Natigilan at natulala si Marigold, ngunit tila hindi ito alintana ng babae, nakangiti pa itong nagpakilala sa kanya."By the way, I'm Marisol Fontabella, nice to meet you." Kinuha nito ang kamay ni dalaga at nakipag-kamay dito."Marigold Magbanua, right? Nakakatuwa ano, pareho tayong 'Mari' ang simula ng pangalan natin.... Sige na. Baka kasi hinahanap na 'ko ng boss mo, e."Hanggang sa makaalis na ang babae ay naglo-loading pa rin ang sinabi nito kay marigold.Nagtagal ng ilang sandali bago lumabas ng restroom si marigold. Pagbalik n'ya sa mesa ay nagsimula na siyang tupdin ang tungkulin niya sa trabaho, ngunit lumilipad ang isip nito. Napapansin ito ni Mr. Javier kaya panay ang paalaala nito sa maling ginagawa ng dalaga.Nang matapos na ang meeting ay inihatid sila ni Marisol sa labas. Nagulat si marigold nang biglang siyang hilahin ni Marisol at ibeso. Napamaang din si Mr. Javier at Chardon."Remember our deal, okay?" Bulong nito kay marigold.Tatanggi sana si Marigold at ibab
Biglang kinutuban nang hindi maganda si Chardon nang marinig ang ingay lalo na't wala sa paningin niya si Marigold. Agad siyang kumawala sa pagkakakapit ni marisol, ngunit hindi s'ya hinayaang makawala nito."Let go!" Singhal n'ya sa babae.Kahit nakakaramdam ng pagkatakot sa binata ay mahigit pa rin'g kinapitan ni Marisol si chardon. 'Ito ang unang hakbang ko. Hindi dapat ako mapurnada.' ma-determinasyon niyang pahayag sa sarili."If you don't let go, the cooperation between us will be over and C.A won't cooperate with you in the future." Banta ni Chardon.Nagitla si Marisol, hindi n'ya ito inaasahan. Lumuwag ang pagkakakapit n'ya sa binata na sinamantala naman nito para makakawala.Agad bumaba at nagtungo sa kinaroroonan ng ingay si chardon. Tumungo siya sa pool area.Maraming tao ang nakatayo sa paligid ng pool kaya hindi makita kung ano ang tinitingnan at pinagkakaguluhan nila roon.Nang mahawi ang ilan'g nakaharang ay tumambad sa kanya ang nagkakakawag na si marigold sa tu
Agad akong inabutan ng isang basong tubig ni nanay sela. Napatingin ako kay Mr. Atanante. Wala siyang reaksyon at tila natulala pa ito, ngunit maya-maya lang ay nakita ko ang pag-angat ng kanyang labi."U-um... nanay sela, h-hindi po kami–" "I think you have a point... I will consider it." Sabat ni Mr. Atanante, at nagpatuloy na siyang kumain. Pero bakit parang biglang gumanda ang mood n'ya? may bakas din ng ngiti sa kanyang labi. Hindi man lang ba n'ya itatama ang hinuha ni nanay sela sa 'min?Nagpatay-malisya na lang ako at itinungo ko na lang ang ulo ko sa pag-kain. Mukha kasi'ng ako lang ang na-a-awkward-an dito, e.Nang matapos kumain ay nagpaalam na 'ko kay nanay sela. Niyakap niya ako't h******n. Mukhang gustong-gusto n'ya ako at gano'n din naman ako sa kan'ya."Babalik ka dito, ha? Ipagluluto kita ng mga specialty ko'ng lutuin. Saka... Pag pasens'yahan mo na lang sana si Ser Chardon kung meron man kayong hindi pinagkaka sunduan. Mabait na bata naman 'yan e, mukha lang yan'g s
Parang biglang tumigil ang oras sa mga sandaling iyon. Naka-hawak lang ako sa kamay ni Mr. Atanante na mahigpit naman'g nakahawak sa mukha ko. Alam ko'ng dapat ko siyang itulak palayo at pigilan pero hindi ko magawang kumillos habang patuloy lang siya sa pagdo-domina sa aking labi nang may karahasan.Bago sa 'kin ang lahat at ngayon ko lang naranasan ang kakaibang sensasyon na ito na ibinibigay ni Mr. Atanante sa 'kin, kaya hindi ko tuloy malaman kung magagalit ba ako o hindi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Ngunit nagising ako sa tila halusinasyon ko nang maramdaman ko na lang ang pagkagat n'ya sa aking labi, dahilan para mapa-daing ako sa sakit."Ara–!!!" Hindi ko tuluyang nabigkas ang mga katagang iyon nang sagpangin niya bigla ang aking bibig. Para s'yang gutom na gutom at sabik na sabik habang sinisibasib ang ako. Nang itutulak ko na s'ya ay bigla niya akong hinapit sa bewang, naramdaman ko rin na mas lalo niyang idiin ang kanyang paghalik.Nanlaki ang m
