Share

Chapter 4

Author: wannabeyou
last update Last Updated: 2024-12-17 11:40:47

Halos takbuhin ko na ang silid ng anak ko matapos makababa sa sasakyan ni Stefan. Naabutan ko si Lola na kausap ang doktor, at si Sixto naman ay nasa kama namumutla at wala pa rin malay.

"Are you the mother?"

"Yes, doc I am," agad kong wika. "Anong nangyari sa kanya? Ayos lang ba siya?"

Nagbuntong-hininga ang doktor at umiling. Nanlambot ang mga tuhod ko at muntik pa matumba. Naroon naman si Stefan para alalayan ako.

"Kailangan ng bata ng bone marrow transplant sa lalong madaling panahon. Kung aasa lang tayo sa blood bank para salinan siya nang salinan ng dugo ay lala lang ang lagay niya. Severe plastic anemia ang sakit ng bata. Kailangan niya ng bone marrow transplant sa lalong madaling panahon."

"Anong kailangan namin gawin, doc?" Kahit ano pa man yun ang gagawin ko. Kahit maubos ko pa ang pera na ibinigay ni Stefan para lang gumaling si Sixto ay gagawin ko.

"Nagpatest na ang ang ilang kamag-anak mo kanina, kapapasok lang ng result at wala ni isa ay nagmatch sa bata para maisagawa ang transplant."

"Ako po, doc," presenta ko. Handa ako sa kahit saan. "Baka pwede ako? Baka mas malaki ang chance na magmatch kami dahil ako ang ina niya? Kung hindi naman ako nagmatch ay pwede naman siguro tayo kumuha ng donor?"

"Mas malaki pa ang chance mo na nanalo sa lotto kaysa makakuha ka ng donor," singit ni Stefan sa usapan. Kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko naaalala na nakahawak nga pala siya sa balikat ko.

Napatingin naman ang doctor kay Stefan. "He's right. Hindi ka pwede umasa lang sa donor dahil bibihira rin ang nagmamatch sa ganitong sitwasyon."

"Kung hindi ako magmatch ay ano ang pwede naming gawin, doc?" Bakit ba ganito kahirap? Bakit sa anak ko pa nangyari ito? Kung pwede lang aakuin ko ang sakit niya. Ayaw ko nakikita na nahihirapan ang anak ko dahil ako lang ang nadudurog.

"If you don't mind, nasaan ang ama ng bata? I wanna talk to him with you. Pwede rin natin siya i-test, at kung hindi pa rin siya magmatch sa bata ay pwede ang kapatid niya, o ang magiging kapatid niya. Doon ay sigurado na tayo na makakakuha ang bata ng bone marrow."

**

"Kailangan mo sabihin sa kanya ang totoo kung gusto mo iligtas ang anak mo, Bea," pangangaral sa akin ni Lola. "Ang anak niyo ang pinag-uusapan dito. Kung ano man ang meron na galit at sama ng loob sa isa't-isa ay labas ang anak niyo roon."

Nang makita niya na kasama ko si Stefan pagdating namin sa hospital ay ramdam ko ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. Kaya naman nang umalis na si Stefan ay pinaulanan na niya ako ng tanong.

Hindi ko naman ipinagkakait kay Sixto si Stefan. Kilala rin niya sa larawan si Stefan dahil ayaw ko maramdaman niya na wala siyang ama. Kaya pati si Lola ay alam din ang itsura ni Stefan at nagulat pa nang makita kami na magkasama.

"K-Kakausapin ko po siya mamaya..."

Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng mga damit ni Sixto at pati na rin ng damit ko. Hindi pwede mapuyat si Lola sa pagbabantay kaya papauwiin ko na si Lola para makapagpahinga.

Nagpadala rin ako ng text kay Cheska at humingi ng tulong para maghanap ng bone marrow donor. Hindi ako nagmatch, kaya tangging si Stefan na lang ang pag-asa ni Sixto, o ang makahanap kami ng donor.

"I wanna be a pilot, daddy. Gusto ko mag-drive ng eroplano. Isasakay ko kayo ni Mama, at si Lola. Pupunta tayo sa Canada, magkalaro tayo ng snow!"

Sandali akong napahinto nang marinig ang boses ni Sixto mula sa labas ng kanyang silid. Tumatawa siya at... may kausap sa loob? At tinawag niya pa itong daddy?

Binuksan ko ang pintuan at naabutan si Stefan na nakaupo sa gilid ng kama ni Sixto. Wala si Lola at tangging silang dalawa lang ang narito.

