Sa kabila ng kasiyahan at masayang tugtugan sa buong hall ng A.C Prominent hotel ay makikita ang marami-raming tao na pawang mga nasa sahig. Nang makatayo ang iba ay nagagalit ang mga ito habang inaalam kung ano ang nangyari. Saka nila nakita si Alfonso na siyang dahilan ng lahat habang inaakay na ng dalawang security palabas ng hotel kabuntot si marisol.Hiyang-hiya si marisol sa mga bisita dahil sa ginawa ng kanyang tiyuhin, lubos siyang humingi ng paumanhin at yumukod sa mga ito, pagkatapos ay mabilis siyang sumunod kay Alfonso.Natigilan sa Marisol nang madaanan ang isang pigura ng tao. Sa isang tingin lang ay nakilala agad ni Marisol ang likod ng lalaki. Nakayuko ito at merong tao sa bisig nito.Nang mapagmasdan ay saka lang napansin ni Marisol na may yakap itong babae. Napa-maang si Marisol at nagtaka, bakit magkayakap ang dalawang ito? Napaka over protective naman 'ata ng binata para dito.Nakagat ni Marisol ang labi, hindi n'ya mapigilang makaramdam ng selos, lahat k
Sisigaw na sana si Marigold nang magsalita ang isa sa mga lalaki. "Miss, huwag kang matakot, wala naman kaming gagawin sa 'yo, gusto ka lang kausapin ng boss namin."Tumingin si Marigold sa sasakyan at pilit inaaninaw ang nakasakay roon, ngunit dark tinted ito kaya hindi n'ya rin makita kung may tao ba o wala sa loob."Miss..." Binuksan ng isa ang pinto ng sasakyan at minuwestrahan si marigold na sumakay na ito.Napatingin sa dalawang lalaking mukhang goons si Marigold pagkatapos ay tumingin s'ya sa kanyang paligid.May mga nagdadaan namang mga tao ngunit tila walang pakialaman ang mga ito.Bumuntong-hininga si Marigol at maingat na pumasok sa sasakyan."We see again... miss secretary." Agad na bati ni Alfonso sa bahagyang natatakot na si marigold.Natawa ito. "Bakit para yata'ng natatakot ka sa 'kin? Relax.... kakausapin lang naman kita, e. Nalalaman mo naman na kilala akong tao sa business circle at may reputasyon ako, hindi ba? Kaya, hindi ako makakagawa ng masama.""P-pero.
Magdidilim na nang matapos ang meeting ng mga executives at ni Chardon. "Ask Jonas to come to my office." Ani Chardon habang tumitingin ng oras sa kanyang rolex."Yes, sir." Humiwalay na si Mr. Javier at nagtungo na sa kaniyang opisina.Naupo si chardon at dumampot ng trabaho. Maya-maya ay natigilan s'ya at napaisip. Dinukot n'ya ang kanyang cellphone. Kanina sa meeting ay naiisip niyang kumustahin ang pagche check-in ni marigold kaya naisip niyang tawagan ito.Bago umalis sila jonas at marigold kanina ay sinabihan niya si Jonas na ipag-check-in si marigold sa mismong hotel niya at huwag muna itong pauuwiin.Dahil sa sinabi ni marigold na plano ni Alfonso sa kanya ay hindi na mapalagay si chardon, hindi para sa sarili niya kundi para kay marigold. Nag-alala siyang baka madamay ang dalaga.Tinitigan ni Chardon ang cellphone. Matagal na rin buhat nang tinawagan n'ya si marigold. Iniisip niya, sasagot kaya ito?Nang magda-dial na ay biglang bumukas ang pinto. Lumamig ang mga mata ng bina
Dahan-dahang gumagapang ang mga kamay ni Alfonso sa maputi't makinis na binti ni marigold habang wala itong kaalam-kaalam at habang nahihimbing ito.Hinawakan ni Alfonso ang palda ng dalaga at tila bahagya itong nairita. 'This thing disturbs my fun. This must be remove.'Bago pa man n'ya tangkaing tanggalin iyon ay biglang may kumatok. Hindi mapigilang mainis ni Alfonso. Napahimutok ito bago bigyan ng permiso ang tauhan'g pumasok."Boss, may natanggap po kaming ulat, ngayon lang.... Tumawag po si Koronel Matias; ang sabi n'ya, may nag-report daw sa inyo na isang businessman sa kanila, na nag ngangalan daw Chardon Atanante."Natigilan si Alfonso pagkatapos ay bigla itong humagalpak ng tawa. Namumula na ang mukha't leeg nito ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa katatawa na ipinagtataka na ng kanyang tauhan. Naisip nitong, hindi ba dapat ay mag-aalala ang boss n'ya o mapaisip dahil may nangahas na kumalaban sa kan'ya?Hindi nila namalayan ang unti-unting pag-galaw ni marigold, til
