Paghulma
Hindi ko lubos maisip kung anong klaseng paraan at lunas ang aking gagawin upang gumaling ang Hari. Ni hindi man lamang ako sinabihan ni Senyora Valleri ang tungkol sa pagsasanay niya sa akin. Sabi pa niya'y depende na iyon sa aking gagawin ang kagalingan ng Hari. May sinabi pa siyang iba pero wala rin naman akong maintindihan.
Nasa isang paliguan ako. Sa ngayon ay si Yura ang naghihintay sa akin sa labas. Akala ko'y silid ng Hari at ang opisina lang ang mayroon sa ilalim ng palasyo. Hindi ko aakalaing may paliguan din dito at nagkokonektado rin ang bawat pasilyo patungo sa labas ng palasyo.
Maihahalintulad din pala ito sa palasyo ng Asyreum. Mula naman sa paliguan na aking kinaroroonan ay may malaking bintana. Tanaw mula rito ang bilog na buwan na tumatagos ang liwanag hanggang sa tubig na aking paliguan.
Nang matapos ako ay kaagad na dinaluhan ako ni
Hamon ng Dalawang LeonAbot langit ang aking kaba. Hindi lubos na sigurado ang magiging kahihinatnan ng aking gagawin. Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pinto sa aking likuran. At mas lalo lamang nadagdagan ang nararamdamang kaba dahil sa katahimikan.Nilibot ko ang paningin. Kumpara sa unang beses na pumarito ako'y mas maaliwalas, elegante ang loob ng silid. Napakahalimuyak ang amoy marahil ay nagmula sa mga kandilang nakasindi. Mayroong manipis na gintong kurtina rin ang nakasabit sa bawat bintana.Hindi rin nakatakas sa mga mata ang parehong kurtina ngunit napapalibutan naman niyon ang malaking kama ng Hari. At mukhang hindi lang ang paligid ng silid-hari ang nakahanda.Natuon ang tingin ko sa marahang ingay ng tubig. Maingat at mabagal naman akong naglakad patungo roon pero pinigilan ko rin ang sarili nang marinig din ang malalalim na hininga ng Hari.
Panimula ng SiningMinsan ay may mga katanungan ako. Nagsimula iyon nang dumating ako rito sa Koroteya. Mga tanong na baka sakaling sa isang tao lamang ako ang maaring makahanap ng sagot.Hindi ko maipagkakailang nagkaroon ng mga bagong emosyon ang umusbong sa akin nang makilala ko ang Hari. Kung dati'y takot, hindi ko aasahang maliban doon ay magagawa kong makaramdam pa ng panibagong emosyon. Ang mainis at maging matapang.At sa sandaling ito'y may higit pa. Hindi lang kiliti at halina, dahil sa kanlungan ng Hari, may emosyong 'di kayang bigyan ng paliwanag. Sa pagitan ng paghahamon at pangungutya habang ako'y nasa kanyang bisig, tila ako'y nasasailalim sa hipnotismong may dalang init na nakakapagpatunaw.Mula sa kanyang mga matang deretsong nakatingin hanggang sa aking paningin, pababa sa lalamunan at sa aking kaibuturan ramdam ang sensasyong minsang ipinaramd
PagsumamoSa bawat pagpikit, mga hininga ang kumawala sa aking bibig. Minsan naman ay maliliit na tinig. At habang nasa ganoon akong sitwasyon ay patuloy ang pagsisimula ng Hari. Napahawak sa kanyang buhok, doon ako kumapit ng gawin niyang panulat ang kanyang dila sa aking dibdib.Hindi napigilan ang pagtingala nang iwan niya iyon at dumako naman sa aking leeg, panga, at sa labi. May luhang bumalatay. Hindi mawari kung dahil sa halina o sa sitwasyong noon ay kinamuhian ko.Sitwasyong hindi mag-aakalang mabibihag ako nang dahil sa isang hamon na siyang tinanggap ko. Isang hakbang upang tulungan ang Haring hindi ko pa tuluyang nakikilala ngunit sa kanya'y ngayon nagpaalila sa haplos, dampi at halik niya."Mahal na Hari..." mahinang anas ko nang kanyang kagatin nang bahagya ang parte ng aking leeg dahil sa pangigigil.Hindi ko alam kung kailan matatapos ang tagpong ito. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging resulta kinabukasan. Basta ngayon, maraming emosyon ang kumawala, bumalot at nga
Espada at PunyalNapamulat ako bigla at ilang beses na napakurap. Ang kulay kapeng kisame na may engrandeng munting aranya at kakaibang sining na nakaukit roon ang sumalabong sa aking paningin. Agad akong napabaling sa aking tabi.Wala rito ang Hari. Tanging ang magulong kumot at unan na lang ang natira. Saka ko pa lang tiningnan ang sarili. Inangat ko ang kumot na nakabalot sa akin.Bumuntong-hininga na lang ako. Nayakap ko ang kumot at dinama ang akin. Wala namang masakit, iba nga lang sa pakiramdam. Parang may kakaiba sa aking pagitan. Hindi ako komportable.Tila isang kidlat sa bilis kung sumagi sa aking isipan ang lahat. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi sa nangyaring sandali sa amin ng Hari kagabi. Mariin na lamang ako napapikit sa ginawang katangahan. Hindi ko aakalaing magiging alipin ako sa mga sandaling iyon. Na, hinayaan ko ang Haring magtuklas sa akin.At ano pa, Yonahara? Pagyamanin?Bakit ba ako nagsumamong pagyamanin niya ako? Hindi ba't siya lamang dapat? Bakit a
