“Sir, kanina pa po tumatawag si Mr. Mondragon,” wika ng sekretarya ng ama habang nasa opisina siya ng Daddy Zane niya.
“Tell him I will call back,” tila patamad namang wika ng ama sa sekretarya.
“Akala ko ba’y hindi pa nahahanap si Uncle Agusto?” Kumunot ang noo niya.
“Hindi pa nga. That was his brother Octavio.”
“Anong kailangan niya sa’yo?”
“Gusto niyang ituloy ang pakikipagkasundo ko kay Agusto na ipakasal ka sa anak niyang si Ana. Pero gusto ko
Nakatanaw si Anikka sa isang babaeng natagpuan ng Tatang ni Gabriel na sa ngayon ay walang maalala. Fears were in her eyes. Halos gabi-gabi din itong dinadalaw ng masamang panaginip na nagpatibay sa hinala nilang galing ito sa isang malagim na sakuna o may nagtangka sa buhay nito. Tila nakikita niya ang sarili sa kalagayan ng babae ngayon pero ang pagkakaiba lang nila ay siya ay gising na gising at alam niya ang lahat ng panganib na pilit niyang tinatakasan. Minsan naisip niyang sana’y maging katulad na lang siya ng babaeng na walang maalala.Mula nang maganap ang pag-ambush sa mga magulang niya halos dalawang buwan na ang nakalipas ay dito sa tumuloy sa kamag-anak ng Nanay Lucila niya.
Hawak na ni Jayzee ang susi ng chopper habang hinihintay sina Alfred at Margaux para puntahan si Marga sa probinsiya ng Quezon. Nanginginig ang kanilang mga kamay sa pag-asang buhay pa nga ang fiancée ng kapatid ayon na rin sa hepe ng pulisya na tumawag sa kanila. His Uncle Ezekeil even called the police officer and was told that Marga was really the woman waiting to be claimed. Wala itong maalala na kahit ano at sinamahan lang ito ng dalawang tao para hanapin ang tunay nitong pamilya. Sa ngayon ay hindi pa alam ni Ethan ang balitang iyon dahil gusto muna nilang masiguro na si Marga nga iyon. Natutunan na ng kapatid na ipagpatuloy ang buhay nito nang wala ang kasintahan at natatakot silang bumalik ito sa dati kapag nagka
Isang magandang suite ang pinagdalhan sa kanya ni Jayzee sa isang hotel na pag-aari ng pamilya nito. Hindi man niya gusto ang presensiya ng binata ay wala rin siyang pagpipilian dahil kailangan niya ang tulong nito ngayong wala pa siyang matutuluyan. Wala siya ni kahit anong ID na hawak. Mabuti na lang at nakapagbulsa siya ng pera bago siya umalis sa Rancho nang mabalitaang na-ambush ang sinasakyan ng mga magulang dahil ang balak niya’y madala ang mga ito sa ospital, pero si Ana ang gumawa noon at siya’y iniwan lang sa kakahuyan – na tila ba hindi siya anak ni Diana kung balewalain ni Ana noong gabing iyon.
Kinabukasan ay maaga si Jayzee sa opisina dahil at nagulat na maaga rin na naroon ang isang gustong maging kasosyo sa airlines na ikinagulat niya.“Bakit nandito si Mr. Salvacion ng ganito kaaga?” Naniningkit ang mga mata niya habang kausap ang sekretarya. Agad naman itong nataranta sa nakitang anyo niya. Kapag ganoon ang tono niya’y malapit na siyang sumigaw sa inis.“Nagpa-appointment po siya noong isang araw.” Halos hindi niya marinig ang sinabi nito dahil sa hina ng boses at nakayuko pa.
