Share

Chapter Five

Author: LC Cross
last update Last Updated: 2022-04-16 09:01:02

“Nababaliw ka na na ba?” Hindi nakapaniwala si Ley sa narinig.  Matatalim na tingin ang ibinato niya kay Seig. 

Pero ang binata ay nagkibit lamang ito ng balikat na tila hindi nito alintana na nagkatagpo ang landas nina Ley at Maxine. 

Tumayo si Seig mula sa swivel chair nito at nagsimulang magkakad patungo sa direksyon ni Ley. 

Ley’s initial reaction was to step backwards. Sa paraan pa lang ng pagtingin ni Seig sa kan’ya ay nangatog na ang kan’yang mga binti.

“Anong ginagawa mo?” Ley asked Seig. 

Pilit na pinapatatag ni Ley ang sarili at ang boses niya. Her heart beats faster that it should as Seig inched closer to her every second. 

Panay ang atras ni Ley habang patuloy naman sa pag-abante si Seig. Nasa mukha nito ang pagkaaliw dahil sa reaksyon niya. He was amused, actually.

“I’m not yet doing anything, Ley. Why? You want me to do something?” Tila isang banta iyon sa pandinig ni Ley. Ano ba ang gusto nito? He was acting like he used to before, when they were still in junior high school. Maangas at puno ng kapilyuhan.

Ley continued to step backward until she felt the hard wall hit her back.

Mas lalong lumakas ang kabog na kan’yang dibdib nang tumama ang likod niya sa konkretong pader. She's trapped, and Seig was like a predator ready to devour her.

Pero bakit parang nakaka-excite ang kanilang posisyon ngayon? It was like she’s his prisoner and she can’t do anything but surrender to him.

She gulped an imaginary lump in her throat as Seig stood in front of her, so close that she could smell manly his scent. The scent brought back many memories from the past.

Pero sa halip na matakot at magpadala sa epekto ng lalaki sa kan’ya ay matapang na hinarap ni Ley ang lalaki. Taas noo niya itong tiningnan sa mga mata nito. 

“Hindi ka pa rin talaga nagbago. You still like playing games. Matatanda na tayo, Seig, can we be professional at once?” It was intended to insult him.

Pero sa halip na mainsulto si Seig ay ngumisi lamang ito ng isang kakaibang ngisi. The way that his lips curve into a mischievous smile, Ley knew in that instant that Seig was still it. 

Ganitong-ganito ito noon, at naalala ni Ley ang ilang beses na ginawang pag-corner ni Seig sa kan’ya noong nasa senior high school at kolehiyo pa lamang sila. 

Both of Seig’s arms rested on the wall, rendering Ley immobile and trapped. He was invading her personal space, and her body was reacting to it.

“You’re right, Ley. Nothing’s changed, everything from the past stayed just the way it was before. I’m still crazily in love with you.” Sensuwal ang bawat pagbigkas nito sa mga katagan iyon, at kakaiba ang hatid nito sa katawan ni Ley.

Ang mga titig nito ay makakatunaw. Napalunok si Ley nang titigan niya ang mga mata nito. It was always his eyes.

“Nababaliw ka na talaga.” Ipinatong ni Ley ang dalawang kamay sa dibdib ng binata para bigyan ng distansya ang mga katawan nila. 

Seig didn’t move further. Pinanatili nito ang distansya ng mga katawan nila, na siyang ikinaginhawa ni Ley. Hindi niya nagugustuhan ang reaksyon ng sariling katawan. She's supposed to despise him.

“Please, Seig. Hindi ako pumunta rito para makipagbiruan sa'yo. Nandito ako para humingi ng palugit sa’yo, babayaran ko ang utang namin, bigyan mo lang ako ng extension. Mga anim na buwan, gagawan ko ng paraan para makabayad sa’yo,” hinihingal na pahayag ni Ley. 

Deep inside her mind, she prayed that Seig would give her what she asked. Anim na buwan lang naman ang hinihingi niyang palugit. “Hindi na natin kailangan  pang magpakasal, Seig.” Ley added. 

Pagbibigyan naman siguro siya nito, hindi ba? Total may gusto naman ito sa kan’ya.

Ley was full of hope as she stared at Seig’s burning eyes. Kahit na napakatiim ng mga titig nito ay pilit na nilalabanan iyon ni Ley. 

