Share

Chapter 3

Author: Wengci
last update Huling Na-update: 2020-12-14 10:13:22

Kinabukasan ay maaga silang umalis ng ama lulan ng isang Wrangler Jeep kasama ang apat na bodyguard ng ama.  Ang paalam nila sa inang si Diana ay ipapasyal lang siya sa Camarines Norte at ipakikilala sa ibang business associates ng Papa niya.  Umabot sila sa Gumaca, Quezon na ipinagtaka niya.

“Ito ang opisina ng Ninong Ernesto mo, Anikka.  Isa siyang abogado at siya ang may hawak ng trust fund mo at ilang kayamang inilagay ko sa pangalan mo.  Your mother doesn’t know any of it, alam mo na siguro kung bakit.”

Marahan siyang napatango hanggang sa pumasok sila sa bahay ng sinasabi nitong Ninong niya.  Isang matandang lalaki ang sumalubong sa kanila na halos nasa sitenta anyos na. 

“Ito na pala si Ana, Agusto.  Napakaganda ng dalaga mo.  Sayang at hindi nakita ni Doña Manuela ang paglaki ng apo niya.”

“Ang kaisa-isang apo, Ernesto,” pagsang-ayon ni Agusto.  “Kaya’t gusto kong ligtas at maayos ang kalalagyan niya sakali mang ako naman ang mawala.”

“Papa…”  gusto niyang putulin ang anumang sasabihin ng ama.  Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling ito ang mawala. 

“Hindi na ako bumabata, Anikka.  Mabuti na ang handa tayo sa anumang mangyayari.  Anu’t-anupaman ay nandito ang Ninong Ernesto mo para tulungan ka.”

“Tinatakot mo ang anak mo, Agusto,” nakangiting wika ni Ernesto.  Nang pumasok ang asawa nito’y inabot sa kanila ang inumin.  “Magpalamig muna kayo dahil malayo pa ang biniyahe niyo.”

Matapos ang ilang kuwentuhan sa ama at sa Ninong niya’y inumpisahan na ni Agusto isa-isahin ang mga inilagay nito sa pangalan niya tulad ng Rancho, ang trust fund niya, at mga shares sa Mining at Agri bilang anak nito.  Ang ibang shares ay hinati nito kay Ana at Diana.  Nag-iwan na ito ng testamento na kung sakaling mawala si Agusto, ang shares nito ay mauuwi sa kanya at hindi kay Diana na asawa nito.  Kalakip ng testamentong iyon ang resulta ng DNA test ni Ana bilang anak ni Octavio at Diana.

Kung susumahin ang mga taon ay nasa bente singko anyos na si Ana.

“Kaya pala hindi maikakaila ang pagkakahawig nilang dalawa, Agusto,”  wika ni Ernesto.  “Pero kung ganda ang pag-uusapan ay di hamak na mas maganda ang anak mo.”  Bumaling ito sa kaniya at ngumiti.  “Piliin mong mabuti ang mapapangasawa mo, Ana.  Bukod sa ganda mo’y ubod ka ng yaman.  Marami tiyak ang manliligaw sa’yo.  Mahirap kung makatagpo ka ng isang opurtunistang tulad ni Octavio na walang hinangad kung hindi ang sariling kapakanan.”

“Kilala n’yo ho si Uncle Octavio?”

“Kilalang kilala, Iha.  Kaibigan ko rin ang Lola Manuela mo.  Noon pa ma’y hindi niya na gusto si Octavio dahil laging naghahangad ng kapantay na estado ng kalagayan ng Papa mo pagdating sa pera at popularidad.  Kung naging mabuti lang siyang apo sa Lola mo ay baka pamanahan naman siya ni Manuela.  Pero bata pa siya’y likas na ang pagiging barumbado at mahilig makipag basag-ulo.”

“Aalis na kami, Ernesto.  Ikumusta mo ako sa mga anak mo,” wika ng ama kaya’t tumayo na siya at nagpaalam pati sa asawa nito. 

“Lagi kayong mag-iingat, Agusto,”  wika naman ng abogado at inihatid sila hanggang sa gate ng tinitirhang subdivision.

