Agad akong inabutan ng isang basong tubig ni nanay sela. Napatingin ako kay Mr. Atanante. Wala siyang reaksyon at tila natulala pa ito, ngunit maya-maya lang ay nakita ko ang pag-angat ng kanyang labi."U-um... nanay sela, h-hindi po kami–" "I think you have a point... I will consider it." Sabat ni Mr. Atanante, at nagpatuloy na siyang kumain. Pero bakit parang biglang gumanda ang mood n'ya? may bakas din ng ngiti sa kanyang labi. Hindi man lang ba n'ya itatama ang hinuha ni nanay sela sa 'min?Nagpatay-malisya na lang ako at itinungo ko na lang ang ulo ko sa pag-kain. Mukha kasi'ng ako lang ang na-a-awkward-an dito, e.Nang matapos kumain ay nagpaalam na 'ko kay nanay sela. Niyakap niya ako't h******n. Mukhang gustong-gusto n'ya ako at gano'n din naman ako sa kan'ya."Babalik ka dito, ha? Ipagluluto kita ng mga specialty ko'ng lutuin. Saka... Pag pasens'yahan mo na lang sana si Ser Chardon kung meron man kayong hindi pinagkaka sunduan. Mabait na bata naman 'yan e, mukha lang yan'g s
Parang biglang tumigil ang oras sa mga sandaling iyon. Naka-hawak lang ako sa kamay ni Mr. Atanante na mahigpit naman'g nakahawak sa mukha ko. Alam ko'ng dapat ko siyang itulak palayo at pigilan pero hindi ko magawang kumillos habang patuloy lang siya sa pagdo-domina sa aking labi nang may karahasan.Bago sa 'kin ang lahat at ngayon ko lang naranasan ang kakaibang sensasyon na ito na ibinibigay ni Mr. Atanante sa 'kin, kaya hindi ko tuloy malaman kung magagalit ba ako o hindi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Ngunit nagising ako sa tila halusinasyon ko nang maramdaman ko na lang ang pagkagat n'ya sa aking labi, dahilan para mapa-daing ako sa sakit."Ara–!!!" Hindi ko tuluyang nabigkas ang mga katagang iyon nang sagpangin niya bigla ang aking bibig. Para s'yang gutom na gutom at sabik na sabik habang sinisibasib ang ako. Nang itutulak ko na s'ya ay bigla niya akong hinapit sa bewang, naramdaman ko rin na mas lalo niyang idiin ang kanyang paghalik.Nanlaki ang m
"Come with me. I need to talk some sense with you." Nang marinig iyon ay nagkaroon ng hindi magandang kutob si Marigold, lalo na't alam n'yang hindi s'ya gusto ni Mrs. Fontabella.Sumunod si marigold kay Mrs. Fontabella sa isang mamahaling restaurant kung saan ay kilala ito dahil lagi itong kumakain doon."Good afternoon po Mrs. Fontabella." Bati ng guwardiya matapos nitong pagbuksan ng pinto ang dalawa.Hanggang sa maka-upo na ay nanatili lang na naka-yuko si Marigold. Hindi n'ya matagalan ang mga tingin ni Mrs. Fontabella sa kanya. Pakiramdam n'ya sa sarili ay ang liit n'ya.Sinulyapan ni Mrs. Fontabella ang nakayukong si marigold. Nag-snort ito bago damputin ang menu at itulak sa dalaga ang isa pa'ng menu."Order anything you want, huwag kang mahiya." Wika nito habang namimili sa menu.Saka lang kumilos si marigold. Ngunit dahil parang naka-tungtong sa numero ay hindi n'ya magawang pumili ng talagang gusto n'ya.Nang may lumapit para kunin ang kanilang order, ay basta lang nag-bangg
"G-girlfriend?!!" Exaggerated na reaksyon ni Adelaida, ang mama ni Marisol.Napatakip ng kan'yang tenga si nanay sela sa matinis na boses ng ginang. Hindi n'ya akalaing sa kabila ng hitsura't pustura nitong pang mayaman ay may pagka-palingkera pala ito."Opo ma'am. Girlfriend nga ni ser Chardon itong si Marigold." Paglilinaw ni nanay sela na halos ikataranta ni marigold.Gustong awatin ng dalaga si nanay sela ngunit nakita n'ya na ganado ito sa pagsasalita."At baka hindi na rin magtagal ay maging mistress na rin si Marigold dito sa villa. Sinasabi ko po ito sa inyo para sa susunod ay alam n'yo na at para hindi na kayo mag-isip nang hindi maganda kay marigold." Hindi naikubli ni nanay sela ang pagka-irita n'ya sa mag-ina sa paglalahad nito.Biglang namutla si Marisol. Napayuko ito habang hinihila pababa ang maiksing dress n'ya."Um.... N-nalimutan ko, may... may appointment pala kami. S-sa susunod na lang namin dadalawin si Mr. Atanante... s-sige." pagkatapos ay hinila na ni Adel
"Woah! it feels good and kinda refreshing! It's been a long time since I box with hard and thick faces fellas!" Wika ni Paul nang bumalik ito sa tabi ni chardon, ngunit nagulat ito nang makita ang nakasampang babae sa likuran ng binata.Sa pag-aakalang kalaban ito, akma na sana itong ibabalibag ni chardon sa sahig nang awatin siya nila ni nick at Paul."Man, don't! It's a woman!" Sigaw ng dalawa.Natigilan si Chardon at kinalas ang pagkakakapit ng babae sa leeg n'ya. Lumapit sila nick at paul at kinuha ang babae. Halos lahat ng buhok ay nasa mukha na ng babae kaya hinawi ito ni Nick at tiningnan ang hitsura nito."Oh... a beauty!" Bulalas ni Nick nang makita ang babae."You?" Kunot-noo'ng tanong ni Chardon nang makita kung sino ito. Pagkatapos ay tinalikuran na n'ya ito para sana bumalik na kay marigold, ngunit bigla siyang niyakap ng babae sa likod. Natigilan si Chardon nang marinig ang pag-iyak ng babae."H-h'wag kang... umalis... 'wag m-mo kong... iwan... k-kailangan kita.
