Share

Chapter 3

Author: OrangeLemon
last update Last Updated: 2024-09-27 11:54:41

"Ibon ang paborito kong hayop. Dahil katulad nila, gusto ko rin na malaya makalipad," nakangiting paliwanag ni Sandra sa anak na si Cielo.

Tatlong taon na ang lumipas simula nang naaksidente si Sandra, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ala-ala. Hindi niya pa rin alam kung sino ba talaga siya. Nang habulin ni Divina ang babaeng pumunta sa hospital noon, ang sabi nito ay nagkamali lamang ito at hindi talaga nito kilala si Sandra. At simula noon, wala na talaga silang nahanap na nakakakilala sa kanya.

Kahit pa ipinalabas na nila sa tv, radyo, o newspaper man ay wala pa rin. Siguro ay isa siyang ulila. Pero kahit na kaibigan ay wala rin siya?

"My favorite animal is dog, mommy!" masiglang sabi ni Cielo at tumalon-talon pa sa tuwa. "Can you buy me one?"

Natawa naman si Sandra at pinitik ang ilong ng anak. "No, hindi pwede. Hindi ba't sinabi ko na sayo na allergy si Mamita sa mga aso? Gusto mo ba na magkasakit siya?"

Ngumuso si Cielo at umiling. "Ayaw ko po magkasakit si Mamita."

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" boses ni Divina mula sa pintuan.

Sabay na napatingin doon sina Sandra at Cielo. Agad namang na bumaba si Cielo sa pagkakakarga kay Sandra at tumakbo palapit kay Divina at yumakap.

"Mamita! I missed you so much! Akala ko hindi ka na babalik!" giliw na bulalas ng bata.

"Pwede ba namang hindi ako umuwi? Sobrang busy lang talaga si Mamita sa work." 

Nakangiting pinanood ni Sandra ang dalawa na maglambingan. Sa edad na tatlong taon ay matalinong bata si Cielo. Tuwid na tuwid din ito magsalita at parang matanda kung makipag-usap.

"Nagpasaway ka ba sa mommy mo? Hindi mo ba siya binigyan ng sakit ng ulo?"

"Hindi po, Mamimita!"

Tumayo si Sandra para salubongin si Divina at yumakap din. Hinalikan naman siya ni Divina sa pisngi.

"How are you, Candy? Hindi ba sumakit ang ulo?" tanong nito.

"Hindi naman, Mama," sagot ni Sandra. "Nakapagpahinga rin ako nang matagal dahil ilang araw walang pasok ssa eskwela si Cielo."

Walang mapuntahan si Sandra matapos ang mga test at therapy na isinagawa ng doctor sa kanya. Buntis pa siya at parating sumasakit ang ulo. Kaya naman kinupkop siya ni Divina. Binihisan, inaruga, at binigyan ng bagong pangalan. Laking pasasalamat niya rito, dahil kung wala ito ay hindi niya alam kung paano ulit magsisimula.

"Mabuti naman kung ganon." Binuhat nito si Cielo at tumungo sa kusina nang dalhin ng driver ang mga dala nito. "Marami akong pasalubong sa inyo. At oo nga pala, gusto raw bumili ng mga rosas ni Mr. Dantes. Gusto niya magpadala roon ng sample, para sa kasal ng anak niya. Pero imposible na makapunta ako bukas."

"Ako na ang bahala, Mama. Ibigay mo sa akin ang address kung saan kayo magkikita. I will closed the deal," mayabang na sabi niya.

Simula nang ampunin siya ni Divina ay tumutulong na siya sa business nito. Kung hindi siya nasa farm para asikasuhin ang mga tanim nilang bulaklak ay siya naman ang humaharap sa mga client nila.

Parati rin sinasabi sa kanya ni Divina na siya ang swerte sa negosyo nito. Palugit na raw kasi ang farm nito, pero nang dumating siya sa buhay niya ay sa isang iglap muling sumagana ang farm kaya naman naging malakas din ang benta.

"Sandra... I Iove Catherine... Hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya kahit na ikinasal pa tayo at ikaw ang nakakasama ko sa loob ng isang taon."

"Sinubukan... mo ba ako mahalin?Kahit kunti lang..."

"I tried. Pero hindi ganon kadali na kalimutan ang meron kami ni Catherine—"

Nagising si Sandra bandang alas dos ng madaling araw dahil sa masamang panaginip. Naroon siya sa pananginip niya at ang isang lalaki. Pero hindi niya maaninag ang mukha nito. Malabo iyon, pero pakiramdam niya ay nadudurog ang puso niya sa tuwing magbibitaw ang lalaki ng mga salita sa pananginip niya.

Hindi lang iyon ang unang beses siyang nanaginip tungkol sa lalaking walang mukha, pero may boses. At sa tuwing napapananginipan niya ito, nagigising na lang siya umiiyak at hirap huminga.

Hindi na siya ulit nakatulog pa kaya bumaba na siya sa kusina para maghanda ng almusal. Tulog na tulog pa ang lahat ay siya lamang ang gising.

Alas otso rin ang meeting nila ni Mr. Dantes kaya naligo na siya pagkatapos. Pulang rosas ang napili nito, kaya naman nagdala siyang ilang variety ng pulang rosas. May 20 minutes pa, bago ang meeting nila nang dumating siya.

"Hi, I have a reservation under Mr. Ramon Dantes?" bati niya sa receptionist ng restaurant kung saan sila magkikita ng Mr. Dantes.

"Kadarating din lang ng soon-to-be son-in-law ni Mr. Dantes, Ma'am," sagot naman ni reception at inihatid siya sa table kung nasaan ang sinabi nitong son-in-law ni Mr. Dantes.

Nakatalikod sa kanya ang lalaki. Pero halata sa katawan nito ang tigas ng pangangatawan. Nakasuot ito ng suit at mukhang mayaman talaga.

"Hi, I'm Candy Fortez. My mom can't come, so I'm her proxy." Inilahad ni Sandra ang kamay sa harapan ng lalaki.

Ibinaba ng lalaki ang hawak nitong cellphone, at akmang aabutin ang kamay niya para makipag-shake hands ay napatigil ito at nanlaki ang mga mata.

"S-Sandra...?" gulat na tawag nito.

Napalunok si Sandra. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pamilyar ang lalaking kaharap niya, pero hindi niya alam kung paano at saan niya ito nakilala. Pero bakit kumikirot na naman ang puso niya?

Umiling ang lalaki, para bang naguguluhan. Bakas din sa mukha nito ang lungkot. "You're name is... Candy? Imposible... ikaw si Sandra—kilala ko ang mga titig mo."

Sandra... Iyon ba ang totoo niyang pangalan? Kilala ba siya ng lalaking ito?

Bigla siyang napahawak sa ulo niya. Sumakit na naman iyon, pero iba ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Mas matindi ito sa nararanasan niya kadalasan.

"Ahh!" Napaupo siya sa sahig habang hawak-hawak ang ulo.

"Sandra, anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya.

Kumapit si Sandra sa braso ng lalaki habang iniinda ang sakit. She needs her medicine. Nasa sasakyan ang gamot niya.

"Do you want me to take you to the hospital?"

Umiling siya at tinuro ang labas ng restaurant. "D-Dalhin... Dalhin mo ako sa sasakyan ko."

Mabilis siyang itinayo ng lalaki at inalalayan. "Sabihin mo kung saan nakapark ang sasakyan mo."

Itinuro naman kung saan nakaparada ang sasakyan niya at pumasok sa loob. Ang akala niya ay aalis na ang lalaki, pero pumasok din ito sa passenger seat.

"Anong nangyari sayo? I've been trying to find you, bigla ka na lang nawala."

Dinukot ni Sandra ang gamot at binuksan ang bottled water para inumin ang gamot. Ipinikit niya ang mata at sumobsob sa manobela ng kotse.

"Pinuntahan kita sa bahay niyo sa probinsya, pero ni isa sa kanila ay walang makapagsabi kung nasaan ka?"

Patuloy lang sa pagsasalita ang lalaki sa tabi niya, at patuloy rin sa pagsakit ang ulo niya. Kailangan niya pumunta ng hospital. Mukhang hindi na kaya ng gamot ang sakit na nararamdaman niya. Para iyong binibiyak nang dahan-dahan at pinuputol ang mga ugat doon.

"Aalagaan kita, mamahalin, at hindi paiiyakin... Ipinapangako ko na sa hirap at ginagawa, ikaw ang makakasama ko..." may pumasok na ala-ala sa utak niya kaya mas lalo pang dumagsag ang sakit sa ulo niya. "Bubuo tayo ng masayang pamilya... At pipiliin kita sa araw-araw..."