Dali-daling pumasok sa kuwarto si marigold para kumpirmahin ang kanyang kutob. Ngunit pagpasok ay napamaang siya nang makita ang nakaupong si Marisol sa kama habang nakayakap ang ina dito. Habang umiiyak ay hinahagod ito ni Marisol sa likod."Tumahan ka na, ma. Hindi mo ba nakikitang maayos na 'ko. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor 'di ba? hindi raw malala ang tama ko, at after three days, makakalabas na rin ako.""P-pero.... pero... paano kung....kung napuruhan ka? Hindi mo dapat sinalo ang bala para sa damuhong 'yon, e. Sinabi ko naman sa inyo ng daddy mo noon pa... Salot 'yang tiyuhin mo na 'yan!" Maktol at iyak ni Adelaida habang naka-subsob ito na parang bata sa kandungan ni Marisol.Napabuntong-hininga na lang si marisol hanggang sa mapansin niya ang tulalang si Marigold sa pinto. "M-marigold?"Napalingon si Adelaida, at nang makita si marigold ay biglang umasim ang mukha nito. "Anong ginagawa mo dito?...""Ma..." saway ni Marisol."Siguro, gusto mong makita kung napu
"Ser, kilala n'yo po ba?" Tanong ng isang pulis nang mapansin ang reaksyon ni Chardon.Napatakip sa kanyang bibig ang binata at tila biglang bumaligtad ang kanyang sikmura at parang masusuka ito. Sinenyasan n'ya ang lalaking nagbaba ng talukbong na ibalik na ang talukbong sa bangkay.Nakatingin at naka-abang ang mga pulis sa sagot ni Chardon.Nang mahimasmasan na ang binata ay: "No, it's not her." 'Fortunately.... fortunately, it's not her.' Binalingan ni chardon ang isang pulis na malapit sa kanya. "Why is it swollen like that?""Ha...? Kasi ser, mag-iisang linggo na raw nawawala 'yan. At dahil babad sa tubig, kaya lumobo nang ganyan."Sa isang tingin lang ay agad nalaman ni chardon na hindi ito ang babaeng kanyang hinahanap. Hindi dahil sa iba ang ayos at hitsura nito. Kung hindi, dahil iyon ang sinasabi ng kanyang puso.Napabuntong-hininga na lang si Chardon, tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib at pumayapa rin ang pag-aalala'ng kanyang nararamdaman.Umalis agad si chardon
Kinabukasan pagpasok ni marigold, napapalingon siya sa mga nagbubulungan at nagchi-chismisan ng kay aga-aga na mga empleyado.Napa-isip ang dalaga. 'Hindi kaya 'yung tungkol sa engagement ang pinag bubulungan nila?' Biglang nalungkot si marigold. Bumuntong hininga ito at iwinaksi ang nararamdaman.Pagpasok ni marigold ng elevator ay may nananakbong tao ang sumabay at humabol sa kanya papasok. "Marigold, 'morning." Bati nito sa mukhang matamlay na dalaga."Good morning, Jonas."Matapos pumindot ni Jonas ay pasulyap sulyap na ito sa dalaga. Naalala niya ang naging usapan nila ng kanyang pinsan nang magsakasalubong sila kahapon:"I freed marigold for good, I sent her the contracts she signed. Isn't that what you wanted to get her out of the company–""Talaga?!..." Agad na sabat ni Jonas. "Mabuti naman kung ganu'n! Aba, ang laki kaya ng liquidated damages na hinihingi mo sa kanya, e hindi mo naman s'ya business part– t-teka.... ano nga uli? Anong ginawa mo?"Lumapit pa si Char
"Mr. Grove, what do you mean? With so many requests that you can choose, why is that one?" Agad na puna ni Thomas."This is between the C.A Ceo and I, so I think you shouldn't interfere with us, am I right Mr McMahon?""But marigold is a executive secretary of the Ceo, what do you mean by kicking her out of the company? Don't you ever think that only our CEO has the right to remove her from here? or maybe you think that because we need something from you, so you are free to make a decision or make outrageous demand from us?" Wika ng kararating lang na si Jonas kasama si Mr. Villaflores."Sorry, we're late." Ani Mr. Villaflores."I don't think I can grant your request Mr. Grove...... Now, let's start the meeting." Deklarasyon ni Chardon.Nakahinga nang maluwag si marigold nang makitang binalewala ang kahilingan ni Mr. Grove, ngunit bago lumabas ay nakita niyang pinandilatan siya nito. Nagdudumali siyang lumabas. 'Mukhang nagtanim ng galit sa 'kin si Mr. Grove a, dahil sa pagkaka