Hindi nakatulog si marigold nu'ng gabing 'yon sa kabila ng kumportable at malamig na suit na kanyang kinalalagakan.Hindi pa nga s'ya nakaka-get-over sa nakita n'ya sa dalawa sa Club, nakita naman n'ya ngayon lang na magkasama ang mga ito at dito pa sa hotel na kinaroroonan niya. Hindi tuloy maisip ni marigold kung nananadya ba ang dalawa nang malapit pa sa kuwarto n'ya nag-check-in ang mga ito.Naalala ni Marigold ang konsiderasyon at pag-aalaga ni Chardon sa kanya nito'ng mga nagdaang araw na parang bumalik lang sila sa dati nu'ng sabihin ng binata na gusto s'ya nito.Hindi man aminin ni marigold, at kahit sinabi n'ya kay Jonas na tapos na ang lahat sa kanila; ang totoo, ay umasa na naman s'ya. Bagaman nalilito s'ya sa kabutihan ni chardon sa kanya, ngunit ang totoo ay palihim na natutuwa ang puso n'ya.Ngunit sa nangyari ngayong araw at sa pagche-check-in ng dalawa..... ay nasira na naman ang pag-asa n'ya. Hindi namalayan ni marigold ang pagpatak ng kanyang luha sa gilid ng kanyang
Natigilan sa pag-iyak si Marigold nang marinig sa labas ang pagkatok at boses ni Mr Javier. Nataranta ang dalaga at lalong isinisiksik ang sarili sa sofa. 'Paano 'to?! Hindi ako puwedeng makita ni Mr. Javier nang ganito ang hitsura ko! Ano na'ng gagawin ko?'Naalarma si Marigold nang biglang lumapit si Chardon sa kanya. Dagli niyang tinakpan ang sarili't mukha n'ya "Huwag kang lalapit!"Ngunit naramdaman na lang n'ya na may tumakip sa ulo n'ya. Nang tanggalin iyon ni marigold para tingnan ay nakita niyang papalayo na si chardon, patungo ito sa pinto.Nang nasa kalagitnaan na ay huminto ito at bahagyang lumingon kay Marigold. "Don't go out, stay here first." Kakatok pa sana si Mr. Javier nang biglang bumukas ang pinto."Sir! Ayos lang ba kayo? Parang naulinigan ko kasi'ng may nangyayari sa loob ng office n'yo. Parang may nagkakagulo." Wika ni Mr. Javier habang sinusubukan'g sumilip sa loob, ngunit hindi ito pinagbigyan ni chardon."It's just your imagination.... I'll go out first. whi
Napatakip sa kanyang mga mata si marigold nang matapat at masilaw ito sa medyo may kataasan nang sikat ng araw sa bintana.Tumagilid s'ya't bumaling sa pader. Maya-maya ay napabalikwas s'ya ng bangon. Bigla niyang naalala ang alingawngaw at ilang palitan ng putok ng baril sa Airport, napatakip s'ya sa kanyang tenga.Ngunit nang mapansin'g tahimik naman ay nagtaka s'ya, at nang lumingon siya sa paligid ay saka n'ya lang napansin'g nasa isang kuwarto s'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya nang mamasdan ang kabuuan ng silid, dahil...... ito ang kuwarto niya sa Antique.'Anong nangyayari? N-nasa... nasa Antique ba 'ko?'Bumaba ng kama si Marigold ay sinuri ang paligid. Nagalak ito nang makumpirmang ito nga ang kuwarto n'ya. Dali-dali siyang lumabas para hanapin ang mama niya.Nang hindi n'ya ito makita sa kusina at sala ay lumabas siya nang bahay. Pagbukas ng pinto ay nasilaw si marigold. Tinakpan niya muna ang mga mata n'ya habang nag-a-adjust.Maya-maya lang ay inalis na niya ang kama
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim