Share

KABANATA 12

TAMARA’S P O V

Pagbalik ko sa sala ay nakita kong nakatulog na sa sofa si Lily. Awang-awa ako sa anak ko. Hindi niya na nahintay na umuwi ang kanyang magaling na ama, at nakatulog na siya sa sobrang antok. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko siya binuhat at inakyat sa kanyang kwarto. Pagkalapag ko sa kanya sa kama niya ay nahiga ako sa tabi niya habang bumubulong ako ng “I’m sorry, anak…” habang pinupunasan ang kanyang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Ang mga luha ko ding pilit na pinipigilan kanina pa habang kausap ko si Harry ay unti-unting bumagsak mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na naman siya uuwi, kaya ipinikit ko ang mga mata kong hilam pa sa mga luha, at pinilit kong matulog habang yakap-yakap ko ang anak kong mahimbing ng natutulog.

Pagkagising ko kinabukasan ay nakita ko ang kotse ni Harry na nasa garahe na. Hindi ko alam kung anong oras na siya nakauwi, dahil hindi ko na rin namalayan kung anong oras na ako nakatulog. At pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status