Nang makabalik sila sa Rancho ay nasa swimming pool ang mag-inang Ana at Diana.  May panaghili man siyang nararamdaman ay pilit niya nang ipinagwalang bahala.  Sa ngayon ay ang ama ang dapat niyang pagtuunang pansin.

“Join us, Nikka,” tawag sa kanya ng kapatid kaya napilitan siyang lumapit sa pool area.  Nagulat siya ng isang bulto ng lalaki ang naroon na ngayon lang niya nakita mula ng bumalik siya sa sa Rancho. 

“Hey, babe!  That’s Anastacia,” wika ni Ana sa mas malakas na boses.  Lumapit ang lalaki sa kanya at inilahad ang mga kamay. 

“I’m Benedict.  It’s nice to meet you.”

Ngumiti siya at tinanggap ang kamay nito.  “Nice to meet you.  Ngayon lang kita nakita dito,” wika niya at ngumiti.  Mukha naman itong mabait at napalagay ang loob niya sa sinsero nitong ngiti.  Hindi nakaligtas sa kanya ang pambukid na suot nito pero hindi naman ito mukhang isang simpleng tauhan lang ng Rancho. 

“Kahapon lang ako dumating galing sa Palawan.  Isang taon ako doon dahil sa naiwang lupain ni Papa na kailangan kong asikasuhin.”

Tumango siya at ngumiti lang bago ibinalik ang mata sa dalawang naglalangoy.

“Why don’t you join them?”  wika nito sa baritonong boses. 

“Galing kami ni Papa sa pag-iikot sa CamSur.  Magpapahinga muna ako.”  Isinandal niya ang likod sa upuang bakal.  “Ikaw?”

Umiling naman ito kaagad.

“Pumasyal lang ako para makausap ang Papa mo dahil may sakit ang isang kabayo.”

“Dito ka nagtatrabaho?” 

“Not directly.  Ako lang ang tumitingin sa mga kabayo kapag ipinatatawag ako ng Papa mo.  Puwede na ba siyang makausap?” 

“Sige, nasa loob ng bahay baka tapos na rin ‘yong magbihis.”  Tumayo siya at sabay nilang nilakad ang patio papasok sa malaking bahay.

“Malayo na ang itsura mo ngayon, you’re even more beautiful,” papuri nito sa kanya habang naglalakad sila.  Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito.

“You know me?” manghang tanong niya.  Hindi niya maalala na nagkita na sila nito noong maliit pa siya.

“I see your pictures all over the house.  May pagka-chubby ka pa, but your face is undeniably beautiful even then.  Higit ngayon na personal kitang nakita,” tuloy-tuloy nitong wika.  Napangiti naman siya dito.

“So, I guess isa kang beterinaryo,”  wika niya.

“Yeah.  May clinic ako sa bayan.”

Sinalubong naman ito kaagad ng ama nang makita silang papasok sa bahay.

“Benedict!  I’m glad you came early.”

“Gusto ko sanang puntahan ang mga kabayo ng maaga.  Si Fury ay matamlay kaninang dumaan ako sa kwadra.”

“Puntahan natin at gawin mo kung ano ang nararapat, Benedict.” 

“Would you come with us?” tanong ni Benedict sa kanya at nahihintay sa sagot niya. 

“Sumama ka na, Anikka, nang makakuwentuhan mo rin si Benedict.  Isa siya sa pinagkakatiwalaan ko dito sa Rancho.” 

Napilitan siyang sumama sa kwadra na nasa isang kilometro ang layo mula sa likod bahay.  Nasa sampo na lang ang kabayong nandoon pero lahat at import ng ama mula sa ibang bansa.  Habang naglalakad ay nagkukwentuhan ang dalawa tungkol sa lupain ni Benedict sa Palawan na ipinamana ng Papa nito.  Siya ay tahimik lang na nakikinig.

“Mabuti at nakabalik ka na dito,” wika ni Benedict habang nakaupo sila sa isang malaking punungkahoy na nakatumba.  Ang ama ay nililibot ang Rancho kasama ng ibang tauhan gamit ang kabayong si Glory. 

