Hamon ng Dalawang Leon
Abot langit ang aking kaba. Hindi lubos na sigurado ang magiging kahihinatnan ng aking gagawin. Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pinto sa aking likuran. At mas lalo lamang nadagdagan ang nararamdamang kaba dahil sa katahimikan.
Nilibot ko ang paningin. Kumpara sa unang beses na pumarito ako'y mas maaliwalas, elegante ang loob ng silid. Napakahalimuyak ang amoy marahil ay nagmula sa mga kandilang nakasindi. Mayroong manipis na gintong kurtina rin ang nakasabit sa bawat bintana.
Hindi rin nakatakas sa mga mata ang parehong kurtina ngunit napapalibutan naman niyon ang malaking kama ng Hari. At mukhang hindi lang ang paligid ng silid-hari ang nakahanda.
Natuon ang tingin ko sa marahang ingay ng tubig. Maingat at mabagal naman akong naglakad patungo roon pero pinigilan ko rin ang sarili nang marinig din ang malalalim na hininga ng Hari.
Panimula ng SiningMinsan ay may mga katanungan ako. Nagsimula iyon nang dumating ako rito sa Koroteya. Mga tanong na baka sakaling sa isang tao lamang ako ang maaring makahanap ng sagot.Hindi ko maipagkakailang nagkaroon ng mga bagong emosyon ang umusbong sa akin nang makilala ko ang Hari. Kung dati'y takot, hindi ko aasahang maliban doon ay magagawa kong makaramdam pa ng panibagong emosyon. Ang mainis at maging matapang.At sa sandaling ito'y may higit pa. Hindi lang kiliti at halina, dahil sa kanlungan ng Hari, may emosyong 'di kayang bigyan ng paliwanag. Sa pagitan ng paghahamon at pangungutya habang ako'y nasa kanyang bisig, tila ako'y nasasailalim sa hipnotismong may dalang init na nakakapagpatunaw.Mula sa kanyang mga matang deretsong nakatingin hanggang sa aking paningin, pababa sa lalamunan at sa aking kaibuturan ramdam ang sensasyong minsang ipinaramd
PagsumamoSa bawat pagpikit, mga hininga ang kumawala sa aking bibig. Minsan naman ay maliliit na tinig. At habang nasa ganoon akong sitwasyon ay patuloy ang pagsisimula ng Hari. Napahawak sa kanyang buhok, doon ako kumapit ng gawin niyang panulat ang kanyang dila sa aking dibdib.Hindi napigilan ang pagtingala nang iwan niya iyon at dumako naman sa aking leeg, panga, at sa labi. May luhang bumalatay. Hindi mawari kung dahil sa halina o sa sitwasyong noon ay kinamuhian ko.Sitwasyong hindi mag-aakalang mabibihag ako nang dahil sa isang hamon na siyang tinanggap ko. Isang hakbang upang tulungan ang Haring hindi ko pa tuluyang nakikilala ngunit sa kanya'y ngayon nagpaalila sa haplos, dampi at halik niya."Mahal na Hari..." mahinang anas ko nang kanyang kagatin nang bahagya ang parte ng aking leeg dahil sa pangigigil.Hindi ko alam kung kailan matatapos ang tagpong ito. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging resulta kinabukasan. Basta ngayon, maraming emosyon ang kumawala, bumalot at nga
Espada at PunyalNapamulat ako bigla at ilang beses na napakurap. Ang kulay kapeng kisame na may engrandeng munting aranya at kakaibang sining na nakaukit roon ang sumalabong sa aking paningin. Agad akong napabaling sa aking tabi.Wala rito ang Hari. Tanging ang magulong kumot at unan na lang ang natira. Saka ko pa lang tiningnan ang sarili. Inangat ko ang kumot na nakabalot sa akin.Bumuntong-hininga na lang ako. Nayakap ko ang kumot at dinama ang akin. Wala namang masakit, iba nga lang sa pakiramdam. Parang may kakaiba sa aking pagitan. Hindi ako komportable.Tila isang kidlat sa bilis kung sumagi sa aking isipan ang lahat. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi sa nangyaring sandali sa amin ng Hari kagabi. Mariin na lamang ako napapikit sa ginawang katangahan. Hindi ko aakalaing magiging alipin ako sa mga sandaling iyon. Na, hinayaan ko ang Haring magtuklas sa akin.At ano pa, Yonahara? Pagyamanin?Bakit ba ako nagsumamong pagyamanin niya ako? Hindi ba't siya lamang dapat? Bakit a