ImbitasyonNaghalo ang munting ingay na nanggagaling sa kutsara't tinidor at ang nakakabinging katahimikan dito sa hapagkainan. Sa mahabang lamesa na puno ng masasarap na pagkain, tanging kaming dalawa ang naririto.Wala naman akong lakas ng loob na magsimula ng usapan lalo pa't hindi naman gaanong malapit ang relasyon namin ng Hari.Hindi ko alam kung kaya ko pa bang sumubo pa ng pagkain dahil sa katahimikang namamagitan sa amin."Is the food wasn't like your taste?" Biglang dinig ko sa kanya.Napaangat ako ng tingin sa kanya. Elegante at pino pa rin ang galaw niya kahit sa pagkain kumpara sa kagaya kong nagsisimula pa lang mag-aral ng tamang pagkilos. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga inaakto niya. Mayroon pa rin naman siyang taglay na nakakasama ng loob ko, pero tila may kakaiba ngayon.Tipid naman akong umiling."Hindi naman. Mukhang hindi pa lang ako nasasanay," nasabi ko na lang."Hindi ba't patuloy pa rin ang pagtuturo sa'yo ni Maestro Saldivar? I expect some improvements sinc
DebateKung isa lamang akong yelo, marahil ay kanina pa ako natunaw mula sa mga titig niyang nagliliyab. At kung isang babasagin lamang akong bagay tulad ng mga mamahaling plorera o kasangkapan, maaring kanina na rin ako nabasag mula sa mahigpit na pagkapit niya sa aking bewang, idinidikit pa sa katawan niya.Halos mapugto ang sariling hininga nang ilang gahibla na lang at magdadampi na ang aming mga labi. Subalit ang Maharlikang nasa harapan ko ngayon ay tila may ipinangakong alituntunin para sa kanyang sarili. Kung kaya't kahit may sumisibol na sensasyon sa pagitan namin ay humugot siya ng malalim na paghinga at pinigil ang sarili niya."Anong masasabi mo, Kamahalan? Maari kang pumili sa dalawa, o 'di kaya'y..." Sinadya kong hininto ang sasabihin. Mas pinaaliw ko pa ang boses. "Pagsasabayin ko, Kamahalan... pwede kong pagsabayin ang dalawa."Hindi ako mag-aakalang masasabi ko ang mga katagang iyon sa Hari pang ngayon ay wala akong kaalaman sa kung ano ba talaga dapat ang iniisip at
GunitaSa hindi mabilang na pagkakataon, sa gitma ng lamig at tila paraisong tanawin buhat ng mga nahuhulog na niyebe, ngayon ko lang nadama ang totoong panahon ng taglamig.Dahil sa tuwing dumarating ang ganitong panahon, tanging mga malulungkot na araw lamang ang aking naaalala. Kung dati'y nababalisa pa ako kung saan makakatulog nang mahimbing ngayon naman ay animo'y niyayakap na ang lamig dahil sa paglalakbay. Kung hindi dahil sa karwaheng kung saan kami lulan, makapal na kasuotan at talukbong, maaring maging kagaya na lamang ako sa mga katubigang nagyelo na. Ilang araw na ring hindi bumuhos ang niyebe pero may dala pa rin na hamig ang klima, kahapon lamang muli ang mga ito nahulog pababa mula sa kalangitan. Kung kaya't maingat ang pagpapatakbo ng aming karwahe.Ngayong araw na ito ay mamalagi ako pansamantala sa tahanan ni Senyora Valleri. Magsisimula na ang kanyang 'pagtuturo'. Hindi ko maunawaan kung bakit biglaan na lamang ang kanyang pagsuhestiyon sa Hari tungkol rito.Dinal
Unang ArawTuluyan na nga kaming nakarating sa tahanan ni Senyora Valleri. Walang niyebeng bumabagsak ngunit ramdam pa rin ang lamig. Ito na ang pangalawang beses na makita nang malapitan ang tahanan ng Senyora, sa ibabang bahagi ay gawa sa bato at semento.Mayroon iyong pintuan sa gilid—sa likod ng papaakyan na hagdan. Habang ang kalahati na pang-itaas naman ay yari sa matibay na kahoy, mga patrayangulong bubong at may tsimenea kung saan doon lumalabas ang usok mula sa pugon.Nanguna na ang Senyora sa pag-akyat ng hagdan, umalis na rin ang sinakyan naming karwahe. Sumunod ako sa kanya at pagbukas ng pintuan, makikita ang maayos at malinis na sala. Nakita ko na ito nung unang bisita namin dito ngunit wala pa ring nagbabago sa nararamdaman kong paghanga sa loob at disenyo ng tahanan.Humarap naman sa akin ang Senyora, kapagkuwan ay nagsabi siya."Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Ang ating gagawing pagsasanay sa susunod na araw at sa susunod pa ay mas komplikado. Kung kaya't mas mainam