“Mahabang salayasayin kung paano ako nakabalik dito,” nakangiti niyang wika at gustong iwasan ang pagkukuwento.  Hindi niya gustong dagdagan ang kasinungalingan nila sa mga taong naroon. 

“Linggo bukas, puwede ka bang imbitahang mag-coffee sa bayan?”  tanong nito. 

“Baka magka-problema kayo ni Ana, ayokong magkaroon kami ng alitan.” 

Natawa naman ang binata sa sinabi niya.  “Ana and I are good friends.  Nakasanayan na lang talaga niyang tawagin akong ‘babe’.  But I can assure you, I am single and available,” matamis ang ngiting wika nito. 

“Sige, magpapaalam ako kay Papa.” 

Kinabukasan ay nagulat si Ana nang makita siyang nakabihis samantalang ang ama ay nasa hardin at nagbabasa ng diyaryo.  Nasanay kasi ang mga ito na kapag umaalis siya’y ang ama ang lagi niyang kasama. 

“May lakad ka?”  tanong nito. 

“Nagyaya lang si Benedict na mamasyal sa bayan.”

“Hmmm… Nakuha na rin pala ni Benedict ang atensyon mo gayung  kahapon lang kayo nagkita.  At sumama ka naman kaagad,” tila may inis sa tinig nito.

“Nagpaalam ako kay Papa at pumayag siya, Ana.  May problema ba kung sumama ako?”  Sa tono ng kapatid ngayon ay natitiyak niyang may gusto ito kay Benedict.  “Kung may relasyon kayo ni Benedict ay asahan mo’ng wala akong intensyong kuhanin ang atensyon niya.  He asked me politely at nahihiya lang akong tanggihan iyon.”

“Don’t act naïve, Nikka.  Nakukuha mo ang simpatya ng mga tao sa Rancho mula ng bumalik ka.  Balita ko’y papasok ka na rin sa kumpanya mula sa Lunes.  Hindi ako magtataka kung isang araw ay maging dakilang alalay mo na lang ako,” dagdag pa nito.

“Hindi totoo ‘yan, Ana.  Alam mong legal ka ng anak nina Papa.  Kung ano ang mayroon ako’y mayroon ka din.”

Tumawa ito ng mahina pero bakas sa mukha nito ang lungkot.  “We will never have a fair share, Nikka, alam mong alam ko ‘yan.  But that’s okay with me.  Kuhanin mo na lahat ng kayamanan ng Papa pero huwag na huwag ang Benedict ko,” wika nito bago siya iniwan at nagtungo sa silid nito. 

Sa daan ay tinanong niya si Benedict sa totoong estado ng relasyo nila ni Ana.   Sa mga taong nakilala niya sa Rancho ay isa si Benedict ang magaan ang loob niya. 

“Masama ang loob ni Ana sa pagsama ko sa’yo ngayon, Benedict.  May dapat ba akong malaman sa totoong relasyon n’yo?”

“Tulad ng sinabi ko kahapon ay wala kaming relasyon ni Ana, pero aaminin kong ilang beses na siyang nagpahayag na gusto niyang magkaroon kami ng relasyon.” 

“Bakit hindi mo niligawan?  Kung ganda lang ang pag-uusapan ay di hamak na maganda si Ana sa mga kadalagahan sa Rancho.”

“Hindi lang ganda ang hinahanap ng isang lalaki sa isang babae para ligawan, Anastacia,” wika nito at tinawag sa buo niyang pangalan.  Mula nang tumuntong siya dito’y iniiwasan niyang tawagin siya bilang Ana.  Ang Papa lang niya ang tumatawag ng ganoon sa kanya, karamihan ay Nikka kasama na ang Mama niya at si Ana.

“Matagal na ba kayong magkaibigan?”

“Mula nang magtrabaho ako sa Papa mo.

Pero kahit kailan ay hindi ko siya binigyan ng senyales na gusto kong lumagpas ang relasyon namin ng higit pa sa magkaibigan.”

“Well, sa tingin ko’y hindi gan’on ang pagkakaalam niya.”

