Share

Chapter 1

Author: Wengci
last update Last Updated: 2020-12-14 10:11:37

April 1997

“Ang anak ko Agusto!  Nasaan si Ana?”  umiiyak na wika ni Diana sa asawa habang nakahiga sa stretcher sa loob ng isang ospital sa Quezon Province.  Sakay sila ng isang bus na byaheng Maynila ngunit nagkaroon ng karambola ng mga sasakyan sa zigzag road na hinala niyang may kinalaman ang kapatid sa ama na si Octavio.  Kahit ang aksidente sa minahan na pag-aari ng pamilya sa Camarines Norte ay hinihinala niyang kagagawan din ng kapatid – though he still needs to prove his claims. 

“Hahanapin ko si Ana, Diana.  Ipinapangako ko.”  Mabilis namang tumango ang asawa habang panay pa rin ang pag-iyak.  Iniwan niya ito at pinuntahan ang ilang mga nasagip pero wala doon ang anak.  Panay ang dasal niyang hindi sana kasama ang anak sa mga bangkay na nakuha.  Hindi rin mawala ang pag-aalala dahil mula nang magkagulo ang mga tao at mabitawan ang anak ay hindi niya na ito muling nasilayan.

Nasa sitenta katao ang lulan ng bus na iyon kaya’t nahihirapan siyang hanapin ang anak ngayon lalo at may mga kamag-anak na ang iba na nagdatingan.  Lumabas siya sa ospital at naroon naman ang ilang katawan na ideneklara nang patay.  Panay ang tahip ng dibdib niya habang isa-isang sinisipat ang mga naroon.  Ang huli niyang nakita ay ang isang bangkay ng isang babaeng halos kasinggulang ng kanyang anak. 

“Anikka..”  Panay ang iyak ng isang may kabataan babae na marahil ay ina nito habang hawak ang kamay ng bata.  Hindi niya kinaya ang tagpong iyon dahil naiisip niya ang anak at hindi niya kayang isiping ganoon din ang kinasapitan nito.  Hindi niya kayang mawala ang kaisa-isa niyang anak.

Muli siyang nag-ikot para patuloy na hanapin si Ana pero bigo siya.  Hindi rin niya kayang harapin ang asawa dahil lalo itong mag-iiyak.  Sandali siyang umupo sa waiting area ng emergency habang iginagala pa rin ang mga mata.

“Papa…” wika ng isang maliit na tinig na agad nagpalakas ng kabog sa dibdib niya.

“Ana?”  Inilibot niya ang tingin kung saan nanggaling ang tinig ng anak at nakita niyang hawak iyon ng babae na kanina lang ay umiiyak hawak ang bangkay ng isang batang babae.  “Ana!”  Agad siyang yumakap sa anak at nakahinga ng maluwag.  Tumingala siya sa babae at bahagya itong ngumiti. 

“Maraming salamat,”  wika niya dito.  “Ikinalulungkot ko ang nangyari sa…”  Tumango naman ito sa kanya habang lukob pa rin ng lungkot ang mukha.  “Kung may maitutulong ako sabihin mo lang.”

“Kailangan ko lang maiuwi sa amin si Anikka,”  sagot nito sa pagitan ng paghikbi.  Dama niya ang sakit na nararamdaman nito. 

“Tutulungan kita.  Saan ba kayo nakatira?” 

“Sa Nueva Ecija.  May dinalaw lang kaming kamag-anak ng anak ko kaya kami nandito.  Sana’y hindi ko na lang siya sinama.”  Muli itong napaiyak at hinayaan niyang ilabas nito ang pighating nararamdaman. 

“Ako na ang bahala sa lahat.  Hintayin mo ako dito, kailangan ko lang puntahan ang asawa ko dahli nag-aalala na siya kay Ana.”  Tumango naman ang babae.  “I’m Agusto Mondragon.  And you are?”

“Lucila Merced,”  sagot nito.  Tumango siya bago nagpaalam sandali dala ang anak.

Pagkatapos niyang madala kay Diana ang anak ay agad niyang tinawagan ang isang kaibigan na tutulong sa kanila para makaalis sa lugar na iyon.  Hindi kailangang malaman ni Octavio kung ano ang kalagayan nila ngayon.  Kailangan niyang mailayo ang pamilya niya sa kasamaan ng kapatid.

