Share

Chapter 46 – Ban

Hindi lubos maisip ni Agnes kung ano ang kahihinatnan niya kapag nadikit siya sa pang-kuryenteng hawak ng babae. Lubos ang kanyang pagka-takot at pangamba lalo't basang-basa siya. Sa pananatili niya sa mansyon, ito na ata ang ikalawang beses na nalagay sa panganib ang kanyang buhay, una ay nang gawin siyang target ni Aeros. 'Baliw na ba ang babaeng ito? Hindi ba niya alam na puwede niya akong mapatay gamit yun? Para siyang may sapi....... Aeros.... Sir aeros, dumating ka na sana.... Ms. Mildred...'

.

.

.

Click!

Natigilan si Aeros nang biglang mabali ang ginagamit na ballpen habang nasa kasagsagan ng kanyang pagsusulat. 'Ba't nabali to? Sasabihin ko nga kay uncle na ayoko ng mga ganitong substandard na office supplies.' Nag-inat siya't tumingin sa labas ng bintana. Nalalapit na ang paglubog ng araw kaya naisip niyang umuwi na lalo't nasa mansyon ang kanyang lola, nang sa ganu'n ay makasama niya ito nang mahaba-habang oras. Tumayo siya't iniligpit na ang kanyang mga gamit.

"At saa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status