Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2024-07-03 22:19:06

Gamit ang kaniyang mga daliri ay pinahid niya ang mga luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata.

Huminga muna siya malalim at pilit pinasigla ang tono bago magsalita ulit sa asawa. “Iyan ba ang akala mo sa akin hanggang ngayon? Katulong lang dahil sa pinaghahandaan kita ng pagkain mo?”

“Ano ba sa tingin mo ang dapat kong itawag sa 'yo? Look at yourself, mas nagmukha kang katulong kaysa maging asawa ko.”

Napakagat si Samantha sa kaniyang pang-ibabang labi nang maramdaman niyang paiyak na naman siya. Bagkus, isang tipid na sagot na lamang ang kaniyang naging tugon rito.

“Sige,” aniya at laking gulat niya nang hampasin ni Lorenzo ang lamesa kaya't nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.

“Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga tipid na sagot. Ulitin mo pa 'yan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” galit niyang usal kay Samantha.

Napapikit si Samantha para pakalmahin ang sarili. Masyado siyang pagod para makipag-away pa kaya tiniis niya ang sinabi ni Lorenzo kahit pa man gusto na niyang bumitaw sa sobrang sakit ng puso niya.

“Malinaw sa 'kin ang sinabi mo, Lorenzo. Huwag mo na ipamukha, maawa ka,” sagot niya sa nanginginig na boses. Tinitigan lamang siya nito na tila ba ay wala itong pakialam sa naramdaman niya.

“Kailanman ay hindi ko ninais na mag-asawa ng isang mukhang katulong. Did you understand?” pag-uulit pa niya sa asawa.

Napangiti na lamang ng alanganin si Samantha sa sinabi ni Lorenzo. Nasaktan siya sa sinabi nito pero wala siyang magagawa kung hindi tanggapin na lamang iyon. Kahit pa man ang patuloy na paglala ng sakit ay hinayaan na lamang niya.

“Okay,” aniya sa mahinang boses. “Hayaan mo sa susunod, magmumukha na akong tao.”

Tumayo sa upuan si Lorenzo matapos marinig ang kaniyang tipid na tugon. Nagalit na ito kanina dahil sa tipid na sagot niya pero wala ng pakialam si Samantha. Akmang aalis na si Lorenzo nang magsalita siya ulit.

“Hindi mo pa kinakain ang pagkain mo, Lorenzo," bigkas ni Samantha at sinubukang pigilan ito. 

Huminto sa paglalakad ang asawa at muling hinarap. “I already lost my appetite.”

Napatungo sa kaniyang ulo si Samantha at pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit nawalan ito ng gana. Subalit bago pa man tuluyang makalayo ang asawa ay pinigilan niya muna ito.

“Lorenzo, tell me...” aniya sa naiiyak na boses. “May nahanap ka na bang iba na pwede mo ipalit sa akin?” dagdag niya na nagpakunot ng noo ni Lorenzo.

“What is this again, Samantha? Ginagago mo na naman ba ako?”

Napailing ng ulo si Samantha at pilit ngumiti sa harap ni Lorenzo. Gusto niya sanang umiyak subalit pinipigilan niya ang sarili. Para sa kaniya ay hindi naging madali ang buhay niya. Laman ng kaniyang puso't isipan ay ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Labingdalawang taon niya itong minahal subalit ni kahit minsan sa buhay niya ay hindi niya naramdaman ang pag-asang mamahalin siya nito pabalik.

“Kung sakali man may nakilala kang ibang babae nais ko lang malaman mo na malaya ka. Malaya kang mahalin siya, alagaan, at samahan. Huwag kang mag-alala sa akin dahil tatanggapin ko ang desisyon mo, Lorenzo. Alam ko na hindi ka masaya sa piling ko kaya pinapalaya na kita. Malaya ka na maghanap ng iba.”

Masakit man ay kinaya ni Samantha ang sabihin iyon kay Lorenzo. Binibigyan niya lamang ito ng kalayaan dahil pagod na siya. Pagod na siyang isiksik ang sarili sa kaniya.

Subalit nagulat na lamang si Samantha nang umiling lang si Lorenzo. 

