Tahimik na nakinig si Samantha kay Althea habang sa loob-loob niya gusto niyang sigawan ang babae upang tumigil na ito.
“Talaga bang hindi mo naranasan ang mahalin ka, ano?”
Napalunok pa si Samantha sa tanong ni Althea habang ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom sa inis.
“Kay gandang balikan ang mga araw kung saan na sa piling ko pa si Lorenzo...” sambit niya sa nakangiting reaksyon.
Alam ni Samantha kung anong balak ng babae. Gusto niyang saktan ang damdamin niya at ipamukha na mas mahal siya ni Lorenzo.
Nag-aapoy ang kaniyang puso dahil sa ginagawa ng babae pero nanatili pa rin siyang kalmado.
“Kung ang pinunta mo rito ay ipamukha sa akin ang pagmamahal ni Lorenzo para sa 'yo, umalis ka na,” aniya pero parang bato lang si Althea at nagpatuloy sa pagsasalita.
“Tanda ko pa noong magkasama kami. Grabe, pinagluluto niya ako ng pagkain at kapag may sakit ako, talagang tatakbo pa 'yan para lang alagaan ako. At higit sa lahat, prayoridad niya ang kasiyahan ko.”
Napaluha si Samantha dahil sa mga sinabi ni Althea na kinasama ng kaniyang loob. Kahit kailan ay hindi niya naranasan lahat ng mga bagay na iyon kahit pa sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama.
Bago pa man makita ni Althea ang kaniyang luha ay pinahiran niya ito at pinanatiling hindi apektado sa mga sinasabi sa kaniya ng babae. Kailanman ay hindi niya ipapakita rito ang inggit.
Muli na naman itong nagsalita.
“At alam mo bang palagi niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal kahit minsan nakakairita na,” aniya na sinamahan pa nang tawa. “Oh? Hindi niya ba iyon ginagawa sa 'yo? Kawawa ka naman...”
Tinakpan pa nito ang bibig na tila ba ay hindi pa siya makapaniwala na hindi naranasan ni Samantha ang mga iyon mula kay Lorenzo. Durog na durog na ang puso ni Samantha sa loob-loob pero nanatili siyang walang reaksyon.
Sa loob ng tatlong taon, lahat ng mga binanggit ni Althea ay hindi niya kailanman naranasan mula sa asawa kahit pa sa kabila ng kaniyang kondisyon ngayon. Masakit man ay iiyak na lamang siya at magtitiis hanggang sa makakaya niya.
Ngayon ay lakas loob na sinalubong ni Samantha ang nangungutyang titig ni Althea upang ipakita sa kaniya na hindi siya apektado sa lahat ng mga sinabi nito.
“Wala ka na bang ibang sasabihin? Sa tingin mo ay masasaktan mo ako dahil lang diyan?”
Tila nagulat pa si Althea sa kaniyang mga tinuran kaya napangiti si Samantha.
"Akala mo iiyak ako, magagalit, o magwawala, ano?” tanong niya rito. “Well, diyan ka nagkakamali, hindi lahat ng bagay ay kaya mong mahulaan.”
Tila ba biglang nawala ang energy ni Althea nang titigan niya si Samantha at naikumpara ang sarili na dati pala siya naging parte sa charity ng pamilyang Buenaventura.
Naglakad na pauwi si Samantha at naiwan si Althea na parang desperada. Nakahandang gawin ang lahat para lang masira sina Lorenzo at Samantha subalit kahit kailan ay hindi niya kayang pantayan si Samantha kahit anong gawin niya.
****
Kahit anong gawin ni Samantha ay pilit bumabalik sa alaala niya ang mga salitang binitawan ni Althea. Akala ng babae kanina ay hindi siya apektado subalit wala itong kaalam-alam na unti-unting dinudurog ang kaniyang puso sa inggit.
Napaupo siya sa sofa at umiyak ng tahimik. Labingdalawang taon din niya hinabol si Lorenzo pero hindi niya man lang siya pinansin ng lalaki.
Bigla na naman siyang napangiwi ng sumakit ang kaniyang tainga. Tinanggal niya ang suot na hearing device at halos mamutla siya nang makitang may bahid ito ng dugo. Nanginginig man ang kaniyang kamay ay nilinisan niya ito saka humiga sa kama.
Bago matulog ay naisipan niyang buksan ang kaniyang i*******m at doon nakita niya ang mga litratong kumakalat sa i*******m. Mga litrato ni Lorenzo at Althea noong nag-aaral pa silang dalawa kasama ng mga malalapit nilang kaibigan. Napatitig si Samantha sa mukha ni Lorenzo na masayang nakatitig kay Althea.
Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng hininga kaya nilipat niya na ito lalo na nang mabasa niya ang isang screenshot ng pagbati ni Lorenzo para kay Althea. Hinihiwa ang puso niya kapag pinagpatuloy pa niya itong tignan. Pakiramdam niya pasuko na siya dahil sobrang sakit na ng kaniyang dibdib. Nindi niya alam kung hanggang kailan siya magtitiis.
Pinilit niyang makatulog sa kabila ng mga nakita niya pero laking pasalamat ni Samantha dahil sa wakas ay nakatulog siya nang mahimbing. Ngunit ilang oras lang ng kaniyang pagtulog, bigla niyang binuksan ang mata.
Nakita ng kaniyang dalawang mata ang kararating lamang na si Lorenzo kaya't bumangon siya para harapin ito. Ang luha niya ay nagbabadyang tumulo pero pinigilan niya ang sarili.
“Lorenzo, I'm sorry for what happened earlier,” kinakabahang sabi niya ngunit tinitigan lamang siya nito.
Hindi nakaligtas kay Lorenzo ang suot niya kaya umiling ito. Alam niyang nagmukha siyang kaawa-awa sa suot niya pero wala siyang pakialam.
Tinitigan siya ni Lorenzo at ganoon na lang ang kaba sa puso ni Samantha. Hindi niya masabi kung ano ang nasa utak ng asawa sa mga oras na ito hanggang sa...
“Maraming rason para hindi ka na bumalik. Pwede mong kalimutan na ikinasal tayong dalawa. Pwede mo akong kalimutan anong oras mo gusto pero bakit?” aniya na nagpakabog sa dibdib ni Samantha.
Hindi siya nagsalita at hinintay ang susunod na sasabihin sa kaniya ni Lorenzo.
“Is it hard to let me go? You can't imagine your life away from the family and the money? Takot kang mawala ako dahil mapeperahan mo ako? Iyan ba ang dahilan mo, Samantha?”
Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata nang marinig ang mga masasakit na salitang iyon mula sa asawa. Nagpupuyos siya sa galit kaya't hindi niya napigilan ang sarili at nasampal ito.
“Iyan ba ang tingin mo sa 'kin, Lorenzo? Kailanman ay hindi kita hiningan ng pera at alam mo 'yan!” galit na sabi niya habang umiiyak. Akala ni Samantha ay tapos na si Lorenzo sa pagwasak sa kaniyang puso pero hindi pa pala. Sasaktan pa pala siya nito.
Walang ibang gusto si Samantha simula nang mahalin niya si Lorenzo kung hindi mahalin siya nito pabalik. Hindi pera ang habol niya sa lalaki kung hindi si Lorenzo mismo. Ngunit hindi ito makita ni Lorenzo dahil sarado ang puso niya para sa kaniya.
Natawa naman ito bigla kaya nagtaka si Samantha.
“Kung hindi pera ang habol niyo sa akin ay bakit pinuntahan ako ng ina mo sa opisina? Bakit nagmakaawa siyang bigyan kita ng anak? Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin no'n, Samantha. Tell me, what's all that?”
Natulala si Samantha sa kaniyang nalaman. Hindi niya aakalain na pupunta pala ang ina kay Lorenzo at hindi niya alam ang gagawin. Hindi alam ni Samantha kung paano ipaliwanag kay Lorenzo ang tungkol doon na ngayon ay para na siyang pinatay sa sama ng tingin.
Napatungo na lamang siya at hindi alam ang gagawin sa ina.
“Kung gusto mong manatili sa pamilyang ito at kung ayaw mong bumagsak ang negosyo niyo, do something with your mother. Get her out of the way and shut her mouth, okay?”
Tumakbo paalis si Samantha pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Lorenzo upang magsimula sa paghahanap sa ina.