ImbitasyonNaghalo ang munting ingay na nanggagaling sa kutsara't tinidor at ang nakakabinging katahimikan dito sa hapagkainan. Sa mahabang lamesa na puno ng masasarap na pagkain, tanging kaming dalawa ang naririto.Wala naman akong lakas ng loob na magsimula ng usapan lalo pa't hindi naman gaanong malapit ang relasyon namin ng Hari.Hindi ko alam kung kaya ko pa bang sumubo pa ng pagkain dahil sa katahimikang namamagitan sa amin."Is the food wasn't like your taste?" Biglang dinig ko sa kanya.Napaangat ako ng tingin sa kanya. Elegante at pino pa rin ang galaw niya kahit sa pagkain kumpara sa kagaya kong nagsisimula pa lang mag-aral ng tamang pagkilos. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga inaakto niya. Mayroon pa rin naman siyang taglay na nakakasama ng loob ko, pero tila may kakaiba ngayon.Tipid naman akong umiling."Hindi naman. Mukhang hindi pa lang ako nasasanay," nasabi ko na lang."Hindi ba't patuloy pa rin ang pagtuturo sa'yo ni Maestro Saldivar? I expect some improvements sinc
DebateKung isa lamang akong yelo, marahil ay kanina pa ako natunaw mula sa mga titig niyang nagliliyab. At kung isang babasagin lamang akong bagay tulad ng mga mamahaling plorera o kasangkapan, maaring kanina na rin ako nabasag mula sa mahigpit na pagkapit niya sa aking bewang, idinidikit pa sa katawan niya.Halos mapugto ang sariling hininga nang ilang gahibla na lang at magdadampi na ang aming mga labi. Subalit ang Maharlikang nasa harapan ko ngayon ay tila may ipinangakong alituntunin para sa kanyang sarili. Kung kaya't kahit may sumisibol na sensasyon sa pagitan namin ay humugot siya ng malalim na paghinga at pinigil ang sarili niya."Anong masasabi mo, Kamahalan? Maari kang pumili sa dalawa, o 'di kaya'y..." Sinadya kong hininto ang sasabihin. Mas pinaaliw ko pa ang boses. "Pagsasabayin ko, Kamahalan... pwede kong pagsabayin ang dalawa."Hindi ako mag-aakalang masasabi ko ang mga katagang iyon sa Hari pang ngayon ay wala akong kaalaman sa kung ano ba talaga dapat ang iniisip at
GunitaSa hindi mabilang na pagkakataon, sa gitma ng lamig at tila paraisong tanawin buhat ng mga nahuhulog na niyebe, ngayon ko lang nadama ang totoong panahon ng taglamig.Dahil sa tuwing dumarating ang ganitong panahon, tanging mga malulungkot na araw lamang ang aking naaalala. Kung dati'y nababalisa pa ako kung saan makakatulog nang mahimbing ngayon naman ay animo'y niyayakap na ang lamig dahil sa paglalakbay. Kung hindi dahil sa karwaheng kung saan kami lulan, makapal na kasuotan at talukbong, maaring maging kagaya na lamang ako sa mga katubigang nagyelo na. Ilang araw na ring hindi bumuhos ang niyebe pero may dala pa rin na hamig ang klima, kahapon lamang muli ang mga ito nahulog pababa mula sa kalangitan. Kung kaya't maingat ang pagpapatakbo ng aming karwahe.Ngayong araw na ito ay mamalagi ako pansamantala sa tahanan ni Senyora Valleri. Magsisimula na ang kanyang 'pagtuturo'. Hindi ko maunawaan kung bakit biglaan na lamang ang kanyang pagsuhestiyon sa Hari tungkol rito.Dinal