Tumulo ang mga luha niya. Doon niya lang napagtanto ang lahat. Ang mga masasamang pananginip niya, ang boses doon... ay ang boses ng lalaking katabi niya ngayon.

Nag-angat siya ng tingin at hinarap ang lalaki na nasa passenger seat, umiiyak. Naaalala na niya. Naaalala na niya kung sino siya.

Siya si Sandra Lustre-Zobel... ang asawa ni Yohan Zobel, ang babaeng niloko ng asawa niya at ipinagpalit sa ex-girlfriend nito.

"S-Sandra..." tawag ni Yohan sa kanya. Inabot nito ang kamay niya, pero mabilis niya iyong tinabig.

"Lumabas ka ng sasakyan ko," mariin niyang sabi.

Ito ang dahilan kung bakit siya naaksidente at nawalan ng ala-ala sa mahigit na tatlong taon. Inuwi nito si Catherine sa bahay nila, at pinalayas siya. At si Catherine... Si Catherine ang babaeng dumalaw sa kanya noon sa hospital at nagsabing deserve niya kung ano ang mangyari sa kanya.

"Sandra, please. Kailangan ko malaman kung anong nangyari sayo. Matagal kitang pinapahanap—"

"Para saan? Para ano?" She cut him in between, nagpupuyos sa galit. "Para saktan mo ulit ako? Hindi ba't ibinigay ko na sayo ang gusto mo? Pumirmahan ko na ang divorce, matagal na!"

Muling pinilit na abutin ni Yohan ang kamay niya pero malakas niya itong sinampal. "Tama na, Yohan! Umalis ka na!"

"Sandra, let me explain—"

"Paliwanag? Anong dapat mo ipaliwanag?! Malinaw na sa akin na si Catherine ang mas pinili mo. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pa ako ipahahanap!"

She can't believe na ang magpapabalik lang pala ng ala-ala niya ay siya ring dahilan kung bakit ito nawala. At ngayon ay pinagsisisihan niya kung bakita ginusto niya pa muling makaalala. Kung alam niya lang na ganito pala kasakit ang naging buhay niya, sana ay tuluyan na lang hindi bumalik ang ala-ala niya.

Nag-ring ang cellphone ni Yohan. Nakita ni Sandra ang pangalan ni Catherine sa caller ID at bakas naman ang hesitation sa mukha ni Yohan na sagutin ang tawag.

"Uulitin ko, umalis ka na bago pa ako tumawag ng security para ipakaladkad ka," buong tapang niyang sabi.

Ilang sandali pa tumitig sa kanya si Yohan, bago ito tumango at binuksan ang pintuan ng passenger seat. Nang malakas si Yohan ay mabilis na pinatakbo si Sandra ang sasakyan paalis.

Napahawak siya sa dibdib niya. Muling nahihirapan huminga. Bakit ba kailangan pa nila muling magtagpo ng mga landas? Bakit hindi na lang sila mamumunay ng tahimik? Bakit kailangan siya paulit-ulit na masaktan dahil lang sa lalaking iyon?

Related chapters

  • The Broken Marriage Vow   Chapter 1

    "Ikaw na talaga, Sandra. Ikaw na ang pinakaulirang asawa. I wish you and your husband a lifetime full of love." Nakangiting palakpak ni Hannah sa kanya.Tinutulungan nito si Sandra para sa surprise dinner na gagawin ni Sandra para sa asawa niyang si Yohan.Ngayon ang unang anniversary ng kasal nila ni Yohan ay gusto ni Sandra na paghandaan ito nang bongga. She wanted to make it more special and meaningful for them. At sana ay maraming anniversary pa ang dumaan sa kanila.Napatingin siya sa wristwatch niya, at nakitang malapit na mag alas otso y media ng gabi kaya nagligpit na agad sila pagkatapos ng mga dapat ayusin at ihanda. Parating na si Yohan Ilang minuto na lang at ayaw ni Sandra na mapurnada ang kanyang surpresa."Maraming salamat sa tulong mo, Hannah. Naku, hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi ka dumating. I owe you this." Sincere niyang pasasalamat sa kaibigan, bago niya ito ihatid palabas ng mansyon. Hannah then gave her a hug. "Ano ka ba, wala iyon. Para saan pa at