“Hindi ako buntis, ma.” Nakatungo ang ulo ni Samantha nang sabihin iyon sa kaniyang ina paglabas sa opisina ng ob-gyn. Hawak-hawak nang mahigpit ang resulta, itinungo ni Samantha ang kaniyang ulo sa takot na makita ang reaksyon ng ina.“Ano ang sabi mo, Samantha?”Tuluyang nakalapit ang ina sa kaniyang direksyon. Napalunok pa siya bago ito sagutin habang nanginginig ang kaniyang boses.“H-Hindi ako buntis. Negative ang lumabas sa resulta, M-Ma,” sagot niya rito.PAK! PAK!Dalawang malalakas na sampal ang natanggap ni Samantha mula sa kaniyang ina na nagpatulo sa kaniyang mga luha.“Wala kang kwenta, Samantha! Tatlong taon na pero wala pang laman 'yang tiyan mo!?” sambit ng ina sa malakas na tono. “Hindi ka ba talaga nag-iisip? Ano na lang ang sasabihin ng mga Montefalco sa pamilya natin!?”Naikuyom ni Samantha ang kaniyang mga palad nang marinig ang masasakit na salitang iyon mula sa kaniyang ina. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. Buong buhay niya ay naging tahimik lamang siy
Gamit ang kaniyang mga daliri ay pinahid niya ang mga luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata.Huminga muna siya malalim at pilit pinasigla ang tono bago magsalita ulit sa asawa. “Iyan ba ang akala mo sa akin hanggang ngayon? Katulong lang dahil sa pinaghahandaan kita ng pagkain mo?”“Ano ba sa tingin mo ang dapat kong itawag sa 'yo? Look at yourself, mas nagmukha kang katulong kaysa maging asawa ko.”Napakagat si Samantha sa kaniyang pang-ibabang labi nang maramdaman niyang paiyak na naman siya. Bagkus, isang tipid na sagot na lamang ang kaniyang naging tugon rito.“Sige,” aniya at laking gulat niya nang hampasin ni Lorenzo ang lamesa kaya't nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.“Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga tipid na sagot. Ulitin mo pa 'yan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” galit niyang usal kay Samantha.Napapikit si Samantha para pakalmahin ang sarili. Masyado siyang pagod para makipag-away pa kaya tiniis niya ang sinabi ni Lorenzo kahit pa man gusto na niyang bu
“Let's meet tonight, Babe. I can't wait to see you. Sobrang na-miss kita," sambit ni Samantha habang binabasa ang laman ng text message.Walang tigil naman ang pagtulo ng kaniyang mga luha lalo na ang sumunod na mga mensahe mula sa isang babae. Nanginginig man ang kaniyang mga kamay ay pinilit niya itong binasa.“Alam ko na hindi ka masaya ngayon lalo na sa mga nagdaang taon. Alam ko rin na hindi mo kailanman minahal ang asawa kaya't makipagkita ka sa akin mamaya. Ipaparamdam ko sa 'yo ang tunay na ligaya na hindi kayang ibigay ng asawa mo.”Para siyang kinapos nang hininga pagkatapos niyang mabasa ang mga iyon. Napaupo siya sa upuan habang nakatitig sa telepono ni Lorenzo. Ayaw pa rin mag-sink sa utak niya ang kaniyang nabasa.Walang pangalan ang nakalagay subalit kilala niya kung sino ang nagpadala. Pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya lalo na sa huling nabasa niya. Alam ng nagpadala na hindi siya mahal ni Lorenzo at isa lang ang ibig sabihin no'n. Ikinakahiya siya ng as
At Royal ClubKasama ng mga kaibigan ay tahimik lamang umiinom si Lorenzo nang may magsalita.“What were you thinking?” Tinitigan lamang ni Lorenzo si Althea dahil sa kaniyang tanong at hindi na ito sinagot pa. “Wala ka bang balak na awitan si Lorenzo, Althea?” sambit ng isa sa mga kasamahan ni Lorenzo. Ngumiti naman si Althea at hindi inaasahan ni Lorenzo na hahawakan ng babae ang kamay niya. Hinayaan niya lang ito dahil ayaw naman niyang ipahiya ang dalaga sa harapan ng kaniyang mga kasosyo.Hindi na bago sa mga kasosyo si Althea dahil kilala na nila ito noong magkasama pa silang dalawa. Alam rin ng mga kaibigan na si Althea ang unang babaeng kaniyang minahal nang lubusan.“Alam niyo noong kami pa, may palagi akong kinakanta para sa kaniya at ito ang gusto kong kantahin,” sambit ni Althea na kay Lorenzo pa rin nakatingin. Napuno naman ng hiyawan ang kanilang grupo dahil sa sinabi ni Althea kaya't hindi maiwasang mapailing ni Lorenzo dahil doon. “Sige na kantahin mo na, Althea!”
Tahimik na nakinig si Samantha kay Althea habang sa loob-loob niya gusto niyang sigawan ang babae upang tumigil na ito.“Talaga bang hindi mo naranasan ang mahalin ka, ano?” Napalunok pa si Samantha sa tanong ni Althea habang ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom sa inis. “Kay gandang balikan ang mga araw kung saan na sa piling ko pa si Lorenzo...” sambit niya sa nakangiting reaksyon.Alam ni Samantha kung anong balak ng babae. Gusto niyang saktan ang damdamin niya at ipamukha na mas mahal siya ni Lorenzo. Nag-aapoy ang kaniyang puso dahil sa ginagawa ng babae pero nanatili pa rin siyang kalmado.“Kung ang pinunta mo rito ay ipamukha sa akin ang pagmamahal ni Lorenzo para sa 'yo, umalis ka na,” aniya pero parang bato lang si Althea at nagpatuloy sa pagsasalita.“Tanda ko pa noong magkasama kami. Grabe, pinagluluto niya ako ng pagkain at kapag may sakit ako, talagang tatakbo pa 'yan para lang alagaan ako. At higit sa lahat, prayoridad niya ang kasiyahan ko.”Napaluha si Samantha dahil