“Kaya mo bang makita ako na kapiling ang ibang babae, huh?” 

Napatungo si Samantha sa naging katanungan ni Lorenzo. Hindi niya alam ang isasagot niya rito.

“See? Hindi mo kaya kaya huwag mo akong pilitin. Kung nababaliw ka, huwag mo akong idamay.”

Naluha siya sa sinabi nito kaya nag-angat siya ng ulo. “Inihahanda lamang kita sa posibleng—”

Napakagat na lamang sa ibabang labi si Samantha nang biglang padabog na binuksan ni Lorenzo ang pinto saka ito umalis. Iniwan na siya nito na hindi man lang pinatapos ang kaniyang sasabihin pa sana kaya't humikbi na lamang siya.

****

Nagtungo siya sa balkonahe ng kanilang bahay pagkatapos umalis ni Lorenzo. Naupo siya roon at tahimik na nag-iisip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang maisip na sobrang tagal na pala mula no'ng mahalin niya ang lalaki at higit sa lahat ang nais niya lamang ay ang ihanda si Lorenzo kung sakali man na may mangyaring masama sa kaniya. Nagalit lamang ito lalo kaya't hindi niya pa rin talaga maintindihan ang asawa.

Noong nakarang buwan ay halos gumuho ang kaniyang mundo nang malaman mula sa kaniyang doctor na ang sakit niya ay mas lalo lamang lumalala sa paglipas ng araw. Ang pagkakaroon ng diperensya sa pandinig ay sobrang napakahirap lalo na at doctor ni Samantha mismo ang nagsabi na wala na. 

Walang ibang paraan upang mapigilan ang pagkawala ng kaniyang pandinig at halos gumuho ang kaniyang mundo dahil sa balitang iyon.

“Ayokong mabingi nang tuluyan, Doc. Tulungan mo po ako. Kailangan kong makarinig!” halos lumuhod na siya sa doctor ng mga panahong iyon ngunit tipid lang ang sagot ng doctor sa kaniya.

“I'm sorry but I can't help. There's no medicine. Tuluyan ka nang mawawalan ng pandinig kaya't huwag mong tatanggalin ang suot mong hearing device. Iyan na lamang ang tanging paraan, Miss Samantha.” 

Nag-aalala siya na baka kapag mawalan siya ng pandinig ay tuluyan na siyang iwanan ni Lorenzo at hindi niya 'yon hahayaang mangyari. Tinanggal niya ang suot na hearing device saka pumasok sa loob.

Binuksan niya ang telebisyon upang aliwin ang sarili subalit napanganga na lamang siya nang makita si Althea Alvarez sa screen. Hawak-hawak ang remote control, kinakabahang napatitig si Althea rito at isinuot pabalik ang kaniyang hearing device.

Si Althea Alvarez ay dating kasintahan ni Lorenzo. Isa itong sikat na mang-aawit na ngayon ay kasalukuyang kinakausap ng isang reporter.

“Anong rason bakit ka umuwi ng pilipinas?”

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Althea na siyang naging dahilan para kabahan nang lubusan si Samantha. 

“Iisang tao lang naman ang dahilan ng pagbalik ko. Hindi ko na siya nakakausap pero ngayon handa na akong kunin siya ulit.”

Sinabayan pa ni Althea ng tawa ang pagkakasabi niya sa reporter subalit ikinabahala iyon nang sobra ni Samantha. Walang nabanggit na pangalan Si Althea pero alam niya kung sino ang tinutukoy nito. 

Bago pa man tuluyang mandilim ang paningin ni Samantha ay kaagad na niyang pinatay ang telebisyon. Sira ang remote control nang mabitawan niya ito dahil sa sinabi ni Althea. 

Napaupo siya sa sofa habang nanginginig naman ang kaniyang buong katawan nang maalala ang sinabi ni Althea. 

“Alam kong wala akong panama sa 'yo pero hindi ko hahayaang sirain mo ang relasyon namin ni Lorenzo. Ipaglalaban ko siya!” sambit niya sa sarili. 