    Last Updated : 2024-09-26
  • The Broken Marriage Vow   Chapter 2

    The truth is, their marriage wasn't formed because of love. It was formed because Sandra made a move. Ginawa ni Sandra ang lahat para mapansin siya ni Yohan noon. Wasak na wasak si Yohan noon nang iwan ito ni Catherine, kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon para mapalapit siya dito.Seducing Yohan at her lowest and submitting her own body just to fulfill the place of Catherine. And because Yohan needed to be married before he gets the whole empire, he married the most convenient girl he knew... and that was her."Huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin, Sandra," matigas na pakiusap ni Yohan sa kanya. "Pirmahan mo na ang divorce paper. You will get a monthly allowance as a settlement."Hindi pera o kahit anong settlement ang kailangan niya. Si Yohan ang kailangan niya, ang asawa niya. Pero paano niya ito ipaglalaban, kung ito mismo ay pinipilit siya na huwag lumaban? Gusto niyang isalba ang marriage nila, pero si Yohan na mismo ang sumira nito.Pinunas niya luha, at malamig na

    Last Updated : 2024-09-27

Latest chapter

  • The Broken Marriage Vow   Chapter 3

    "Ibon ang paborito kong hayop. Dahil katulad nila, gusto ko rin na malaya makalipad," nakangiting paliwanag ni Sandra sa anak na si Cielo.Tatlong taon na ang lumipas simula nang naaksidente si Sandra, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ala-ala. Hindi niya pa rin alam kung sino ba talaga siya. Nang habulin ni Divina ang babaeng pumunta sa hospital noon, ang sabi nito ay nagkamali lamang ito at hindi talaga nito kilala si Sandra. At simula noon, wala na talaga silang nahanap na nakakakilala sa kanya.Kahit pa ipinalabas na nila sa tv, radyo, o newspaper man ay wala pa rin. Siguro ay isa siyang ulila. Pero kahit na kaibigan ay wala rin siya?"My favorite animal is dog, mommy!" masiglang sabi ni Cielo at tumalon-talon pa sa tuwa. "Can you buy me one?"Natawa naman si Sandra at pinitik ang ilong ng anak. "No, hindi pwede. Hindi ba't sinabi ko na sayo na allergy si Mamita sa mga aso? Gusto mo ba na magkasakit siya?"Ngumuso si Cielo at umiling. "Ayaw ko po magkasakit si Mamita.""A

  • The Broken Marriage Vow   Chapter 2

    The truth is, their marriage wasn't formed because of love. It was formed because Sandra made a move. Ginawa ni Sandra ang lahat para mapansin siya ni Yohan noon. Wasak na wasak si Yohan noon nang iwan ito ni Catherine, kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon para mapalapit siya dito.Seducing Yohan at her lowest and submitting her own body just to fulfill the place of Catherine. And because Yohan needed to be married before he gets the whole empire, he married the most convenient girl he knew... and that was her."Huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin, Sandra," matigas na pakiusap ni Yohan sa kanya. "Pirmahan mo na ang divorce paper. You will get a monthly allowance as a settlement."Hindi pera o kahit anong settlement ang kailangan niya. Si Yohan ang kailangan niya, ang asawa niya. Pero paano niya ito ipaglalaban, kung ito mismo ay pinipilit siya na huwag lumaban? Gusto niyang isalba ang marriage nila, pero si Yohan na mismo ang sumira nito.Pinunas niya luha, at malamig na

  • The Broken Marriage Vow   Chapter 1

    "Ikaw na talaga, Sandra. Ikaw na ang pinakaulirang asawa. I wish you and your husband a lifetime full of love." Nakangiting palakpak ni Hannah sa kanya.Tinutulungan nito si Sandra para sa surprise dinner na gagawin ni Sandra para sa asawa niyang si Yohan.Ngayon ang unang anniversary ng kasal nila ni Yohan ay gusto ni Sandra na paghandaan ito nang bongga. She wanted to make it more special and meaningful for them. At sana ay maraming anniversary pa ang dumaan sa kanila.Napatingin siya sa wristwatch niya, at nakitang malapit na mag alas otso y media ng gabi kaya nagligpit na agad sila pagkatapos ng mga dapat ayusin at ihanda. Parating na si Yohan Ilang minuto na lang at ayaw ni Sandra na mapurnada ang kanyang surpresa."Maraming salamat sa tulong mo, Hannah. Naku, hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi ka dumating. I owe you this." Sincere niyang pasasalamat sa kaibigan, bago niya ito ihatid palabas ng mansyon. Hannah then gave her a hug. "Ano ka ba, wala iyon. Para saan pa at

DMCA.com Protection Status