Pero ang pag-asang nabuo sa puso ni Ley ay unti-unting nawasak nang umukit ang isang mala-demonyong ngisi sa mga labi ng binata. 

“You don’t you got it right, Ley. I’m not after the money. It’s you that I’m after. Fvck that money, I don’t need it. Ikaw ang gusto kong kabayaran. Marami na akong pera, hindi ko kailangan iyon.”

Ley’s breathing hitched as anger rose from the deepest pit of her heart. Ang kapal naman ng mukha nitong sabihin sa harap niya mismo na siya ang gusto nitong kabayaran.

Hindi na nakapagpigil si Ley.

Parang mayroong sariling isip ang kamay niya. 

Isang malutong na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ng binata. 

Seig’s head turned to the other side because of the impact. Hindi man lang natinag ang lalaki, sa halip ay nagsimulang yumugyog ang mga balikat nito. 

Ang mahinang tawa nito ay napalitan ng isang malakas na halakhak. Tila tuwang-tuwa ito sa ginawang pagsampal ni Ley. Hindi man lang ito nagpakita na nasaktan ito sa ginawang pagsampal ng dalaga.

Muli siya nitong tiningnan. This time there was amusement and excitement etched on his face. 

“Feisty and fierce. The same Ley that made me crazy years ago. You still hadn’t change, not a bit at all. And that makes me want you more. Sa bawat pagtanggi mo sa akin, ay mas lalo lamang akong nanggigigil sa’yo. Nakakabaliw ka,” madiin nitong bigkas.

Inis na tinulak ni Ley si Seig para sana makalayo rito. She couldn’t stand being near him. The hate she had with him before just doubled. 

“Kaya ba ipinakulong mo ang boyfriend ko sa kasalanang hindi niya ginawa? Gan’yan ka na ba ka-demonyo ngayon, ha? Pati ang mga inosenting tao ay idadamay mo makuha mo lang ang gusto mo! Napakasama mo talaga!” Muling itinulak ni Ley si Seig hanggang sa mapaatras na si Seig.

Tears flowed on her reddish cheeks as she assaulted him. Patuloy lamang si Ley sa paghampas sa binata.

Biglang nagdilim ang mga mata ni Seig nang banggitin ni Ley ang pangalan ng lalaking labis na kinamumuhian ni Seig. He couldn’t accept that Ley defended that man. 

Marahas na sinalo ni Seig ang mga hampas ni Ley. He held her hand and pulled her closer to him. 

Kitang-kita ni Ley kung gaano kadilim ang mga mata nito at tila galit na galit ito. 

“That man deserved to be put behind those cold bars. And he doesn’t deserve to have you. Sisiguraduin kong mabubulok sa kulungan ang lalaking iyon nang sa gano’n ay hindi na siya makalapit sa’yo. He will rot in prison, and die there. And you, my feisty doll, you will be mine.”

Ley tried to pull her hand, but Seig didn’t let go of her. 

Gamit ang kabliang kamay, sinampal ni Ley ng malakas ang isang pisngi ni Seig. That earned a growled from him. 

“Kahit pa ipakulong mo si Emerson, hinding-hindi mo ako makukuha!” singhal ng dalaga. Totoo iyon. Hindi siya nakakapayag na makuha ng lalaking ito. She loathed him, and there’s no way she will allow him to have her. Mamamatay muna siya bago mangyari iyon!

“Don’t you dare mention that man's name in front of me!” 

Buong lakas na hinigit ni Ley ang brasong hinawakan ni Seig. Dahil sa lakas ng paghila niya ay napaatras siya at natumba. Her bottom hit the concrete floor.

Napaungol ang dalaga sa sakit ng pagtama ng pang-upo niya sa konkretong sahig. 

Ley glared at him. Ininda niya ang sakit at tumayo kahit na nahihirapan. 

“He will never have you. I’ll make sure of it.” Seig spoke every word like it was an oath. Ang mata nito ay punong-puno ng apoy. His face was full of determination.

Nang-uuyam na tumawa si Ley at taas-noo na sinagot ang lalaki. 

“Kahit ano pa ang gawin mo, hinding-hindi kita papatulan. I never like you, Seig, and you can’t force me to love you.” She spatted those words with so much hate.

