Sa hapag-kainan, walang ibang maririnig kundi ang tunog ng sandok at plato habang pinagsisilbihan at ipinag-sasandok ni nanay sela ng pagkain ang mga nasa malaki't mahabang mesa.Matapos maipag-sandok ng kanin ang lahat ay iniunat muna ni nanay sela ang masakit niyang balakang. "Hayy..."Bigla nailang at nahiya ang matanda sa inasta nitong pag-iinat sa harapan ng mga nasa hapag. Ngunit nakahinga s'ya nang maluwag nang makitang tila wala naman'g nakita ang mga ito. Itinuloy na niya ang pagsisilbi. Tumikhim si Chardon, kanina pa ito naiilang sa sitwasyon. Matapos ng pag-uusap at ng ginawang paghalik ni Marisol sa kanya sa sala ay tila na-conscious na ang babae sa kanya at parang hindi na ito makatingin sa kanya nang diretso.Ngunit ang talagang nakapag-pailang kay Chardon ay ang guilt na nararamdaman nya para kay marigold. Nang lapitan n'ya ito kanina pagbaba para alalayan ay lumapit ang dalaga kay nanay Sela at dito nagpa-alalay. Pakiramdaman ni chardon ay nalaman ng dalaga na
Sa isang iglap ay nawala ang inis na nararamdaman ni Chardon para kay marigold nang makita ito sa bisig ng iba.Kanina lang ay nagpupuyos siya nang umalis nang Villa dahil sa dalaga. Dahil dito, naisip niyang pagbigyan ang gusto nito.Nang dumating ang driver ni Marisol para sunduin ito ay may kagaspangan niyang kinuha si Marisol mula sa pag-alalay at pag-akay nito. Nagulat man si Marisol sa inasta ni chardon, ngunit lihim itong natuwa't nagdiwang.Si Chardon ang nagmaneho at naiwan ang Driver ni Marisol sa labas ng Villa na napapakamot ng ulo.Habang bumibiyahe ay kinakausap ni Marisol si chardon, ngunit hindi naman ito sumasagot. Batid ni marisol na mainit ang ulo nito, ngunit hindi n'ya alintana iyon dahil gusto niyang makilala pa ang binata maging ang mga ikinaiinis o ikinagagalit nito.Sinabi ni marisol na puwede din siyang tawagin'g 'mari' ni Chardon kagaya ng ipinalayaw nito kay marigold dahil pareho lang naman sila ng simula ng pangalan. Walang naging tugon ang binata
Patuloy ang malakas na pag-ulan habang binabagtas ni Jonas ang kalsada kila marigold. Binagalan n'ya ang pagmamaneho dahil basa at maputik na ang kalsada. Habang nagmamaneho ay naka-simangot ito habang sumusulyap-sulyap sa kanyang katabi. Dahil – kanina pa ito umiiyak.Inis na inihinto ni Jonas sa isang tabi, sa ligtas na kalsada ang sasakyan."O... B-bakit (hik) tayo.... t-tumigil? (hik)" "Paano ako magpapatuloy sa pagmamaneho, e ganyan ka. Nakaka-sira ng mood." Pa-bugnot na sagot ni Jonas."P-pasensiya (hik) na.... P-pipigilan ko(hik)... na lang..." Sagot ni marigold habang pinupunasan at tinutuyo ang kanyang mga mata. Pilit niyang kinakalma ang sarili."Huwag na. Ilabas mo na lahat dito. Gusto ko pag-uwi mo, maayos ka na." Tiningnan ni Jonas ang dalaga. "Nagsinungaling ka..."Hindi sumagot si marigold. Tumigil na ito sa pag-iyak ngunit humihikbi pa rin ito."Hayy...." Buntong hininga ni Jonas. "Bakit si kuya Chardon? Ano ba'ng nakita mo du'n?""H-ha?" "Alam kong hindi ka
"Nagkaroon ng Conglomerate Merger ang C.A at ang Fontabella Corporation. Kaya ang C.A ay may partner na ngayon."Natahimik si Marigold at naisip ang koneksyon ng dalawa. Pilit itong napangiti. "Kung ganon pala, mukhang mas lalalim pa sila sa isa't-isa.""Huy... Hindi iyan ang punto ko." Sawata ni Jonas."E ano?""Totoong makikinabang dito nang malaki ang C.A, pero, may nakakainis tayong disadvantages."Napukaw ang atensyon ni marigold. "A-ano naman ang magiging disadvantages natin?""Ang nalaman ko mula kay Mr. Javier, makikialam daw ang Fontabella Corporation sa pamamahala ng C.A, maging 'yung history records files ng C.A gusto nilang makita." Nayayamot na wika ni Jonas na halos gusto na'ng sabunutan ang sarili."T-Teka.... invasion of privacy 'yon, a‽""Yun na nga mismo! At alam mo kung ano pa ang nakakainis? Pumayag si kuya Chard, ayos lang sa kanya!"Napanganga na lang si marigold sa nalaman. 'Anong nangyari kay Mr. Atanante, bakit niya yon hinayaan? Wala na ba siyang malasa
