Alas syete pa lang ay nasa opisina na si Jayzee Lunes ng umaga. Wala pa ang buong pamilya niya dahil ngayon pa lang ang flight ng mga ito pabalik. Wala siyang ginawa buong weekend kung hindi manood ng sports sa cable channel at lumangoy sa pool. Wala siya sa mood pumunta sa club kaya sa condo lang siya sa loob ng dalawang araw na iyon. For the first time in his adult life, ngayon lang yata siya nagkaroon ng ‘me’ time.
Malayo pa lang siya’y tanaw niya na ang maliwanag na ilaw na malapit sa silid niya. He saw Anikka sipping her coffee while looking at the screen monitor and her back leaned on her swivel chair. Sa tingin niya’y lalo itong gumaganda araw-araw. Napansin din niyang nawala na ang pagkailang sa kanya at hindi na rin mailap ang tingin nito tulad ng dati.
“Good morning,” bati niya dito. Tila nagulat naman ito sa pagsulpot niya na hindi nito inaasahan dahil maaga pa.
“Good morning,” ganting bati nito. “Coffee?” alok nito sa kanya. Umupo siya sa gilid ng mesa nito at ngumiti.
“Would you allow me to sip on your coffee cup?” tanong niya. Sa tuwing inaakit niya ito’y mabilis itong gumagawa ng dahilan para umiwas. Pero hindi siya papayag na ganoon lang. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nacha-challenge sa babaeng ito na wala yatang pakialam sa karisma niyang taglay.
“No,” mabilis nitong sagot na lalo niyang ikinangiti.
“Why not? Wala akong sakit na nakakahawa.”
“Igagawa na lang kita,” sagot nito. Pero bago pa ito makatayo ay kinuha niya na ang papercup at dinala sa labi.
“Iced coffee in the morning?” Napakunot noo siya nang malamang malamig iyon. Agad niya namang inilapag sa mesa nito ang baso.
“Mas gusto ko ng malamig,” sagot nito. Hinihintay niyang kunin ito ng dalaga para inumin. Marahil ay nakahiyaan na lan nito kaya napilitan na rin itong humigop muli.
“Now you just tasted my lips, sweetheart,” wika niyang nangingiti habang hawak pa nito ang baso. Nakita rin niya ang pamumula ng mukha nito. “How does it taste?”
“Lasang kape,” nagkibit balikat lang ito at itinuon muli ang mata sa screen. Lalo siyang naiirita sa mga reaksiyon nito. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang opisina niya. “We’ll talk about my schedule today, Anikka,” wika niya habang naglalakad.
Wala pang limang minuto ay pumasok naman ito sa opisina niya hawak ang ballpen at ilang folder. Tumayo siya at umupo sa gilid ng mesa sa harap nito.
“What’s my schedule for today, sweetheart?”
“Tatlo lang ang meeting mo ngayon dahil biglang nagpa-cancel si Mr. del Mundo kahapon,” sagot nito.
“Yesterday was Sunday, Anikka.”
“He called at my number,” sagot nito na lalong nagpakunot noo sa kanya.
“He’s calling you off office hours?” Pinabigyan niya si Anikka ng company phone na siyang gagamitin nito. Nawala sa isip niyang iyon ang gagamitin ng mga kliyente para tawagan ito kahit wala na ito sa trabaho.
“Para lang ipa-cancel ang meeting ngayon,” agad naman nitong dahilan.
“Is Oliver calling you often?” agad niyang tanong na ang tinutukoy ay ang supplier na madalas ngayong nasa harap ng table nito.
“Sort of.” Nagkibit itong muli ng balikat. Napamura siya ng lihim.
“Idagdag mo sa schedule ko mamaya ang pagbisita ko sa Zenclub ng alas sais,” wika niya nito at bumalik sa swivel chair. “You’re going with me,” pahabol niya.
“Wala na sa oras ng trabaho ‘yon, Jayzee,” pagtanggi nito na inaasahan niya.Hindi niya ito pinansin bagkus ay nagsimulang buklatin ang mga folder na dala nito.
