“Why don’t you stay for a while, Jayzee?” wika ni Roxanne habang hawak ang sigarilyo sa kamay na wala namang sindi. Alam nitong hindi niya gusto ang amoy ng usok nito dahil hindi siya naninigarilyo. Tumayo siya para maisuot ng maayos ang masikip na pantalong maong. Ang babae naman ay nanatili lang nakasandal sa headboard ang likod at ang white sheet ang ipinatakip nito sa katawan. Buong paghanga nitong hinagod siya ng tingin lalo ang parteng nasa pagitan ng hita niya. Lihim siyang natatawa sa pagiging wild at liberated nito na akala niya noong una ay mahinhin at hindi makabasag pinggan. She was as wild as a beast a while ago. Pero gaano man siya masiyahan sa pakikipagtalik ay hindi nagiging rason iyon para maging clingy siya.
“I need to be at my Dad’s office early tomorrow,” pagdadahilan niya. Isang mahinang tawa naman ang pinakawalan ni Roxanne dahil alam nitong puwede naman siyang pumasok anumang oras niya gusto dahil anak naman siya ng may-ari ng kumpanya.
“Cut the lies, Jayzee. Alam kong hindi ka marunong mag-seryoso sa mga babae. I was a fool to think I could make you change your perception about relationships.”
“I didn’t think you wanted that way, Roxanne. Wala naman akong ipinangako sa’yo,” lantaran niyang wika. Kumuha siya ng tubig sa mini ref sa silid nito at nilagok ng tuloy-tuloy. Pagdating sa usapang relasyon ay natutuyuan siya ng tubig sa lalamunan.
“I know. You think that you don’t need to commit because you can get us for free. Gusto kong makita ang araw na iiyak ka dahil sa isang babae.”
Napangiti siya ng malapad at napailing. Hindi niya nakikita ang sarili sa ganoong sitwasyon. But he decided not to argue with her dahil gusto niya nang umuwi at ipahinga ang katawan. Roxanne took all his energy and he was exhausted.
Tumayo ang babae at hinayaang malaglag ang kumot na nakabalot sa katawan nito kanina. Kung ganda ng mukha at katawan ang pag-uusapan ay perpekto naman ito sa paningin niya. But that was it. Sa edad niyang bente nueve ay hindi na mabilang kung ilang Roxanne na ang nakasiping niya. Wala ng bago roon.
Lumapit ito pinaglandas ang kamay sa mabalahibo niyang dibdib. Pinalis niya ang kamay nito at isinuot ang tshirt na bumalot sa muscles niya sa dibdib at braso.
“I am tired already, Roxanne. See you again next time.”
“There will be no next time, Jayz,” pahabol nito sa kanya bago siya tuluyang makalabas ng silid nito. Sandali siyang lumingon sa babae bago muling lumakad at tuluyang nilisan ang condo nito.
Kinabukasan ay maaga siya sa opisina pero hindi siya dumaan sa silid ng ama. Alas otso pasado na dumating ang sekretarya niya at hindi pa nakahanda ang schedule niya ngayong hapon. Sa inis ay nasigawan niya ito sa harap ng iba pang empleyado. Sa ganoong ayos sila naabutan ng ama’ng si Zane at mabilis siyang pinapasok sa opisina niya.
“What’s wrong with Abegail?” agad na tanong nito.
“She came in late. Sa loob ng linggong ito’y pangatlong late niya na ‘yan,” katwiran niya sa ama.
“Ang sabi niya’y maysakit ang anak niya kaya siya nali-late pumasok. You don’t have to shout at her in front of other employees. Kaya walang nagtatagal na sekretarya mo, Jayzee,” mahinahong wika ng ama. Aaminin niyang pagdating sa trabaho ay perfectionist siya lalo sa punctuality at being organized.
“Then I should hire someone who doesn’t have a responsibility.”
“Walang ganoon, Jayzee. Everyone has his or her own responsibility pagdating sa pamilya. Matagal na si Abegail sa kumpanya bago mo siya naging sekretarya, wala naman siyang naging problema.”
