil gusto nitong proteksyunan niya sa loob ang kapatid. Nakuha niyang sumangkot sa isang kunwaring aksidente upang makulong ng ilang linggo. Baligtad ang ginawa ng ama, nagbayad pa ito para lamang makapasok siya sa loob ng bilangguan. Napailing na lamang siya at umalis na sa madilim na eskinitang pinagtataguan nito.***Anibe
Nagtama ang paningin ni Liam at Mika. Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ang asawa. Labis ang kabog ng kanyang dibdib sa selos. Nakita niyang akmang may sasabihin si Liam. Sumenyas siya na huwag itong maingay. Tutulungan niya ito. Nakita niyang hindi ginalaw ni Lovely ang pagkain na may pampatulog ayon kay George.Binuksan niya ang bote ng wine at may inilagay siyang pampatulog sa loob ng bote. Abala ang babae sa asawa at nasa gawing likuran siya nito kaya hindi nito siya napapansin. Parang mas gusto niyang ihambalos na lang dito ang bote kaysa painumin ng pampatulog. Pinigil niya ang sarili.Hinahaplos ni Lovely ang mukha ni Liam. Sumandal pa ito sa dibdib ng asawa. Ang haliparot! Parang gusto niya itong ilampaso sa sahig. Halos madurog ang ngipin niya sa pagpipigil sa sarili.Dinampot ni Lovely ang baso ng alak at nakipag-cheers sa asawa. Ininom nito ng deretso ang alak. Ang tibay ng katawan nito, hindi pa bumabagsak. Sinalinan niya uli ang baso nito ng alak. Maya maya
Wala namang kakaiba sa impormasyong nakuha tungkol kay Karlo. Laki ito sa hirap at nakulong dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan. Halos sabay silang napasok ng kulungan, nauna lamang siya ng ilang araw. Sinadya niyang makulong ng panahon na iyon dahil gusto niyang makausap si Marco Saavedra. Nagnakaw sila sa ng bahay ng isang mayamang pulitiko. Sinadya niyang magpahuli sa mga pulis upang makapasok sa kulungan. Naalala niya na iniligtas niya si Karlo sa riot. Kaedad ni Mika ang lalaki, mas matanda siya ng dalawang taon.Malaki ang utang na loob niya kay Karlo dahil sa pagkakaligtas nito sa kanila ni Mika kaya tutulungan niya ito. Gayundin si Benjie na naging kasangga niya sa loob ng kulungan. Lahat ng tao kahit pa nabilanggo at nakagawa ng pagkakamali basta nagsisi at nagbagong buhay ay may karapatang muling bumangon at mamuhay ng marangal.Inalis na niya ang anumang masamang hinala kay Karlo. Baka naman nadala lang siya ng selos.Hanggat maaari ay hindi siya nag-oovertime sa opisi
Sinagot ni Lovely ang tawag at nagmamadaling bumalik sa loob ng opisina. Sumunod din siya. At bakit tinatawagan ni Liam si Lovely? Malilintikan sa kanya ang asawa!Halos sabay silang iniluwa ng pinto papasok sa opisina ni Liam. Si George ang bumungad at tila nakaabang na. “Ms. Lovely, naiwan po ninyo ang microphone at flask drive ng hinihingi ninyong kopya ng videos ng bagong branch. Sige po, salamat.” Magalang nitong itinaboy ang babae na hindi na nakapagsalita.Binunggo niya ito ng bahagya upang makapasok at makalapit sa asawang nakatalikod at kumakain na ng lunch na dala niya kanina. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman pala nagtataksil ang asawa. Paranoid lang siya.Tinakpan niya ng kamay ang mata ng binata. Nagulat ito ng bumalik siya. “Mabuti at bumalik ka tara at kumain ka na din, sabay na tayo.”Kumuha ito ng isa pang plato at kutsara at tinidor sa maliit na kitchen sa loob ng opisina. Sabay silang kumain. Pinagmasdan niya ang asawa. Mas lalo itong naging gwapo at matipuno s