Halos hindi ako pinatulog ng senaryong iyon. Nararamdaman ko pa rin ang bawat haplos, dampi, kiliti at halina na ibinigay ng labi ng malamig na Hari. Nakalimutan ko na nga kung paano ako nakabalik sa aking silid.
Ilang ulit na rin akong naglumikot sa aking kama subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hanggang sa dumating ang madaling araw, 'dun lang ako tuluyang nakatulog.
Nasa hapag kainan ako, mag-isang kumakain. Si Dera ang siyang nagsisilbi ng aking pagkain at ng inumin. May iilang nakabantay din na kawal sa bawat sulok. Nagsasalin ng tsaa si Dera nang mapansing hanggang ngayon ay hindi pa rin pumaparito ang Hari o kahit makisalo man lang sa hapag.
"Mahal na Reyna, hanggang ngayon pa ba'y hindi pa rin kayo nagkakausap ng mahal na Hari?"
Natigil ang ginagawang paghihiwa sa nilutong karne nang magtanong si Dera. Saglit k
ParaanNapapikit ako nang dumaan sandali ang ihip ng hangin, nanginig ako ng kaunti dahil doon. Ang lampara naman sa loob ng silid ang nagbibigay ng konting liwanag sa gabing tahimik at sa buwan na ngayon ay nababalitan ng makapal na ulap.Pagmulat ay pinagmasdan ko naman ang labas ng palasyo mula sa terasang kinatatayuan ko. Sa kabila ng katahimikan, parang nadidinig ko ang bawat bulong, tinig at galaw ng ilan. O baka dahil nasanay lamang ang aking pandinig sa mga ingay sa labas mula pa noon.Mga ingay na hindi ko nanaising marinig muli. Mga ingay na may bahid ng dahas at kamunduan. Na sa pagitan ng pagmamakaawa, pagtangis at tuwa ng mga ganid... iyon din ang ingay na nagiging musika ng sindak sa tuwing kumakagat ang dilim."Siya kaya... kumusta na ang pakiramdam niya? Nahihirapan pa ba siya?" nausal ko sa 'di inaasahang sandali ng aking pag-iisip.
LunasMatapos ang usapang iyon ay tumulong ako sa kanila. Patago akong tumutulong sa paghahanap ng manggagamot. Kasama ko si Yura sa tuwing may lakad kami at sina Harrion at Seron naman ay naghahanap din ng lunas na maaaring makatulong sa Hari.Sa tuwing papasok si Harrion, hindi nawawala ang nararamdamang kaba sa tuwing naririnig namin ang nahihirapang ingay ng Hari. Naririnig din namin ang kaluskos ng kadena na nakagapos sa Hari na siya ring mismo ang may gawa. Ikinulong niya ang sarili sa pangamba na may magawa siyang hindi tama at hindi makontrol pa ang drogang inilagay sa inumin niya na ngayo'y kumakalat sa sistema niya.Isang gabi muli ang dumaan. Bumisita ako sa ilalim at sekretong tagpuan namin sa Palasyo. Natigil ang paglalakad ko ng marinig ang hinaing ng Hari. Sina Seron at Yura ay nababahala rin. Kadena at ang ilang pagbubuntong-hininga nito ng malalim ang aming naririni
PaghulmaHindi ko lubos maisip kung anong klaseng paraan at lunas ang aking gagawin upang gumaling ang Hari. Ni hindi man lamang ako sinabihan ni Senyora Valleri ang tungkol sa pagsasanay niya sa akin. Sabi pa niya'y depende na iyon sa aking gagawin ang kagalingan ng Hari. May sinabi pa siyang iba pero wala rin naman akong maintindihan.Nasa isang paliguan ako. Sa ngayon ay si Yura ang naghihintay sa akin sa labas. Akala ko'y silid ng Hari at ang opisina lang ang mayroon sa ilalim ng palasyo. Hindi ko aakalaing may paliguan din dito at nagkokonektado rin ang bawat pasilyo patungo sa labas ng palasyo.Maihahalintulad din pala ito sa palasyo ng Asyreum. Mula naman sa paliguan na aking kinaroroonan ay may malaking bintana. Tanaw mula rito ang bilog na buwan na tumatagos ang liwanag hanggang sa tubig na aking paliguan.Nang matapos ako ay kaagad na dinaluhan ako ni
Hamon ng Dalawang LeonAbot langit ang aking kaba. Hindi lubos na sigurado ang magiging kahihinatnan ng aking gagawin. Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pinto sa aking likuran. At mas lalo lamang nadagdagan ang nararamdamang kaba dahil sa katahimikan.Nilibot ko ang paningin. Kumpara sa unang beses na pumarito ako'y mas maaliwalas, elegante ang loob ng silid. Napakahalimuyak ang amoy marahil ay nagmula sa mga kandilang nakasindi. Mayroong manipis na gintong kurtina rin ang nakasabit sa bawat bintana.Hindi rin nakatakas sa mga mata ang parehong kurtina ngunit napapalibutan naman niyon ang malaking kama ng Hari. At mukhang hindi lang ang paligid ng silid-hari ang nakahanda.Natuon ang tingin ko sa marahang ingay ng tubig. Maingat at mabagal naman akong naglakad patungo roon pero pinigilan ko rin ang sarili nang marinig din ang malalalim na hininga ng Hari.