“Let’s forget Ana for a while.  Ikaw?  May boyfriend ka na ba?” pag-iiba nito ng usapan. 

“Yes,” mabilis niyang sagot.  “Pero hindi ko pa siya naipapakilala kay Papa.”

Hindi na nagsalita ang binata hanggang sa makarating sila sa isang coffee shop sa kabayanan.  Nang pumila ito sa counter ay napagmasdan niyang muli ang pisikal nitong anyo.  He is good-looking; a cowboy-type look with his boots and polo at ang masikip nitong pantalon.  Matangkad din ito na marahil ay nasa 5’10” ang taas.  Hindi nakapagtatakang magkagusto si Ana dito.

“Ilang taon ka na pala?” tanong niya sa binata. 

“Thirty,” sagot nito habang hinahalo ang cappuccino na in-order nito.  “Alam mo na kung ano ang susunod mong sasabihin.  Kung bakit hindi pa ako nag-aasawa,” natatawang wika nito. 

“Bakit nga ba?” nakangiti niyang tanong.

“I had a six-year relationship that ended two years ago.  Nag-migrate sa Canada ang family niya.  Gusto niyang sumunod ako doon pero hindi ko gusto ang tumira sa ibang bansa eh.  So, it just ended that way.  Since then hindi pa ako ulit nakakahanap ng ibang mamahalin.”

“Wow.  Sayang naman ang anim na taon na ‘yon.”

“Siguro.  Pero hindi naman ako nagsisisi dahil naging masaya naman kami.  At kung magkakaroon ako ulit ng bagong pag-ibig, sisiguraduhin kong mas higit pa sa anim na taon ang itatagal namin.  I want it for keeps.”  Kung may ibig itong ipahiwatig sa kanya’y hindi niya alam dahil nakatitig ito sa kanya habang sinasabi iyon.  Muling sumagi sa isip niya ang babala sa kanya ni Ana kanina tungkol kay Benedict at hindi niya gustong magkagulo silang dalawa dahil lang sa lalaki. 

Mahigit isang oras silang nagkuwentuhan bago siya nagpahatid na dito.  Gusto nitong ipakita pa sa kanya ang opisina nito doon pero tumanggi na siya at idinahilan na may mga kailangan pa siyang asikasuhin para sa pagpasok niya sa opisina bukas.  Pagdating niya sa bahay ay nasa sala si Ana na tila naiinip na sa pag-uwi niya. 

“Hi!  Mabilis lang yata kayo ni Nikka?” kunyari ay wika nito sabay na lumapit kay Benedict at humalik sa pisngi nito.  He was polite enough to disregard her action, pero madali itong nagpaalam sa kanila na agad naman siyang tumango at umakyat patungo sa sariling silid.

“Kung sinasabi sa’yo ni Benedict na wala kaming relasyon ay hindi mo dapat paniwalaan, Nikka,”  wika nito na ikinalingon niya.  Nagtatanong ang mga mata niyang napatitig sa kapatid.  “May nangyari na sa amin at kung hindi lang tutol ang Papa’y matagal na kaming kasal.” 

“I’m sorry, Ana, hindi ko alam.  Kung nalaman ko lang na mas maaga’y hindi ako sumama sa kanya kanina.  But don’t worry, sisiguraduhin kong magkaibigan lang kami.” paglilinaw niya sa kapatid.  Tumango naman ito ng bahagya bago tumalikod sa kanya. 

“Puwede ko bang malaman kung bakit ayaw sa kanya ng Papa?” 

Nakita niya ang kalituhan sa mukha nito bago sumagot. “H-hindi ko rin alam…”  Mahina nitong sagot bago tuluyang bumaba ng hagdan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
RRA
...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 4

    “Why don’t you stay for a while, Jayzee?” wika ni Roxanne habang hawak ang sigarilyo sa kamay na wala namang sindi. Alam nitong hindi niya gusto ang amoy ng usok nito dahil hindi siya naninigarilyo. Tumayo siya para maisuot ng maayos ang masikip na pantalong maong. Ang babae naman ay nanatili lang nakasandal sa headboard ang likod at ang white sheet ang ipinatakip nito sa katawan. Buong paghanga nitong hinagod siya ng tingin lalo ang parteng nasa pagitan ng hita niya. Lihim siyang natatawa sa pagiging wild at liberated nito na akala niya noong una ay mahinhin at hindi makabasag pinggan. She was as wild as a beast a while ago.

