TAMARA’S P O VSinabi ko sa sarili ko na ginagawa ko lamang ang tama. I assured myself na magiging ayos din ang relasyon namin ni Harry. Na magiging kami hanggang sa aming pagtanda at hindinkami maghihiwalay hanggang maabutan pa namin na ikasal si Lily.Naiimagine ko pa ang sarili ko na kinakausap ang anak ko sa mismong araw kanyang kasal, at sinasabi ang mga kataga na binitawan sa akin ni mama noong mismong araw ng kasal ko. “Masarap ang mainlove anak. Lalo na kapag pinakasalan ka ng taong ipinangako mong makakasama mo habang-buhay. Pero pagkatapos ng kasal, doon mo mararamdaman ang hirap. Pero kung magtutulungan at magmamahalan kayo ng tapat at ng may takot sa Diyos, hindi niyo mararamdaman ang hirap na sinasabi ko. Maraming pagsubok na darating pero lahat ng iyan ay inyong kakayanin kung maayos kayong mag-uusap at hn=indi nag-aaway.”Palagi kong ipinagdarasal sa Diyos na sana magtuloy-tuloy na ang improvement ni Harry. Na sana hindi na siya bumalik pa sa dati---laging late umuwi, h
TAMARA’S P O V“Sino ‘yon mommy?” tanong ni Lily ng may paghanga sa kanyang mga mata habang sinusundan ng tingin ang paalis na si Sabrina.“Boss ng daddy mo ‘yon, anak…” sagot ko habang tinitignan kung basa na ng pawis ang likod niya. Kumuha ako ng bimpo sa bag ko at saka ko pinunasan ang likod niya.“Ang ganda pala ng boss ni daddy, mommy…” komento nitong may ngiti sa mga labi. Napakainosente ng anak ko. Hindi niya alam na ang komento niyang iyon ay lalong nagpabigat ng aking nararamdaman. Ako din anak. Hindi ko alam na sexy at maganda ang boss ng daddy mo. Sabi ko sa isip-isip ko.“Halika na. Kuha na tayo ng pagkain. Nagugutom na rin ako.” Yakag ko kay Lily, ang kanyang atensiyon ay pilit kong inilalayo kay Barbie na ngayon naman ay nakikipagtawanan sa iba pang empleyado doon. Ang mga mata ng mga asawa nila nanlilisik habang nakatingin sa kanya ngunit parang wala lang kay Sabrina ito. AKo naman ngayon ang nakatingin ng may awa at simpatiya sa kanila dahil ramdam na nila ngayon kung
TAMARA’S P O VWhile I was walking by without paying attention, a group of garden gnomes that were painted in bright greens, reds, and yellows looked at me with a solemn expression on their faces.“Tamara, you’re pregnant…” Nagmamakaawa ang boses ni Harry. “Will you stop, please…?”Huminto ako, at lumingon sa kanya. I stand still, my heart thumping in my chest, the prick of tears behind my eyes.He froze, standing in the middle of the path. Ang kanyang mga mata ay may mga luhang namumuo, pero hindi ko binigyang-pinansin ang mga iyon. Wala akong pakialam sa pagdadrama, at lalong ayokong tignan ang kanyang mga matang nagsusumamo at baka bumigay ako. Baka mabola niya na naman ako.I don’t want to look into his eyes, and instead focused on my anger. The rage gripped my throat. It rose, swelled, rushed, a boulder flung from a catapult; slammed me, walloped my entire being, flayed me alive.“Tigilan mo ako!" SIgaw ko, ang mga berdeng ugat sa leeg ko ay naglalabasan na sa sobrang galit ko, a
TAMARA’S P O VBumalik ako sa kuwarto at dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa bag ko at binuksan muli ito. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Tadtad ng messages at missed calls ni Harry ang messenger ko, pati na ang aking number mismo. At may tatlong tawag mula kay mama. Napatitig ako sa cellphone ko, iniisip pa kung kaninong number ang aking tatawagan.Sa huli ay napagdesisyunan kong tawagan ang number ng bestfriend ko.“Hello, Tamara?”“Wendy…” bulong ko, hindi na mapigilan ang pagnginig ng aking boses.“Tamara…” ulit nito, at may mga narinig akong iba’t ibang ingay mula sa background. Parang kumakain si Wedy sa labas dahil sa mga nagkakalansingang mga kutsara at tinidor, idagdag pa ang ingay ng mga taong nag-uusap. “Tamara, may problema ka ba?”“Wendy… dinudugo ako. Sa tingin ko… makukunan ako.” Wika ko at napasinghap ako nang may maramdaman akong biglang kumirot sa may bandang tiyan ko, dahilan upang ako ay mapangiwi.“Ano? Bakit? Anong nangyari?” natataranta nitong tanong