"Come with me. I need to talk some sense with you." Nang marinig iyon ay nagkaroon ng hindi magandang kutob si Marigold, lalo na't alam n'yang hindi s'ya gusto ni Mrs. Fontabella.Sumunod si marigold kay Mrs. Fontabella sa isang mamahaling restaurant kung saan ay kilala ito dahil lagi itong kumakain doon."Good afternoon po Mrs. Fontabella." Bati ng guwardiya matapos nitong pagbuksan ng pinto ang dalawa.Hanggang sa maka-upo na ay nanatili lang na naka-yuko si Marigold. Hindi n'ya matagalan ang mga tingin ni Mrs. Fontabella sa kanya. Pakiramdam n'ya sa sarili ay ang liit n'ya.Sinulyapan ni Mrs. Fontabella ang nakayukong si marigold. Nag-snort ito bago damputin ang menu at itulak sa dalaga ang isa pa'ng menu."Order anything you want, huwag kang mahiya." Wika nito habang namimili sa menu.Saka lang kumilos si marigold. Ngunit dahil parang naka-tungtong sa numero ay hindi n'ya magawang pumili ng talagang gusto n'ya.Nang may lumapit para kunin ang kanilang order, ay basta lang nag-bangg
"G-girlfriend?!!" Exaggerated na reaksyon ni Adelaida, ang mama ni Marisol.Napatakip ng kan'yang tenga si nanay sela sa matinis na boses ng ginang. Hindi n'ya akalaing sa kabila ng hitsura't pustura nitong pang mayaman ay may pagka-palingkera pala ito."Opo ma'am. Girlfriend nga ni ser Chardon itong si Marigold." Paglilinaw ni nanay sela na halos ikataranta ni marigold.Gustong awatin ng dalaga si nanay sela ngunit nakita n'ya na ganado ito sa pagsasalita."At baka hindi na rin magtagal ay maging mistress na rin si Marigold dito sa villa. Sinasabi ko po ito sa inyo para sa susunod ay alam n'yo na at para hindi na kayo mag-isip nang hindi maganda kay marigold." Hindi naikubli ni nanay sela ang pagka-irita n'ya sa mag-ina sa paglalahad nito.Biglang namutla si Marisol. Napayuko ito habang hinihila pababa ang maiksing dress n'ya."Um.... N-nalimutan ko, may... may appointment pala kami. S-sa susunod na lang namin dadalawin si Mr. Atanante... s-sige." pagkatapos ay hinila na ni Adel
"Woah! it feels good and kinda refreshing! It's been a long time since I box with hard and thick faces fellas!" Wika ni Paul nang bumalik ito sa tabi ni chardon, ngunit nagulat ito nang makita ang nakasampang babae sa likuran ng binata.Sa pag-aakalang kalaban ito, akma na sana itong ibabalibag ni chardon sa sahig nang awatin siya nila ni nick at Paul."Man, don't! It's a woman!" Sigaw ng dalawa.Natigilan si Chardon at kinalas ang pagkakakapit ng babae sa leeg n'ya. Lumapit sila nick at paul at kinuha ang babae. Halos lahat ng buhok ay nasa mukha na ng babae kaya hinawi ito ni Nick at tiningnan ang hitsura nito."Oh... a beauty!" Bulalas ni Nick nang makita ang babae."You?" Kunot-noo'ng tanong ni Chardon nang makita kung sino ito. Pagkatapos ay tinalikuran na n'ya ito para sana bumalik na kay marigold, ngunit bigla siyang niyakap ng babae sa likod. Natigilan si Chardon nang marinig ang pag-iyak ng babae."H-h'wag kang... umalis... 'wag m-mo kong... iwan... k-kailangan kita.
Hindi nakatulog si marigold nu'ng gabing 'yon sa kabila ng kumportable at malamig na suit na kanyang kinalalagakan.Hindi pa nga s'ya nakaka-get-over sa nakita n'ya sa dalawa sa Club, nakita naman n'ya ngayon lang na magkasama ang mga ito at dito pa sa hotel na kinaroroonan niya. Hindi tuloy maisip ni marigold kung nananadya ba ang dalawa nang malapit pa sa kuwarto n'ya nag-check-in ang mga ito.Naalala ni Marigold ang konsiderasyon at pag-aalaga ni Chardon sa kanya nito'ng mga nagdaang araw na parang bumalik lang sila sa dati nu'ng sabihin ng binata na gusto s'ya nito.Hindi man aminin ni marigold, at kahit sinabi n'ya kay Jonas na tapos na ang lahat sa kanila; ang totoo, ay umasa na naman s'ya. Bagaman nalilito s'ya sa kabutihan ni chardon sa kanya, ngunit ang totoo ay palihim na natutuwa ang puso n'ya.Ngunit sa nangyari ngayong araw at sa pagche-check-in ng dalawa..... ay nasira na naman ang pag-asa n'ya. Hindi namalayan ni marigold ang pagpatak ng kanyang luha sa gilid ng kanyang