TAMARA’S P O V“Tam, you listen to me. Talk to Harry, and make him listen to you. Nasasaktan na si Lily. Ikaw, nasasaktan ka na rin. Please… talk to Harry. Dahil kung hindi mo gagawin, ako ang kakausap sa magaling mong asawa.”Iyon ang huling sinabi ni Wendy bago niya ibinaba ang tawag at hindi na hinintay pa ang sagot ko.Linggo ng gabi nang dumating si Harry galing Hong Kong. Inilapag niya ang travelling bag niya sa upuan sa kusina at saka dumiretso sa lababo at naghugas ng mga kamay. Hindi man lang yumakap sa akin. Hindi din siya tumawag sa amin kahit minsan lang habang nasa Hong Kong siya.Pagkatapos maghugas ng mga kamay ay kumuha siya ng baso at binuksan ang ref. Kinuha ang pitsel at nagsalin ng tubig at saka ito lumagok hanggang sa maubos ang lamang tubig sa baso.“Harry, pwede ba tayong mag-usap? Hindi pwedeng ganito na lang tayo palagi.” I blocked his way as he was about to pick up his bag. "Ayusin natin 'to, please...''Tinignan niya ako. Tingin na para bang isa akong estran
TAMARA’S P O VTinakbo ko kaagad si Lily at niyakap siya ng mahigpit habang hinalik-halikan ang kanyang ulo. “It’s okay, baby…” I murmured soothingly. “Mommy’s here. It's okay, anak..."She clutched me, her tiny body froze, her little heart thudded frantically.Mga ilang minuto ko ding pinakalma si Lily bago umayos ang tibok ng puso niya. Nakaupo pa rin ako sa kusina habag kandong ko si Lily,. Ang mga mata niya ay nakapikit at ang mukha niya ay nakadikit sa aking dibdib, pero alam kong gising pa siya. Ang sumunod kong narinig ay ang mga yabag pababa ng hagdan pagkatapos ay ang pagbukas at ang pagsara ng pinto sa harapan.Nagmulat bigla ng mga mata si Lily. “Aalis na naman si daddy?” Humihikbing tanong nito, at bago pa ako makasagot ay narinig naming pareho ang pagharurot ng sasakyan ng kanyang ama palayo.Niyakap ko ulit ng mahigpit ang anak ko at saka ko siya binuhat paakyat sa kanyang kwarto. Habang yakap yakap ko siya sa kanyang higaan ay napatingin ako sa kisame, nag-iisip kung an
TAMARA’S P O VPumasyal si Mama sa amin nitong weekend. Tinulungan ko siyang ayusin ang mga gamit niya sa kwarto ni Lily, at habang pinapalitan ko ang kubrekama ay napansin kong nakatitig siya sa akin. Walang nakakaligtas sa kanya kaya bago pa niya ibuka ang kanyang bibig ay alam ko na kaagad kung ano ang itatanong niya.“Okay ka lang ba?” tanong nito habang sinisilip ang mukha ko na pilit kong itinatago sa mahaba kong buhok.Nagkibit ako ng balikat, at pilit na ngumiti. “Oo naman, ma.”“Hindi ka mukhang okay…” saad nito. “Kilala kita, Tamara. Hindi ka marunong magsabi sa akin ng problema.”Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa pagpapalit ng mga punda.“Mahirap ang buhay may asawa.” Pagpapatuloy nito. “Kapag may away, kailangan ayusin agad. Kawawa ang anak niyo kapag hindi niyo agad ito naresolba. You need to work on it as a couple.”Madali sa kanyang sabihin ito dahil nagmamahalan sila ni papa. Wala silang ibang minahal kundi ang isa’t isa. Kaya naman halos madepress siya noong namata