“So, you’re telling me I’m the one who has a problem.”
“Kung ang pagbabasehan ay ang pagpapalit-palit mo ng staff ay ganoon na nga, Anak. Kung pagiging late lang naman ang pag-uusapan, wala namang kaso ‘yon dahil valid ang reasons niya.”
“Okay, fine.” Itinaas niya ang kamay bilang pagsuko. “But how about not making proper schedule for me this afternoon? Kahit ang minutes of the meeting kahapon with Mr. Solomon ay wala, Dad.”
Sandaling napatitig ang ama sa kanya bago tumango. “Okay, I will ask the HR to replace her. Pero bawas-bawasan mo ang init ng ulo mo sa mga sekretarya dahil nauubusan na sila ng ibibigay sa’yo,” wika ng ama bago lumabas ng silid niya.
Sumunod namang pumasok si Ethan dala ang ilang bagay na idi-discuss sa kanya. Nalaman nito ang nangyari at agad ding napailing.
“You haven’t changed,” wika nito na hindi niya alam kung natatawa o naiinis.
“Saan ba ako makakahanap ng matinong sekretarya? Do women just good in bed but not in administrative works?” tanong niya rito.
“Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Sino na naman ba ang kasama mo kagabi at wala ka sa dinner ng pamilya?” Birthday ng kapatid nitong si Elize at sa ganoong okasyon kadalasang nagkakasama ang mga pamilya nila sa isang salo-salo sa mansyon ng Lolo nila. At nakaligtaan niya iyon nang tumawag si Roxanne at pinapunta siya sa condo nito.
“I was with Roxanne.” Nakita niya ang pagkagulat at pagkalungkot sa mga mata nito. “I know you dated before. Siguro nama’y hindi iyon seryoso?” halos patanong na wika niya.
“I was. Pero mula nang makilala ka’y sa’yo na napunta ang atensyon niya.”
“Oh, I’m sorry, Ethan. Ang sabi niya’y wala na kayo.”
“Katulad ng sa pagkakaalam mo’y wala na rin kami ni Betty noon kaya mo pinatulan, hindi ba?” wika nito ng may pang-uuyam. “Hindi lahat ng babaeng naka-palda’y kailangang patulan, Jayzee.”
“Okay, fine.” Kinuha niya ang hawak nitong papeles at tamad na binuklat. “Pupunta ka ba sa club mamaya?” Ang tinutukoy niya’y ang club ng ama kung saan madalas tumambay ang mga modelo at sikat na celebrities sa bansa. Nagkibit balikat lang ang pinsan.
“Hindi ka ba napapagod? Halos lahat yata ng kababaihan doo’y naikama mo na.”
“You’re exaggerating. Kaunti lang ang inilamang ko sa’yo Ethan,” natatawa niyang wika. Kung siya ay never pang nag-seryoso sa babae, ang pinsan niya’ng ito’y ilang beses nang nabigo sa pag-ibig. Siya kung tutuusin ang naghikayat dito na gawing laro lang ang mga babae.
“I have to go,” patamad na wika ng pinsan at tumayo. Inabala naman niya ang sarili sa maghapong trabaho sa opisina.
Pagdating ng alas singko’y muling pumasok ang ama sa opisina niya.
“Naipaalam ko na sa Lolo mo ang desisyon kong gawin kang CEO sa Airline Company, Jayzee.”
“Why are you in a hurry, Dad? Bata pa kayo para mag-retiro,” wika niya sa ama habang nakasandal sa swivel chair.
“I admit you are very good in handling this business. Wala akong maipipintas sa’yo hanggang sa board room. Bakit ko pa hihintayin ang pagtanda ko kung kaya mo naman na’ng pamahalaan ang kumpanya ngayon pa lang.”
“Are you retiring already?” Hindi siya makapaniwala. Agad namang umiling ang ama at ngumiti.