    Huling Na-update : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 5

    “Bakit hindi mo in-aprobahan ang delivery sa Batangas?” tila nagpipigil na wika ni Ana nang puntahan siya nito sa opisina niya isang umaga. Ang tinutukoy nito ay ang delivery ng corn products na siyang pangunahing produkto ng Rancho kasama ng palay at buko. “I’m sorry, Ana. Pero nauna ang Purchase Order ng Cavite kaysa ang Batangas. Sinabi ko kay Letty na sabihin sa’yo na kailangang unahin ang Cavite.” “Nag-commit na ako na may delivery kahapon kay Mr. Arsenio, Nikka! Bakit ba lagi mong sinasalungat ang mga desisyon ko?” pagalit pa nitong wika. Gusto

    Huling Na-update : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 6

    “Sir, kanina pa po tumatawag si Mr. Mondragon,” wika ng sekretarya ng ama habang nasa opisina siya ng Daddy Zane niya. “Tell him I will call back,” tila patamad namang wika ng ama sa sekretarya. “Akala ko ba’y hindi pa nahahanap si Uncle Agusto?” Kumunot ang noo niya.“Hindi pa nga. That was his brother Octavio.”“Anong kailangan niya sa’yo?”“Gusto niyang ituloy ang pakikipagkasundo ko kay Agusto na ipakasal ka sa anak niyang si Ana. Pero gusto ko

    Huling Na-update : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 7

    Nakatanaw si Anikka sa isang babaeng natagpuan ng Tatang ni Gabriel na sa ngayon ay walang maalala. Fears were in her eyes. Halos gabi-gabi din itong dinadalaw ng masamang panaginip na nagpatibay sa hinala nilang galing ito sa isang malagim na sakuna o may nagtangka sa buhay nito. Tila nakikita niya ang sarili sa kalagayan ng babae ngayon pero ang pagkakaiba lang nila ay siya ay gising na gising at alam niya ang lahat ng panganib na pilit niyang tinatakasan. Minsan naisip niyang sana’y maging katulad na lang siya ng babaeng na walang maalala.Mula nang maganap ang pag-ambush sa mga magulang niya halos dalawang buwan na ang nakalipas ay dito sa tumuloy sa kamag-anak ng Nanay Lucila niya.

    Huling Na-update : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 8

    Hawak na ni Jayzee ang susi ng chopper habang hinihintay sina Alfred at Margaux para puntahan si Marga sa probinsiya ng Quezon. Nanginginig ang kanilang mga kamay sa pag-asang buhay pa nga ang fiancée ng kapatid ayon na rin sa hepe ng pulisya na tumawag sa kanila. His Uncle Ezekeil even called the police officer and was told that Marga was really the woman waiting to be claimed. Wala itong maalala na kahit ano at sinamahan lang ito ng dalawang tao para hanapin ang tunay nitong pamilya. Sa ngayon ay hindi pa alam ni Ethan ang balitang iyon dahil gusto muna nilang masiguro na si Marga nga iyon. Natutunan na ng kapatid na ipagpatuloy ang buhay nito nang wala ang kasintahan at natatakot silang bumalik ito sa dati kapag nagka

    Huling Na-update : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 9

    Isang magandang suite ang pinagdalhan sa kanya ni Jayzee sa isang hotel na pag-aari ng pamilya nito. Hindi man niya gusto ang presensiya ng binata ay wala rin siyang pagpipilian dahil kailangan niya ang tulong nito ngayong wala pa siyang matutuluyan. Wala siya ni kahit anong ID na hawak. Mabuti na lang at nakapagbulsa siya ng pera bago siya umalis sa Rancho nang mabalitaang na-ambush ang sinasakyan ng mga magulang dahil ang balak niya’y madala ang mga ito sa ospital, pero si Ana ang gumawa noon at siya’y iniwan lang sa kakahuyan – na tila ba hindi siya anak ni Diana kung balewalain ni Ana noong gabing iyon.