"Stefan..." kinabahang tawag ko sa kanya. Nasan si Lola? Sinabi ba ni Lola kay Stefan ang tungkol kay Sixto? "Akala ko ay... nakaalis ka na?"

"Mama!" masiglang bati sa akin ni Sixto. Namumutla pa rin si Sixto, pero nakangiti na siya at masaya. "Dumating na si daddy! Umuwi na siya sa atin! Thank you, Mama!"

Nahugot ko ang hininga ko at umiwas ng tingin kay Stefan. Lumapit ako sa kama at hinalikan sa noo si Sixto.

"N-Nasaan si Lola, anak? Kumusta na ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang ulo mo?"

Hindi ko na kailangan pa itago, alam na ni Stefan ngayon na magkaanak kami. Na anak niya si Sixto, pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa rin ako. Hindi naman niya siguro kukunin at ilalayo sa akin si Sixto?

"May kinuha lang po si Lola. Hindi na rin po masakit ang ulo ko." Tumingin si Sixto kay Stefan at nagngitian ang dalawa.

"I think we have something to talk about—"

"Huwag ngayon, Stefan." Hindi ko siya pinatapos.

"Bakit mo itinago?"

"Ang sabi ko ay huwag ngayon!" inis kong singhal sa kanya, pati si Sixto ay nagulat. Napasabunot naman ako sa buhok ko. "I'm sorry, anak."

Nilapitan ko si Stefan at hinila sa braso. "May tamang oras para pag-usapan natin ang mga bagay," mahinang sabi ko, pero naroon ang gigil sa mga mata. "Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon ngayon?"

"No, we'll talk about this, Bea. Right now, right here," laban niya sa akin. Kita ko rin ang galit sa kanyang mga mata. "Itinago mo sa akin ng apat na taon na may anak ako. Anong gusto mong gawin ko? Gusto mo ba maghintay pa ako? Gaano katagal? Kung hindi pa sinabi sa akin ng Lola mo, kung hindi pa ako nakita ni Sixto ngayon, sasabihin mo ba talaga ang tungkol sa kanya o ililihim mo na lang habang buhay?"

"Itinago ko siya sayo dahil alam kong hindi ka mo ako pananagutan! Dahil alam kong wala sa isip mo ang magkapamilya!"

Alam kong gusto na niya ako sigawan, pero hindi niya lang iyon magawa dahil may bata kaming kaharap. Nagpipigil lang siya.

"Tinanong mo man lang ba ako kung gusto ko magkaanak? No. Hindi mo ako tinanong, Bea. Kaya bakit parang kasalanan ko pa ngayon? You assumed yourself na ayaw ko magkaanak kaya hindi mo sinabi sa akin. Huwag mo isisi sa akin ang lahat dito."

"Mama... daddy... are you two fighting? Bakit kayo nag-aaway? Hindi ba kayo masaya na buo tayo ngayon?"

Sabay kaming nagbuntong-hininga ni Stefan at ngumiti para ipakita kay Sixto na ayos lang kami.

"Of course not. Masaya kami... ng Mama mo. Masaya kami dahil buo tayo ngayon. We're not fighting. We're just... talking," sagot ni Stefan at muling nilapitan si Sixto. Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi nito. "Gusto mo ba ipagbalat kita ng orange?"

Pinanood ko silang dalawa mag-usap. Hindi nawawala ang tawanan sa kanila, parehong masaya. At ngayon ko lang din nakita si Stefan na ganito kasaya. He's very attentive to Sixto. Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na mag-ama sila, pero kapag pagmamasdan mo sila ng matagal ay makikita mo ang pagkakahawig nila.

Maya-maya pa ay dumating na ang doctor para muling tingnan ang lagay ni Sixto at binigyan ng mga bagong gamot. Nagpatest din si Stefan ay nagmatch siya.

"I will transfer him to Manila. Mas mapapanatag ako kung doon isasagawa ang transplant niya. Marami akong kilalang doctor sa sakit niya," pagdedesisyon ni Stefan.

"Kompleto rin ang mga gamit dito. Kung dadalhin pa siya ng Maynila ay mapapagod pa siya," tutol ko sa gusto niyang mangyari.

"Mas maaalagaan si Sixto ng mga doktor doon. I want what's the best for him, Bea. Sa ayaw at sa gusto mo ay ilalalipat ko siya. I am his father, and I have a fair share with every decision for him. For once, makinig ka naman sa akin."