Unang ArawTuluyan na nga kaming nakarating sa tahanan ni Senyora Valleri. Walang niyebeng bumabagsak ngunit ramdam pa rin ang lamig. Ito na ang pangalawang beses na makita nang malapitan ang tahanan ng Senyora, sa ibabang bahagi ay gawa sa bato at semento.Mayroon iyong pintuan sa gilid—sa likod ng papaakyan na hagdan. Habang ang kalahati na pang-itaas naman ay yari sa matibay na kahoy, mga patrayangulong bubong at may tsimenea kung saan doon lumalabas ang usok mula sa pugon.Nanguna na ang Senyora sa pag-akyat ng hagdan, umalis na rin ang sinakyan naming karwahe. Sumunod ako sa kanya at pagbukas ng pintuan, makikita ang maayos at malinis na sala. Nakita ko na ito nung unang bisita namin dito ngunit wala pa ring nagbabago sa nararamdaman kong paghanga sa loob at disenyo ng tahanan.Humarap naman sa akin ang Senyora, kapagkuwan ay nagsabi siya."Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Ang ating gagawing pagsasanay sa susunod na araw at sa susunod pa ay mas komplikado. Kung kaya't mas mainam
Unang PagsubokSimula pa lamang ng aming paglalakbay ay naiisip ko na ang tungkol sa pagsasanay. Kung gaano ba iyon ka-komplikado, kahirap o mas higit pa ba iyon sa naranasan ko sa kamay ng Senyora Varrella.Subalit ang lahat ng iyon ay balewala kung hindi makikita sa personal, sa iyong mga mata, at higit sa lahat mararanasan.Unang araw pa lamang ay halos ko hindi na aakalaing ganito kahirap. Paulit-ulit na pinatakbo ako ni Senyora Valleri sa matarik at mataas na bundok. Mapataas o baba. Parang paunahan, kung sino ang mauunang dumating sa tuktok ng bundok, siya ang makakakain ng masarap na pagkain.At kapag nahuli ay siya naman ang magugutom o hindi kaya'y tubig lang. Ang bilin ng Senyora'y pagdating sa tunay na labanan ay hindi lang galing sa pakikipaglabanan ang iyong alas. Kakailanganin mo iyon ng mabilis na kilos kasabay ng walang kahit na anong ingay sa iyong paggalaw. Tumakbo man o maglakad ng mabilis.At sa totoong labanan, hindi lahat ng oras ay mapupuno ang sikmura dahil hin
Ang Estranghero Ang pakiramdam ay abot-langit na kaba at halos mahinto sa paggalaw mula sa aninong bigla na lamang sumulpot sa aking likuran. At nang makabalik ako sa sariling huwisyo'y kaagad akong kumilos palayo't hinarap ang anino. Ngunit hindi anino ang aking nakita, bagkus ay isang matipunong lalaki na nababalutan ng itim na balabal ang itsura. May mga gintong ornamento ang kanyang itim din na damit na naiilaliman ng itim na balabal na suot niya. Ipinapakitang may pagkakapareho sa mga may dugong bughaw na matataas ang pagkakakilanlan subalit mayroon ding pagkakaiba. Ang kulay tsokolateng buhok na abot hanggang balikat at mga luntiang mata nito na tila ibig akong bihagin mula sa hiwagang nasa ilalim niyon.Humakbang ito paabante, kasabay naman ang paghakbang ko ng paatras. Subalit hindi ko inaasahan nang yumukod ito't nagbigay galang. "It's an honor for me to meet you here, your Majesty. I'm truly grateful to see the presence of the Koroteya's Queen in my territory," anito sa
Anino mula sa DilimMga usok at siga mula sa nag-aapoy na kahoy, mga nagkukwentuhan, nagkakatuwaan at mga nakatingin sa sumisilip na buwan ang tumambad sa aking paningin mula sa lawang pinanggalingan.Si Calla ay kaagad akong pinauna at pinaupo sa upuang kahoy katabi ng ilang niyang kasamahan. Mula sa nag-aapoy na kahoy ay naroon ang nilulutong hapunan.Sa aking mga nakikita lahat ay simple. Ang totoo'y unang beses kong maranasan ang ganitong pagtitipon. Nasa labas ng tahanan, nagtitipon sa kailaliman ng gabi, at nag-uusap habang hinihintay maluto ang pagkain.Kahit pa ang sitwasyon at lugar ay nasa gitna pa rin ng walang kasiguraduhan, hindi ko maitatangging naging pangarap ko ito noon. At hindi ko inaasahang kahit nasa gitna pa rin ako ng pagsubok at kalituhan, kahit papaano'y masayang nasaksihan ko ang sandaling ito.Ngunit gayumpaman ay kailangan ko pa ring maging mapagmatyag, mapanuri at mag-ingat. Hindi sa lahat ng oras ay ganito lamang kaluwag ang bawat sitwasyon."Nasa malayong