    Huling Na-update : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 10

    Kinabukasan ay maaga si Jayzee sa opisina dahil at nagulat na maaga rin na naroon ang isang gustong maging kasosyo sa airlines na ikinagulat niya.“Bakit nandito si Mr. Salvacion ng ganito kaaga?” Naniningkit ang mga mata niya habang kausap ang sekretarya. Agad naman itong nataranta sa nakitang anyo niya. Kapag ganoon ang tono niya’y malapit na siyang sumigaw sa inis.“Nagpa-appointment po siya noong isang araw.” Halos hindi niya marinig ang sinabi nito dahil sa hina ng boses at nakayuko pa.

    Huling Na-update : 2020-12-14
  • The CEO's Legal Wife   Chapter 11

    Kanina pa sinisipat ni Anikka ang sarili sa salamin habang ang pinsang si Gabriel ay naghihintay na kanina pa sa sala ng bagong inuupahang apartment. She was wearing blush pink floral lace maxi dress that fitted her waist and revealed her body shape. Ngayon ang araw ng kasal ni Marga at Ethan at magkasama silang dadalo ni Gabriel. Mula nang magkita sila ni Marga sa opisina ni Jayzee ay naging abala na siya sa paghahanap ng apartment, matapos ang dalawang araw ay nakalipat na siya at tuluyan ng umalis sa suite ng Albano Hotel. Tinuruan siya ng Ninong Ernesto niya kung paano mag-invest sa stock mar

    Huling Na-update : 2020-12-14

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 62

    Tuwang-tuwa ang Daddy niya at si Agusto dahil sa huli ay nagkaayos din silang dalawa. Pagdating nila sa Pilipinas ay agad silang nakipag-usap sa wedding coordinator. Tumulong naman ang Mommy Selena niya at Nanay Lucila ni Anikka sa preparasyon na excited din sa church wedding nila. Hanggang sa opisina naman ay kasa-kasama niya ang asawa na siyang pansamantalang gumagawa ng trabaho ni Stacey dahil naka-leave pa rin ang kapatid. Isang araw ay nasa bahay sila ng Daddy niya para sa pag-aayos ng entourage sa kasal nila ni Anikka. Tinawagan niya si Stacey para gawing flower girl ang pamangkin na anak nito. Agad namang pumayag ang kapatid.&nbs

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 61

    Pagbaba nila sa coffeeshop na lagi nilang pinupuntahan ay naroon na ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya. Humalik siya sa mga magulang, ganun din si Jayzee. “Anong itinerary natin today, Papa?” nakangiting tanong niya sa ama na tapos nang mag-almusal sa tagal nilang bumaba ni Jayzee. Umorder ang asawa ng dalawang espresso at butter croissant.“Papunta kami ng Nanay mo sa Louvre Museum, i-tour mo muna si Jayzee sa Eiffel Tower at sa mga sikat na kainang napuntahan na natin. We’ll give you a time for yourselves. Sa palagay ko’y hindi pa sapat ang magdamag para maibsan ang pangungulila niyong dalawa sa isa’t-isa,” tudyo ng ama.

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 60

    “Good morning!” Isang halik ang nagpagising kay Anastacia kinabukasan. Agad bumungad sa mga mata niya ang naka-boxers lang na si Jayzee. Iniwas ang mga mata at napahawak sa comforter na nakatakip sa katawan dahil napagtanto din niyang wala din siyang suot kahit ano. Isang nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mukha ng asawa.“Anong oras na?” tanong niya.“Alas nueve na, mahal ko. Kumatok na si Papa kanina pero masarap pa ang tulog mo,” sagot nito sa kanya na umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nito ng Papa sa Papa Agusto niya. &ld