“Hindi ko kayang malayo sa anak ko, Agusto,”  wika ng asawa nang ilahad niya ang balak na paglalayo kay Ana sa Rancho Mondragon.

“Kailangang mapalabas nating nawawala si Ana, Diana.  Hindi titigil si Octavio hangga’t hindi siya nakakaganti.” 

Hindi na sumagot si Diana dahil alam nito kung bakit ganoon na lang ang galit ng kapatid sa kanila.  Ito ang unang kasintahan ni Diana at nabuntis niya ito noong mga bata pa sila.  Pero dahil nananakit ito ng babae ay nagpasya si Diana na lumayo dito.  Nang malaman niya ang nangyari sa dalawa ay inalok niya ng kasal ang babae at panagutan ang dinadala nito.  Noon ay nagsisimula nang umusbong ang pagkagusto niya sa dalaga.  Labis na ikinagalit iyon ni Octavio na lalong nagbigay ng dahilan para saktan muli si Diana na naging sanhi ng pagkakalaglag ng bata sa sinapupunan nito.  Ipinangako nitong hinding hindi sila matatahimik dahil sa pagtataksil sa kanya.

Isa lang iyon sa mga galit na kinikimkim ni Octavio sa kanya kung tutuusin.  Isa pang mabigat na dahilan nito’y ang pagkawala ng mana nito sa Rancho Mondragon.  Ang lupang iyon ay pag-aari ng inang si Manuela Mondragon, at nang maunang mamatay ang Papa niya’y tiniyak ng ina na walang karapatan si Octavio dahil anak ito ng Papa Roman niya sa ibang babae.  Isang taon nang namatay ang ina at doon nagsimula ang paunti-unti nitong paghihiganti matapos malaman ang testamento mula sa abogado ng pamilya.

“Ipangako mong walang makakaalam sa lahat ng ito, Diana.  Kaligtasan ni Ana ang nakasalalay dito.  Hindi mo gugustuhing mawalan ng anak sa ikalawang pagkakataon, hindi ba?” 

Isang marahang tango ang pinakawalan nito.  Inakay niya palayo ang asawa sa ospital na iyon nang hindi kasama ang anak na si Ana.

APRIL 2018

“Siguro naman ay puwede na kitang dalhin sa bahay, Nikka,”  wika ng kasintahang si Jude nang sunduin siya nito sa school isang hapon.  Isang taon na rin naman mula ng sagutin niya ito matapos ang walong buwang panliligaw.  Pero tila hindi pa siya handa para mapunta ang relasyon nila sa mas seryosong estado lalo at marami pa siyang lihim na hindi naipagtatapat dito.  Ngayong araw din ang dating ng Papa niya para daw sa isang mahalang bagay na dapat nilang pag-usapan.

“Hindi ako puwede ngayon, Jude.  Next time na lang,” pagdadahilan niya. 

“Lagi ka na lang nagdadahilan.  Hindi ka ba seryoso sa relasyon natin?”  tila may himutok namang wika nito.  Biglang sumakit ang ulo niya sa usapan nila.  Kung tutuusin ay mabait naman si Jude at gentleman.  Ni minsan ay hindi siya nito pinilit na lumagpas sila ng higit sa halikan.  Isa itong call center agent at bente singko anyos na. 

“Nasa bahay na si Papa ngayon at naghihintay na sa akin,”  isa pa niyang pagdadahilan.  “I-set na lang natin sa ibang araw.”

“Gusto na kitang yayain ng kasal, Nikka.  Tapos ka naman na ng college.” 

Mabilis siyang napatitig dito bago mabilis ding tumingin sa labas ng salamin ng kotse nang makitang nakatitig sa kanya ang kasintahan.  Ni hindi pa siya handa na ipakilala siya sa mga magulang nito’y lalo pa ang makasal dito.  Ni hindi pa niya nararanasan ang magtrabaho at magkaroon ng career sa pinili niyang kursong AB in Mass Communication.   

