“Tinatamad na bumangon ako mula sa kama. Simula kasi ng malaman ni Quiller ang tungkol sa pinagbubuntis ko ay hindi na ako nito pinapansin. Para akong hangin sa paningin nito na wari moy hindi nakikita. Parang gusto kong umiyak dala ng matinding lungkot na nararamdaman ko. Nasasaktan kasi ako sa malamig na pakikitungo sa akin ni Quiller. Noon pa naman ay malamig na ang pakikitungo niya sa akin, pero sa pagkakataong ito, ni ang tumingin sa mukha ko ay hindi nito magawa. Mabigat ang katawan na umalis na ako sa kama. Pumasok ako sa loob ng banyo at saka naligo. Kailangan ko na kasing pumasok sa opisina dahil marami akong trabaho na kailangang gawin. Sa loob ng halos isang linggong training ay madali akong natuto sa pagma-manage ng kumpanya. Kaya ko ng makipagsabayan sa mga negosyanteng nakakasalamuha ko. Pero, syempre dahil sa tulong ng aking mga abogado. Pagkatapos maligo ay nagbihis ako ng isang simpleng duster. Natigil ang kamay ko sa pagsusuklay ng aking mahabang buhok ng
“What? Condom!?” Ito ang naibulalas ko ng marinig ko ang sinabi ni Quiller. “Sa kanya ‘yan, hindi sa akin!” Ani ko at mabilis pa sa alas kwatro na hinagis ang pouch pabalik kay stella. Hindi nito napaghandaan ang ginawa ko kaya mabilis itong nasalo ni bruhilda. Naningkit ang kanyang mga mata at pinukol ako nito ng isang nakamamatay ng tingin.Ang walang hiyang babae na ‘to, hindi man lang sinabi na condom pala ang hawak naming mag-ina. Ngayon ko naunawaan kung bakit tinawag ako nitong ignorante. Nang masalo ito ni Stella ay mabilis din niya itong ibinalik sa akin. Kaya ang kaninang pinag-aagawan namin na halos magpatayan pa kaming dalawa ng dahil lang sa condom na ‘to, ngayon ay pinagpapasahan na ito at kanyanan ng tanggihan.“Bakit mo ibabalik sa akin ‘to!? Samantalang kanina ay kulang na lang patayin mo ako ng dahil lang sa condom!? Hmp, akala mo kung sinong malinis. May baho rin palang itinatago.” Nang-uuyam nitong saad kaya nag-init na ang ulo ko. “Gusto mong isaksak ko ‘tong
“Hindi ko na alam kung ilang beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa tapat ng ng pintuan nang library. Panay din ang pisil ko sa aking kamay at halos hindi na ako mapakali. Narung aangat ang kamay ko at akmang kakatok pero sa huli ay biglang magbabago ang isip ko. Ibaba ang kamay at muling magpaparoon at parito habang kagat ang kuko ng aking daliri. “Tell me, Ilang oras ka pang magpapabalik-balik d’yan bago pumasok sa loob ng”-“Ay kabayong walang t*t*!” Ang naibulalas ko labis na pagkagulat dahil sa biglang pagsulpot ni Quiller mula sa likuran ko. Inaasahan ko kasi na nasa loob ito ng library tulad ng sinabi sa akin ng katulong.Dumilim ang ekspresyon ng mukha nito at tahimik na nilampasan ako. Diretso siyang pumasok sa loob ng silid aklatan na ginawa niyang opisina. Walang imik na sumunod ako sa likuran ni Quiller habang ang mga mata ko ay abala sa pagtitig sa matambok nitong puwet. Malaking tao ito, at may makisig na pangangatawan na talagang aasaming makamtan ng lahat nang
“Wow, Mommy, she’s so cute!” Naibulalas ni Chiyo ng makita nito ang bagong silang na sanggol ni Ate Miles. Maging ako ay namangha dahil halos nakikita ko mula sa anak na babae ni Ate Miles ang pagkakahawig nito kay Chiyo noong baby pa ito. Well, magtataka pa ba ako? Magkapatid ang ina at magkapatid ang kanilang mga ama kaya talagang i-isa lang ang mukha ng aming mga anak. Maingat kong binuhat ang sanggol habang si Chiyo ay nakaupo sa kandungan ko. “Look mommy, she has golden hair, the same as my hair.” Ani ng maliit na tinig ni Chiyo. “Yes, Sweetie, she looks adorable like you.” Malambing kong sagot habang pigil ang gigil na bahagya kong isinayaw ang sanggol dahil bigla itong umingit. “Ate, I think gutom na si Princess.” Ani ko, lumapit sa amin si ate Miles at maingat na kinuha ang kanyang anak mula sa aking mga bisig. “Mommy, "Why is Mom's tummy still small? When will my baby brother come out?" Tila naiinip na tanong ni Chiyo kaya kapwa kami natawa ni Ate Miles. “M