Related chapters

  • The Conglomerate Regrets    Chapter 1

    Sunod-sunod na doorbell narinig ko mula sa labas dito sa kusina. Wala naman akong ibang inaasahan na bisita. Marahil ay baka doorman o ang order kong mga bagong halaman na iyon.“I’m coming!” sigaw ko kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig. "Sandali lang!"Inalis ko ang suot kong apron. I quickly checked my reflection in the mirror before I hurriedly went outside and pulled open the gate. Nangunot ang noo ko. It wasn’t the doorman or something. Police. Nakahinto rin sa harapan ng bahay namin ang sasakyan nito.“Hello, sir? Ano pong maitutulong ko?" I asked curiously."Kayo ho ba si Mrs. Beatrice Hidalgo? Narito ako para sa kanya." Kahit alam ko na wala naman akong ginagawang kasalan ay bigla pa rin ako kinabahan. Bakit naman kaya ako hahanapin ng police?“Mrs. Hidalgo?” he asked once again, and I shuddered. Even though it had been a year, I still wasn’t used to my married name.“Yes, my apologies… Anong kailangan mo sa akin?” Hindi kaya nakasagasa ako ng tao na hindi ko alam? A

    Last Updated : 2024-12-16
  • The Conglomerate Regrets    Chapter 2

    Confirmed. 4 weeks pregnant nga ako. Maselan din ang pagbubuntis ko at maraming bawal gawin. I didn't expect this to be happen, pero tinitingnan ko pa rin ang bright side. Blessing pa rin sa akin ang pagkakaroon ng anak."Hindi mo ba sasabihin kay Stefan?" pang apat na beses na tanong ni Cheska habang pabalik na kami sa apartment niya. Hindi ko na kinaya ang panghihilo kaya dinala na niya ako sa hospital kanina."I'm not saying na hindi ko sasabihin sa kanya, Cheska. Pero ang tanong, gusto niya ba ito? Paano kung hindi? Paano kung ayaw niya?" Bago ako nagdesisyon tungkol dito ay pinag-isipan ko muna iyon nang mabuti. "Negosyo ang buhay ni Stefan. Doon umiikot ang mundo niya. Ramdam ko rin na hindi pa siya handa na magkapamilya. Pero kung dumating man ang araw na gusto niyang makilala ang bata ay hindi ko naman siya pipigilan."Hindi ako siguro kung kaya ko magpalaki ng bata. Kung kaya ko na ba maging isang ina. Pero hindi ko rin malalaman kung hindi ko susubukan."Anong plano mo ngayo

    Last Updated : 2024-12-16
  • The Conglomerate Regrets    Chapter 3

    "You're so pretty, mama!"Tumaas ang kilay ko at kunwari hindi naniwala. "Talaga ba? O baka naman binobola mo lang ako?" Umikot-ikot ako para ipakita kay Sixto ang suot kong gown."I'm not lying. Sabi mo masama ang magsinungaling."Pinisil ko ang ilong niya at tumango. "Tama! Masama ang magsinungaling. Kailangan parati tayo magsabi ng totoo."It's funny how I educate my son na huwag magsisinungaling, samantala ako ay puro kasinungalingan ang sinasabi sa kanya kapag nagtatanong siya tungkol sa ama niya. Parati ko na lang sinasabi na nasa ibang bansa ito, nagtatrabaho para magkaroon siya ng magagandang laruan.Ang pera na ibinibigay ni Stefan sa akin bilang divorce settlement ay inilagay ko sa banko. Hindi ko iyon ginastos dahil gagamitin ko iyon para sa pag-aaral ni Sixto. Ang ilang mga ari-arian naman ay ipinalipat ko sa pangalan ko, na siya rin makukuha ni Sixto kapag nasa hustong gulang na siya.Pero alam ko na hindi magtatagal ay magsasawa rin si Sixto sa mga material na bagay na n

