Nang matapos nang kumain ang lahat pati ang mga katulong ng hapunan ay lumabas na rin si Agnes mula sa maid's quarter dahil nagugutom na rin ito. "Hay, salamat at lumabas na rin ang feeling señorita!" Parinig ni Lucy na hindi naman pinansin ni Agnes. Nilagpasan nito ang dalaga ngunit bahagya niya itong binangga sa balikat. Pinandilatan ni Dina ang iba nang tangkain ng mga ito na lapitan si Agnes, nalalaman niya kung ano ang balak gawin ng mga ito. Payapang nakapaghapunan ang dalaga, ngunit nang matapos siyang kumain ay hindi na nakatiis ang mga katulong. Matapos maghugas ng kanyang pinagkainan ay agad siyang pinaikutan ng mga ito. "Agnes, magsabi ka ng totoo...... May namamagitan ba sa inyo ni ser Aeros?" Nang marinig iyon ay napaatras ang dalaga. Tila may trauma ito sa katanungang ito. Nang mapansin ni Dina na tila may pagbabago kay Agnes at nang makitang parang nanigas ito ay inawat n'ya ang mga kasama. "Tama na yan! Maawa nga kayo kay Agnes, alam n'yo namang may pinagdaanan s'y
"I don't expect anything from you, except, huwag kang magsilbing sakit ng ulo ng apo ko o kahit sino sa amin, am I clear?" Bumaling si Esmeralda kay Agnes na noo'y nakayuko at tahimik lang na nakatayo sa isang tabi. "Agnes..." Tawag niya. Ang magkasalubong na mga kilay nito ay biglang naghiwalay at magiliw itong lumapit sa dalaga. Kinuha niya ang bisig nito at niyakap. "Halika, samahan mo ko sa garden. Samahan mo kong i-check yung mga cactus ko doon kung na-aalagaan ba sila nang maayos ni Raul." Nang walang naging reaksyon ang dalaga at nang makitang tulala lang ito ay tinawag ito ng donya. "Agnes?"Saka lang ito naalimpungatan at namalayan na lang na nasa tabi na niya ang among babae. "Um, donya esmie.... a-ano po yun?"Nagtawa ang matanda. "Ano ka ba. Kanina pa kita kinakausap, ngayon mo lang ako napansin?"Napakamot ng kaniyang ulo si Agnes at iwinaksi ang hindi magandang nararamdaman. "P-pasensya na po, may iniisip lang po ako."Habang papalayo ang dalawa ang pinagmasdan ito
"Anong ginagawa mo? Tigilan mo yan!" Pumalag at nanlaban si Agnes. Kung kanina ay plano niya ito bago umakyat sa kuwarto ng guwapong amo, ngayon ay hindi na matapos siyang mainis dito. Nawalan na rin siya ng gana para dito."Stop pretending! I know you came for this. Kung hindi, hindi ka siguro maliligo muna at magpapabango bago umakyat dito sa kuwarto ko, hindi ba?" Iginawi ni Agnes ang ulo sa gilid. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo."Nagtawa ang binata. Naaaliw ito sa pagpapanggap ng dalaga. "Fine, sinabi mo e." At itinuloy niya ang pagpunit sa damit nito. Nang muli siyang pigilan ng dalaga; "Don't worry, I'll buy you a new one." Sa pagkakataong ito ay hindi na tumutol si Agnes........."Agnes, ayos ka lang? Mukhang antok na antok ka a." Bati ni Dina habang naghihiwa ng bawang na gagamitin para sa sinangag.Isinara ni Agnes ang bibig mula sa pagkakahikab. "Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi e, nanaginip kasi ako nang masama." Gustong hangaan ng dalaga ang sarili sa
Hindi mapakali si Aeros,excited ito dahil ito na ang kanyang pinakahihintay. "A-anong balita? Ano ang natuklasan mo?" Maya-maya ang excited na mukha nito ay unti-unting napalitan ng pagkadismaya. "Ano?..... b-bakit ganu'n?" Matapos pa ang ilang sandali ng pakikipag-usap ay ibinaba na nito ang kanyang telepono. Bumuntong-hininga ito at naupo sa gilid ng kanyang kama. Nahimas niya ang sariling noo.Ayon as private investigator na kanyang inupahan, ang agnes na kanyang natagpuan ay isang Dela Fuentes na naninirahan sa isang may-kayang komunidad dahil sa isang villa ito nakatira, kapareha ng Agnes na katulong nila sa mansyon at bukod sa kaparehong pangalan, magkapareho rin ang mga ito ng apelyido. Iisa lang ang ibig sabihin nito, na iisa lang ang Agnes na kanyang ipinahahanap at ang pangit na Agnes na katulong nila sa mansyon.Ngunit lubos na nagtataka si Aeros kung paano iyon mangyayari gayong malinaw sa kanya na magkaibang tao ang dalawa na nagkataong magkapareho lang ng pangalan. Kaila