Isang malalim na buntinghininga ang pinakawalan niya habang nakatingin pa rin sa dinadaanan nila.  Nang marating ang bahay nila ay nakita niya ang sasakyan ng ama sa harap ng gate.  Naroon ang ama sa labas kausap ang Nanay Lucila niya na tila ba hinihintay lang siyang dumating.  Agad siyang nagpaalam kay Jude at humalik sa pisngi nito pero sa halip ay humarap pa ang binata para sa labi siya nito mahagkan.  Agad siyang lumayo sa takot na makita iyon ng ama.

“Hindi mo ba ako ipakikilala sa Papa mo?”  tanong nito na tila naghihintay ng magandang sagot.  Dumilim ang mukha nito nang hindi siya nakapagsalita.  “Goodnight,”  wika nito nang hindi tumitingin sa kanya.  Tahimik naman siyang bumaba sa sasakyan nito at mabilis na pumasok sa gate.

“Nariyan na pala si Anikka,”  wika ng Nanay Lucila niya at agad namang lumingon ang ama at sumalubong nang makita siya. 

“Hi, Pa!”  Humalik siya sa pisngi nito at ngumiti. 

“Mabuti at nariyan ka na.   May mahalaga tayong pag-uusapan,”  wika nito na sumabay sa kanya papasok sa bahay.  Maliit lang ang bahay nilang iyon sa may tatlong maliit lang na kwarto.  Inilapag niya ang bag sa study table.  Ang ama ay nanatili lang nakatayo sa pinto at nakapamulsa ang mga kamay.

“It’s time for you to go back, Ana.  I will give you an hour to pack your things.”

“A-ano ho?” gulat niyang tanong sa ama.  Alam niyang sa Camarines Norte sila nakatira dati dahil walong taon na siya noong lisanin nila ang lugar na iyon at nagkaroon pa ng aksidente kung saan namatay ang totoong anak ng Nanay Lucila niya na si Anikka.   Masyado pa siyang bata para maintindihan ang mga bagay-bagay noong mga panahon na iyon; kung bakit kailangan niyang sumama sa isang babaeng hindi niya kilala at palitan ang totoo niyang katauhan.

“Nakapagtapos ka nang kolehiyo, Ana,”  wika ng ama.  Kapag tinatawag siya sa ganoong pangalan ay tila estranghero na sa kanya dahil kinalakihan niyang gamit ang Anikka.   Bagama’t sa eskwelahan ay ipinagamit sa kanya ang totoo niyang pangalan.  Ang Anastacia Mondragon.

“Okay naman ho ako dito, ‘Pa,” wika niya habang hinuhubad ang sneakers.

“Kailangan mo ng harapin ang totoo mong buhay.  Kailangan mo ng pag-aralan ang pasikot-sikot ng negosyo natin pati na rin ang pamamahala ng rancho.  I’m sorry, Anak, pero ikaw lang ang puwede kong asahan dahil ikaw lang ang kaisa-isa naming anak ng Mama mo,”  tuloy-tuloy na wika ng ama.  Sandaling gumuhit sa balintataw niya ang malawak na lupaing sakop ng Rancho Mondragon pati na ang ilang kumpanyang itinatag ng Lola niya. 

“Hindi ba’t nanganib ang mga buhay natin kaya n’yo ako inilayo doon?  Bakit kailangan ko pang bumalik?”  Unti-unting umaahon ang kaba sa dibdib niya. 

“Because your Uncle Octavio wants to claim half of the ranch pati na rin ang kita ng Golden Land Mining Corp.”

“Kung iyon ang makapagpapatahimik sa kanya bakit hindi n’yo na lang ibigay?  Siguro’y may karapatan din naman siya bilang anak ni Lolo,”  pangangatwiran pa niya.  Ang totoo’y hind niya gusto ang ganoon kalaking responsibilidad.   Okay na sa kanya ang simpleng buhay dito sa Nueva Ecija.

“Kung ganoon lang sana kadali, Ana.  Pero kaya ikino-contest ng tiyuhin mo ang mana niya ay dahil kailangan niya ang malaking halaga.  Ipagbibili lang niya ang lupang iyon kung sakali.  We are suspecting he is a druglord and having that piece of land will make him rich and powerful.”