“Ikaw na ang kukuha sa mga minutes of the meeting mula ngayon,” utos din niya na dating ginagawa ng sekretarya ng ama. “You’ll be with me at the conference room later.”
“Pabigla-bigla naman yata?” nakangiti nitong wika. Siya naman ay nagngingitnit sa inis sa kaisipang lagi itong kausap ni Oliver kapag wala na ito sa opisina.
“Kasama ‘yon sa trabaho mo bilang sekretarya ko. Hindi lang kita agad isinalang dahil bago ka pa lang.”
“Okay, boss,” tila pang-iinis naman nito sa kanya dahil nakangiti pa rin ito samantalang seryoso na siya. “May kailangan pa kayo?”
“I need a coffee,” wika nito na hindi tumitingin sa dalaga.
“Hot or cold?” tanong nito. Tinapunan niya ito ng tingin at nakitang naaaliw ito sa nakikitang inis sa kanya.
“I don’t drink cold coffee, sweetheart.” Matiim siyang nakatitig dito. “I want it as ‘hot’ as you.” Diniinan niya ang huling sinabi pero wala pa rin itong reaksyon. Ilang sandali itong nawala sa opisina niya bago ito bumalik dala ang isang tasa ng kape.
“Here’s your hot coffee, sir,” pang-iinis pa nito. Tumayo siya at sinalubong ito.
“Is this as hot as you?” naaaliw niyang tanong at sinadyang hawakan ang kamay nito nang iabot sa kanya ang tasa. Kung inaakala nitong maiisahan siya sa pang-iinis ay nagkakamali ito. At kung inaaakala ng Oliver na ‘yon na mauunahan siya nito sa dalaga ay nagkakamali rin ito. Hindi siya si Jayzee Albano kung mauungusan lang siya ng ibang lalaki.
“You decide,” sagot naman nito habang hinihintay siyang higupin ang kape para masagot ang tanong niya.
“I can’t decide yet,” wika niya matapos ang paghigop. Ang totoo’y napaso siya ng bahagya dahil mainit pa ang kape. Pero kailangan niyang panindigan ang nasa isip.
“Why not?” tila hamon nito sa kanya.
“Because I haven’t tasted you,” halos pabulong niyang wika at awtomatikong ipinalibot ang isang kamay sa bewang nito at hinalikan sa pagkabigla ng dalaga. Agad niyang inilapag sa mesa ang tasa at itinaas ang isang kamay sa batok nito para diinan lalo ang paghalik. To his surprise, tumugon si Anikka sa kung paanong paraan lang na alam nito na lalong nagpawala sa katinuan niya. Pareho naman silang naghahabol ng paghinga pagkatapos. “I think you’re hotter,” mabilis niyang wika para alisin ang pagkapahiya sa kanilang dalawa. Hindi naman ito sumagot bagkus ay mabilis itong tumalikod at lumabas ng silid niya.
Napaupo siya sa swivel chair pagkatapos. Her mouth was sweet; a mixture of mint and coffee. Nasagot na ang isang kuryusidad niya kay Anikka – kung paano ito humalik at kung ano ang lasa ng mga halik nito. He was sure that was her first. Napangiti siya at nakaramdam ng pagmamalaki. Ipinangako niyang hindi iyon ang una’t-huli.
Welcome to my world, Anikka Merced… wika niya sa sarili.
April 1997“Ang anak ko Agusto! Nasaan si Ana?” umiiyak na wika ni Diana sa asawa habang nakahiga sa stretcher sa loob ng isang ospital sa Quezon Province. Sakay sila ng isang bus na byaheng Maynila ngunit nagkaroon ng karambola ng mga sasakyan sa zigzag road na hinala niyang may kinalaman ang kapatid sa ama na si Octavio. Kahit ang aksidente sa minahan na pag-aari ng pamilya sa Camarines Norte ay hinihinala niyang kagagawan din ng kapatid – though he still needs to prove his claims. “Hahanapin ko si Ana, Diana.