"Bingi ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko? Uulitin ko pa ba? O sige, makinig kang mabuti ha, paki linis na rin ang tenga mo." Ani Cindy habang nilalaro-laro ang dulo ng kulot niyang buhok. "Katulad ng narinig mo kay lola esmie, darating ang araw na magpapakasal kami ni aeros at siyempre, dito niya ako ititira..." Ngumiti ito na tila nangangarap nang gising.Naikuyom ni Agnes ang kamao nang marinig iyon bagaman napanatili niya ang normal niyang ekspresyon. Ayaw niyang ipakita sa babaeng kaharap na naapektuhan siyang sa sinabi nito."O ano, ba't hindi ka na makapagsalita diyan? Baka may gusto kang sabihin like, best wishes, good luck, I'm so happy for you.... Ano na?" Aniya habang binabangga-bangga ang balikat ni Agnes na animo'y nang-iinis ito.Nagtimpi ang dalaga at hindi pinatulan ang provocation ng babae, ngunit nakaisip ito ng pambawi dito. "Teka, huwag mong sabihing nanggaling ka sa tulog, nananaginip ka pa yata e."Tumigil si Cindy at nangunot ang kilay nito. "Ano?" Tanong
"S-ser aeros.... H-hindi po namin sinasadya." Ani nang nahihintatakutan na si Lucy. Ito ang unang pumutol ng katahimikan. "Sir aeros...." Ani Agnes na hindi na mapakali, batid niyang galit ang binata."Ikaw kasi Agnes e!" Biglang paninisi ni Lucy. "Kung ibinigay mo na lang sana sa kin yung tray hindi sana mangyayari ito!"Naitutop ni Agnes ang labi. Gusto niyang mangatwiran ngunit nang makita ang madilim na awra ni Aeros ay hindi na lang ito umimik.Dagling nakakuha ng basahan si Lucy at agad pinunasan ang basang laptop ng among lalaki. "Ser Aeros pasensya na talaga, si Agnes kasi e."Nang makita ito ni Agnes ay kumuha rin siya ng basahan ngunit nang tangkang pupunasan ang lamesang natapunan ng juice ay tinulak ito ni Lucy. "Doon ka na nga! Baka makadisgrasya ka na naman e." Ani Lucy na animo'y hindi siya sangkot sa nangyari."Leave me alone." Mahinang wika ni Aeros. Tila nagtitimpi ito."Umalis ka na raw sabi ni ser Aeros!" Ani Lucy kay Agnes."I said, both of you, just f*cking
Tila hindi makapaniwala si Agnes, napatingin ito sa naghuhuramentadong babae, tila nagseselos dito."Nag-abala pa talaga si ser aeros na ipagdiwang ang birthday ng babaeng yun, at dito pa talaga sa mansiyon! Nakakainis talaga! Ano ba siya dito, amo natin?..... Palibhasa wala si donya esmie e kaya nagagawa ng babaeng yun na paikutin si ser Aeros e. Hay naku! Hindi puwede to, isusumbong ko talaga siya kay donya esmie pagdating niya!""Mas makakabuting huwag ka na lang makialam sa kanila. Problema ng mga amo yan, bakit ka manghihimasok, miyembro ka ba ng pamilya nila?"Imbes na ma-appreciate ang sinabi ni vanyl ay nagalit pa si Lucy dito. "Anong dinadaldal mo diyan vanyl? Nag-aalala lang naman ako para kay ser aeros a! Tayu-tayo lang ang nandito kaya dapat magreport tayo kay donya Esmie, diba Agnes?"Gaputok man ay hindi sumagot ang dalaga. Tila may malalim itong iniisip matapos marinig mula kay Lucy na ang party ay para pala sa pagdiriwang ng birthday ni Cindy. Tila dinagukan siya
Natahimik ang paligid at ang ilan ay napanganga pa. "My god, what's wrong with Trixie, is she's sick? Hindi naman sinasadya nung maid e." Wika ng isang babae sa mesa nila aeros."Well, knowing Trixie, hindi niya basta palalagpasin yan. I think she's hurt. Tingnan mo o, umuusok pa yung pagkain kaya malamang mainit yan.""What the h*ll is wrong with you, ba't hindi ka naman nag-iingat?" Ani Trixie habang bahagyang nagtatatarang at ipinapagpag ang kanyang paa. Matapos niyang punasan ang natapong sisig ay tumambad sa kanya ang pamumula ng kanyang binti at paa. Lalo itong nagalit at nagpupuyos na bumaling kay Agnes na noo'y tila hindi pa rin makapaniwalang nakatanggap siya ng malakas na sampal mula sa babae. Sapu-sapo nito ang namumula niyang pisngi."What now?! Anong gagawin mo kung magka peklat ako nang dahil sa katangahan mo? Akala mo ba ay mababayaran mo ko?"Tatayo sana si Aeros para lapitan ang dalawa ngunit biglang kumandong si Cindy dito. "Aeros ~ you don't have to meddle to t
Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum
Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,
Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani
"Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang
Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it
Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay
Bagaman nagkakaroon ng udyok si Agnes na lapitan si Aeros ngunit hindi niya magawa dahil sa hiya. Na-misinterpret pala niya ito at mali ang kanyang iniisip tungkol dito.Maya-maya lang ay pinutol na ni Aeros ang pakikipag-usap sa kanyang lola. Nang makita ni Agnes na papalabas na ito ng fire exit ay tumakbo siya palayo, tila wala pa siyang lakas ng loob na harapin ito. Aalis na muna siya para na ring mapag-isipan ang dapat niyang gawin.Tulala si Agnes nang magbalik ito sa kanyang suite. "Kumusta Agnes, nahanap mo ba ang nobyo mo? Nagkausap ba kayo? Nagkaayos na ba kayo?" Agad na tanong ni Marta.Nagbalik sa kanyang wisyo si Agnes at napamaang sa matandang katulong. "Inabutan ko po siya pero hindi po kami nagka-usap...... Saka, nanay Marta, hindi ko na po nobyo si Aeros, hiwalay na po kami at nananatili pa rin pong ganun hanggang ngayon kaya paano naman po kami magkakabalikan?"Hindi inintindi ni Marta ang sinabi ni Agnes. "Doon din naman kayo pupunta, may kutob akong magkakabalikan
Nang sumunod si gerald sa hotel ay nagtaka nang husto si Agnes nang makita ang mukha nito na may mga pasa at band aid. "Ged, napaano ka?" "Nadisgrasya ako pagkuha ko ng document. Natisod ako at nadapa, tapos bumagsak ako, tumama ang mukha ko sa mesa.""G-ganun ba? Pero......" Nagkaroon ng pagdududa si Agnes dahil sa kanyang nakikita ay mukha namang hindi ang pagtama sa lamesa ang dahilan ng pagkakabugbog ng mukha ni Gerald, sa halip, sa kanyang nakikita ay mukhang nakipag away ito.Hindi sinabi ni gerald kay Agnes ang tungkol sa kumpetisyon nila ni Aeros. Sa hotel gagawin ng dalawa ang huli nilang paghaharap at dahil nandoon na rin naman sa hotel ay inayos na ni Gerald ang lahat ng kakailanganin...........Sa araw ng kompetisyon:"Akala ko ay hindi ka na darating e."Pumalatak si aeros. "Ano'ng tingin mo sa kin?""Kung ganun, ihanda mo na ang sarili mo para matalo, dahil hindi kita pagbibigyan." Nilingon ni Gerald ang nakasarang pinto. Naisip n'ya ang kakatwang sitwasyon ni Aeros;
Pag-alis nila aeros at Fredericko ay agad nag-impake ng ilang gamit si Agnes para sa kanila ni Aaron. Dahil madalian ay tinulungan na siya ni Marta sa pag-iimpake. Nagtanong ito. "Bakit biglaan naman yata ang pag-alis mo iha, mag-a-out of town ka ba? Saka bakit pati gamit ni Aaron ay iniimpake mo, isasama mo ba ang bata?""Opo, isasama ko po ang anak ko pero hindi po kami mag-a-out of town, mag -i-stay po muna kami sa hotel."Napamaang si Marta. "Magho-hotel kayo ni Aaron? Ano na naman ang gagawin n'yong mag-ina doon?""Nanay Marta, katulad po ng sinabi ko, doon na muna kami...... nag-aalala po kasi ako na baka bumalik uli ang ama niya at kunin siya nang sapilitan sa kin."Natigilan si Marta. "T-teka..... yung lalaki kahapon, ibig mong sabihin...."Bumuntong-hininga si Agnes. "Opo, tama po kayo. Siya po si Aeros, ang ama ni Aaron.""Aba, e ka-guwapo naman pala ng dati mong nobyo! Pero, bakit ganito na ang sitwasyon n'yo ngayon? Puwede ko bang itanong kung ano ang nangyari sa inyong da