“Hmmmm…” naalimpungatan ako dahil sa matinding kiliti na nagmumula sa pagkababae ko. Dahil patuloy itong hinahagod ng mga daliri ni Quiller kaya wala ng tigil sa pag-alpas ang mga halinghing mula sa aking bibig. Kahit nakapikit ay alam ko na siya ang gumagawa nito sa akin.Tuluyang nagising ang diwa ko ng lumapat ang kanyang mga labi sa bibig ko. Gusto kong tumutol subalit, suwail ang utak ko. Umangat ang mga kamay ko upang sanay itulak siya palayo sa akin, pero maging ang mga kamay ko ay tinaraydor ako. Dahil imbes na manulak ay kinabig ko pa ang kanyang batok upang palalimin ang aming halikan. “F**k…” anas ni Quiller ng itulak niya pailalim ang mataba niyang kargada. Saka ko lang napagtanto na kapwa na pala kami nakahubad. Akmang aangat na sana ang balakang nito ay mabilis na pumulupot ang mga binti ko sa kanyang balakang. Sinigurado ko na hindi niya mababayo ang aking hiyas. “Sweetheart?” Nagtatanong niyang tawag sa akin. Aaminin ko, kinilig talaga ako ng tawagin niya akong Sw
“Sweetie, be careful.” Paalala ko sa aking anak. Araw ng sabado ngayon at naisip ko na magstay na lang muna kami dito sa Mansion. Ewan ko ba kung bakit tila tamad na tamad akong maglakad. Pakiramdam ko ay hindi ko pa man naihahakbang ang aking mga paa ay napapagod na kaagad ito. Mula sa aking anak ay nalipat ang tingin ko sa singsing na nakasuot hinlalaki ko. Kung tutuusin ay nangangati na ang mga kamay ko na itapon ito pero hindi ko ginawa. Dahil siguradong magagalit sa akin si Quiller. Honestly, hindi ako interesado sa singsing na ito at pakiramdam ko ay may dala itong sumpa. Kasi naman, ang singsing na ito ay tila isang lason na unti-unting kumakalat sa puso ko. Sa tuwing pumapasok sa isip ko na ikakasal si Ursula at Quiller ay parang nahihirapan na akong huminga. ‘Yun bang tila katapusan na ng mundo?Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng padabog na umupo si Ursulla, I mean si Stella, mula sa bakanteng sofa. Ni hindi ko man lang namalayan ang pagdating ng babaeng ito.
Mula sa isang hospital, nagulat ang lahat dahil sa biglaang pagpasok ni Andrade Quiller Hilton. Seryoso ang mukha nito at hindi maikakaila mula sa matapang nitong ekspresyon ang tinitimping galit. Habang sa kanyang likuran ay nakasunod ang mga armado bodyguard. Nakadama ng takot ang lahat ng tao sa paligid kaya mas pinili ng lahat ang manahimik. Subalit hindi nawawala ang matinding paghanga ng mga kababaihan para sa binata. Walang pakialam sa paligid na sumakay ng elevator si Andrade. Ilang sandali pa ay tumigil ang kanyang mga paa sa tapat ng isang nakasaradong silid. Kaagad itong binuksan ng tauhan nito ang pinto kaya tumambad sa kanyang paningin ang isang may katandaan ng doktor. Sa tabi nito ay dalawang Nurse at tatlong lab tech na siyang nag examine sa mismong sperm cell ni Andrade. Nakatayo ang mga ito sa bahaging gilid ng silid habang ang kanilang mga mukha ay kababakasan mo ng matinding takot. “Mr. Hilton, sa pagkakatanda ko ay walang nilabag ang aking hospital para
Stop crying, Sweetie, we’ll get another copy of your siblings picture, okay?” Malambing na saad ni Quiller habang pinapahid ng kanyang hinlalaki ang mga luha ni Chiyo. “Promise, daddy?” Humihikbi na tanong ni Chiyo, ngumiti ang ama nito at hinagkan ang pisngi ng kanyang anak.“I promise, go to your room and daddy will follow you later, okay.” Marahang tumango si Chiyo habang ipinapasa ito ni Quiller sa isang kasambahay. Nang nasa tapat ko na ang aking anak ay masuyo ko itong hinagkan sa pisngi at hinayaan na itong ipasok sa loob ng silid.“Nagawa mo akong saktan ng dahil sa batang ‘yan?” Hindi makapaniwala na tanong ni Stella. Hilam na sa luha ang mga mata nitong nagliliyab sa galit. Gustuhin ko man na sugurin ito at ako mismo ang sasampal sa kanyang pagmumukha ay hindi pwede. Hindi ko kasi pwedeng isapalaran ang buhay ng mga anak ko. “Wala kang karapatan na sigawan ang anak ko.” Matigas na saad ni Quiller na labis kong ikinatuwa. Malinaw pa kasi sa sikat ng araw na walang pag-aali