TAMARA’S P O VSinabi ko sa sarili ko na ginagawa ko lamang ang tama. I assured myself na magiging ayos din ang relasyon namin ni Harry. Na magiging kami hanggang sa aming pagtanda at hindinkami maghihiwalay hanggang maabutan pa namin na ikasal si Lily.Naiimagine ko pa ang sarili ko na kinakausap ang anak ko sa mismong araw kanyang kasal, at sinasabi ang mga kataga na binitawan sa akin ni mama noong mismong araw ng kasal ko. “Masarap ang mainlove anak. Lalo na kapag pinakasalan ka ng taong ipinangako mong makakasama mo habang-buhay. Pero pagkatapos ng kasal, doon mo mararamdaman ang hirap. Pero kung magtutulungan at magmamahalan kayo ng tapat at ng may takot sa Diyos, hindi niyo mararamdaman ang hirap na sinasabi ko. Maraming pagsubok na darating pero lahat ng iyan ay inyong kakayanin kung maayos kayong mag-uusap at hn=indi nag-aaway.”Palagi kong ipinagdarasal sa Diyos na sana magtuloy-tuloy na ang improvement ni Harry. Na sana hindi na siya bumalik pa sa dati---laging late umuwi, h
TAMARA’S P O V“Sino ‘yon mommy?” tanong ni Lily ng may paghanga sa kanyang mga mata habang sinusundan ng tingin ang paalis na si Sabrina.“Boss ng daddy mo ‘yon, anak…” sagot ko habang tinitignan kung basa na ng pawis ang likod niya. Kumuha ako ng bimpo sa bag ko at saka ko pinunasan ang likod niya.“Ang ganda pala ng boss ni daddy, mommy…” komento nitong may ngiti sa mga labi. Napakainosente ng anak ko. Hindi niya alam na ang komento niyang iyon ay lalong nagpabigat ng aking nararamdaman. Ako din anak. Hindi ko alam na sexy at maganda ang boss ng daddy mo. Sabi ko sa isip-isip ko.“Halika na. Kuha na tayo ng pagkain. Nagugutom na rin ako.” Yakag ko kay Lily, ang kanyang atensiyon ay pilit kong inilalayo kay Barbie na ngayon naman ay nakikipagtawanan sa iba pang empleyado doon. Ang mga mata ng mga asawa nila nanlilisik habang nakatingin sa kanya ngunit parang wala lang kay Sabrina ito. AKo naman ngayon ang nakatingin ng may awa at simpatiya sa kanila dahil ramdam na nila ngayon kung
TAMARA’S P O VWhile I was walking by without paying attention, a group of garden gnomes that were painted in bright greens, reds, and yellows looked at me with a solemn expression on their faces.“Tamara, you’re pregnant…” Nagmamakaawa ang boses ni Harry. “Will you stop, please…?”Huminto ako, at lumingon sa kanya. I stand still, my heart thumping in my chest, the prick of tears behind my eyes.He froze, standing in the middle of the path. Ang kanyang mga mata ay may mga luhang namumuo, pero hindi ko binigyang-pinansin ang mga iyon. Wala akong pakialam sa pagdadrama, at lalong ayokong tignan ang kanyang mga matang nagsusumamo at baka bumigay ako. Baka mabola niya na naman ako.I don’t want to look into his eyes, and instead focused on my anger. The rage gripped my throat. It rose, swelled, rushed, a boulder flung from a catapult; slammed me, walloped my entire being, flayed me alive.“Tigilan mo ako!" SIgaw ko, ang mga berdeng ugat sa leeg ko ay naglalabasan na sa sobrang galit ko, a
TAMARA’S P O VBumalik ako sa kuwarto at dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa bag ko at binuksan muli ito. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Tadtad ng messages at missed calls ni Harry ang messenger ko, pati na ang aking number mismo. At may tatlong tawag mula kay mama. Napatitig ako sa cellphone ko, iniisip pa kung kaninong number ang aking tatawagan.Sa huli ay napagdesisyunan kong tawagan ang number ng bestfriend ko.“Hello, Tamara?”“Wendy…” bulong ko, hindi na mapigilan ang pagnginig ng aking boses.“Tamara…” ulit nito, at may mga narinig akong iba’t ibang ingay mula sa background. Parang kumakain si Wedy sa labas dahil sa mga nagkakalansingang mga kutsara at tinidor, idagdag pa ang ingay ng mga taong nag-uusap. “Tamara, may problema ka ba?”“Wendy… dinudugo ako. Sa tingin ko… makukunan ako.” Wika ko at napasinghap ako nang may maramdaman akong biglang kumirot sa may bandang tiyan ko, dahilan upang ako ay mapangiwi.“Ano? Bakit? Anong nangyari?” natataranta nitong tanong