Panimula ng SiningMinsan ay may mga katanungan ako. Nagsimula iyon nang dumating ako rito sa Koroteya. Mga tanong na baka sakaling sa isang tao lamang ako ang maaring makahanap ng sagot.Hindi ko maipagkakailang nagkaroon ng mga bagong emosyon ang umusbong sa akin nang makilala ko ang Hari. Kung dati'y takot, hindi ko aasahang maliban doon ay magagawa kong makaramdam pa ng panibagong emosyon. Ang mainis at maging matapang.At sa sandaling ito'y may higit pa. Hindi lang kiliti at halina, dahil sa kanlungan ng Hari, may emosyong 'di kayang bigyan ng paliwanag. Sa pagitan ng paghahamon at pangungutya habang ako'y nasa kanyang bisig, tila ako'y nasasailalim sa hipnotismong may dalang init na nakakapagpatunaw.Mula sa kanyang mga matang deretsong nakatingin hanggang sa aking paningin, pababa sa lalamunan at sa aking kaibuturan ramdam ang sensasyong minsang ipinaramd
PagsumamoSa bawat pagpikit, mga hininga ang kumawala sa aking bibig. Minsan naman ay maliliit na tinig. At habang nasa ganoon akong sitwasyon ay patuloy ang pagsisimula ng Hari. Napahawak sa kanyang buhok, doon ako kumapit ng gawin niyang panulat ang kanyang dila sa aking dibdib.Hindi napigilan ang pagtingala nang iwan niya iyon at dumako naman sa aking leeg, panga, at sa labi. May luhang bumalatay. Hindi mawari kung dahil sa halina o sa sitwasyong noon ay kinamuhian ko.Sitwasyong hindi mag-aakalang mabibihag ako nang dahil sa isang hamon na siyang tinanggap ko. Isang hakbang upang tulungan ang Haring hindi ko pa tuluyang nakikilala ngunit sa kanya'y ngayon nagpaalila sa haplos, dampi at halik niya."Mahal na Hari..." mahinang anas ko nang kanyang kagatin nang bahagya ang parte ng aking leeg dahil sa pangigigil.Hindi ko alam kung kailan matatapos ang tagpong ito. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging resulta kinabukasan. Basta ngayon, maraming emosyon ang kumawala, bumalot at nga
Espada at PunyalNapamulat ako bigla at ilang beses na napakurap. Ang kulay kapeng kisame na may engrandeng munting aranya at kakaibang sining na nakaukit roon ang sumalabong sa aking paningin. Agad akong napabaling sa aking tabi.Wala rito ang Hari. Tanging ang magulong kumot at unan na lang ang natira. Saka ko pa lang tiningnan ang sarili. Inangat ko ang kumot na nakabalot sa akin.Bumuntong-hininga na lang ako. Nayakap ko ang kumot at dinama ang akin. Wala namang masakit, iba nga lang sa pakiramdam. Parang may kakaiba sa aking pagitan. Hindi ako komportable.Tila isang kidlat sa bilis kung sumagi sa aking isipan ang lahat. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi sa nangyaring sandali sa amin ng Hari kagabi. Mariin na lamang ako napapikit sa ginawang katangahan. Hindi ko aakalaing magiging alipin ako sa mga sandaling iyon. Na, hinayaan ko ang Haring magtuklas sa akin.At ano pa, Yonahara? Pagyamanin?Bakit ba ako nagsumamong pagyamanin niya ako? Hindi ba't siya lamang dapat? Bakit a
ImbitasyonNaghalo ang munting ingay na nanggagaling sa kutsara't tinidor at ang nakakabinging katahimikan dito sa hapagkainan. Sa mahabang lamesa na puno ng masasarap na pagkain, tanging kaming dalawa ang naririto.Wala naman akong lakas ng loob na magsimula ng usapan lalo pa't hindi naman gaanong malapit ang relasyon namin ng Hari.Hindi ko alam kung kaya ko pa bang sumubo pa ng pagkain dahil sa katahimikang namamagitan sa amin."Is the food wasn't like your taste?" Biglang dinig ko sa kanya.Napaangat ako ng tingin sa kanya. Elegante at pino pa rin ang galaw niya kahit sa pagkain kumpara sa kagaya kong nagsisimula pa lang mag-aral ng tamang pagkilos. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga inaakto niya. Mayroon pa rin naman siyang taglay na nakakasama ng loob ko, pero tila may kakaiba ngayon.Tipid naman akong umiling."Hindi naman. Mukhang hindi pa lang ako nasasanay," nasabi ko na lang."Hindi ba't patuloy pa rin ang pagtuturo sa'yo ni Maestro Saldivar? I expect some improvements sinc