Kanina pa sinisipat ni Anikka ang sarili sa salamin habang ang pinsang si Gabriel ay naghihintay na kanina pa sa sala ng bagong inuupahang apartment. She was wearing blush pink floral lace maxi dress that fitted her waist and revealed her body shape. Ngayon ang araw ng kasal ni Marga at Ethan at magkasama silang dadalo ni Gabriel. Mula nang magkita sila ni Marga sa opisina ni Jayzee ay naging abala na siya sa paghahanap ng apartment, matapos ang dalawang araw ay nakalipat na siya at tuluyan ng umalis sa suite ng Albano Hotel. Tinuruan siya ng Ninong Ernesto niya kung paano mag-invest sa stock mar
Napatitig si Zane Albano sa kaharap na si Anikka nang pinag-report niya muna ito sa opisina niya para sa ilang company policies na dapat nitong malaman. Ang totoo’y trabaho iyon ng HR Department at ang pagbibigay naman ng job description ay manggagaling kay Jayzee bilang siyang magiging boss nito. But she liked the woman for whatever reasons he couldn’t fathom. Gusto niya ring magtagal ito bilang sekretarya ng anak.“Do you know Octavio?” he asked her
Muling tinitigan ni Zane ang dalawang resume na hawak. Parehong tipid ang mga ibinigay na impormasyong naroon. Anastacia Mondragon. Nakalagay doon ang totoong mga magulang at pareho ding nakalagay na deceased na. Nagtapos ito ng AB in Mass Communication at naroon din ang numero at pangalan ng kumpanya kung saan ito nag-OJT, pero wala itong anumang inalagay na magbibigay ng koneksyon nito sa Rancho Mondragon.Sa isang resume kung saan ito ay si Anikka Merced ay ma
Lumipas ang isang linggo ay madaling nakabisado ni Anikka ang trabaho habang si Jayzee ay abala naman sa kabi-kabilang meeting. Sa kabila naman ng pagiging abala nito ay hindi pa rin ito tumitigil sa panunukso sa kanya na nakasanayan na rin niya sa araw-araw. Alam niyang gawain din naman ng binata ang ganoon kahit sa ibang babae. Pero bukod kay Jayzee, tila nakuha rin niya ang atensyon ng ibang kalalakihan sa kumpanya at kahit pa ang ilang bisitang kasosyo sa negosyo ng mga Albano – na ikinaiinis ng binata.
Tuwang-tuwa ang Daddy niya at si Agusto dahil sa huli ay nagkaayos din silang dalawa. Pagdating nila sa Pilipinas ay agad silang nakipag-usap sa wedding coordinator. Tumulong naman ang Mommy Selena niya at Nanay Lucila ni Anikka sa preparasyon na excited din sa church wedding nila. Hanggang sa opisina naman ay kasa-kasama niya ang asawa na siyang pansamantalang gumagawa ng trabaho ni Stacey dahil naka-leave pa rin ang kapatid. Isang araw ay nasa bahay sila ng Daddy niya para sa pag-aayos ng entourage sa kasal nila ni Anikka. Tinawagan niya si Stacey para gawing flower girl ang pamangkin na anak nito. Agad namang pumayag ang kapatid.&nbs
Pagbaba nila sa coffeeshop na lagi nilang pinupuntahan ay naroon na ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya. Humalik siya sa mga magulang, ganun din si Jayzee. “Anong itinerary natin today, Papa?” nakangiting tanong niya sa ama na tapos nang mag-almusal sa tagal nilang bumaba ni Jayzee. Umorder ang asawa ng dalawang espresso at butter croissant.“Papunta kami ng Nanay mo sa Louvre Museum, i-tour mo muna si Jayzee sa Eiffel Tower at sa mga sikat na kainang napuntahan na natin. We’ll give you a time for yourselves. Sa palagay ko’y hindi pa sapat ang magdamag para maibsan ang pangungulila niyong dalawa sa isa’t-isa,” tudyo ng ama.
