Natulala na lang sila Jessy hanggang sa maingay na nag-preno at huminto ang luxury car bago pa man maka-abot kay Marigold, may isang metro lang ang layo. Ang mga hitsura nila ay parang nawalan ng dugo at tila nalimutan nilang huminga..Nagbukas ang bintana ng kotse at pinandilatan at sinigawan silang lahat ng sakay nito. "What's is this?! Your girl's modus? Are you that desperate for money, eh.....?! Go to h*ll!!" At muli itong humarurot.Naiwan ang alikabok ng humarurot na kotse sa tulala pa rin'g sila Jessy. Nang hindi na nila ito matanaw ay saka lang sila naalimpungatan."Marigold!.... S-si marigold!"Naglapitan sila sa nakasalampak at tulalang dalaga sa semento. Katulad nila, namutla din ito."Marigold, marigold, ayos ka lang?.... H-hoy, bakit.... b-bakit ganyan ka... huminga ka nga, marigold!" Nataranta si Jessy nang makita ang hitsura ni marigold. Bukod sa maputlang mukha ay namuti rin ang labi nito, at ang ikinabahala n'ya ay nang mapansin'g naka nga-nga lang ito at hi
Hindi pa man nagagawang mag-react ni Marigold ay bigla na lang may sumunggab sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. Impit na napasigaw ang dalaga.Dahil naramdaman niyang mataas itong tao at may mas malapad na pangangatawan kaysa sa kanya, ay kinumpirma ni marigold na lalaki ito.Hinila s'ya ng lalaki papunta sa malapit sa bintana. Habang hinihila ay biglang nakaramdam ng familiarity si marigold base sa naamoy n'ya dito. Ngunit hindi na n'ya nagawang mag-isip pa kung sino ang lalaki nang bigla siyang buhatin nito at iupo sa storage Cabinet.Sa gawing iyon ay may bahagyang liwanag na tumatama na nanggagaling sa labas ng bintana, ngunit kahit ganu'n, kahit pakatitigan ni Marigold ang mukha ng lalaki, ay hindi n'ya maaninaw ang mukha nito gawa ng malabo niyang paningin."Why? You didn't recognize me? Hmm.....? Where're your glasses?" Wika ng lalaki nang makitang sinisipat at pinaka-tititigan s'ya ng dalaga.Hindi masyadong nagulat si marigold nang marinig ang pamilyar na bariton
Sa kabila ng kasiyahan at masayang tugtugan sa buong hall ng A.C Prominent hotel ay makikita ang marami-raming tao na pawang mga nasa sahig. Nang makatayo ang iba ay nagagalit ang mga ito habang inaalam kung ano ang nangyari. Saka nila nakita si Alfonso na siyang dahilan ng lahat habang inaakay na ng dalawang security palabas ng hotel kabuntot si marisol.Hiyang-hiya si marisol sa mga bisita dahil sa ginawa ng kanyang tiyuhin, lubos siyang humingi ng paumanhin at yumukod sa mga ito, pagkatapos ay mabilis siyang sumunod kay Alfonso.Natigilan sa Marisol nang madaanan ang isang pigura ng tao. Sa isang tingin lang ay nakilala agad ni Marisol ang likod ng lalaki. Nakayuko ito at merong tao sa bisig nito.Nang mapagmasdan ay saka lang napansin ni Marisol na may yakap itong babae. Napa-maang si Marisol at nagtaka, bakit magkayakap ang dalawang ito? Napaka over protective naman 'ata ng binata para dito.Nakagat ni Marisol ang labi, hindi n'ya mapigilang makaramdam ng selos, lahat k
Sisigaw na sana si Marigold nang magsalita ang isa sa mga lalaki. "Miss, huwag kang matakot, wala naman kaming gagawin sa 'yo, gusto ka lang kausapin ng boss namin."Tumingin si Marigold sa sasakyan at pilit inaaninaw ang nakasakay roon, ngunit dark tinted ito kaya hindi n'ya rin makita kung may tao ba o wala sa loob."Miss..." Binuksan ng isa ang pinto ng sasakyan at minuwestrahan si marigold na sumakay na ito.Napatingin sa dalawang lalaking mukhang goons si Marigold pagkatapos ay tumingin s'ya sa kanyang paligid.May mga nagdadaan namang mga tao ngunit tila walang pakialaman ang mga ito.Bumuntong-hininga si Marigol at maingat na pumasok sa sasakyan."We see again... miss secretary." Agad na bati ni Alfonso sa bahagyang natatakot na si marigold.Natawa ito. "Bakit para yata'ng natatakot ka sa 'kin? Relax.... kakausapin lang naman kita, e. Nalalaman mo naman na kilala akong tao sa business circle at may reputasyon ako, hindi ba? Kaya, hindi ako makakagawa ng masama.""P-pero.