Sa Ilalim ng LawaMga puno'y kay luntian. Bagay na kabaliktaran sa aking unang pagpasok ko rito sa bundok. Tubig na kay linaw, lumalagaslas kasabay ng iilang mga bulaklak at dahon na nahulog mula sa mga punong pinagmulan. At ang repleksyon ng buwan sa malinaw na lawa ay nagdaragdag ganda at nagbigay ng kalmadong pakiramdam sa gitna ng gabing walang kasiguraduhan.Hindi ko na mabilang ang ginawang pagbuntong-hininga habang nakatingala at nakatanaw sa kalangitang may pinta ng itim at ang buwan na may naghahalong kulay abo at puti na siyang sentro ng sining.Pumikit ako ng taimtim habang dinaramdam ang lamig na bumabalot sa aking kahubdan. Hanggang sa unti-unting linubog ko ang sarili sa ilalim. Hindi ko mapunto ang nararamdaman sapagkat hindi naman inaasahang ganito ang magiging sitwasyon ko.Nagsimula lang naman ang lahat ng ito sa usapan ng Hari at ng Senyora. Sunod ay mga pagsubok na kailangan kong magawa at makompleto. At habang nasa kalagitnaan ng pagsubok, hindi lang pangalan ng b
Natatago sa Huwad at KatotohananHindi ko masabi kung gaano katagal na akong naririto. Simula nang gabing iyon ay hindi lamang ang babaeng iyon ang bumisita sa mahiwagang tahanang tinutuluyan ko. May mga kadalagahan at mga kabataang sumisilip mula sa pintuan.Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang araw ang lumipas. Gamit ang hindi ko kilalang gamot at orasyong binibigkas nila sa tuwing ginagamot nila ang aking natamong malalim na sugat. Unti-unti na nga at ngayon nga'y nakaya ko nang tumayo at maglakad ng mag-isa.Hindi pa rin ako sanay sa bago kong pagkakakilanlan. Naninibago pa rin ang aking pandinig sa tuwing binabati nila ako o kapag tinatawag nila ang estadong kailanman ay hindi ko inasam. At higit sa lahat ay naguguluhan pa rin ako sa lahat nang nangyayari.Ano nga ba ang Bundok Nilayen? Ano ang mga nakatagong lihim na nakapaloob dito? Ang mga sinabi ng Senyora Valleri ay mga katotohanan nga ba o mayroon pa itong hindi nalalaman?Kung ang bundok na ito'y pinangalanan dahil
Ang Babae at Ang PagbatiMga bulong. Mahihina at tila nag-uusap ang unang nadinig. Agad akong bumangon at agad na kirot ang naramdaman mula sa aking binti. At mas kaya ng indahin kumpara kanina. Mula sa mariin na pagkakapikit ay dahan-dahang iminulat ko ang mga mata. Saka dumako sa binting kanina ay nagdurugo na ngayo'y malinis at maayos na ginamot at natatakpan ng malinis na tela.Napalingon ako sa paligid. Wala namang ibang tao kundi ako lang. Mukhang luma at abandonado na rin ang bahay na kinaroroonan ko. Gayumpaman, malinis at katulad ngayo'y maaring tirahan din ito."Hindi," agad na pigil ko sa sarili. "Hindi kaya isa na naman itong ilusyon?"Nakailang kurap ako at kinurot ko ng ilang ulit ang sarili sa pag-aakalang isa na naman ito sa ilusyon ng bundok. Napaigik na lang ako matapos sampalin ang sariling mukha. Naalala kong kahit sa ilusyon ay may nararamdaman pa rin ako kaya't kahit gawin ko pa ito'y wala rin iyong saysay. Lahat sa loob ng ilusyon ay pawang nasa katotohanan kahi