“Don’t feel lucky, Jayzee. Kahit ikaw ang CEO ng Airlines ay ako pa rin ang boss mo. I just want to see your decision-making ability, at mas maipapamalas mo ang pagiging agresibo mo sa trabaho kapag nasa ganoong posisyon ka. But I am warning you, no monkey-business . Okay?” seryosong wika ng ama. Natatawa naman siya sa sinasabi nito.
“Sure, Dad,” nakangiti niyang wika. Kahit alam niyang siya naman talaga ang susunod sa yapak ng ama ay iba pa rin kapag aktuwal nang ibinigay sa kanya ang posisyon.
“Pero paalala ko lang sa’yo, Anak, be good with your staff. Ilang sekretarya mo na ang umalis dahil sa pagiging mainitin mo ng ulo.”
“Then give me a competent one. ‘Yong walang masyadong excuses sa buhay,” patamad niyang wika.
“Hangga’t maaari ay ayaw kitang bigyan ng batang sekretarya. You just had a one-night-stand with Monica, you can’t mix business with pleasure here, Jayzee.” Isang matunog na halakhak ang pinakawalan niya.
“Aren’t we the same, Dad? Nai-kuwento na ni Uncle Zek kung paano ka katinik sa mga sekretarya mo dati kahit pa bawal sa kumpanya noon ang magkaroon ng anumang ugnayan sa mga empleyado.”
“And I realized that was a mistake, Son. Kung hindi pa ako na-inlove sa Mommy mo’y hindi ko malalaman ‘yon. If I have to make one wish for you is to fall in love the way I did with your mother,” he said in a serious tone. Kapag ganoon na ang tono ng ama ay gusto niya nang tapusin ang pag-uusap.
“Okay, Dad, baka hinihintay ka na ni Mommy,” wika niya para i-dismiss ito sa opisina niya.
“Don’t worry, Son, hindi ko ipipilit ang mga bagay na iyan sa’yo ngayon dahil hindi biro ang maging isang CEO. Naghanda ng dinner ang Mommy mo dahil wala ka kagabi, hihintayin ka namin sa bahay.” Tumayo na ito at iniwan siya sa opisina. Nagsimula na rin siyang magligpit ng gamit dahil sa Greenhills pa ang bahay ng mga magulang.
Kinabukasan ay nagtaka siya nang iba na ang babaeng nasa mesa ng sekretaryang nasigawan niya kahapon. Lihim siyang natawa dahil ang nakaupo doon ay halos singkwenta anyos na; nakapusod ang buhok na halos puti na, may makapal na salamin, at ang suot ay tila isang librarian. His father really know how to annoy him. Mabilis niyang inangat ang intercom at tinawagan ang ama.
“When is she retiring, Dad?” natatawa niyang tanong. Sandali namang nag-isip ang ama sa kabilang linya bago ito humagalpak ng tawa.
“You don’t need destruction, Jayzee. Kailangan mong patunayan sa Lolo mo na tama ang desisyon kong italaga ka bilang CEO ng ganito kaaga.”
“But I need an inspiration, Dad. Kung isang maganda at seksing babae ang ipinalit mo kay Abegail, ikinatuwa ko pa. Kapag nasigawan ko ba ang isang ‘yon aalis din agad?”
“You said you need a competent and organized. Josefa is exactly what you’re looking for,” wika ng ama pero tila naririnig niya ang mahinang halakhak nito na pinipigilan lang.
“Ang sabi ko rin ay gusto ko ng isang walang gaanong responsibilidad sa buhay. Sa tingin ko sa isang ito’y bukod sa may mga anak ay may mga apo na rin. Seriously, Dad?”
“Matandang dalaga si Josefa, Anak. Don’t worry about it.”
He sighed in desperation. Hindi siya mananalo sa argumentong ito sa ama. Ibinaba niya ang telepono at sandaling tinitigan ang bagong sekretarya habang wala itong patid kapapahid ng efficascent oil sa sintido. Natatawa na lang siya sa sarili. Tila tini-test talaga ng ama ang pasensya niya dahil alam nitong hindi niya kayang sigawan ang isang ito kapag nagkamali.
And he needs tons of self-control to do that.
“What’s your name?” tanong niya dito. Tumayo naman ito agad at nagpakilala.
“Good morning ho, Sir Jayzee. Josefa dela Cruz ho,” sagot nito. “Ito po ang mga tumawag mula kaninang umaga. May notes na rin po pala si Abegail sa mga naka-schedule n’yong meeting hanggang Friday.”
“Salamat.” Agad siyang bumalik sa loob pagka-abot ng papel nito sa kanya at muling tinawagan ang ama.
“Dad, kailangan n’yong palitan si Josefa. Hindi ko matatagalan ang amoy ng ointment niya araw-araw.”
“Napakarami mong complain sa mga sekretarya mo, Jayzee.”
“Hire another one, sasakit ang ulo ko sa isang ‘to. Please, Dad.”
“Last mo na ‘to, Jayzee,” pagalit na wika ng ama sabay ng pagbaba ng telepono.
Kinabukasan ay maaga sila sa HR Department ng ama at naabutan doon si Ethan na may kasamang tila isang aplikante.
"Hi, Ethan, maaga ka yata?" wika ng Daddy niya. Bumaling naman ito kay Judy at kinausap ang sekretarya. "Post a job vacancy for Jayzee's secretary. We need one right away."
"Ito po, Sir Zane. Recommended ni Sir Ethan." Narinig niyang wika ni Judy habang siya’y abala sa teleponong hawak.
"Pwede kong ibigay si Rosie kay Jayzee, Uncle. I already hired Almira to be my assistant," wika ni Ethan. Sandali siyang napatingin sa babaeng kasama nito. She’s beautiful – in a conservative way.
"No, Ethan, matagal na si Rosie sayo, " wika ng ama at nilingon nito ang dalaga at kinausap. "Come with me at my office."
Sandaling napatingin ang babae kay Ethan saka mabilis ding sumunod sa Daddy niya. Siya ay tumuloy na sa sariling opisina.
Matapos ang kalahating oras ay nasa opisina niya ang babaeng kasama ni Ethan.
“Good morning, sir,” nakangiting wika nito at inabot sa kanya ang resume nito.
“So, you’re from Ilocos.” Binasa niya ang work experience nito na dating sekretarya ng isang Mayor sa probinsiya. Hindi niya tiyak kung kaya nito ang extreme pressure sa corporate world na tulad ng Albano Corp. pero kailangan niyang subukan kaysa ibalik sa kanya ng ama si Josefa. “Kaano-ano mo si Ethan?” tanong niya dahil bukod sa magkasama ang dalawa kanina ay kasama din ang pinsan sa Character Reference nito sa resume.
“Magkaibigan kami. Nakilala ko siya n’ong nagbakasyon siya minsan sa Ilocos.” Naalala niya’ng minsan ngang nagbakasyon si Ethan doon nang mamatay ang Lolo nito. But that was years ago.
“You will be my secretary from now on.” Inilapag niya ang resume nito sa mesa at tinitigan ito. She has an expressive eyes sa kabila ng makapal na salamin. Makinis rin ang balat nito kahil lumaki sa probinsiya, but he doesn’t like the way she was dressed up na tila papasok sa kumbento. He wondered if she also has a nice pair of legs.
He dismissed his thought easily. Though he wondered how to have an affair with his secretary dahil kahit kailan ay hindi niya iyon inulit pa matapos makagalitan ng ama sa pakikipag-one-night-stand kay Monica.
“Importante sa akin ang oras, Almira, at organized sa lahat ng bagay.”
“Opo, sir,” sagot naman nito.
“Ipapa-assist kita pansamantala kay Mariana,” ang tinutukoy niya’y ang sekretarya ngayon ng ama. “So you can have a list of what you need to do everyday.” Tinawag niya si Mariana sa intercom at ipinasama si Almira dito. Muli niyang sinipat ang itsura ng babae habang naglalakad palabas ng opisina niya.
Damn a*ss!