“Good morning!” Isang halik ang nagpagising kay Anastacia kinabukasan. Agad bumungad sa mga mata niya ang naka-boxers lang na si Jayzee. Iniwas ang mga mata at napahawak sa comforter na nakatakip sa katawan dahil napagtanto din niyang wala din siyang suot kahit ano. Isang nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mukha ng asawa.“Anong oras na?” tanong niya.“Alas nueve na, mahal ko. Kumatok na si Papa kanina pero masarap pa ang tulog mo,” sagot nito sa kanya na umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nito ng Papa sa Papa Agusto niya. &ld
“J-jayzee. . .” “I missed you. . .” wika pa nito sa pagitan ng paghalik. Hindi na siya nakaiwas nang binuhat siya nito at inihiga sa kama. Madiin siyang hinalikan na tila ibinubuhos nito ang lahat ng hinanakit nito sa kanya sa pag-alis ng walang paalam. She felt pleasure and torture at the same time. Kahit ang mga kamay nito’y tila bakal na naglalakbay sa katawan niya. Madali nitong naipasok ang kamay sa loob ng undies niya at mapusok na ipinasok ang isang daliri doon dahilan para buong pwersa niya itong itinulak.“You’re hurting me. . .” halos paanas
“I really had a good time,” wika ni Olivier habang palabas sila sa shop nito. May isang box ng macarons itong ipinadala sa kanya na gawa nito kanina sa baking class. Nagkaroon din siya ng ideya about baking at bukod sa pagbi-bbake ng kung ano-anong pasties ay hinangaan niya ang galing nito sa pagtuturo. Kaninang hapon ay naglakad-lakad naman sila sa gilid ng Eiffel Tower habang kinukuwento nito kung paano ito nakipagsapalaran na mamuhay doon ng ilang taon hanggang maging business partner ng isang local sa Paris. “I did too. Thank you for this box of sweets.”“You can come anytime. I can tour you again around the ci
Nakatanaw si Anastacia mula sa hotel na tinutuluyan kung saan abot-tanaw ng mata ang napakagandang Eiffel Tower. Dalawang gabi niya nang pinagsasawa ang mga mata sa kulay nito kapag lahat ng paligid ay nabalot na ng kadiliman, her heart will always be captivated by its beauty – day and night. At ang magandang paligid sa buong Paris ay nakapagdudulot sa kanya ng kaluwagan sa dibdib at kapayapaan sa isipan. Nag-iisa lang siya sa silid dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya ng oras para sa isa’t-isa. Siniguro naman niya sa dalawa na maayos ang kalagayan niya, at na gusto talaga niyang mapag-isa kaya’t pumayag na rin ang ama. Sa dalawang araw nila dito sa Par
Humanga si Jayzee sa laki ng rancho ng mga Mondragon. Mula sa main road ay uubos ka pa ng halos kinse minutos para marating ang mansyon. Natatanaw din mula sa kalsada ang mahabang taniman ng palay at mais. Hindi niya mapaniwalaang pag-aari ito ng asawa niya. Kilala ang mga Mondragon sa buong Camarines. Hindi siya nahirapang hanapin ang rancho dahil bawat taong natatanungan niya ay kabisado ang lugar na iyon. People were friendly and polite, ang iba’y halos gusto pa siyang ihatid pero tumanggi siya at umarkila na lang ng isang trisekel para hindi na makaabala pa.“Anong gagawin sa Paris?” halos pasigaw na wika ni Jayzee kay Ana
“Good morning, Jayzee. I will be out for a week dahil nagyayaya ang Mommy mo na dalawin ang Auntie Joanna mo sa Cebu.” Ang tinutukoy ng ama ay ang kapatid sa turing ng Mommy Selena niya na totoong anak ng umampon dito noon. Nasa Cebu na ito dahil doon naka-base ang pulis nitong asawa na may mataas nang posisyon. “Oh. . . “ dismayado niyang wika. “May meeting ako kay Mr. Sandoval bukas pero ipapakiusap ko sana sa inyo na kayo muna ang um-attend.”“Why?” tanong ng ama. Umupo ito sa receiving chair ng opisina niya at isinandal ang likod.
“I’m sorry, Papa. Pero wala akong masayang alaalang natatanaw sa nakaraan dito sa rancho kung hindi noong bata pa ako na halos hindi ko na maalala. Noong tumuntong akong muli dito pagkatapos mo akong kuhanin kay Nanay Lucila ay tila bangungot nang lahat para sa akin. Hindi ko gustong ipamigay ang lupang pag-aari niyo ni Lola Manuela, pero namuhay ako ng simple lang at wala ang lahat ng ito at mas masaya ako sa ganoon lang. Ana will definitely take care of this place. Sila ni Benedict.”“Paano ang kumpanya?” tanong ng ama.“I don’t want it either. Ang minahan