“The more na hindi ako dapat bumalik roon, Papa.  My life was in danger thirteen years ago, it will be in danger now.   Hindi n’yo ba ako ideneklarang patay na?”

“We never declared you dead, Anastacia!”

pagalit na wika ng ama.  “Missing, yes.  Pero may isang nagpapanggap sa mansyon bilang ikaw.” 

Napatitig siya sa ama sa kalituhan sa mga sinasabi nito ngayon.  “A-ano ho ang ibig n’yong sabihin?” 

“Five years after that accident at ipinalabas naming hindi ka pa nahahanap ay may dinala si Octavio sa bahay na isang dalagita na kasing edad mo.  She was claiming she was our daughter.   We accepted her anyway dahil sa pangungulila ng Mama mo sa’yo.” 

Hindi siya makapaniwala sa mga ipinagtapat ng ama.  Hindi rin niya napigilang mapaluha sa kaisipang may ibang umaangkin ng katauhan niya at ito ang kapiling ng totoo niyang mga magulang.  Hindi man nagkulang si Lucila sa pagbibigay sa kanya ng atensyon, hindi pa rin nito kayang punuan ang pananabik niya sa totoo niyang pamilya. 

“So, ginagamit niya ang pangalan ko?”

“No.  Hindi ko kailanman ipapagamit sa iba ang pangalan mo at ng Lola mo.  She’s simply Ana Mondragon.  Kung saan siya nahanap ni Octavio o kung anuman ang rason niya para dalhin ang bata sa amin ay hindi namin alam.  Pero ngayon ay nagkakaroon na ng linaw ang lahat.  Hinala naming anak siya ni Octavio sa ibang babae.   Dahil iisa lang ang anak namin, iisa lang ang magiging tagapagmana.   Kung sakaling totoo na hindi ka namin mahanap ay si Ana ang magiging tagapagmana ng lahat – which will all be in favor for Octavio.”

“At ngayong babalik na ang totoong anak n’yo, ano sa tingin n’yo ang mararamdaman niya?”

“Namuhay siya ng masagana, Ana—“

“Anikka, Papa,” sala niya sa pagtawag nito sa kanya bilang Ana.   “Let her use that name.  Iba na ang katauhan ko ngayon.” 

“You will always be my Ana,” madamdamin namang wika ng ama ngunit hindi niya pinansin.  “Hindi naman siya maghihirap dahil legal namin siyang inampon ng Mama mo.”

“Kung gayon ay nanalo pa rin si Uncle Octavio, Papa, kung legal naman pala ang pag-ampon n’yo sa kanya.”

“No.  Nasa pangalan mo na ang Rancho Mondragon walong taon ka pa lamang.  Kung mayroon man siyang makukuha ay ang shares sa kumpanya pero sapat lang para mabuhay siya ng marangya.”

“Hindi ko napaghandaan ang lahat ng ito, Papa.  Ni hindi ko inaasahan.  Gusto ko muna sana’ng pag-isipan.” 

“Sooner or later you still have to claim what is yours, Anikka.”

“Pero tulad ng sinabi ko’y ito na ang buhay na gusto ko.  Nag-apply na rin ako ng trabaho dito sa isang local radio station.  Nandito ang mga kaibigan ko at may boyfriend na rin ho ako dito,” pagtatapat niya. 

“Nakatakda na rin kitang ipakasal sa anak ng isang matalik na kaibigan, Anikka.”    

“What?!”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
ANarahNino
ang galing!!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 2

    Sa isang taon ni Anikka sa Rancho Mondragon ay tila nagbago ang ikot ng mundo niya mula sa isang simpleng buhay papunta sa isang magulo. Lahat ay nagulat sa pagbabalik niya na ipinalabas ng ama na biglang sumulpot si Lucila sa Rancho at isinurender siya. Nagbigay ito ng pabuya at agad pinaalis ang ina-inahan na halos takbuhin pa niya para sumama pabalik. Hindi niya gustong bumalik sa Rancho lalo nang makita kung paano nanlilisik ang mata ng Uncle Octavio niya at ang pagka-disgusto ni Ana sa presensya niya. Agad nagpatawag ng meeting ang ama at agad isinalin sa kanya ang pamamahala ng Rancho sa kabila ng pagtutol niya.Mula sa malaking bahay ay iginala niya ang mga mata sa lupaing pag-aari niya.