“Bakit hindi mo in-aprobahan ang delivery sa Batangas?” tila nagpipigil na wika ni Ana nang puntahan siya nito sa opisina niya isang umaga. Ang tinutukoy nito ay ang delivery ng corn products na siyang pangunahing produkto ng Rancho kasama ng palay at buko. “I’m sorry, Ana. Pero nauna ang Purchase Order ng Cavite kaysa ang Batangas. Sinabi ko kay Letty na sabihin sa’yo na kailangang unahin ang Cavite.” “Nag-commit na ako na may delivery kahapon kay Mr. Arsenio, Nikka! Bakit ba lagi mong sinasalungat ang mga desisyon ko?” pagalit pa nitong wika. Gusto
“Sir, kanina pa po tumatawag si Mr. Mondragon,” wika ng sekretarya ng ama habang nasa opisina siya ng Daddy Zane niya. “Tell him I will call back,” tila patamad namang wika ng ama sa sekretarya. “Akala ko ba’y hindi pa nahahanap si Uncle Agusto?” Kumunot ang noo niya.“Hindi pa nga. That was his brother Octavio.”“Anong kailangan niya sa’yo?”“Gusto niyang ituloy ang pakikipagkasundo ko kay Agusto na ipakasal ka sa anak niyang si Ana. Pero gusto ko
Nakatanaw si Anikka sa isang babaeng natagpuan ng Tatang ni Gabriel na sa ngayon ay walang maalala. Fears were in her eyes. Halos gabi-gabi din itong dinadalaw ng masamang panaginip na nagpatibay sa hinala nilang galing ito sa isang malagim na sakuna o may nagtangka sa buhay nito. Tila nakikita niya ang sarili sa kalagayan ng babae ngayon pero ang pagkakaiba lang nila ay siya ay gising na gising at alam niya ang lahat ng panganib na pilit niyang tinatakasan. Minsan naisip niyang sana’y maging katulad na lang siya ng babaeng na walang maalala.Mula nang maganap ang pag-ambush sa mga magulang niya halos dalawang buwan na ang nakalipas ay dito sa tumuloy sa kamag-anak ng Nanay Lucila niya.
Hawak na ni Jayzee ang susi ng chopper habang hinihintay sina Alfred at Margaux para puntahan si Marga sa probinsiya ng Quezon. Nanginginig ang kanilang mga kamay sa pag-asang buhay pa nga ang fiancée ng kapatid ayon na rin sa hepe ng pulisya na tumawag sa kanila. His Uncle Ezekeil even called the police officer and was told that Marga was really the woman waiting to be claimed. Wala itong maalala na kahit ano at sinamahan lang ito ng dalawang tao para hanapin ang tunay nitong pamilya. Sa ngayon ay hindi pa alam ni Ethan ang balitang iyon dahil gusto muna nilang masiguro na si Marga nga iyon. Natutunan na ng kapatid na ipagpatuloy ang buhay nito nang wala ang kasintahan at natatakot silang bumalik ito sa dati kapag nagka
Isang magandang suite ang pinagdalhan sa kanya ni Jayzee sa isang hotel na pag-aari ng pamilya nito. Hindi man niya gusto ang presensiya ng binata ay wala rin siyang pagpipilian dahil kailangan niya ang tulong nito ngayong wala pa siyang matutuluyan. Wala siya ni kahit anong ID na hawak. Mabuti na lang at nakapagbulsa siya ng pera bago siya umalis sa Rancho nang mabalitaang na-ambush ang sinasakyan ng mga magulang dahil ang balak niya’y madala ang mga ito sa ospital, pero si Ana ang gumawa noon at siya’y iniwan lang sa kakahuyan – na tila ba hindi siya anak ni Diana kung balewalain ni Ana noong gabing iyon.