TAMARA’S P O VNapaluha ako pagkatapos ibaba ni Lily ang telepono. Sobrang miss ko na siya. Mis na miss ko na ang anak ko. Kailangan ko siya ngayon dito sa tabi ko, pero hindi pwede. Hindi ko rin siya maaalagaan dahil sa kalagayan ko. Mas maiging doon muna siya kay mama habang nagpapagaling pa ako.Nahiga ako sa kama ng dahan-dahan, ang pagitan ng mga hita ko ay nasasalpakan ng pagkakapal kapal na sanitary pads.Nais ko mang iwaksi, ay pilit na bumabalik sa aking isipan ang nangyari sa hospital. Habang itinutulak ng isang medical staff ang wheelchair na sinasakyan ko ay mayroong biglang bumulwak na madulas at parang laman mula sa aking kaibuturan, palabas sa akin. Hindi ito masakit, pero sobra itong nagpabilis ng tibok ng puso ko, at nagpanginig ng aking kalamnan at pagyanig ng buong pagkatao ko.Hindi ito maaari!Hindi pwedeng mawala ang baby ko!“Nurse, may lumabas mula sa akin.” Nanginginig ang boses kong saad dito, ngunit hindi ito nagsalita at nagpatuloy sa pagtulak sa wheelchair
TAMARA’S P O VKinabukasan ay maagang inihatid ni mama si Lily sa school kaya naman pagbaba ko sa kusina para mag-almusal ay hindi ko na sila naabutan. Hindi rin ako ginising ng anak ko. Siguro ay sinabi dito ni mama na hindi ako papasok sa trabaho ngayon. Nag-isip na lamang siguro ng dahilan si mama kung bakit, dahil alam kong matanong ang anak ko.Nagkape muna ako, at kumain ng tasty bread na nilagyan ko ng palaman na peanut butter. Habang kumakain ay nagiiscroll ako sa cellphone ko kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho. Pwede siguro ako sa call center dahil fluent naman akong magsalita ng english. Pwede din sa office ulit, mag-iistart ako sa mababang posisyon kagaya ng secretary o personal assistant. Ilang araw pa lang naman kasi akong branch manager sa opisina kaya hindi ko ito pwedeng ilagay as experience.Ah, bahala na. Lalabas na lamang ako at maghahanap kung ano ang mga hiring.Pagkahugas ko ng ginamit kong tasa ay umakyat na ulit ako sa taas para maligo. Kailangan kong u
TAMARA’S P O VAyos na sana ang lahat. Papatawarin ko na sana siya sa ginawa niya sa akin, kaya lang ay bigla ulit itong nagsalita at sinabing, “Kung magreresign ka man, kailangan mong bayaran ang breach of contract…” nakangisi nitong sabi. “Pero isang tingin ko pa lang sa’yo ay hindi mo na kayang bayaran ito…” dagdag pa nito bago tumaas-baba ang tingin nito sa akin at pinagmasdan ang lumang kasuotan ko. “Hindi din siguro sasapat ang ipon mo para bayaran ako, tama ba?”Yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi na ako nakakapamili ng mga bagong suotin sa opisina dahil iniisip ko ang ipon ko para kay Lily. Para sa kanyang pangangailangan ang kakaunting naipon ko kaya hindi muna ako gumagastos para sa aking sarili. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko at sa anak ko. Heto ako nagtitiis upang mabuhay siyang mag-isa samantalang ang tatay niya ay isang milyonaryo at may-ari ng isang matagumpay na kumpanya.Eksaktong paglapit sa akin ni Daniel ay lumipad
