Share

The Cold Billionaire's Deaf Wife
The Cold Billionaire's Deaf Wife
Author: Underworld Queen

Kabanata 1

last update Last Updated: 2024-07-03 22:18:43

“Hindi ako buntis, ma.” 

Nakatungo ang ulo ni Samantha nang sabihin iyon sa kaniyang ina paglabas sa opisina ng ob-gyn. Hawak-hawak nang mahigpit ang resulta, itinungo ni Samantha ang kaniyang ulo sa takot na makita ang reaksyon ng ina.

“Ano ang sabi mo, Samantha?”

Tuluyang nakalapit ang ina sa kaniyang direksyon. Napalunok pa siya bago ito sagutin habang nanginginig ang kaniyang boses.

“H-Hindi ako buntis. Negative ang lumabas sa resulta, M-Ma,” sagot niya rito.

PAK! PAK!

Dalawang malalakas na sampal ang natanggap ni Samantha mula sa kaniyang ina na nagpatulo sa kaniyang mga luha.

“Wala kang kwenta, Samantha! Tatlong taon na pero wala pang laman 'yang tiyan mo!?” sambit ng ina sa malakas na tono. “Hindi ka ba talaga nag-iisip? Ano na lang ang sasabihin ng mga Montefalco sa pamilya natin!?”

Naikuyom ni Samantha ang kaniyang mga palad nang marinig ang masasakit na salitang iyon mula sa kaniyang ina. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. Buong buhay niya ay naging tahimik lamang siya.

“Mas mahalaga pa ba ang kompanya natin sa kalagayan ko, Ma? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kamusta ako?”

Napaiyak na lamang si Samantha sa harap ng ina habang ang puso niya ay sobrang naninikip sa sama ng loob. Subalit hindi ito ikinatuwa ng ina kaya hinawakan niya ang buhok nito at tinitigan siya ng masama.

Akala niya ay ikakatuwa ng ina ang pagpapakasal niya kay Lorenzo pero hindi pala sapat ang lahat.

“Wala akong pakialam kung ano ang nararamdaman mo. Wala ka lang talagang kwenta na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin mabuntis-buntis. Kapag talaga maapektuhan ang family business natin, sinasabi ko sa 'yo hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sa 'yo!"

Marahas siyang binitawan ng ina. Napatungo na lamang si Samantha at tinanggap ang mga masasakit na salita mula rito. Pinilit niya ang sarili na manatiling kalmado at gustuhin niya man ipaglaban ang sarili ay hindi niya na ginawa kaya't humingi na lamang siya ng paumanhin.

“Patawarin mo ako kung sa tingin mo ay na-disappoint kita. Wala tayong magagawa dahil ito na ang resulta.” 

Akala niya ay maiintindihan ng ina subalit mas lalo lamang itong nagalit na ngayon ay nakaduro na ang daliri sa direksyon niya.

“Sa tingin mo ba ay ganoon na lang kadali ang lahat? Hindi mo ako madadala diyan sa paawa mo. Kailangan mong mabuntis sa anak ni Lorenzo, o baka sa kankongan ka pupulutin!”

Hindi umimik si Samantha dahil pakiramdam niya ay namanhid na ang kaniyang buong katawan. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya dahil sa mga pinakawalang salita ng ina na halos dumurog sa kaniyang puso.

Alam ni Samantha ni hindi siya maaaring mabuntis kay Lorenzo dahil hindi naman siya ginagalaw nito simula nang ikasal sila. Malabo na mabigay niya ang gusto ng ina.

Muli itong nagsalita. “Mas mabuti pa na hanapan mo na lang ang asawa mo ng iba kung hindi mo magagawa ang sinabi ko. Napakawalang kwenta mo talaga kahit kailan,” aniya habang napapailing.

Sa huling pagkakataon ay tinitigan siya ng ina at nag-iwan ito ng mga salitang kailanman ay hindi niya makakalimutan. 

Pakiramdam niya ay huminto ang pag-ikot ng mundo nang marinig ang mga salitang iyon mula sa ina. Ang luha niya ay tumulo na naman ngunit pinigilan niya ang sarili na masagot ang ina.

Walang nagawa si Samantha kung hindi ang sundan ng tingin ang papalayong ina habang ang luha sa kaniyang mga mata ay patuloy sa pagtulo.

****

Inalala ni Samantha ang mga tagpo kanina lalo na ang maaanghang na salita mula sa sarili niyang ina habang nilalakbay ang daan pauwi sa kanila. Sa patuloy niyang pag-iisip ay nagdulot iyon ng pagkangiwi. Bigla na naman kasi siyang inatake ng kaniyang karamdaman kaya't huminga siya nang malalim at pilit inaalis sa utak ang mga nangyari. 

Hindi pwedeng lumala ang sitwasyon niya at kapag nagpatuloy siya sa pag-iisip ay alam niya na may masamang mangyayari. Sa kabilang banda naman ay biglang tumunog ang kaniyang telepono.

