Share

Chapter Four

Author: LC Cross
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Ley ran a finger into her golden flaxen colored hair. After college, she developed a habit of coloring her hair whenever she feels frustrated. Naging stress reliever niya iyon, at sa tingin niya ay kailangan na naman niyang kulayan ito ngayon.

Nanginginig man ang mga kamay sa sobrang kaba ay pilit na pinapakalma ni Ley ang sarili. Kailangan niyang tatagan ang sarili para magawa niya ang kailagang gawin. She needs to convince Seig to give her another option, though she doubts that he will, she’s going to give it a shot. 

She let out a heavy sigh as she stared at the elevator’s floor indicator. Bawat galaw nito ay lalong lumalakas ang paghampas ng puso niya sa hawla ng kan’yang dibdib. Kinakabahan siya sa paghaharap nila ni Seig. It's been ages, and she saw that he’s a changed man now.

Ley knew Seigfreid Matthews since they were little kids. Matalik na kaibigan ito ng kuya Leo niya, at dahil palagi itong nalalagi sa bahay nila, nakilala niya rin ito. Kaya siya kinakabahan dahil kilala niya ang lalaking iyon, ayaw na ayaw nitong hindi nasusunod ang gusto.

Seig was a dominant alpha male before, how much more now that he’s the CEO of a multi-billion company?

Seig and Ley practically grew up together, and it’s not new to her about his declaration of his feelings for her. Hayagan nitong sinasabi sa kaniya na gusto siya nito. Even the whole campus knew about it and that makes her a subject for bullying. Lahat ng mga babaeng may gusto kay Seig ay inaaway at inaapi si siya. 

Her hate for him doubled when he stole her first kiss when she was in the tenth grade. Ang halik na sana’y para sa espesyal na lalaking mamahalin niya ay ninakaw ng isang Seig Matthews. And the worst part, he’s not even sorry about it. He even bragged to the entire school that he got to steal her first kiss.

Flashback

Nagmamadaling naglalakad sa pasilyo ng senior high school department si Ley, late na siya sa unang subject niya, at may report pa siya ngayon. She was almost half-running in the corridors when somebody just pulled her towards an empty room.

Isang impit na tili ang lumabas sa bibig ni Ley dahil sa pagkabigla. Sisigaw sana siya para humingi ng tulong nang may isang malaking kamay ang tumakip sa bibig niya.

Nanlaki ang mga mata ng dalagitang si Ley. Hindi niya kilala kung sino ang humila sa kan’ya. Matatakot na sana siya nang biglang umasulto sa pang-amoy niya ang isang pamilyar na pabango ng lalaking labis na kinaiinisan.

“Shhh... don’t make noise.” Kinilabutan si Ley nang tumama ang mainit na hininga ni Seig sa tainga at leeg niya. Ang isang kamay nito ay nasa bibig niya habang ang isa naman ay nakapulupot sa katawan niya. Her back was pressed against his front.

Sa inis ni Ley ay pilit niyang iniwaksi ang kamay nitong nakapulupot sa katawan at bibig niya. Hindi naman ito nagmatigas at hinyaan lang na itulak ito ni Ley.

“Ano bang problema mo?” asik ni Ley. Hinarap ito ni Ley at binato ng matatalim na tingin.

Pero imbes na matakot ay ngumisi lang si Seig at umabante. Umatras si Ley habang umaabante naman si Seig. Pero bumangga lamang ang katawan ng dalagita sa pader. Wala na pala siyang maatrasan.

Mas lalong ngumisi si Seig at ikinulong ang katawan ni Ley sa pagitan ng pader at katawan ni nito. She was trapped, and Seig towered over her.

Sa tangkad nito na halos umabot na ng anim na talampakan ay halos tingalain na ni Ley ang binata.

Ley’s heart rumbled inside her chest. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na dumikit ang mga katawan nila pero kakaiba ang nararamdaman ni Ley ngayon. Para siyang nakukuryente sa bawat dampi ng balat ng binata.

“Ikaw ang problema ko, Ley. Why did you throw flowers I gave you yesterday? At iyong bigay ni Emerson ang tinanggap mo. You're bruising me, Ley. Ano bang ayaw mo sa akin?”

Dumilim bigla ang mukha nito. Ang mga mata nito ay matiim na nakatitig sa mukha ng dalaga. Ang panga nito ay umigting.

He raised both his arms and rested them on the wall. Walang kawala ang dalaga.

Seig was not happy when he saw Ley threw the flowers he gave. Kaarawan ng dalaga kahapon, na siya ring kaarawan ni Seig. He didn’t host any party because he wanted to go to Ley’s party. Doon niya gustong ipagdiwang ang kaarawan, kasama ang natatanging babae na nagpapatibok ng puso niya.

“Wala kang pakialam kung itatapon ko ang bigay mo. You should know that I don’t like you. Si Emerson ang gusto ko kaya tumigil ka na sa ilusyon mong magugustuhan kita.” Matapang na nakipagtitigan si Ley dito.