    Last Updated : 2024-12-17

Latest chapter

  • The Conglomerate Regrets    Chapter 4

    Halos takbuhin ko na ang silid ng anak ko matapos makababa sa sasakyan ni Stefan. Naabutan ko si Lola na kausap ang doktor, at si Sixto naman ay nasa kama namumutla at wala pa rin malay."Are you the mother?""Yes, doc I am," agad kong wika. "Anong nangyari sa kanya? Ayos lang ba siya?"Nagbuntong-hininga ang doktor at umiling. Nanlambot ang mga tuhod ko at muntik pa matumba. Naroon naman si Stefan para alalayan ako."Kailangan ng bata ng bone marrow transplant sa lalong madaling panahon. Kung aasa lang tayo sa blood bank para salinan siya nang salinan ng dugo ay lala lang ang lagay niya. Severe plastic anemia ang sakit ng bata. Kailangan niya ng bone marrow transplant sa lalong madaling panahon.""Anong kailangan namin gawin, doc?" Kahit ano pa man yun ang gagawin ko. Kahit maubos ko pa ang pera na ibinigay ni Stefan para lang gumaling si Sixto ay gagawin ko."Nagpatest na ang ang ilang kamag-anak mo kanina, kapapasok lang ng result at wala ni isa ay nagmatch sa bata para maisagawa a

  • The Conglomerate Regrets    Chapter 3

    "You're so pretty, mama!"Tumaas ang kilay ko at kunwari hindi naniwala. "Talaga ba? O baka naman binobola mo lang ako?" Umikot-ikot ako para ipakita kay Sixto ang suot kong gown."I'm not lying. Sabi mo masama ang magsinungaling."Pinisil ko ang ilong niya at tumango. "Tama! Masama ang magsinungaling. Kailangan parati tayo magsabi ng totoo."It's funny how I educate my son na huwag magsisinungaling, samantala ako ay puro kasinungalingan ang sinasabi sa kanya kapag nagtatanong siya tungkol sa ama niya. Parati ko na lang sinasabi na nasa ibang bansa ito, nagtatrabaho para magkaroon siya ng magagandang laruan.Ang pera na ibinibigay ni Stefan sa akin bilang divorce settlement ay inilagay ko sa banko. Hindi ko iyon ginastos dahil gagamitin ko iyon para sa pag-aaral ni Sixto. Ang ilang mga ari-arian naman ay ipinalipat ko sa pangalan ko, na siya rin makukuha ni Sixto kapag nasa hustong gulang na siya.Pero alam ko na hindi magtatagal ay magsasawa rin si Sixto sa mga material na bagay na n

  • The Conglomerate Regrets    Chapter 2

    Confirmed. 4 weeks pregnant nga ako. Maselan din ang pagbubuntis ko at maraming bawal gawin. I didn't expect this to be happen, pero tinitingnan ko pa rin ang bright side. Blessing pa rin sa akin ang pagkakaroon ng anak."Hindi mo ba sasabihin kay Stefan?" pang apat na beses na tanong ni Cheska habang pabalik na kami sa apartment niya. Hindi ko na kinaya ang panghihilo kaya dinala na niya ako sa hospital kanina."I'm not saying na hindi ko sasabihin sa kanya, Cheska. Pero ang tanong, gusto niya ba ito? Paano kung hindi? Paano kung ayaw niya?" Bago ako nagdesisyon tungkol dito ay pinag-isipan ko muna iyon nang mabuti. "Negosyo ang buhay ni Stefan. Doon umiikot ang mundo niya. Ramdam ko rin na hindi pa siya handa na magkapamilya. Pero kung dumating man ang araw na gusto niyang makilala ang bata ay hindi ko naman siya pipigilan."Hindi ako siguro kung kaya ko magpalaki ng bata. Kung kaya ko na ba maging isang ina. Pero hindi ko rin malalaman kung hindi ko susubukan."Anong plano mo ngayo

  • The Conglomerate Regrets    Chapter 1

    Sunod-sunod na doorbell narinig ko mula sa labas dito sa kusina. Wala naman akong ibang inaasahan na bisita. Marahil ay baka doorman o ang order kong mga bagong halaman na iyon.“I’m coming!” sigaw ko kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig. "Sandali lang!"Inalis ko ang suot kong apron. I quickly checked my reflection in the mirror before I hurriedly went outside and pulled open the gate. Nangunot ang noo ko. It wasn’t the doorman or something. Police. Nakahinto rin sa harapan ng bahay namin ang sasakyan nito.“Hello, sir? Ano pong maitutulong ko?" I asked curiously."Kayo ho ba si Mrs. Beatrice Hidalgo? Narito ako para sa kanya." Kahit alam ko na wala naman akong ginagawang kasalan ay bigla pa rin ako kinabahan. Bakit naman kaya ako hahanapin ng police?“Mrs. Hidalgo?” he asked once again, and I shuddered. Even though it had been a year, I still wasn’t used to my married name.“Yes, my apologies… Anong kailangan mo sa akin?” Hindi kaya nakasagasa ako ng tao na hindi ko alam? A

DMCA.com Protection Status