Isang text message ang kaniyang natanggap sa asawa na si Lorenzo at pinapaalam sa kaniya na hindi ito makakauwi. Isang malakas na paghinga ang kaniyang ginawa nang mabasa iyon. Sanay na siya sa palaging sinasabi ni Lorenzo. Malabong magkagusto ang asawa sa kaniya dahil buong relasyon nila ay dahil lamang sa kontrata.

Ang banta ni Lorenzo sa kaniya ay sariwa pa rin sa kaniyang alaala. Kung hindi lang sana niloko ng pamilya niya si Lorenzo ay hindi lalayo ang loob nito at may pag-asa pa na mahalin siya nito subalit nangyari na ang nangyari. 

Malaking kasalanan ang nagawa ng pamilya niya kay Lorenzo. Malaking pera ang nakuha nila mula sa kaniya sa kabila pa man ng kanilang magandang usapan. Nang malaman iyon ni Samantha ay sumama ang kaniyang loob sa pamilya niya subalit hindi pa rin iyon rason para baliwalain siya ni Lorenzo. Tatlong taon na rin ang lumipas simula ng mangyari iyon kaya't wala na siyang magagawa pa.

Pagkarating sa bahay ay kaagad namang itinapon ni Samantha ang pregnancy test sa sobrang inis niya. Pumunta siya sa sala ng kanilang bahay at naupo sa sofa. 

Maraming nangyari sa araw na ito kaya't hindi niya na napigilan ang sarili na isandal ang ulo sa sofa at pumikit. Kailanman ay hindi siya matatanggap ng pamilya Montefalco dahil sa kaniyang kapansanan. Ang kapansanan na isa rin sa dahilan kung bakit ikinakahiya siya ni Lorenzo. 

Isang ngiting puno nang hinanakit ang gumuhit sa kaniyang mga labi. “Hindi ko na hahangarin pa na mapansin mo pa ako at mabuntis sa 'yo sapagkat isa akong iuntil,” aniya sa sarili bago pa man tuluyang lamunin ng dilim ang kaniyang paningin.

Napabalikwas nang bangon si Samantha dahil naaalala niyang umaga na pala. Napatingin siya sa malaki at mamahaling orasan sa bubong at halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang malaman ang oras.

“Pauwi na si Lorenzo!” tili niya at dali-daling tumakbo sa kusina upang ihanda ang umagahan nito. Hindi niya gustong maabutan siya ni Lorenzo na walang pagkain sa mesa dahil alam niya kung ano ang mangyayari. 

Isang oras ang lumipas ay nakarating na si Lorenzo. Napatitig naman siya sa asawa na ngayon ay masamang tingin ang binigay sa kaniya.

Kinakabahan man ay pinilit niyang magsalita. “Nakahanda na ang pagkain mo sa mesa.”

Hindi ito kumibo at tuluyang naupo sa mesa habang ang mga mata'y nakatitig sa kaniya. Napapalunok na lang si Samantha dahil kilala niya ang asawa.

“This will be the last time that you will prepare my breakfast," aniya sa malamig na boses habang nakatitig kay Samantha.

Napanganga na lamang si Samantha nang marinig iyon mula kay Lorenzo habang ang kaniyang puso ay unti-unting sumisikip sapagkat alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin.

“B-Bakit, Lorenzo?” sambit niya.

“Wala nang maraming reklamo. Just follow what I want.”

Malamig pa rin ang pakikitungo ni Lorenzo sa kaniya sa kabila ng mga nagawa niya para rito kaya kahit masakit ay kailangan tiisin ni Samantha para lang malaman kung ano ang dahilan nito. 

“M-May nagawa ba akong mali sa 'yo, Lorenzo?” tanong niya.

“I just don't like you. Hindi katulong ang kailangan ko kung hindi isang asawa. And look at yourself, Samantha...” aniya sa malamig na boses na nagpatulo sa mga luha ni Samantha.

Related chapters

  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 2

    Gamit ang kaniyang mga daliri ay pinahid niya ang mga luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata.Huminga muna siya malalim at pilit pinasigla ang tono bago magsalita ulit sa asawa. “Iyan ba ang akala mo sa akin hanggang ngayon? Katulong lang dahil sa pinaghahandaan kita ng pagkain mo?”“Ano ba sa tingin mo ang dapat kong itawag sa 'yo? Look at yourself, mas nagmukha kang katulong kaysa maging asawa ko.”Napakagat si Samantha sa kaniyang pang-ibabang labi nang maramdaman niyang paiyak na naman siya. Bagkus, isang tipid na sagot na lamang ang kaniyang naging tugon rito.“Sige,” aniya at laking gulat niya nang hampasin ni Lorenzo ang lamesa kaya't nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.“Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga tipid na sagot. Ulitin mo pa 'yan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” galit niyang usal kay Samantha.Napapikit si Samantha para pakalmahin ang sarili. Masyado siyang pagod para makipag-away pa kaya tiniis niya ang sinabi ni Lorenzo kahit pa man gusto na niyang bu

    Last Updated : 2024-07-03
  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 3