Kinabukasan ay maaga si Jayzee sa opisina dahil at nagulat na maaga rin na naroon ang isang gustong maging kasosyo sa airlines na ikinagulat niya.“Bakit nandito si Mr. Salvacion ng ganito kaaga?” Naniningkit ang mga mata niya habang kausap ang sekretarya. Agad naman itong nataranta sa nakitang anyo niya. Kapag ganoon ang tono niya’y malapit na siyang sumigaw sa inis.“Nagpa-appointment po siya noong isang araw.” Halos hindi niya marinig ang sinabi nito dahil sa hina ng boses at nakayuko pa.
Kanina pa sinisipat ni Anikka ang sarili sa salamin habang ang pinsang si Gabriel ay naghihintay na kanina pa sa sala ng bagong inuupahang apartment. She was wearing blush pink floral lace maxi dress that fitted her waist and revealed her body shape. Ngayon ang araw ng kasal ni Marga at Ethan at magkasama silang dadalo ni Gabriel. Mula nang magkita sila ni Marga sa opisina ni Jayzee ay naging abala na siya sa paghahanap ng apartment, matapos ang dalawang araw ay nakalipat na siya at tuluyan ng umalis sa suite ng Albano Hotel. Tinuruan siya ng Ninong Ernesto niya kung paano mag-invest sa stock mar
Napatitig si Zane Albano sa kaharap na si Anikka nang pinag-report niya muna ito sa opisina niya para sa ilang company policies na dapat nitong malaman. Ang totoo’y trabaho iyon ng HR Department at ang pagbibigay naman ng job description ay manggagaling kay Jayzee bilang siyang magiging boss nito. But she liked the woman for whatever reasons he couldn’t fathom. Gusto niya ring magtagal ito bilang sekretarya ng anak.“Do you know Octavio?” he asked her
Tuwang-tuwa ang Daddy niya at si Agusto dahil sa huli ay nagkaayos din silang dalawa. Pagdating nila sa Pilipinas ay agad silang nakipag-usap sa wedding coordinator. Tumulong naman ang Mommy Selena niya at Nanay Lucila ni Anikka sa preparasyon na excited din sa church wedding nila. Hanggang sa opisina naman ay kasa-kasama niya ang asawa na siyang pansamantalang gumagawa ng trabaho ni Stacey dahil naka-leave pa rin ang kapatid. Isang araw ay nasa bahay sila ng Daddy niya para sa pag-aayos ng entourage sa kasal nila ni Anikka. Tinawagan niya si Stacey para gawing flower girl ang pamangkin na anak nito. Agad namang pumayag ang kapatid.&nbs
Pagbaba nila sa coffeeshop na lagi nilang pinupuntahan ay naroon na ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya. Humalik siya sa mga magulang, ganun din si Jayzee. “Anong itinerary natin today, Papa?” nakangiting tanong niya sa ama na tapos nang mag-almusal sa tagal nilang bumaba ni Jayzee. Umorder ang asawa ng dalawang espresso at butter croissant.“Papunta kami ng Nanay mo sa Louvre Museum, i-tour mo muna si Jayzee sa Eiffel Tower at sa mga sikat na kainang napuntahan na natin. We’ll give you a time for yourselves. Sa palagay ko’y hindi pa sapat ang magdamag para maibsan ang pangungulila niyong dalawa sa isa’t-isa,” tudyo ng ama.