Tumayo siya sa kinauupuan para bumalik sa kusina. Nauhaw siya bigla sa kaniyang nalaman kaya't uminom siya muna bago iniligpit ang hinanda niya para kay Lorenzo.

May bigla namang napansin si Samantha doon sa direksyon kanina ni Lorenzo kaya't nilapitan niya ito. Laking gulat niya nang makita ang telepono ng asawa. Nanginginig man ay kinuha niya nito at aksidenteng nabuksan ang telepono ng asawa. 

“H-Hindi...”

Tumulo ang kaniyang mga luha nang mabasa ang nakasulat sa isang mensaheng ipinadala para kay Lorenzo.

Related chapters

  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 3

    “Let's meet tonight, Babe. I can't wait to see you. Sobrang na-miss kita," sambit ni Samantha habang binabasa ang laman ng text message.Walang tigil naman ang pagtulo ng kaniyang mga luha lalo na ang sumunod na mga mensahe mula sa isang babae. Nanginginig man ang kaniyang mga kamay ay pinilit niya itong binasa.“Alam ko na hindi ka masaya ngayon lalo na sa mga nagdaang taon. Alam ko rin na hindi mo kailanman minahal ang asawa kaya't makipagkita ka sa akin mamaya. Ipaparamdam ko sa 'yo ang tunay na ligaya na hindi kayang ibigay ng asawa mo.”Para siyang kinapos nang hininga pagkatapos niyang mabasa ang mga iyon. Napaupo siya sa upuan habang nakatitig sa telepono ni Lorenzo. Ayaw pa rin mag-sink sa utak niya ang kaniyang nabasa.Walang pangalan ang nakalagay subalit kilala niya kung sino ang nagpadala. Pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya lalo na sa huling nabasa niya. Alam ng nagpadala na hindi siya mahal ni Lorenzo at isa lang ang ibig sabihin no'n. Ikinakahiya siya ng as

    Last Updated : 2024-07-03
  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 4

    At Royal ClubKasama ng mga kaibigan ay tahimik lamang umiinom si Lorenzo nang may magsalita.“What were you thinking?” Tinitigan lamang ni Lorenzo si Althea dahil sa kaniyang tanong at hindi na ito sinagot pa. “Wala ka bang balak na awitan si Lorenzo, Althea?” sambit ng isa sa mga kasamahan ni Lorenzo. Ngumiti naman si Althea at hindi inaasahan ni Lorenzo na hahawakan ng babae ang kamay niya. Hinayaan niya lang ito dahil ayaw naman niyang ipahiya ang dalaga sa harapan ng kaniyang mga kasosyo.Hindi na bago sa mga kasosyo si Althea dahil kilala na nila ito noong magkasama pa silang dalawa. Alam rin ng mga kaibigan na si Althea ang unang babaeng kaniyang minahal nang lubusan.“Alam niyo noong kami pa, may palagi akong kinakanta para sa kaniya at ito ang gusto kong kantahin,” sambit ni Althea na kay Lorenzo pa rin nakatingin. Napuno naman ng hiyawan ang kanilang grupo dahil sa sinabi ni Althea kaya't hindi maiwasang mapailing ni Lorenzo dahil doon. “Sige na kantahin mo na, Althea!”

    Last Updated : 2024-07-03
  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 5

    Tahimik na nakinig si Samantha kay Althea habang sa loob-loob niya gusto niyang sigawan ang babae upang tumigil na ito.“Talaga bang hindi mo naranasan ang mahalin ka, ano?” Napalunok pa si Samantha sa tanong ni Althea habang ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom sa inis. “Kay gandang balikan ang mga araw kung saan na sa piling ko pa si Lorenzo...” sambit niya sa nakangiting reaksyon.Alam ni Samantha kung anong balak ng babae. Gusto niyang saktan ang damdamin niya at ipamukha na mas mahal siya ni Lorenzo. Nag-aapoy ang kaniyang puso dahil sa ginagawa ng babae pero nanatili pa rin siyang kalmado.“Kung ang pinunta mo rito ay ipamukha sa akin ang pagmamahal ni Lorenzo para sa 'yo, umalis ka na,” aniya pero parang bato lang si Althea at nagpatuloy sa pagsasalita.“Tanda ko pa noong magkasama kami. Grabe, pinagluluto niya ako ng pagkain at kapag may sakit ako, talagang tatakbo pa 'yan para lang alagaan ako. At higit sa lahat, prayoridad niya ang kasiyahan ko.”Napaluha si Samantha dahil