Napatingin ang isang babaeng naroon sa gazebo kila jessy nang maramdaman'g nakatingin ang grupo nito sa mesa nila. Tumayo ito at nagpaalam sa mga kasama niyang mga businessmen, maging sa lalaking katabi nitong kumakain.Na-conscious sila jessy nang makitang papalapit ang babae sa direksyon nila."Hi marigold~ I never thought I would meet you here.... Are they your friends?" Malambing at nakangiti nitong bati at tanong.Nagkatinginan sila Jessy. Nahiya sila't na awkward-an. Hindi nila akalaing lalapitan sila ng merger partner ng C.A at ng napapa balitang magiging Mrs. Atanante raw sa hinaharap."G-good Evening, M-Ms. Fontabella." Awkward na bati ni marigold.Sumimangot si Marisol at ngumuso. "Bakit ba Ms. Fontabella pa rin ang tawag mo sa 'kin? 'di ba sinabi ko na sa 'yong Marisol na lang?" Maktol nito.Napabaling-baling ng tingin sila Jessy kila marisol at marigold. Makikita sa mga mukha ng mga ito ang malaking pagtataka. Tila sinasabi ng mga tingin nila sa dalawa na: 'Close ka
"What can you say about what you did today?"Naitutop ni Marigold ang labi. "M-Mr. Atanante.... Maniniwala po ba kayo kung.... k-kung sasabihin kong... hindi ko.... s-sinasadya?"Sumandal si Chardon sa swivel chair. "Of course, you don't mean it.... But the damage you have done, are you aware?"Bagaman alam n'yang hindi siya nakikita ng Ceo ay umiling-iling pa rin si marigold.Tumayo si chardon at dahan-dahang nagtungo sa nakayukong dalaga, may kalahati metro ang pagitan nila. "Do you know what my company could possibly lose?Napalunok si marigold. Nalalaman niyang napakalaking halaga niyon, ngunit ayaw na n'yang isipin pa dahil siguradong malulula lang s'ya."Billion's of pesos..... Do you heard that? Billion's–of–pesos." Nanlaki ang mga mata ni marigold. Daang milyong piso lang ang iniisip n'ya, at hindi n'ya akalaing aabot pala ito ng bilyon. Naisip tuloy ng dalaga kung gaano kayaman si chardon.Nagpalakad-lakad si chardon, paikot kay marigold. "I don't know what your prob
"Sir. until now, I still haven't received any response from other foreign investors. I'm worried that Mr. McMahon might be the only one who is willing to invest with us." May pag-aalalang wika ni Mr. Javier. Ngunit tila hindi iyon at iba ang inaalala ng naka-upo sa swivel chair.Mapapansin ang bahagyang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito, habang naka-kunot ang kanyang noo."Put that aside for now, your worry is futile, because they will definitely come back.... Help me with some other things."Gusto sanang magtanong ni Mr. Javier. Ngunit sa ilang taon na n'yang paninilbihan ay kilala na n'ya ang Ceo. Sa tono nito ay mukhang makagagawa ito ng paraan sa mga investors."Investigate Thomas McMahon ang marigold. find out if they always meet, what place, how many times, and what time."Biglang napamaang si Mr. Javier. "S-sir, you mean.... iimbestigahan ko silang dalawa kung may lihim silang relasyon? g-ganu'n ba?"Kumitid ang mga mata ni chardon. "I want the result as soon as pos
"A-anong ginagawa niyo? A-anong nangyayari dito?"Si marigold ang unang nakabawi. Itinulak n'ya si Chardon at agad siyang lumayo dito, inayos ayos n'ya ang kanyang buhok at sarili. Ngunit hindi ito nagustuhan ng binata. Sumama ang mukha ni Chardon ng makitang tila ikinakahiya ng dalaga na makita ng iba ang pagkaka-ugnay at interaksyon nito sa kanya.'You ashame of me.....? Fine.'Nagbago ang ayos ng mukha ni chardon at bigla itong nagkaroon ng bahagyang ngiti. Magiliw ito'ng lumapit kay Marisol at kinuha ang mga shopping bags na dala-dala nito. Tila nasisiyahan siyang nakabalik na ito. "How's your flight? Do you have a jetlag? Why did you come straight here? Aren't you tired from the almost whole day trip.... hmm?"Napamaang at nanibago si marisol sa konsiderasyon at gentleness na biglang ipinakita ng binata. Dahil dito ay agad niyang nalimutan ang nasaksihan n'ya kanina.Ngumiti nang matamis si marisol, biglang nawala ang pagod nito. "I'm fine. I'm not that delicate, by the
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan ang mga s
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim