Napatakip sa kanyang mga mata si marigold nang matapat at masilaw ito sa medyo may kataasan nang sikat ng araw sa bintana.Tumagilid s'ya't bumaling sa pader. Maya-maya ay napabalikwas s'ya ng bangon. Bigla niyang naalala ang alingawngaw at ilang palitan ng putok ng baril sa Airport, napatakip s'ya sa kanyang tenga.Ngunit nang mapansin'g tahimik naman ay nagtaka s'ya, at nang lumingon siya sa paligid ay saka n'ya lang napansin'g nasa isang kuwarto s'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya nang mamasdan ang kabuuan ng silid, dahil...... ito ang kuwarto niya sa Antique.'Anong nangyayari? N-nasa... nasa Antique ba 'ko?'Bumaba ng kama si Marigold ay sinuri ang paligid. Nagalak ito nang makumpirmang ito nga ang kuwarto n'ya. Dali-dali siyang lumabas para hanapin ang mama niya.Nang hindi n'ya ito makita sa kusina at sala ay lumabas siya nang bahay. Pagbukas ng pinto ay nasilaw si marigold. Tinakpan niya muna ang mga mata n'ya habang nag-a-adjust.Maya-maya lang ay inalis na niya ang kama
"Ano?!!" Gulat na bulalas ni Marigold.Lumapit si Chardon sa dalaga at akmang hahawakan ito ngunit dumistansya ito. Napahimutok na lang nang lihim ang binata. "Yes... Remember? You promise to take care of me when I'm hospitalized? Now, since your hospitalized too, let's take care of each other, shall we?""Sir, okay na po. Nailagay na po ang comforter." Ani Mr. Javier."Okay, you're all dismiss."Nang makalabas na si Mr Javier pati ang dalawang lalaki ay prenteng humiga sa kama si chardon. Bumubuntong-hininga na animo'y pagod na pagod ito sa maghapong trabaho at nakapag-pahinga rin sa wakas.Ang maliit na kama ay katapat lang ng kay Marigold, dalawang dipa lang ang agwat nito sa hospital bed ng dalaga.Umupo si marigold sa gilid ng kama habang nakatingin sa nakahigang si chardon. "Alam mo, hindi dapat tayo magsama sa iisang kuwarto. Hindi naman tayo magkaano-ano e. Saka kaya ko naman'g mag-isa, hindi ko kailangan ng kasama."Lumingon si Chardon kay marigold. Mukha na'ng ina-anto
Nagulat sila nanay sela at chardon nang makita si Marisol sa sala, natulala naman si Marisol nang makita si Marigold sa bisig ni Chardon."Ch-chardon... Bakit... bakit kasama niyo si marigold?" Kinakalma lang ni Marisol ang sarili sa mga oras na 'yon. Ang totoo'y may hinuha na siya kung bakit iniuwi ni chardon si marigold sa pamamahay nito mula sa hospital.Sumagot si nanay sela. "Sinabi ko na nga 'di ba? Gir–" natigilan si nanay sela nang maalala ang sinabi ni marigold sa kanya sa hospital. 'Hindi nga pala magnobyo si Marigold at ser Chardon... Hayy.' Inihiga ni Marigold ang kanyang ulo sa dibdib ni chardon, biglang sumama ang mood nito. "Why are you here? how did you get in?" Malamig na tanong ni Chardon sa tulalang si marisol."Oo nga?" Segunda ni nanay sela. "Bago ako umalis, sigurado akong ikinandado ko ang pinto."Hindi pa man nakakasagot si marisol nang may dumating na babae galing sa kusina. Naka-sleeveless ito at maikling maong shorts, may sobrang liit itong sling ba
Sa hapag-kainan, walang ibang maririnig kundi ang tunog ng sandok at plato habang pinagsisilbihan at ipinag-sasandok ni nanay sela ng pagkain ang mga nasa malaki't mahabang mesa.Matapos maipag-sandok ng kanin ang lahat ay iniunat muna ni nanay sela ang masakit niyang balakang. "Hayy..."Bigla nailang at nahiya ang matanda sa inasta nitong pag-iinat sa harapan ng mga nasa hapag. Ngunit nakahinga s'ya nang maluwag nang makitang tila wala naman'g nakita ang mga ito. Itinuloy na niya ang pagsisilbi. Tumikhim si Chardon, kanina pa ito naiilang sa sitwasyon. Matapos ng pag-uusap at ng ginawang paghalik ni Marisol sa kanya sa sala ay tila na-conscious na ang babae sa kanya at parang hindi na ito makatingin sa kanya nang diretso.Ngunit ang talagang nakapag-pailang kay Chardon ay ang guilt na nararamdaman nya para kay marigold. Nang lapitan n'ya ito kanina pagbaba para alalayan ay lumapit ang dalaga kay nanay Sela at dito nagpa-alalay. Pakiramdaman ni chardon ay nalaman ng dalaga na