    Last Updated : 2024-07-03
  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 1

    “Hindi ako buntis, ma.” Nakatungo ang ulo ni Samantha nang sabihin iyon sa kaniyang ina paglabas sa opisina ng ob-gyn. Hawak-hawak nang mahigpit ang resulta, itinungo ni Samantha ang kaniyang ulo sa takot na makita ang reaksyon ng ina.“Ano ang sabi mo, Samantha?”Tuluyang nakalapit ang ina sa kaniyang direksyon. Napalunok pa siya bago ito sagutin habang nanginginig ang kaniyang boses.“H-Hindi ako buntis. Negative ang lumabas sa resulta, M-Ma,” sagot niya rito.PAK! PAK!Dalawang malalakas na sampal ang natanggap ni Samantha mula sa kaniyang ina na nagpatulo sa kaniyang mga luha.“Wala kang kwenta, Samantha! Tatlong taon na pero wala pang laman 'yang tiyan mo!?” sambit ng ina sa malakas na tono. “Hindi ka ba talaga nag-iisip? Ano na lang ang sasabihin ng mga Montefalco sa pamilya natin!?”Naikuyom ni Samantha ang kaniyang mga palad nang marinig ang masasakit na salitang iyon mula sa kaniyang ina. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. Buong buhay niya ay naging tahimik lamang siy

    Last Updated : 2024-07-03

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 2

    Gamit ang kaniyang mga daliri ay pinahid niya ang mga luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata.Huminga muna siya malalim at pilit pinasigla ang tono bago magsalita ulit sa asawa. “Iyan ba ang akala mo sa akin hanggang ngayon? Katulong lang dahil sa pinaghahandaan kita ng pagkain mo?”“Ano ba sa tingin mo ang dapat kong itawag sa 'yo? Look at yourself, mas nagmukha kang katulong kaysa maging asawa ko.”Napakagat si Samantha sa kaniyang pang-ibabang labi nang maramdaman niyang paiyak na naman siya. Bagkus, isang tipid na sagot na lamang ang kaniyang naging tugon rito.“Sige,” aniya at laking gulat niya nang hampasin ni Lorenzo ang lamesa kaya't nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.“Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga tipid na sagot. Ulitin mo pa 'yan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” galit niyang usal kay Samantha.Napapikit si Samantha para pakalmahin ang sarili. Masyado siyang pagod para makipag-away pa kaya tiniis niya ang sinabi ni Lorenzo kahit pa man gusto na niyang bu

  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 1

    “Hindi ako buntis, ma.” Nakatungo ang ulo ni Samantha nang sabihin iyon sa kaniyang ina paglabas sa opisina ng ob-gyn. Hawak-hawak nang mahigpit ang resulta, itinungo ni Samantha ang kaniyang ulo sa takot na makita ang reaksyon ng ina.“Ano ang sabi mo, Samantha?”Tuluyang nakalapit ang ina sa kaniyang direksyon. Napalunok pa siya bago ito sagutin habang nanginginig ang kaniyang boses.“H-Hindi ako buntis. Negative ang lumabas sa resulta, M-Ma,” sagot niya rito.PAK! PAK!Dalawang malalakas na sampal ang natanggap ni Samantha mula sa kaniyang ina na nagpatulo sa kaniyang mga luha.“Wala kang kwenta, Samantha! Tatlong taon na pero wala pang laman 'yang tiyan mo!?” sambit ng ina sa malakas na tono. “Hindi ka ba talaga nag-iisip? Ano na lang ang sasabihin ng mga Montefalco sa pamilya natin!?”Naikuyom ni Samantha ang kaniyang mga palad nang marinig ang masasakit na salitang iyon mula sa kaniyang ina. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. Buong buhay niya ay naging tahimik lamang siy

DMCA.com Protection Status