Hindi niya ito aatrasan. Noon pa ito hayagang sinasabi na gagawin siya nitong girlfriend, pero palagi niyang sinusupalpal ng isang matigas na ayoko ang binata. Ley doesn’t like how he acted like he owns the world. Masyadong hambog ito at ayaw ni Ley ng gano’ng klaseng lalaki, at saka marami siyang naririnig tungkol sa pagiging playboy nito.

Sa halip na mainis ay umukit ang isang pilyong ngisi sa mga labi ng binata.

He stepped forward until their bodies are pressed against each other.

“What are you doing?” Ley tried to pushed him but he just caught her wrist and held it above her head. Uminit ang mukha ni Ley dahil may kiliti siyang nararamdaman.

Pilit na kumawala si Ley pero mas malakas si Seig sa kaniya. She doesn’t like how her body reacted.

“Magugustohan mo rin ako, Ley. I will make sure of that,” matigas na saad nito. There was conviction in his voice. Nangilabot ang katawan ni Ley sa paraan ng pagbigkas nito sa isang pangako. It was like he’s really sure that she’s going to be his.

“Grabe ka rin mangarap e, ang tayog naman. Ilang beses ko bang ipamukha sa’yo na si Emer–

Ley was not able to finish what she was about to say when Seig’s warm and wet lips assaulted hers.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang maramdaman ang labi nitong nakapatong sa kaniya. He didn’t move, he just let his mouth settled above hers. It was just two lips above each other. Walang halong galaw pero ang epekto niyon sa puso ni Ley ay kakaiba.

That was the day when Ley lost her first kiss to Seigfreid. Iyon din ang araw na na nakadama siya ng kakaibang kiliti sa pagdampi ng mga labi nito sa kaniya.

She knew she was not supposed to feel that way but it was the natural reaction to her body. Seig’s kiss woke up something inside her. Something she’s not ready to accept.

Simula sa araw na iyon at mas lalong umiwas ang dalaga kay Seig. But Seig’s determination can’t be stop. Mas lalo rin itong naging pursigido na paamuhin siya.

The elevator dinged and brought Ley back to the present. Hinihingal siya habang naglalakbay ang isip niya sa nakaraan. It was memory from the past that was so hard to forget. Naukit iyon sa isip niya at kay hirap burahin.

The door of the elevator opened. Nagbuga ng hangin si Ley sa ikalawang pagkakataon at pinanatag na sarili. “Kaya ko ito. Para kay dad at para kay Emerson. Huwag kang magpapadala sa karisma niya. Kumalma ka, Ley.” Hinaplos ni Ley ang dibdib niya.

With head held high, Ley maintained her composure as she walked out of the elevator. 

The entire fiftieth floor occupies the CEO’s office. Just like the lobby, the ambiance screams wealth and authority. Sa ikalawang pagkakataon ay nanaliit si Ley sa sarili. She gulped an imaginary boulder in her throat.

Sinalubong siya ng sekretary ni Seig. The woman wore a sleek, above-the-knee black dress with a business coat. Ito iyong napansin ni Ley simula pa kanina, lahat ng empleyado ay napakasopistikada ang dating. Napatingin tuloy si Ley sa suot na isang fitted jeans at t-shirt.

Tipid na ngumiti ang sekretarya ni Seig. “The chairman is waiting for you, Miss Jimenez.” She sounded very professional.

Iginiya siya nito papasok ng CEO’s office. Pagkapasok ni Ley sa loob ng opisina ay umasulto sa kan’yang pang-amoy ang mabangong panlalaking amoy. The same scent that he wore when they were in college. Hindi niya makakalimutan ang amoy na iyon.

Seig was sitting behind his mahogany office table. Ang mata mga nito ay nakatingin sa kaniya. Ang baba nito ay nakapatong sa kamay na pinagsalikop. He was really expecting her.

The moment their eyes met; Ley felt conscious all of a sudden. Sa paraan kasi ng paghagod ng mga mata nito sa kabuohan ni Ley ay may kakaibang kahulugan. 

Nakatayo lamang si Ley sa gitna na opisina nito. Neither one of them spoke. Hindi alam ni Ley kung paano kumilos sa harap ni Seig. His stares alone made her sweat. Paano pa kaya kapag nag-uusap na sila? Makakaya kaya niya itong kumbinsihin?

Nilunok ni Ley ang hina at nagdesisyon na siya na ang mauunang magsalita, total siya naman ang may kailangan dito.

Ley was about to open her mouth when a door from the other side of the office opened. Lumabas doon ang isang sexy na babae. She was combing her hair with her finger. The woman wore a body con dress in red, and her breast was almost spilled out of the fabric.

Nanlaki ang mga mata ni Ley nang makilala kung sino iyon. Maxine Arnaiz, the number one bully when they were in middle school.

H*****k ito sa mga labi ni Seig bago napaalam. “I’ll wait for you tonight, babe.”