Walang lingon na umalis si Ley sa lugar na iyon. 

Her heart feels heavy and she wanted to cry in so much anger and frustration.

She hates him so much. Simula pa noong mga bata sila ay wala na itong ibang ginawa kun’di ang pahirapan siya. 

Simula noong makilala niya ang batang Seig ay hindi na ito tumigil sa pangungulit sa kan’ya hanggang sa pati ang mga babaeng may gusto rito y pinupuntarya na siya. 

Her childhood was never happy because of him. Ang nakakainis pa roon ay patuloy itong nakikipaglaro sa mga babae sa campus nila kahit pa hayagan na nitong sinabi na gusto siya nito. She became a joke to everybody, saying that she’s Seig play toy.

Ley felt like he was having fun playing on her.

Inis na pinahid ni Ley ang mga luhang hindi niya na napigilang tumulo. She hates it when she’s crying because of him. Hindi naman nito deserve na iyakan niya pero iyon talaga ang palaging nangyayari kahit noon pa. Ito palagi ang dahilan kung bakit palagi siyang umiiyak.

Nagpara ng taxi si Ley at nagpahatid sa restauran niya. 

After her father decided to retire, Ley took over the family’s business. Walang problema iyon para sa dalaga dahil gustong-gusto niya ang pagluluto. 

Nag-alalang sinalubong siya ng pinsan na si Anne. Ito ang naiwan sa restaurant. 

“Hey, what happened? Were you crying? Namamaga ang mga mata mo.” Kaagad siya nito inakay papasok sa opisina niya. Nag-aalala itong tumingin kay Ley.

“Ang sama niya! Siya ang nagpakulong kay Emerson, Anne. Pinagbintangan niya si Emerson para makulong ito. He shamelessly said it on my face!”

Natuptop ni Anne ang bibig. “Diyos ko! Anong sabi niya noong sinabi mo na babayaran mo ng utang? Pumayag ba?” 

Nanghihinang umiling si Ley. Naupo siya sa isang silya sa loob ng kan’yang opisina at wala sa sariling napasuklay sa buhok niya. 

“Hindi niya tatanggapin ang kahit na anong pera.” Umiiyak na tumingin si Ley sa pinsan niya. “Ako ang gusto niyang kabayaran, Anne!”

“Ibig sabihin kailangan mo talagang magpakasal sa kan’ya? P’wede ba iyon? He’ blackmailing you! P’wede siyang kasuhan ng coercion!” Tumaas ang boses ni Anne. Hindi siya makapaniwala sa naririnig ngayon.

“Bakit pa ba siya bumalik? Tahimik na buhay ko simula noong umalis siya patungong ibang bansa. Bakit kailangan niya pang bumalik ang guluhin muli ang buhay ko?” 

Ley couldn’t help but cry louder. Ang sama-sama ng loob niya. Her father was on the verge of getting arrested and her boyfriend was accused of some crime that he didn’t even commit.

Anong klaseng nilalang ba ang gumagawa ng gano’n? Sinisira nito ang buhay ng ibang tao para lamang makamit ang gusto nito. Si Satanas lang ang gumagawa ng gano’n!

Anne released a heavy breath. Nilapitan nito ang si Ley at naupo sa tabi nito. She hugged her on the side. 

“Huwag kang mag-alala, hahanap tayo ng paraan, okay? Titingnan ko kung may magagawa ba ako. Huwag mo munang isipin ito.” 

Anne tapped Ley’s back to comfort her. 

Tahimik na humihikbi ang dalaga. Paano niya ba matatakasan ang lalaking iyon?

LC Cross

Hi. Sana nag-enjoy kayo sa chapter na ito. Humihingi po ako ng pabor sa inyo, please leave a comment at rate the story, malaking tulong po iyon para po ma-promote ang story ko. Maraming salamat po.

| 1

Related chapters

  • The CEO's Forced Love   Chapter One

    Nakaktitig lamang si Ley sa kan’yang repleksyon sa salaman. The woman she saw on the mirror was different from the woman she was one month ago. Her eyes were soulless and the face was void of any emotions. Kung mayroon man emosyon ang makikita sa mukha niya, iyon ay labis na kalungkutan.Hindi natatakpan ng makapal na makeup ang lungkot at galit sa mga mata niya. If only she could do something, she wouldn’t be in this misery right now. Hindi niya sana pakakasalan ang lalaking lubos na kinamumuhian.