Sa isang iglap ay nawala ang inis na nararamdaman ni Chardon para kay marigold nang makita ito sa bisig ng iba.Kanina lang ay nagpupuyos siya nang umalis nang Villa dahil sa dalaga. Dahil dito, naisip niyang pagbigyan ang gusto nito.Nang dumating ang driver ni Marisol para sunduin ito ay may kagaspangan niyang kinuha si Marisol mula sa pag-alalay at pag-akay nito. Nagulat man si Marisol sa inasta ni chardon, ngunit lihim itong natuwa't nagdiwang.Si Chardon ang nagmaneho at naiwan ang Driver ni Marisol sa labas ng Villa na napapakamot ng ulo.Habang bumibiyahe ay kinakausap ni Marisol si chardon, ngunit hindi naman ito sumasagot. Batid ni marisol na mainit ang ulo nito, ngunit hindi n'ya alintana iyon dahil gusto niyang makilala pa ang binata maging ang mga ikinaiinis o ikinagagalit nito.Sinabi ni marisol na puwede din siyang tawagin'g 'mari' ni Chardon kagaya ng ipinalayaw nito kay marigold dahil pareho lang naman sila ng simula ng pangalan. Walang naging tugon ang binata
Patuloy ang malakas na pag-ulan habang binabagtas ni Jonas ang kalsada kila marigold. Binagalan n'ya ang pagmamaneho dahil basa at maputik na ang kalsada. Habang nagmamaneho ay naka-simangot ito habang sumusulyap-sulyap sa kanyang katabi. Dahil – kanina pa ito umiiyak.Inis na inihinto ni Jonas sa isang tabi, sa ligtas na kalsada ang sasakyan."O... B-bakit (hik) tayo.... t-tumigil? (hik)" "Paano ako magpapatuloy sa pagmamaneho, e ganyan ka. Nakaka-sira ng mood." Pa-bugnot na sagot ni Jonas."P-pasensiya (hik) na.... P-pipigilan ko(hik)... na lang..." Sagot ni marigold habang pinupunasan at tinutuyo ang kanyang mga mata. Pilit niyang kinakalma ang sarili."Huwag na. Ilabas mo na lahat dito. Gusto ko pag-uwi mo, maayos ka na." Tiningnan ni Jonas ang dalaga. "Nagsinungaling ka..."Hindi sumagot si marigold. Tumigil na ito sa pag-iyak ngunit humihikbi pa rin ito."Hayy...." Buntong hininga ni Jonas. "Bakit si kuya Chardon? Ano ba'ng nakita mo du'n?""H-ha?" "Alam kong hindi ka
"Nagkaroon ng Conglomerate Merger ang C.A at ang Fontabella Corporation. Kaya ang C.A ay may partner na ngayon."Natahimik si Marigold at naisip ang koneksyon ng dalawa. Pilit itong napangiti. "Kung ganon pala, mukhang mas lalalim pa sila sa isa't-isa.""Huy... Hindi iyan ang punto ko." Sawata ni Jonas."E ano?""Totoong makikinabang dito nang malaki ang C.A, pero, may nakakainis tayong disadvantages."Napukaw ang atensyon ni marigold. "A-ano naman ang magiging disadvantages natin?""Ang nalaman ko mula kay Mr. Javier, makikialam daw ang Fontabella Corporation sa pamamahala ng C.A, maging 'yung history records files ng C.A gusto nilang makita." Nayayamot na wika ni Jonas na halos gusto na'ng sabunutan ang sarili."T-Teka.... invasion of privacy 'yon, a‽""Yun na nga mismo! At alam mo kung ano pa ang nakakainis? Pumayag si kuya Chard, ayos lang sa kanya!"Napanganga na lang si marigold sa nalaman. 'Anong nangyari kay Mr. Atanante, bakit niya yon hinayaan? Wala na ba siyang malasa
Napatingin ang isang babaeng naroon sa gazebo kila jessy nang maramdaman'g nakatingin ang grupo nito sa mesa nila. Tumayo ito at nagpaalam sa mga kasama niyang mga businessmen, maging sa lalaking katabi nitong kumakain.Na-conscious sila jessy nang makitang papalapit ang babae sa direksyon nila."Hi marigold~ I never thought I would meet you here.... Are they your friends?" Malambing at nakangiti nitong bati at tanong.Nagkatinginan sila Jessy. Nahiya sila't na awkward-an. Hindi nila akalaing lalapitan sila ng merger partner ng C.A at ng napapa balitang magiging Mrs. Atanante raw sa hinaharap."G-good Evening, M-Ms. Fontabella." Awkward na bati ni marigold.Sumimangot si Marisol at ngumuso. "Bakit ba Ms. Fontabella pa rin ang tawag mo sa 'kin? 'di ba sinabi ko na sa 'yong Marisol na lang?" Maktol nito.Napabaling-baling ng tingin sila Jessy kila marisol at marigold. Makikita sa mga mukha ng mga ito ang malaking pagtataka. Tila sinasabi ng mga tingin nila sa dalawa na: 'Close ka