Sa isang taon ni Anikka sa Rancho Mondragon ay tila nagbago ang ikot ng mundo niya mula sa isang simpleng buhay papunta sa isang magulo. Lahat ay nagulat sa pagbabalik niya na ipinalabas ng ama na biglang sumulpot si Lucila sa Rancho at isinurender siya. Nagbigay ito ng pabuya at agad pinaalis ang ina-inahan na halos takbuhin pa niya para sumama pabalik. Hindi niya gustong bumalik sa Rancho lalo nang makita kung paano nanlilisik ang mata ng Uncle Octavio niya at ang pagka-disgusto ni Ana sa presensya niya. Agad nagpatawag ng meeting ang ama at agad isinalin sa kanya ang pamamahala ng Rancho sa kabila ng pagtutol niya.Mula sa malaking bahay ay iginala niya ang mga mata sa lupaing pag-aari niya.
Kinabukasan ay maaga silang umalis ng ama lulan ng isang Wrangler Jeep kasama ang apat na bodyguard ng ama. Ang paalam nila sa inang si Diana ay ipapasyal lang siya sa Camarines Norte at ipakikilala sa ibang business associates ng Papa niya. Umabot sila sa Gumaca, Quezon na ipinagtaka niya.“Ito ang opisina ng Ninong Ernesto mo, Anikka. Isa siyang abogado at siya ang may hawak ng trust fund mo at ilang kayamang inilagay ko sa pangalan mo. Your mother doesn’t know any of it, alam mo na siguro kung bakit.”Marahan siyang napatango hanggang sa pumasok sila sa bahay ng sinasabi nitong Ninong niya. Isang matandang lalaki ang sumalubong sa kanila na halos nasa sitenta anyos na.
“Why don’t you stay for a while, Jayzee?” wika ni Roxanne habang hawak ang sigarilyo sa kamay na wala namang sindi. Alam nitong hindi niya gusto ang amoy ng usok nito dahil hindi siya naninigarilyo. Tumayo siya para maisuot ng maayos ang masikip na pantalong maong. Ang babae naman ay nanatili lang nakasandal sa headboard ang likod at ang white sheet ang ipinatakip nito sa katawan. Buong paghanga nitong hinagod siya ng tingin lalo ang parteng nasa pagitan ng hita niya. Lihim siyang natatawa sa pagiging wild at liberated nito na akala niya noong una ay mahinhin at hindi makabasag pinggan. She was as wild as a beast a while ago.
“Bakit hindi mo in-aprobahan ang delivery sa Batangas?” tila nagpipigil na wika ni Ana nang puntahan siya nito sa opisina niya isang umaga. Ang tinutukoy nito ay ang delivery ng corn products na siyang pangunahing produkto ng Rancho kasama ng palay at buko. “I’m sorry, Ana. Pero nauna ang Purchase Order ng Cavite kaysa ang Batangas. Sinabi ko kay Letty na sabihin sa’yo na kailangang unahin ang Cavite.” “Nag-commit na ako na may delivery kahapon kay Mr. Arsenio, Nikka! Bakit ba lagi mong sinasalungat ang mga desisyon ko?” pagalit pa nitong wika. Gusto
“Sir, kanina pa po tumatawag si Mr. Mondragon,” wika ng sekretarya ng ama habang nasa opisina siya ng Daddy Zane niya. “Tell him I will call back,” tila patamad namang wika ng ama sa sekretarya. “Akala ko ba’y hindi pa nahahanap si Uncle Agusto?” Kumunot ang noo niya.“Hindi pa nga. That was his brother Octavio.”“Anong kailangan niya sa’yo?”“Gusto niyang ituloy ang pakikipagkasundo ko kay Agusto na ipakasal ka sa anak niyang si Ana. Pero gusto ko
Nakatanaw si Anikka sa isang babaeng natagpuan ng Tatang ni Gabriel na sa ngayon ay walang maalala. Fears were in her eyes. Halos gabi-gabi din itong dinadalaw ng masamang panaginip na nagpatibay sa hinala nilang galing ito sa isang malagim na sakuna o may nagtangka sa buhay nito. Tila nakikita niya ang sarili sa kalagayan ng babae ngayon pero ang pagkakaiba lang nila ay siya ay gising na gising at alam niya ang lahat ng panganib na pilit niyang tinatakasan. Minsan naisip niyang sana’y maging katulad na lang siya ng babaeng na walang maalala.Mula nang maganap ang pag-ambush sa mga magulang niya halos dalawang buwan na ang nakalipas ay dito sa tumuloy sa kamag-anak ng Nanay Lucila niya.