    Last Updated : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 3

    Kinabukasan ay maaga silang umalis ng ama lulan ng isang Wrangler Jeep kasama ang apat na bodyguard ng ama. Ang paalam nila sa inang si Diana ay ipapasyal lang siya sa Camarines Norte at ipakikilala sa ibang business associates ng Papa niya. Umabot sila sa Gumaca, Quezon na ipinagtaka niya.“Ito ang opisina ng Ninong Ernesto mo, Anikka. Isa siyang abogado at siya ang may hawak ng trust fund mo at ilang kayamang inilagay ko sa pangalan mo. Your mother doesn’t know any of it, alam mo na siguro kung bakit.”Marahan siyang napatango hanggang sa pumasok sila sa bahay ng sinasabi nitong Ninong niya. Isang matandang lalaki ang sumalubong sa kanila na halos nasa sitenta anyos na.

    Last Updated : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 4

    “Why don’t you stay for a while, Jayzee?” wika ni Roxanne habang hawak ang sigarilyo sa kamay na wala namang sindi. Alam nitong hindi niya gusto ang amoy ng usok nito dahil hindi siya naninigarilyo. Tumayo siya para maisuot ng maayos ang masikip na pantalong maong. Ang babae naman ay nanatili lang nakasandal sa headboard ang likod at ang white sheet ang ipinatakip nito sa katawan. Buong paghanga nitong hinagod siya ng tingin lalo ang parteng nasa pagitan ng hita niya. Lihim siyang natatawa sa pagiging wild at liberated nito na akala niya noong una ay mahinhin at hindi makabasag pinggan. She was as wild as a beast a while ago.

    Last Updated : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 5

    “Bakit hindi mo in-aprobahan ang delivery sa Batangas?” tila nagpipigil na wika ni Ana nang puntahan siya nito sa opisina niya isang umaga. Ang tinutukoy nito ay ang delivery ng corn products na siyang pangunahing produkto ng Rancho kasama ng palay at buko. “I’m sorry, Ana. Pero nauna ang Purchase Order ng Cavite kaysa ang Batangas. Sinabi ko kay Letty na sabihin sa’yo na kailangang unahin ang Cavite.” “Nag-commit na ako na may delivery kahapon kay Mr. Arsenio, Nikka! Bakit ba lagi mong sinasalungat ang mga desisyon ko?” pagalit pa nitong wika. Gusto

    Last Updated : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 6

    “Sir, kanina pa po tumatawag si Mr. Mondragon,” wika ng sekretarya ng ama habang nasa opisina siya ng Daddy Zane niya. “Tell him I will call back,” tila patamad namang wika ng ama sa sekretarya. “Akala ko ba’y hindi pa nahahanap si Uncle Agusto?” Kumunot ang noo niya.“Hindi pa nga. That was his brother Octavio.”“Anong kailangan niya sa’yo?”“Gusto niyang ituloy ang pakikipagkasundo ko kay Agusto na ipakasal ka sa anak niyang si Ana. Pero gusto ko

    Last Updated : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 7

    Nakatanaw si Anikka sa isang babaeng natagpuan ng Tatang ni Gabriel na sa ngayon ay walang maalala. Fears were in her eyes. Halos gabi-gabi din itong dinadalaw ng masamang panaginip na nagpatibay sa hinala nilang galing ito sa isang malagim na sakuna o may nagtangka sa buhay nito. Tila nakikita niya ang sarili sa kalagayan ng babae ngayon pero ang pagkakaiba lang nila ay siya ay gising na gising at alam niya ang lahat ng panganib na pilit niyang tinatakasan. Minsan naisip niyang sana’y maging katulad na lang siya ng babaeng na walang maalala.Mula nang maganap ang pag-ambush sa mga magulang niya halos dalawang buwan na ang nakalipas ay dito sa tumuloy sa kamag-anak ng Nanay Lucila niya.