Magdidilim na nang matapos ang meeting ng mga executives at ni Chardon. "Ask Jonas to come to my office." Ani Chardon habang tumitingin ng oras sa kanyang rolex."Yes, sir." Humiwalay na si Mr. Javier at nagtungo na sa kaniyang opisina.Naupo si chardon at dumampot ng trabaho. Maya-maya ay natigilan s'ya at napaisip. Dinukot n'ya ang kanyang cellphone. Kanina sa meeting ay naiisip niyang kumustahin ang pagche check-in ni marigold kaya naisip niyang tawagan ito.Bago umalis sila jonas at marigold kanina ay sinabihan niya si Jonas na ipag-check-in si marigold sa mismong hotel niya at huwag muna itong pauuwiin.Dahil sa sinabi ni marigold na plano ni Alfonso sa kanya ay hindi na mapalagay si chardon, hindi para sa sarili niya kundi para kay marigold. Nag-alala siyang baka madamay ang dalaga.Tinitigan ni Chardon ang cellphone. Matagal na rin buhat nang tinawagan n'ya si marigold. Iniisip niya, sasagot kaya ito?Nang magda-dial na ay biglang bumukas ang pinto. Lumamig ang mga mata ng bina
Dahan-dahang gumagapang ang mga kamay ni Alfonso sa maputi't makinis na binti ni marigold habang wala itong kaalam-kaalam at habang nahihimbing ito.Hinawakan ni Alfonso ang palda ng dalaga at tila bahagya itong nairita. 'This thing disturbs my fun. This must be remove.'Bago pa man n'ya tangkaing tanggalin iyon ay biglang may kumatok. Hindi mapigilang mainis ni Alfonso. Napahimutok ito bago bigyan ng permiso ang tauhan'g pumasok."Boss, may natanggap po kaming ulat, ngayon lang.... Tumawag po si Koronel Matias; ang sabi n'ya, may nag-report daw sa inyo na isang businessman sa kanila, na nag ngangalan daw Chardon Atanante."Natigilan si Alfonso pagkatapos ay bigla itong humagalpak ng tawa. Namumula na ang mukha't leeg nito ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa katatawa na ipinagtataka na ng kanyang tauhan. Naisip nitong, hindi ba dapat ay mag-aalala ang boss n'ya o mapaisip dahil may nangahas na kumalaban sa kan'ya?Hindi nila namalayan ang unti-unting pag-galaw ni marigold, til
Dali-daling pumasok sa kuwarto si marigold para kumpirmahin ang kanyang kutob. Ngunit pagpasok ay napamaang siya nang makita ang nakaupong si Marisol sa kama habang nakayakap ang ina dito. Habang umiiyak ay hinahagod ito ni Marisol sa likod."Tumahan ka na, ma. Hindi mo ba nakikitang maayos na 'ko. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor 'di ba? hindi raw malala ang tama ko, at after three days, makakalabas na rin ako.""P-pero.... pero... paano kung....kung napuruhan ka? Hindi mo dapat sinalo ang bala para sa damuhong 'yon, e. Sinabi ko naman sa inyo ng daddy mo noon pa... Salot 'yang tiyuhin mo na 'yan!" Maktol at iyak ni Adelaida habang naka-subsob ito na parang bata sa kandungan ni Marisol.Napabuntong-hininga na lang si marisol hanggang sa mapansin niya ang tulalang si Marigold sa pinto. "M-marigold?"Napalingon si Adelaida, at nang makita si marigold ay biglang umasim ang mukha nito. "Anong ginagawa mo dito?...""Ma..." saway ni Marisol."Siguro, gusto mong makita kung napu
"Ser, kilala n'yo po ba?" Tanong ng isang pulis nang mapansin ang reaksyon ni Chardon.Napatakip sa kanyang bibig ang binata at tila biglang bumaligtad ang kanyang sikmura at parang masusuka ito. Sinenyasan n'ya ang lalaking nagbaba ng talukbong na ibalik na ang talukbong sa bangkay.Nakatingin at naka-abang ang mga pulis sa sagot ni Chardon.Nang mahimasmasan na ang binata ay: "No, it's not her." 'Fortunately.... fortunately, it's not her.' Binalingan ni chardon ang isang pulis na malapit sa kanya. "Why is it swollen like that?""Ha...? Kasi ser, mag-iisang linggo na raw nawawala 'yan. At dahil babad sa tubig, kaya lumobo nang ganyan."Sa isang tingin lang ay agad nalaman ni chardon na hindi ito ang babaeng kanyang hinahanap. Hindi dahil sa iba ang ayos at hitsura nito. Kung hindi, dahil iyon ang sinasabi ng kanyang puso.Napabuntong-hininga na lang si Chardon, tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib at pumayapa rin ang pag-aalala'ng kanyang nararamdaman.Umalis agad si chardon