TAMARA’S P O VNagkita ulit kami ni Daniel noong may party ang company, pero isa iyon sa mga hindi ko inaasahang mangyayari. At dahil doon ay nakita kami ni Harry at nag-isip agad ito ng masama tungkol sa amin. Akala ko hindi ko na ulit siya makikita, pero wala namang problema kung magkita ulit kami, pero ‘yung maging boss ko siya at araw-araw kaming magkakasama, hindi ko ata kakayanin iyon, lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Paano kung malaman niya ang tungkol kay Lily? Baka kunin niya sa akin ang anak ko. Natatakot akong gawin niya iyon. Mas mabuti pang magresign na lamang ako sa trabaho, at kahit bumalik kami sa Maynila, huwag lamang mawala ang anak ko sa akin.Noong sinabi sa akin ni Wendy na nagpakasal na ulit si Daniel, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay galit na galit sa akin ang mundo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Maluwag kong tinanggap ang naging kapalaran namin ni Daniel. Alam kong hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil ayaw sa akin n
TAMARA’S P O V As usual, nagviral ang video na iyon ni Wendy at tinadtad ito ng iba’t ibang mga comments kagaya ng: “Malandi ang author ng book, bagay lang sa kanya ‘yan!” “Mang-aagaw! Homewrecker! Kulang pa sa’yo yan!" “Dapat ipasunog lahat ng libro mo. Wala nang bibili niyan! Hindi ka pa sumisikat laos ka na kaagad!” Tapos may nabasa pa akong mga comment tungkol naman ito kay Harry. “’Yang lalaki, may anak yan na six or seven years old. Kaklase dati ng anak ko ang anak niyan sa Cubao.” “Cubao? Di ba taga Cebu si Wendy? Paano sila nagkikita ng ganun kalayo?” “Baka naman etong babae talaga ang habol ng habol at panay ang punta dito sa Maynila para magpakantot lang sa lalaking ‘yan! Idinadahilan lang 'yung libro niya, Napakalandi talaga! Sariling kaibigan mo ang niloko mo! Ahas ka! Doon ka sa gubat nararapat!” “Balita ko naglayas na ‘yung tunay na asawa kasama ‘yung anak nila.” “Kahit ako man, iiwanan ko talaga ang babaerong ‘yan! Walang kwentang lalaki!” Sinubukan ko pang b
TAMARA’S P O VUmiiyak na si Harry sa harap ko. At nagsimula na naman itong maglitanya. Mga araw-araw na message niya sa akin na parang sirang plakang inuulit-ulit niya ngayon.“I’m sorry, Tamara. Please forgive me. Please… pwede pa tayong magsimula ulit. Hindi ko kakayanin ang mawala ka. Ang mawala kayo ni Lily sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Tam. Please…”He looked up at me. And I was reminded of the way he had looked up at my mom as we sat in the living room of her house six years ago. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng sinseridad habang kinakausap ang mama ko para hingin ang mga kamay ko. He was so raw and honest, like his words, stumbling, yet so sweet and gentle.“Alam mo, mabuti na lamang at hindi ikaw ang tunay na ama ng anak ko.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit na namuo sa dibdib ko. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga pagdurusa ni Lily. Sa tuwing sinasabi nito na, ''hindi na ako mahal ni daddy, mommy,'' para akong sinasaksak ng
TAMARA’S P O VNapagdesisyunan kong ibigay na lamang kay Harry ang bahay. Ipinagpipilitan nito na kailangan daw naming maghati kapag naibenta na niya ito. SIyempre hati kami. Hindi ako papayag na mapunta lang ang perang mapagbebentahan namin sa babae niya. At saka mas lugi ako dahil may anak ako. Alam ko naman na hindi siya magsusutento kay Lily, at hindi ko naman talaga hihingin iyon sa kanya, at kahit magpumilit pa ito ay hindi ko tatanggapin dahil wala siyang obligasyon sa anak ko. Wala na siyang karapatan ngayon sa anak ko, dahil lahat ng pagkakataon na ibingay ko ay binalewala lang nito. Hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng anak ko.Isang araw ay tumawag ito pero hindi ko ito sinagot kaya naman nag-iwan na lamang ito ng mensahe sa voice mail.His voice cracked with emotions as he said, “Natanggap ko na ang annulment papers kaninang umaga lang. Gusto kong malaman mo na… hindi ako kumokontra dito. Nagkasala ako sa’yo. Niloko kita, at alam kong hinding-hi