    Last Updated : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 8

    Hawak na ni Jayzee ang susi ng chopper habang hinihintay sina Alfred at Margaux para puntahan si Marga sa probinsiya ng Quezon. Nanginginig ang kanilang mga kamay sa pag-asang buhay pa nga ang fiancée ng kapatid ayon na rin sa hepe ng pulisya na tumawag sa kanila. His Uncle Ezekeil even called the police officer and was told that Marga was really the woman waiting to be claimed. Wala itong maalala na kahit ano at sinamahan lang ito ng dalawang tao para hanapin ang tunay nitong pamilya. Sa ngayon ay hindi pa alam ni Ethan ang balitang iyon dahil gusto muna nilang masiguro na si Marga nga iyon. Natutunan na ng kapatid na ipagpatuloy ang buhay nito nang wala ang kasintahan at natatakot silang bumalik ito sa dati kapag nagka

    Last Updated : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 9

    Isang magandang suite ang pinagdalhan sa kanya ni Jayzee sa isang hotel na pag-aari ng pamilya nito. Hindi man niya gusto ang presensiya ng binata ay wala rin siyang pagpipilian dahil kailangan niya ang tulong nito ngayong wala pa siyang matutuluyan. Wala siya ni kahit anong ID na hawak. Mabuti na lang at nakapagbulsa siya ng pera bago siya umalis sa Rancho nang mabalitaang na-ambush ang sinasakyan ng mga magulang dahil ang balak niya’y madala ang mga ito sa ospital, pero si Ana ang gumawa noon at siya’y iniwan lang sa kakahuyan – na tila ba hindi siya anak ni Diana kung balewalain ni Ana noong gabing iyon.

    Last Updated : 2020-12-14

Latest chapter

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 62

    Tuwang-tuwa ang Daddy niya at si Agusto dahil sa huli ay nagkaayos din silang dalawa. Pagdating nila sa Pilipinas ay agad silang nakipag-usap sa wedding coordinator. Tumulong naman ang Mommy Selena niya at Nanay Lucila ni Anikka sa preparasyon na excited din sa church wedding nila. Hanggang sa opisina naman ay kasa-kasama niya ang asawa na siyang pansamantalang gumagawa ng trabaho ni Stacey dahil naka-leave pa rin ang kapatid. Isang araw ay nasa bahay sila ng Daddy niya para sa pag-aayos ng entourage sa kasal nila ni Anikka. Tinawagan niya si Stacey para gawing flower girl ang pamangkin na anak nito. Agad namang pumayag ang kapatid.&nbs

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 61

    Pagbaba nila sa coffeeshop na lagi nilang pinupuntahan ay naroon na ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya. Humalik siya sa mga magulang, ganun din si Jayzee. “Anong itinerary natin today, Papa?” nakangiting tanong niya sa ama na tapos nang mag-almusal sa tagal nilang bumaba ni Jayzee. Umorder ang asawa ng dalawang espresso at butter croissant.“Papunta kami ng Nanay mo sa Louvre Museum, i-tour mo muna si Jayzee sa Eiffel Tower at sa mga sikat na kainang napuntahan na natin. We’ll give you a time for yourselves. Sa palagay ko’y hindi pa sapat ang magdamag para maibsan ang pangungulila niyong dalawa sa isa’t-isa,” tudyo ng ama.

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 60

    “Good morning!” Isang halik ang nagpagising kay Anastacia kinabukasan. Agad bumungad sa mga mata niya ang naka-boxers lang na si Jayzee. Iniwas ang mga mata at napahawak sa comforter na nakatakip sa katawan dahil napagtanto din niyang wala din siyang suot kahit ano. Isang nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mukha ng asawa.“Anong oras na?” tanong niya.“Alas nueve na, mahal ko. Kumatok na si Papa kanina pero masarap pa ang tulog mo,” sagot nito sa kanya na umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nito ng Papa sa Papa Agusto niya. &ld

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 59

    “J-jayzee. . .” “I missed you. . .” wika pa nito sa pagitan ng paghalik. Hindi na siya nakaiwas nang binuhat siya nito at inihiga sa kama. Madiin siyang hinalikan na tila ibinubuhos nito ang lahat ng hinanakit nito sa kanya sa pag-alis ng walang paalam. She felt pleasure and torture at the same time. Kahit ang mga kamay nito’y tila bakal na naglalakbay sa katawan niya. Madali nitong naipasok ang kamay sa loob ng undies niya at mapusok na ipinasok ang isang daliri doon dahilan para buong pwersa niya itong itinulak.“You’re hurting me. . .” halos paanas

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 58

    “I really had a good time,” wika ni Olivier habang palabas sila sa shop nito. May isang box ng macarons itong ipinadala sa kanya na gawa nito kanina sa baking class. Nagkaroon din siya ng ideya about baking at bukod sa pagbi-bbake ng kung ano-anong pasties ay hinangaan niya ang galing nito sa pagtuturo. Kaninang hapon ay naglakad-lakad naman sila sa gilid ng Eiffel Tower habang kinukuwento nito kung paano ito nakipagsapalaran na mamuhay doon ng ilang taon hanggang maging business partner ng isang local sa Paris. “I did too. Thank you for this box of sweets.”“You can come anytime. I can tour you again around the ci

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 57

    Nakatanaw si Anastacia mula sa hotel na tinutuluyan kung saan abot-tanaw ng mata ang napakagandang Eiffel Tower. Dalawang gabi niya nang pinagsasawa ang mga mata sa kulay nito kapag lahat ng paligid ay nabalot na ng kadiliman, her heart will always be captivated by its beauty – day and night. At ang magandang paligid sa buong Paris ay nakapagdudulot sa kanya ng kaluwagan sa dibdib at kapayapaan sa isipan. Nag-iisa lang siya sa silid dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya ng oras para sa isa’t-isa. Siniguro naman niya sa dalawa na maayos ang kalagayan niya, at na gusto talaga niyang mapag-isa kaya’t pumayag na rin ang ama. Sa dalawang araw nila dito sa Par

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 56

    Humanga si Jayzee sa laki ng rancho ng mga Mondragon. Mula sa main road ay uubos ka pa ng halos kinse minutos para marating ang mansyon. Natatanaw din mula sa kalsada ang mahabang taniman ng palay at mais. Hindi niya mapaniwalaang pag-aari ito ng asawa niya. Kilala ang mga Mondragon sa buong Camarines. Hindi siya nahirapang hanapin ang rancho dahil bawat taong natatanungan niya ay kabisado ang lugar na iyon. People were friendly and polite, ang iba’y halos gusto pa siyang ihatid pero tumanggi siya at umarkila na lang ng isang trisekel para hindi na makaabala pa.“Anong gagawin sa Paris?” halos pasigaw na wika ni Jayzee kay Ana

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 55

    “Good morning, Jayzee. I will be out for a week dahil nagyayaya ang Mommy mo na dalawin ang Auntie Joanna mo sa Cebu.” Ang tinutukoy ng ama ay ang kapatid sa turing ng Mommy Selena niya na totoong anak ng umampon dito noon. Nasa Cebu na ito dahil doon naka-base ang pulis nitong asawa na may mataas nang posisyon. “Oh. . . “ dismayado niyang wika. “May meeting ako kay Mr. Sandoval bukas pero ipapakiusap ko sana sa inyo na kayo muna ang um-attend.”“Why?” tanong ng ama. Umupo ito sa receiving chair ng opisina niya at isinandal ang likod.

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 54

    “I’m sorry, Papa. Pero wala akong masayang alaalang natatanaw sa nakaraan dito sa rancho kung hindi noong bata pa ako na halos hindi ko na maalala. Noong tumuntong akong muli dito pagkatapos mo akong kuhanin kay Nanay Lucila ay tila bangungot nang lahat para sa akin. Hindi ko gustong ipamigay ang lupang pag-aari niyo ni Lola Manuela, pero namuhay ako ng simple lang at wala ang lahat ng ito at mas masaya ako sa ganoon lang. Ana will definitely take care of this place. Sila ni Benedict.”“Paano ang kumpanya?” tanong ng ama.“I don’t want it either. Ang minahan

DMCA.com Protection Status