TAMARA’S P O VNapaluha ako pagkatapos ibaba ni Lily ang telepono. Sobrang miss ko na siya. Mis na miss ko na ang anak ko. Kailangan ko siya ngayon dito sa tabi ko, pero hindi pwede. Hindi ko rin siya maaalagaan dahil sa kalagayan ko. Mas maiging doon muna siya kay mama habang nagpapagaling pa ako.Nahiga ako sa kama ng dahan-dahan, ang pagitan ng mga hita ko ay nasasalpakan ng pagkakapal kapal na sanitary pads.Nais ko mang iwaksi, ay pilit na bumabalik sa aking isipan ang nangyari sa hospital. Habang itinutulak ng isang medical staff ang wheelchair na sinasakyan ko ay mayroong biglang bumulwak na madulas at parang laman mula sa aking kaibuturan, palabas sa akin. Hindi ito masakit, pero sobra itong nagpabilis ng tibok ng puso ko, at nagpanginig ng aking kalamnan at pagyanig ng buong pagkatao ko.Hindi ito maaari!Hindi pwedeng mawala ang baby ko!“Nurse, may lumabas mula sa akin.” Nanginginig ang boses kong saad dito, ngunit hindi ito nagsalita at nagpatuloy sa pagtulak sa wheelchair
TAMARA’S P O VI closed my eyes and took a deep breath before I unlocked the door to the bedroom. May susi ito sa bahay pero sa kwarto ay wala. Hindi naman kasi namin ugaling maglock ng kwarto kaya hindi kami nagdadala ng susi nito tuwing aalis kami.Bumungad sa akin ang maputlang si Harry. Ang mga mata nitong may mga maiitim na eyebags sa ilalim ay nagsusumamo at nagmamakaawa sa akin, pero hindi ko ito binigyang-pansin. Ang napansin ko ay ang pangangayayat niya ng bahagya.“Tamara…” matamis ang ngiting ibinigay niya sa akin. “Akala ko hindi mo na ako muli pang kakausapin. Salamat…”“Tumigil ka, Harry…” tiim ang mga bagang na sabi ko. Akala naman nito ay madadaan ako sa pagngiti ngiti niyang iyon. Tumabi ako at sinenyasan ko siyang pumasok.Alanganing humakbang siya papasok, at huminto ito mismo sa harap ko.“Upo!” utos ko dito na para bang isang aso ang kausap ko.Agad naman itong tumalima at naupo sa kama.“Hindi diyan!” agad kong pigil dito. “Doon ka maupo.” Itinuro ko ang upuan sa
TAMARA’S P O V“Pwede bang tama na, Tamara…” nagmamakaawang sabi ni Harry. “Please, hindi mo na kailangang malaman pa ang mga---”“Pwes, gusto ko!” sigaw ko dito. “Gusto kong malaman ang lahat lahat. Lahat ng ginawa mo, lahat ng pinuntahan niyo, lahat ng panloloko mo! Huwag ka ulit magsisinungaling sa akin, Harry. Tinawagan ko ang kabit mo at sinabi niya ang lahat sa akin.” Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang aking sarili, bago ulit ako nagsalita ng mahinahon ang boses. “Tignan natin kung pareho kayo ng kuwento. Tignan ko kung sino sa inyo ang nagsisinungaling.”Lupaypay na nagyuko ito ng tingin.Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsimula na siyang magkuwento.“Lasing ako noong gabing iyon. Hindi ako makapag-isip ng tama. Wala lang iyon. Walang ibig sabihin iyon, basta na lamang nangyari…”He looked up at me, and I looked back at him wordlessly."It was a mistake. A drunken mistake, at iyon lang ‘yun.” Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga. “Kung hindi k
TAMARA’S P O V“Nagulat na lang ako nang dumating siya sa resort noong araw na iyon. Nakarinig ako ng mga katok, at akala ko ikaw ‘yun. Akala ko sumunod ka sa akin. Akala ko sinorpresa mo ako---’’ Bumuntong-hininga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. “Nagulat ako nung pagbukas ko ng pinto, andun siya nakatayo. ‘Yun ang totoo, Tam. Hindi talaga namin pinlano ang pagpunta niya doon. Tinanong pa nga niya kung nasaan ka daw, sabi ko masama ang pakiramdam mo, kaya nagstay ka na lang sa bahay.”Napaismid ako. Bakit kailangan niya pang sabihin sa babae niya kahit ang pinakamalilit na detalye tungkol sa buhay namin? “O tapos? Nagsex na kayo?”Umiling ito.“Sabi niya, may dinalaw lang daw siya malapit sa lugar. May kamag-anak daw siya sa Batangas na matagal na niyang hindi nadadalaw, at dumaan lang sa resort para sana bumati sa atin. Wala daw siyang kaalam-alam na mag-isa lang ako sa cottage. Pinapasok ko siya, tapos…’’ napabuga ito ng hangin. Tila nahihirapang ipagpatuloy ang susunod na sasa