Umawang ang bibig ni Ley sa sinabi nito. Maarte itong naglakad patungo sa kinatatayuan ni Ley. Maxine smirked at her as she looked at Ley from her head to her toes. “Hi, Leyla. It's been a long time. You still remember me, right? Well, I’m Seig’s girlfriend now.”

Iyon lang ang sinabi nito bago lumabas sa opisina.

Ang pagkagulat niya kanina ay napalitan ng inis. Isang matalim na tingin ang ibinato niya kay Seig.

“May girlfriend ka tapos gusto mo na magpakasal ako sa’yo? Nababaliw ka na ba?”

Kaugnay na kabanata

  • The CEO's Forced Love   Chapter Five

    “Nababaliw ka na na ba?” Hindi nakapaniwala si Ley sa narinig. Matatalim na tingin ang ibinato niya kay Seig. Pero ang binata ay nagkibit lamang ito ng balikat na tila hindi nito alintana na nagkatagpo ang landas nina Ley at Maxine.

  • The CEO's Forced Love   Chapter One

    Nakaktitig lamang si Ley sa kan’yang repleksyon sa salaman. The woman she saw on the mirror was different from the woman she was one month ago. Her eyes were soulless and the face was void of any emotions. Kung mayroon man emosyon ang makikita sa mukha niya, iyon ay labis na kalungkutan.Hindi natatakpan ng makapal na makeup ang lungkot at galit sa mga mata niya. If only she could do something, she wouldn’t be in this misery right now. Hindi niya sana pakakasalan ang lalaking lubos na kinamumuhian.

  • The CEO's Forced Love   Chapter Two

    One month earlierNagmamadaling umakyat si Leyla sa hagdanan ng bahay nila, halos malagutan na siya ng hininga sa pagmamadaling makauwi kaagad. She received a phone call from her cousin, Anne that her father had an arrest warrant for not paying his debt. Abot-abot ang kaba niya dahil sa natanggap na balita.

  • The CEO's Forced Love   Chapter Three

    Buong gabi ay hindi nakatulog si Ley dahil sa pag-iyak at pag-iisip. Hindi siya makapaghintay na dumating na ang umaga. She wanted to go to Emerson so desperately.Paanong naakusahan ito ng panggagahasa at pagpatay na napakabait nitong tao. Emerson Sandoval was the sweetest person she ever met. Kilala na ito ni Ley simula pa pagkabata kaya hindi talaga siya naniniwala sa mga ibinibintang sa lalaki. Hindi papayag si Ley na makulong ang nobyo sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Forced Love   Chapter Five

    “Nababaliw ka na na ba?” Hindi nakapaniwala si Ley sa narinig. Matatalim na tingin ang ibinato niya kay Seig. Pero ang binata ay nagkibit lamang ito ng balikat na tila hindi nito alintana na nagkatagpo ang landas nina Ley at Maxine.

  • The CEO's Forced Love   Chapter Four

    Ley ran a finger into her golden flaxen colored hair. After college, she developed a habit of coloring her hair whenever she feels frustrated. Naging stress reliever niya iyon, at sa tingin niya ay kailangan na naman niyang kulayan ito ngayon. Nanginginig man ang mga kamay sa sobrang kaba ay pilit na pinapakalma ni Ley ang sarili. Kailangan niyang tatagan ang sarili para magawa niya ang kailagang gawin. She needs to convince Seig to give her another option, though she doubts that he will, she’s going to give it a shot.

  • The CEO's Forced Love   Chapter Three

    Buong gabi ay hindi nakatulog si Ley dahil sa pag-iyak at pag-iisip. Hindi siya makapaghintay na dumating na ang umaga. She wanted to go to Emerson so desperately.Paanong naakusahan ito ng panggagahasa at pagpatay na napakabait nitong tao. Emerson Sandoval was the sweetest person she ever met. Kilala na ito ni Ley simula pa pagkabata kaya hindi talaga siya naniniwala sa mga ibinibintang sa lalaki. Hindi papayag si Ley na makulong ang nobyo sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

  • The CEO's Forced Love   Chapter Two

    One month earlierNagmamadaling umakyat si Leyla sa hagdanan ng bahay nila, halos malagutan na siya ng hininga sa pagmamadaling makauwi kaagad. She received a phone call from her cousin, Anne that her father had an arrest warrant for not paying his debt. Abot-abot ang kaba niya dahil sa natanggap na balita.

  • The CEO's Forced Love   Chapter One

    Nakaktitig lamang si Ley sa kan’yang repleksyon sa salaman. The woman she saw on the mirror was different from the woman she was one month ago. Her eyes were soulless and the face was void of any emotions. Kung mayroon man emosyon ang makikita sa mukha niya, iyon ay labis na kalungkutan.Hindi natatakpan ng makapal na makeup ang lungkot at galit sa mga mata niya. If only she could do something, she wouldn’t be in this misery right now. Hindi niya sana pakakasalan ang lalaking lubos na kinamumuhian.

DMCA.com Protection Status