“Good morning!” Isang halik ang nagpagising kay Anastacia kinabukasan. Agad bumungad sa mga mata niya ang naka-boxers lang na si Jayzee. Iniwas ang mga mata at napahawak sa comforter na nakatakip sa katawan dahil napagtanto din niyang wala din siyang suot kahit ano. Isang nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mukha ng asawa.“Anong oras na?” tanong niya.“Alas nueve na, mahal ko. Kumatok na si Papa kanina pero masarap pa ang tulog mo,” sagot nito sa kanya na umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nito ng Papa sa Papa Agusto niya. &ld
“J-jayzee. . .” “I missed you. . .” wika pa nito sa pagitan ng paghalik. Hindi na siya nakaiwas nang binuhat siya nito at inihiga sa kama. Madiin siyang hinalikan na tila ibinubuhos nito ang lahat ng hinanakit nito sa kanya sa pag-alis ng walang paalam. She felt pleasure and torture at the same time. Kahit ang mga kamay nito’y tila bakal na naglalakbay sa katawan niya. Madali nitong naipasok ang kamay sa loob ng undies niya at mapusok na ipinasok ang isang daliri doon dahilan para buong pwersa niya itong itinulak.“You’re hurting me. . .” halos paanas
“I really had a good time,” wika ni Olivier habang palabas sila sa shop nito. May isang box ng macarons itong ipinadala sa kanya na gawa nito kanina sa baking class. Nagkaroon din siya ng ideya about baking at bukod sa pagbi-bbake ng kung ano-anong pasties ay hinangaan niya ang galing nito sa pagtuturo. Kaninang hapon ay naglakad-lakad naman sila sa gilid ng Eiffel Tower habang kinukuwento nito kung paano ito nakipagsapalaran na mamuhay doon ng ilang taon hanggang maging business partner ng isang local sa Paris. “I did too. Thank you for this box of sweets.”“You can come anytime. I can tour you again around the ci
Nakatanaw si Anastacia mula sa hotel na tinutuluyan kung saan abot-tanaw ng mata ang napakagandang Eiffel Tower. Dalawang gabi niya nang pinagsasawa ang mga mata sa kulay nito kapag lahat ng paligid ay nabalot na ng kadiliman, her heart will always be captivated by its beauty – day and night. At ang magandang paligid sa buong Paris ay nakapagdudulot sa kanya ng kaluwagan sa dibdib at kapayapaan sa isipan. Nag-iisa lang siya sa silid dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya ng oras para sa isa’t-isa. Siniguro naman niya sa dalawa na maayos ang kalagayan niya, at na gusto talaga niyang mapag-isa kaya’t pumayag na rin ang ama. Sa dalawang araw nila dito sa Par
Humanga si Jayzee sa laki ng rancho ng mga Mondragon. Mula sa main road ay uubos ka pa ng halos kinse minutos para marating ang mansyon. Natatanaw din mula sa kalsada ang mahabang taniman ng palay at mais. Hindi niya mapaniwalaang pag-aari ito ng asawa niya. Kilala ang mga Mondragon sa buong Camarines. Hindi siya nahirapang hanapin ang rancho dahil bawat taong natatanungan niya ay kabisado ang lugar na iyon. People were friendly and polite, ang iba’y halos gusto pa siyang ihatid pero tumanggi siya at umarkila na lang ng isang trisekel para hindi na makaabala pa.“Anong gagawin sa Paris?” halos pasigaw na wika ni Jayzee kay Ana
“Good morning, Jayzee. I will be out for a week dahil nagyayaya ang Mommy mo na dalawin ang Auntie Joanna mo sa Cebu.” Ang tinutukoy ng ama ay ang kapatid sa turing ng Mommy Selena niya na totoong anak ng umampon dito noon. Nasa Cebu na ito dahil doon naka-base ang pulis nitong asawa na may mataas nang posisyon. “Oh. . . “ dismayado niyang wika. “May meeting ako kay Mr. Sandoval bukas pero ipapakiusap ko sana sa inyo na kayo muna ang um-attend.”“Why?” tanong ng ama. Umupo ito sa receiving chair ng opisina niya at isinandal ang likod.
“I’m sorry, Papa. Pero wala akong masayang alaalang natatanaw sa nakaraan dito sa rancho kung hindi noong bata pa ako na halos hindi ko na maalala. Noong tumuntong akong muli dito pagkatapos mo akong kuhanin kay Nanay Lucila ay tila bangungot nang lahat para sa akin. Hindi ko gustong ipamigay ang lupang pag-aari niyo ni Lola Manuela, pero namuhay ako ng simple lang at wala ang lahat ng ito at mas masaya ako sa ganoon lang. Ana will definitely take care of this place. Sila ni Benedict.”“Paano ang kumpanya?” tanong ng ama.“I don’t want it either. Ang minahan