Hawak na ni Jayzee ang susi ng chopper habang hinihintay sina Alfred at Margaux para puntahan si Marga sa probinsiya ng Quezon. Nanginginig ang kanilang mga kamay sa pag-asang buhay pa nga ang fiancée ng kapatid ayon na rin sa hepe ng pulisya na tumawag sa kanila. His Uncle Ezekeil even called the police officer and was told that Marga was really the woman waiting to be claimed. Wala itong maalala na kahit ano at sinamahan lang ito ng dalawang tao para hanapin ang tunay nitong pamilya. Sa ngayon ay hindi pa alam ni Ethan ang balitang iyon dahil gusto muna nilang masiguro na si Marga nga iyon. Natutunan na ng kapatid na ipagpatuloy ang buhay nito nang wala ang kasintahan at natatakot silang bumalik ito sa dati kapag nagka
Tuwang-tuwa ang Daddy niya at si Agusto dahil sa huli ay nagkaayos din silang dalawa. Pagdating nila sa Pilipinas ay agad silang nakipag-usap sa wedding coordinator. Tumulong naman ang Mommy Selena niya at Nanay Lucila ni Anikka sa preparasyon na excited din sa church wedding nila. Hanggang sa opisina naman ay kasa-kasama niya ang asawa na siyang pansamantalang gumagawa ng trabaho ni Stacey dahil naka-leave pa rin ang kapatid. Isang araw ay nasa bahay sila ng Daddy niya para sa pag-aayos ng entourage sa kasal nila ni Anikka. Tinawagan niya si Stacey para gawing flower girl ang pamangkin na anak nito. Agad namang pumayag ang kapatid.&nbs
Pagbaba nila sa coffeeshop na lagi nilang pinupuntahan ay naroon na ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya. Humalik siya sa mga magulang, ganun din si Jayzee. “Anong itinerary natin today, Papa?” nakangiting tanong niya sa ama na tapos nang mag-almusal sa tagal nilang bumaba ni Jayzee. Umorder ang asawa ng dalawang espresso at butter croissant.“Papunta kami ng Nanay mo sa Louvre Museum, i-tour mo muna si Jayzee sa Eiffel Tower at sa mga sikat na kainang napuntahan na natin. We’ll give you a time for yourselves. Sa palagay ko’y hindi pa sapat ang magdamag para maibsan ang pangungulila niyong dalawa sa isa’t-isa,” tudyo ng ama.