    “Let's meet tonight, Babe. I can't wait to see you. Sobrang na-miss kita," sambit ni Samantha habang binabasa ang laman ng text message.Walang tigil naman ang pagtulo ng kaniyang mga luha lalo na ang sumunod na mga mensahe mula sa isang babae. Nanginginig man ang kaniyang mga kamay ay pinilit niya itong binasa.“Alam ko na hindi ka masaya ngayon lalo na sa mga nagdaang taon. Alam ko rin na hindi mo kailanman minahal ang asawa kaya't makipagkita ka sa akin mamaya. Ipaparamdam ko sa 'yo ang tunay na ligaya na hindi kayang ibigay ng asawa mo.”Para siyang kinapos nang hininga pagkatapos niyang mabasa ang mga iyon. Napaupo siya sa upuan habang nakatitig sa telepono ni Lorenzo. Ayaw pa rin mag-sink sa utak niya ang kaniyang nabasa.Walang pangalan ang nakalagay subalit kilala niya kung sino ang nagpadala. Pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya lalo na sa huling nabasa niya. Alam ng nagpadala na hindi siya mahal ni Lorenzo at isa lang ang ibig sabihin no'n. Ikinakahiya siya ng as

    Last Updated : 2024-07-03
  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 4

    At Royal ClubKasama ng mga kaibigan ay tahimik lamang umiinom si Lorenzo nang may magsalita.“What were you thinking?” Tinitigan lamang ni Lorenzo si Althea dahil sa kaniyang tanong at hindi na ito sinagot pa. “Wala ka bang balak na awitan si Lorenzo, Althea?” sambit ng isa sa mga kasamahan ni Lorenzo. Ngumiti naman si Althea at hindi inaasahan ni Lorenzo na hahawakan ng babae ang kamay niya. Hinayaan niya lang ito dahil ayaw naman niyang ipahiya ang dalaga sa harapan ng kaniyang mga kasosyo.Hindi na bago sa mga kasosyo si Althea dahil kilala na nila ito noong magkasama pa silang dalawa. Alam rin ng mga kaibigan na si Althea ang unang babaeng kaniyang minahal nang lubusan.“Alam niyo noong kami pa, may palagi akong kinakanta para sa kaniya at ito ang gusto kong kantahin,” sambit ni Althea na kay Lorenzo pa rin nakatingin. Napuno naman ng hiyawan ang kanilang grupo dahil sa sinabi ni Althea kaya't hindi maiwasang mapailing ni Lorenzo dahil doon. “Sige na kantahin mo na, Althea!”

    Last Updated : 2024-07-03
  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 5

    Tahimik na nakinig si Samantha kay Althea habang sa loob-loob niya gusto niyang sigawan ang babae upang tumigil na ito.“Talaga bang hindi mo naranasan ang mahalin ka, ano?” Napalunok pa si Samantha sa tanong ni Althea habang ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom sa inis. “Kay gandang balikan ang mga araw kung saan na sa piling ko pa si Lorenzo...” sambit niya sa nakangiting reaksyon.Alam ni Samantha kung anong balak ng babae. Gusto niyang saktan ang damdamin niya at ipamukha na mas mahal siya ni Lorenzo. Nag-aapoy ang kaniyang puso dahil sa ginagawa ng babae pero nanatili pa rin siyang kalmado.“Kung ang pinunta mo rito ay ipamukha sa akin ang pagmamahal ni Lorenzo para sa 'yo, umalis ka na,” aniya pero parang bato lang si Althea at nagpatuloy sa pagsasalita.“Tanda ko pa noong magkasama kami. Grabe, pinagluluto niya ako ng pagkain at kapag may sakit ako, talagang tatakbo pa 'yan para lang alagaan ako. At higit sa lahat, prayoridad niya ang kasiyahan ko.”Napaluha si Samantha dahil

    Last Updated : 2024-07-03

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Deaf Wife   Kabanata 1

    “Hindi ako buntis, ma.” Nakatungo ang ulo ni Samantha nang sabihin iyon sa kaniyang ina paglabas sa opisina ng ob-gyn. Hawak-hawak nang mahigpit ang resulta, itinungo ni Samantha ang kaniyang ulo sa takot na makita ang reaksyon ng ina.“Ano ang sabi mo, Samantha?”Tuluyang nakalapit ang ina sa kaniyang direksyon. Napalunok pa siya bago ito sagutin habang nanginginig ang kaniyang boses.“H-Hindi ako buntis. Negative ang lumabas sa resulta, M-Ma,” sagot niya rito.PAK! PAK!Dalawang malalakas na sampal ang natanggap ni Samantha mula sa kaniyang ina na nagpatulo sa kaniyang mga luha.“Wala kang kwenta, Samantha! Tatlong taon na pero wala pang laman 'yang tiyan mo!?” sambit ng ina sa malakas na tono. “Hindi ka ba talaga nag-iisip? Ano na lang ang sasabihin ng mga Montefalco sa pamilya natin!?”Naikuyom ni Samantha ang kaniyang mga palad nang marinig ang masasakit na salitang iyon mula sa kaniyang ina. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. Buong buhay niya ay naging tahimik lamang siy

DMCA.com Protection Status