TAMARA’S P O VIt’s been two months. Two months had passed since the day I found out about Harry and Wendy’s secret affair. At magmula noon ay natahimik na ang buhay ko. Nalaman kong niloloko ako ng asawa ko, fine. Ipinagpalit niya ako sa iba, at sa sarili kong kaibigan, fine. Huwag na huwag lang nila akong guguluhin, lalong lalo na ang anak ko dahil talagang magsasampa ako ng kaso para sa kanilang dalawa. Gusto ko sanang ngayon na gawin, pero ayoko na ng gulo. Gusto ko na lamang manahimik para sa kapakanan ng anak ko.Nagdesisyon na rin akong umalis sa bahay na ipinundar naming mag-asawa at nagsabi sa mama ko na doon muna kami sa kanya sa bahay nito sa Sampaloc.Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit namin ni Lily at inilagay ang mga ito sa mga boxes at bags. Lilipat muna kami sa bahay ni mama. Doon muna kami titira dahil ayoko nang manatili pa sa bahay na ito. Maraming mga alaala ditto na gusto ko nang kalimutan.Si Harry ay hindi malaman ang gagawin habang pinapanood ang mga tagaha
HARRY’S P O VNung tumawag si Wendy at sinabi sa akin na nakunan si Tam, pakiramdam ko ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari iyon. Ako ang may dahilan kung bakit siya nakunan. Kay tagal kong hinintay na magkaanak kaming dalawa. Kay tagal naming sumubok, ngunit mawawala lamang ito sa isang iglap dahil sa mga panlolokong ginawa ko.Naalala kong napag-usapan pa namin ito ni Wendy noong una kaming nagkita sa isang coffee shop. Hindi ko malaman kung paano napunta doon ang usapan namin pero bigla na lamang itong binanggit ni Wendy. Hindi ko rin alam na nasabi ito ni Tamara sa kanya.“Sabi ni Tam, tinatry niyo daw magkaroon ng anak? Totoo ba?” tanong nito, at sinagot ko ito ng marahang tango sabay ngiti, pero tinignan niya lang ako nang may awa sa kanyang mga mata na ikinakunot ng aking noo. “Hindi mo nga siya masatisfy, paano mo pa siya mabubuntis?” she sighed, and I secretly rolled my eyes. “Huwag kang mag-alala, ituturo ko ang lahat sa’
HARRY’S P O VMay ipinakita pang isang litrato si Abby sa akin. Ito ay ang plate number ng kotse ko para daw maniwala ako na nakita niya talaga ako noong gabing iyon. At sa ikatlong picture ay ang ulo ni Wendy na nakasubsob sa pagitan ng aking mga hita habang ang isang kamay ko ay hawak-hawak ang buhok niya, ang mga mata ko ay nakatirik, at nakabuka ang aking bunganga.Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko. Ang unang unang pumasok sa isip ko ay, hindi ito kailangang malaman ng asawa ko.“Isa siyang kaibigan…” medyo nanginginig pa ang boses ko nung sinagot ko si Abby. “Nag-away sila ng asawa niya, kaya… dinadamayan ko lang siya sa problema niya.” Pagsisinungaling ko dito.“Talaga ba?” Abby chortled. “Pero bakit naghahalikan kayo? Ang dalawang magkaibigan ay hindi maghahalikan dahil lamang sa isang problema sa pamilya. Huwag kang magsisinungaling sa akin kuya.”Hindi siya naniniwala sa akin. Sino ba namang tanga ang maniniwala sa mga sinabi ko?"Sasabihin mo ba sa ate mo?” ta