“Good morning!” Isang halik ang nagpagising kay Anastacia kinabukasan. Agad bumungad sa mga mata niya ang naka-boxers lang na si Jayzee. Iniwas ang mga mata at napahawak sa comforter na nakatakip sa katawan dahil napagtanto din niyang wala din siyang suot kahit ano. Isang nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mukha ng asawa.“Anong oras na?” tanong niya.“Alas nueve na, mahal ko. Kumatok na si Papa kanina pero masarap pa ang tulog mo,” sagot nito sa kanya na umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtawag nito ng Papa sa Papa Agusto niya. &ld
“J-jayzee. . .” “I missed you. . .” wika pa nito sa pagitan ng paghalik. Hindi na siya nakaiwas nang binuhat siya nito at inihiga sa kama. Madiin siyang hinalikan na tila ibinubuhos nito ang lahat ng hinanakit nito sa kanya sa pag-alis ng walang paalam. She felt pleasure and torture at the same time. Kahit ang mga kamay nito’y tila bakal na naglalakbay sa katawan niya. Madali nitong naipasok ang kamay sa loob ng undies niya at mapusok na ipinasok ang isang daliri doon dahilan para buong pwersa niya itong itinulak.“You’re hurting me. . .” halos paanas
“I really had a good time,” wika ni Olivier habang palabas sila sa shop nito. May isang box ng macarons itong ipinadala sa kanya na gawa nito kanina sa baking class. Nagkaroon din siya ng ideya about baking at bukod sa pagbi-bbake ng kung ano-anong pasties ay hinangaan niya ang galing nito sa pagtuturo. Kaninang hapon ay naglakad-lakad naman sila sa gilid ng Eiffel Tower habang kinukuwento nito kung paano ito nakipagsapalaran na mamuhay doon ng ilang taon hanggang maging business partner ng isang local sa Paris. “I did too. Thank you for this box of sweets.”“You can come anytime. I can tour you again around the ci
Nakatanaw si Anastacia mula sa hotel na tinutuluyan kung saan abot-tanaw ng mata ang napakagandang Eiffel Tower. Dalawang gabi niya nang pinagsasawa ang mga mata sa kulay nito kapag lahat ng paligid ay nabalot na ng kadiliman, her heart will always be captivated by its beauty – day and night. At ang magandang paligid sa buong Paris ay nakapagdudulot sa kanya ng kaluwagan sa dibdib at kapayapaan sa isipan. Nag-iisa lang siya sa silid dahil gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya ng oras para sa isa’t-isa. Siniguro naman niya sa dalawa na maayos ang kalagayan niya, at na gusto talaga niyang mapag-isa kaya’t pumayag na rin ang ama. Sa dalawang araw nila dito sa Par
Humanga si Jayzee sa laki ng rancho ng mga Mondragon. Mula sa main road ay uubos ka pa ng halos kinse minutos para marating ang mansyon. Natatanaw din mula sa kalsada ang mahabang taniman ng palay at mais. Hindi niya mapaniwalaang pag-aari ito ng asawa niya. Kilala ang mga Mondragon sa buong Camarines. Hindi siya nahirapang hanapin ang rancho dahil bawat taong natatanungan niya ay kabisado ang lugar na iyon. People were friendly and polite, ang iba’y halos gusto pa siyang ihatid pero tumanggi siya at umarkila na lang ng isang trisekel para hindi na makaabala pa.“Anong gagawin sa Paris?” halos pasigaw na wika ni Jayzee kay Ana
“Good morning, Jayzee. I will be out for a week dahil nagyayaya ang Mommy mo na dalawin ang Auntie Joanna mo sa Cebu.” Ang tinutukoy ng ama ay ang kapatid sa turing ng Mommy Selena niya na totoong anak ng umampon dito noon. Nasa Cebu na ito dahil doon naka-base ang pulis nitong asawa na may mataas nang posisyon. “Oh. . . “ dismayado niyang wika. “May meeting ako kay Mr. Sandoval bukas pero ipapakiusap ko sana sa inyo na kayo muna ang um-attend.”“Why?” tanong ng ama. Umupo ito sa receiving chair ng opisina niya at isinandal ang likod.
“I’m sorry, Papa. Pero wala akong masayang alaalang natatanaw sa nakaraan dito sa rancho kung hindi noong bata pa ako na halos hindi ko na maalala. Noong tumuntong akong muli dito pagkatapos mo akong kuhanin kay Nanay Lucila ay tila bangungot nang lahat para sa akin. Hindi ko gustong ipamigay ang lupang pag-aari niyo ni Lola Manuela, pero namuhay ako ng simple lang at wala ang lahat ng ito at mas masaya ako sa ganoon lang. Ana will definitely take care of this place. Sila ni Benedict.”“Paano ang kumpanya?” tanong ng ama.“I don’t want it either. Ang minahan