    Last Updated : 2022-04-01
  • The CEO's Forced Love   Chapter Two

    One month earlierNagmamadaling umakyat si Leyla sa hagdanan ng bahay nila, halos malagutan na siya ng hininga sa pagmamadaling makauwi kaagad. She received a phone call from her cousin, Anne that her father had an arrest warrant for not paying his debt. Abot-abot ang kaba niya dahil sa natanggap na balita.

    Last Updated : 2022-04-01
  • The CEO's Forced Love   Chapter Three

    Buong gabi ay hindi nakatulog si Ley dahil sa pag-iyak at pag-iisip. Hindi siya makapaghintay na dumating na ang umaga. She wanted to go to Emerson so desperately.Paanong naakusahan ito ng panggagahasa at pagpatay na napakabait nitong tao. Emerson Sandoval was the sweetest person she ever met. Kilala na ito ni Ley simula pa pagkabata kaya hindi talaga siya naniniwala sa mga ibinibintang sa lalaki. Hindi papayag si Ley na makulong ang nobyo sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

    Last Updated : 2022-04-01
  • The CEO's Forced Love   Chapter Four

    Ley ran a finger into her golden flaxen colored hair. After college, she developed a habit of coloring her hair whenever she feels frustrated. Naging stress reliever niya iyon, at sa tingin niya ay kailangan na naman niyang kulayan ito ngayon. Nanginginig man ang mga kamay sa sobrang kaba ay pilit na pinapakalma ni Ley ang sarili. Kailangan niyang tatagan ang sarili para magawa niya ang kailagang gawin. She needs to convince Seig to give her another option, though she doubts that he will, she’s going to give it a shot.

    Last Updated : 2022-04-01

Latest chapter

  • The CEO's Forced Love   Chapter Five

    “Nababaliw ka na na ba?” Hindi nakapaniwala si Ley sa narinig. Matatalim na tingin ang ibinato niya kay Seig. Pero ang binata ay nagkibit lamang ito ng balikat na tila hindi nito alintana na nagkatagpo ang landas nina Ley at Maxine.

  • The CEO's Forced Love   Chapter Four

    Ley ran a finger into her golden flaxen colored hair. After college, she developed a habit of coloring her hair whenever she feels frustrated. Naging stress reliever niya iyon, at sa tingin niya ay kailangan na naman niyang kulayan ito ngayon. Nanginginig man ang mga kamay sa sobrang kaba ay pilit na pinapakalma ni Ley ang sarili. Kailangan niyang tatagan ang sarili para magawa niya ang kailagang gawin. She needs to convince Seig to give her another option, though she doubts that he will, she’s going to give it a shot.

  • The CEO's Forced Love   Chapter Three

    Buong gabi ay hindi nakatulog si Ley dahil sa pag-iyak at pag-iisip. Hindi siya makapaghintay na dumating na ang umaga. She wanted to go to Emerson so desperately.Paanong naakusahan ito ng panggagahasa at pagpatay na napakabait nitong tao. Emerson Sandoval was the sweetest person she ever met. Kilala na ito ni Ley simula pa pagkabata kaya hindi talaga siya naniniwala sa mga ibinibintang sa lalaki. Hindi papayag si Ley na makulong ang nobyo sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

  • The CEO's Forced Love   Chapter Two

    One month earlierNagmamadaling umakyat si Leyla sa hagdanan ng bahay nila, halos malagutan na siya ng hininga sa pagmamadaling makauwi kaagad. She received a phone call from her cousin, Anne that her father had an arrest warrant for not paying his debt. Abot-abot ang kaba niya dahil sa natanggap na balita.

  • The CEO's Forced Love   Chapter One

    Nakaktitig lamang si Ley sa kan’yang repleksyon sa salaman. The woman she saw on the mirror was different from the woman she was one month ago. Her eyes were soulless and the face was void of any emotions. Kung mayroon man emosyon ang makikita sa mukha niya, iyon ay labis na kalungkutan.Hindi natatakpan ng makapal na makeup ang lungkot at galit sa mga mata niya. If only she could do something, she wouldn’t be in this misery right now. Hindi niya sana pakakasalan ang lalaking lubos na kinamumuhian.

DMCA.com Protection Status