Nagkatinginan silang dalawa ni Andrei. Goodbye limang milyon siya kapag nalaman ng nanay nito ang tungkol sa kasunduan nila. At hindi niya hahayaang mangyari ‘yon.“Hello po. Dumating na po pala kayo. Kontrata po sa business. Tama po. Opo. Nag-uusap po kami tungkol sa business partnership. At may kontrata po na limang milyon.”“Yes, Mommy. Pinag-iisipan pa po naming mabuti kung itutuloy namin.”Tumango ang matanda. “Pag-aralan ninyo muna. Mahirap mag-umpisa ng negosyo. May business consultants ang daddy mo. Kung sakaling kailangan ninyo ng tulong.”“Salamat po. Tara po sa sala. Kwentuhan po ninyo ako ng gala ninyo.” Inakay niya pababa ng hagdan ang byenan. Medyo paika ang lakad niya dahil nawasak ang kanyang puri kani-kanina lang.Nilingon niya ang asawa at binigyan ng fuck you sign. Magtutuos sila ni Andrei, kinuha ang kanyang pagkababae ng ganun ganun lang at hindi naman siya nasarapan.Pagpasok niya sa kwarto ay gising pa ito. Hindi niya ito pinansin. Kinuha niya ang kumot na nasa
Paano niya ipagtatanggol si Liam kung ang lahat ng ebidensya ay nagtuturo na ito ang pumaslang kay Jasmin? Inosente nga ba ang nobyo? Kahit sino ang makakita ng ebidensyang inilatag ng mga pulis ay maniniwalang siya ang salarin.Paano niya matutulungan si Liam? Posible siyang maging saksi sa resort kung saan naganap ang unang pagtatangka sa buhay ni Jasmin. Katabi niya ang binatang matulog. Kasama din niya ito sa araw na matagpuan ang bangkay ni Jasmin sa ilog. Sinundo siya nito sa ospital. Ngunit may time lapse sa mga oras na kasama niya ang binata at ng maganap na krimen. Naniniwala pa din siya na hindi magagawa ni Liam ang pumatay.Dinalaw niya ito at dinalahan ng gamit at pagkain. Labis ang kanyang pag-aalala. Ngunit wala siyang magawa para sa nobyo.“Liam, natatakot ako. Paano kapag nadiin ka sa kaso?”Inilabas ni Liam ang kamay sa kulungan upang mahawakan ang kanyang mukha. “Malinis ang kunsensya ko, Mika. Hindi ko magagawang patayin si Jasmin. Huwag kang mag-alala mapapatunayan
Luminga siya sa paligid. Parang normal ang lahat at pangkaraniwang araw lamang para sa iba. Ngunit nanginginig ang kanyang buong katawan. Ano ang kanyang gagawin? Totoo kayang may bomba sa loob ng korte? Totoo man o hindi, ang kaligtasan ng lahat ang dapat unahin.Madaming tao ang posibleng malagay sa panganib ngayon lalo ang mga mahal niya sa buhay. Kailangang magpakatatag siya at magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat.Mag-uumpisa na ang kanyang salaysay. Pumikit siya. Pilit inaawat ang luhang gustong pumatak. Muli niyang sinulyapan si Liam. May gusto siyang ipahatid dito ngunit nanatili itong nakayuko.Tinanong na siya ang kabilang kampo ngunit hindi niya maibuka ang bibig. Hindi niya kayang ilaglag si Liam at iwan sa ere. Si Liam ang kahuli-hulihang taong magagawa niyang saktan. Pero paano kung sumabog ang bombang sinasabi ng abogado? Naninikip ang kanyang dibdib. Hindi pa siya natatakot ng ganito katindi sa buong buhay niya.Inulit ng abogado ng kabilang kampo ang tanong. “Ayon s
Nanginginig ang mga kamay ni Nessa ng titigan ang resulta ng pregnancy test. Dalawang pulang guhit ang nakita niya. Napasandal siya sa pader. Positibo. Buntis nga siya.Napamura siya. Isang beses lang nangyari. Nakabuo agad sila ni Andrei. Hindi siya makapaniwala. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Nilamon siya ng pangamba. Paano ba maging isang mabuting ina? Iniwan siya sa bahay ampunan ng kanyang ina ng siya ay anim na taong gulang. Doon sila nagkakilala ni Liam na isa ding batang lagalag ng iwan naman ng nanay nito sa istasyon ng bus.Binalikan siya ng tiyahin sa bahay ampunan. Akala niya ay aalagaan at pag-aaralin siya. Ginawa lang siyang alila nito sa bahay na kanyang tiniis. Ang sabi nito ay mayaman ang kanyang ama. Katulong ang kanyang ina at nabuntis ng anak ng amo. Ilang taon din niyang hinanap ang tunay na ama. Pinuntahan niya ito sa mansion ngunit ipinagtabuyan siya nito. Sandaling hindi niya makakalimutan. Kawawang kawawa siya. Umuulan pa ng araw na ‘yon. Kung minsan ay napa