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 59

    “J-jayzee. . .” “I missed you. . .” wika pa nito sa pagitan ng paghalik. Hindi na siya nakaiwas nang binuhat siya nito at inihiga sa kama. Madiin siyang hinalikan na tila ibinubuhos nito ang lahat ng hinanakit nito sa kanya sa pag-alis ng walang paalam. She felt pleasure and torture at the same time. Kahit ang mga kamay nito’y tila bakal na naglalakbay sa katawan niya. Madali nitong naipasok ang kamay sa loob ng undies niya at mapusok na ipinasok ang isang daliri doon dahilan para buong pwersa niya itong itinulak.“You’re hurting me. . .” halos paanas

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 58

    “I really had a good time,” wika ni Olivier habang palabas sila sa shop nito. May isang box ng macarons itong ipinadala sa kanya na gawa nito kanina sa baking class. Nagkaroon din siya ng ideya about baking at bukod sa pagbi-bbake ng kung ano-anong pasties ay hinangaan niya ang galing nito sa pagtuturo. Kaninang hapon ay naglakad-lakad naman sila sa gilid ng Eiffel Tower habang kinukuwento nito kung paano ito nakipagsapalaran na mamuhay doon ng ilang taon hanggang maging business partner ng isang local sa Paris. “I did too. Thank you for this box of sweets.”“You can come anytime. I can tour you again around the ci

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 57

    Nakatanaw si Anastacia mula sa hotel na tinutuluyan kung saan abot-tanaw ng mata ang napakagandang Eiffel Tower. Dalawang gabi niya nang pinagsasawa ang mga mata sa kulay nito kapag lahat ng paligid ay nabalot na ng kadiliman, her heart will always be captivated by its beauty – day and night. At ang magandang paligid sa buong Paris ay nakapagdudulot sa kanya ng kaluwagan sa dibdib at kapayapaan sa isipan. Nag-iisa lang siya sa silid dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya ng oras para sa isa’t-isa. Siniguro naman niya sa dalawa na maayos ang kalagayan niya, at na gusto talaga niyang mapag-isa kaya’t pumayag na rin ang ama. Sa dalawang araw nila dito sa Par

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 56

    Humanga si Jayzee sa laki ng rancho ng mga Mondragon. Mula sa main road ay uubos ka pa ng halos kinse minutos para marating ang mansyon. Natatanaw din mula sa kalsada ang mahabang taniman ng palay at mais. Hindi niya mapaniwalaang pag-aari ito ng asawa niya. Kilala ang mga Mondragon sa buong Camarines. Hindi siya nahirapang hanapin ang rancho dahil bawat taong natatanungan niya ay kabisado ang lugar na iyon. People were friendly and polite, ang iba’y halos gusto pa siyang ihatid pero tumanggi siya at umarkila na lang ng isang trisekel para hindi na makaabala pa.“Anong gagawin sa Paris?” halos pasigaw na wika ni Jayzee kay Ana

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 55

    “Good morning, Jayzee. I will be out for a week dahil nagyayaya ang Mommy mo na dalawin ang Auntie Joanna mo sa Cebu.” Ang tinutukoy ng ama ay ang kapatid sa turing ng Mommy Selena niya na totoong anak ng umampon dito noon. Nasa Cebu na ito dahil doon naka-base ang pulis nitong asawa na may mataas nang posisyon. “Oh. . . “ dismayado niyang wika. “May meeting ako kay Mr. Sandoval bukas pero ipapakiusap ko sana sa inyo na kayo muna ang um-attend.”“Why?” tanong ng ama. Umupo ito sa receiving chair ng opisina niya at isinandal ang likod.

  • The CEO's Legal Wife   Chapter 54

    “I’m sorry, Papa. Pero wala akong masayang alaalang natatanaw sa nakaraan dito sa rancho kung hindi noong bata pa ako na halos hindi ko na maalala. Noong tumuntong akong muli dito pagkatapos mo akong kuhanin kay Nanay Lucila ay tila bangungot nang lahat para sa akin. Hindi ko gustong ipamigay ang lupang pag-aari niyo ni Lola Manuela, pero namuhay ako ng simple lang at wala ang lahat ng ito at mas masaya ako sa ganoon lang. Ana will definitely take care of this place. Sila ni Benedict.”“Paano ang kumpanya?” tanong ng ama.“I don’t want it either. Ang minahan

DMCA.com Protection Status