Share

Chapter 54 – Unexpected Interrogation

Nanigas na lamang si Agnes sa kanyang kinatatayuan at hindi makasagot. Tila umurong ang kanyang dila at hindi na makapagsalita. Nag-iba siya ng tingin dahil hindi na ito makatingin sa matanda. Ngunit dahil dito ay lalo lamang lumaki ang pagdududa ni Esmeralda at tila nakatitiyak na ito sa kanyang hinala.

"Tinatanong kita, sa iyo ba ito, bakit hindi ka makasagot?!" Sigaw ng donya.

Umiling-iling si Agnes ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iwas ng tingin. "H-hindi po... sa kin 'y-yan... D-donya esmie." Utal-utal niyang sagot na nagpakulo lang sa dugo ng matanda.

Sinunggaban nito ang dalaga at iniharap ito sa kanya. "Ang akala ko pa naman ay matino ka, umamin ka nga.... anong pinaplano mo sa apo ko, sinadya mo bang mamasukan dito bilang oportunista kagaya ng sinabi sa kin noon ni Cindy?! Ano, magsalita ka!"

"Donya esmie, sandali!" Lumapit sa dalawa si Ms. Mildred at inilayo si Agnes na noo'y nagsisimula nang mataranta at umiyak. Nang tawagin ni Esmeralda ang dalaga ay nagduda ito ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status