Alam niyang ito ay panaginip lamang dahil galit si Liam sa ginagawa niyang pagdiin dito sa korte. Nanatiling nakasara ang kanyang mga mata. She really missed him. Gusto niyang maranasang angkining muli ng binata kahit sa panaginip lamang.Naramdaman niya ang mga kamay na humahaplos sa kaniyang katawan. Sinapo nito ang kanyang dibdib. Napaliyad siya ng lamasin ng kamay ang kanyang dalawang bundok. Naglakbay ang palad sa kanyang mga hita. Napaawang ang kanyang labi sa bumabangong pagnanasa sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang pagpatong ng lalaki sa kanyang ibabaw. Iminulat niya ang mata. Hindi na ito panaginip!“Liam?!” Niyapos niya ng mahigpit ang binata. Umagos ang luha sa kanyang mga mata.“Shhhhh. Huwag kang umiyak. Sabi sa’yo babalik ako, hindi ba?”“Liam, ang nangyari sa korte, wala akong magawa. Tinakot ako ng abogado. May bomba daw sa ilalim ng upuan mo. Takot na takot akong mapahamak ka.”“Alam ko, binabasa ko ang lahat ng sulat na ipinapadala mo. Ang mga sulat mo ang nagbib
Wala na silang matatakbuhan ni Liam. Nakita niyang bumunot ito ng baril sa tagiliran. Armado pala ito.Umiiyak na siya sa labis na takot. “Liam, sumuko ka na. Gagawan natin ng paraan na mapatunayan na wala kang kasalanan.”Hindi niya inaasahang kinabig ng binata ang kanyang leeg at mas nagimbal siya ng maramdaman niya ang baril na nakatutok sa kanyang ulo.“Walang lalapit! Papatayin ko ang babaeng ito! Hayaan ninyo kaming makatakas,” anito sa mga pulis.Kasinungalingan lang ba ang lahat ng sinabi ng nobyo? Ginamit lang ba siya nito upang makatakas? Plano lang ba siyang gawing hostage? Ang daming tanong sa kanyang isip. Her heart was broken into million pieces.Ngunit walang nabago sa nararamdaman niya. Wasak man ang puso niya. Isang pangalan pa din ang isinisigaw nito. Si Liam. Sa kaibuturan kanyang puso gusto pa din niyang maniwala sa pagmamahal na ipinangako nito.Nakita niyang tumatakbo ang ama palapit sa kanila ngunit pinigilan ito ng mga pulis.“Huwag kayong magpapaputok! Liam, h
Nasisiraan na ito ng bait. Paano kung mahuli ito ng mga pulis? Tumingin siya sa bintanang salamin. Nakita niyang nakaupo ito sa tabi ni Mika. Umuuga ang balikat nito. Alam niyang umiiyak ito sa sinapit ng nobya.Kailangang libangin niya si Gemma. Baka mapansin nito ang binata sa loob.“Gemma, baka nagugutom na ka na o gusto mong magpahinga. Ako na ang bahalang magbantay kay Mika.”“Sure ka? Kailangan ko din kasing matulog at may duty pa ako bukas.”“Oo, sige, hihintayin ko ang mga magulang ni Mika.”Tumayo ang dalaga at akmang sisilip sa loob. Makikita nito si Liam! Nag-iisip siya ng paraan kung paano ito papatahimikin. Suntukin na lang siguro niya sa mukha ng makatulog. Hindi pa naman ay nakukunsensya na siya.“Sige, aalis na ako. Maraming salamat.” Tila wala naman itong nakita.Agad siyang sumulyap sa loob ng ICU, wala nga si Liam. Pumasok siya sa loob.Nakita niya ito sa likod ng pinto. Bakas sa mukha nito ang pagod at lungkot.“Liam, bilisan mo at baka dumating ang mga magulang ni
Lumipad ang mga araw, linggo, at taon. Ang panahon ay tila tubig sa ilog na patuloy sa pagdaloy at hindi na muling babalik pa.Nakatanaw si Mika mula sa bintana ng eroplano sa madilim na kalangitan. Pabalik na siya sa Pilipinas makalipas ang limang taon na pagsasanay sa Amerika. Isa na siyang ganap na duktor. Gusto niyang magsilbi sa bayang sinilangan kaya siya babalik.Naglalakad siya palabas ng airport. Susunduin siya ng mga magulang. Isang taon din silang hindi nagkita. Miss na miss na niya ang mga ito. Sobrang daming tao sa airport kaya nagpasya siyang tawagan ang ama.“Hello, Dad. Nasaan na ang po kayo? Nasa terminal 1 po ako.” Natanaw niya ito kasama ang kanyang ina. Mahigpit niyang niyakap ang mga magulang. Isa pa sa dahilan ng pagbabalik niya ang mga magulang. Tumatanda na sila at gusto niyang sulitin ang natitirang panahon upang makabawi sa mga ito.Ang traffic ay walang ipinagbago noon at ngayon. Usad pagong ang mga sasakyan. Napansin niyang dumami ang mga building at malala