Pagbabalik sa ReyalidadKung katulad sa ilusyong pinanggalingan ay sakit ang naging katapusan. Hindi lamang niyon maihahalintulad ang pagbabalik sa reyalidad kung saan hindi lang salita ng sakit ang makakakapagpaliwanag sa mismong nararamdaman.Mula sa isang ungol ng paghihirap ang umalpas sa aking mga labi, kahirapan ng paghinga dahil sa iniindang hapdi o hindi matukoy na kung doon lamang ba sa parte ng aking katawan ang may sugat o talagang kumalat sa aking buong sistema.Malalalim at mabibigat na paghinga ang ginawa bago ako naglakas-loob na gumalaw mula sa kinasadlakan. Hindi ko na matukoy kung saan at ano ang eksaktong nararamdaman dahil sa pananakit ng buong katawan. Naipikit muli ang mga mata at tumulo ang mga luha nang kahit kaunting galaw ko'y naramdaman ko pa rin ang matinding sakit sa aking binti.Napasandal ako sa nagsasangang punong kahoy. At natanaw ko ang kadiliman. Sa gitna ng walang kasiguraduhang landas sa loob ng kagubatan. Maliban sa liwanag ng buwan na pilit sumis
Bulong at Pagtakas Sa bawat pagtakbo, paulit-ulit lang na lugar at pangyayari ang aking nakikita. Kung hindi ang Palasyo, o ang mukha ng hari, hinahabol din ako ng mga lumot ng nakaraan. Paikot-ikot lang ang nangyayari. Sa loob ng mga usok, ibang senaryo, at pamilyar na tao. At katulad nga nang sabi ng kung sinumang mga nilalang na iyon, ang kanilang ilusyon ay pilit akong ikinukulong. Nanghina ako at napasalampak sa pamilyar na lansangan ng Bayan ng Satrosa. Ilusyon ngunit animo'y totoo. Nakikita mula sa mga mata, nararamdaman mula sa pakiramdam. May pagkakataong basta na lamang ako naliligaw sa gitna ng taglamig. Yakap-yakap ang sarili at walang maisip kung ano ang maaring gawin. Napapikit ako ng subukan kong alalahanin ang pinagmulan ng pagparito ko't bakit ako naririto. Kahit ang pangalan ko'y hindi ko na rin matandaan. Ngunit ang bawat taong nakasalamuha mula sa nakaraan ay kasing-linaw ng lawa. Hindi ko makakalimutan ang mga mukha nila. Subalit sa tuwing susubukan kong ala
Ilusyon"Makinig ka Yonahara. Ang bundok ay gagawa ng paraan upang maging bihag ka nito habambuhay. Hindi ka nito hahayaang makawala mula roon kung sakaling ikaw ay maabot niyon o kung ano man ang mga misteryo at kababalaghang naroon." "Higit mong tandaan, Yonahara. Sa oras na mapasailalim ka nang kanilang unang pain, mahihirapan ka nang makalabas.""Ang katotohanan ay nagtatago sa isa pang katotohanan."Napamulat ako nang may mapaginipan ako. Ngunit wala rin akong natatandaan alinman sa mga iyon. Naglumikot ang mga mata at bumangon. Nasa ilalim ako ng palasyo. Sa silid ng Hari."Anong ginagawa ko rito?" napatanong ako sa sarili.Wala akong naaalalang pumarito ako. At nang sumubok ako'y sumasakit lamang ang aking ulo. Itinigil ko na lang saka muling iginala ang paningin.Nakalilito ngunit paano ko naman nalamang nasa silid ako ng hari kung wala akong maalala sa pagpunta ko rito? Nagpakawala na lamang ako ng marahas na hininga.Pakiramdam ko nga'y may kakaiba ngunit hindi ko masabi k
TemptasyonHindi ko mawari kung ilang oras na ba ang nagdaan simula nang ako'y pumasok sa bundok. Gamit ang gintong sinulid at ilang mga naunang gabay na may gintong sinulid din, na nakatali sa mga puno ay tuon ang atensyon kong sinusundan.Tahimik ang kagubatan. Habang ang mga puno ay mayroong misteryosong presensya kasama ng katahimikan. Nilalabanan ang panghihinang maaring ilaban sa akin habang patuloy akong naglalakad sa landas, gabay ng mga gintong sinulid.Dahil sa hamog ay hindi ko masyadong tanaw ang paroroonan. Habang pagtuloy ang paglalakad, isang kaluskos sa likuran ang nagpalingon sa akin. Isang pagsinghap ang aking ginawa upang ibalik sa normal ang paghinga."Tatagan mo ang iyong sarili, Yonahara. Hindi ka dapat magpadala sa takot," bilin ko sa aking sarili.Nagpatuloy muli ako. Habang sinusundan ang mga nagdaang gabay, at paglalagay ng gintong sinulid sa dinaanan, kung kanina'y paminsan-minsan lamang ang mga naririnig na kaluskos ngayon naman ay maya't maya na ito nagpap