The truth is, their marriage wasn't formed because of love. It was formed because Sandra made a move. Ginawa ni Sandra ang lahat para mapansin siya ni Yohan noon. Wasak na wasak si Yohan noon nang iwan ito ni Catherine, kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon para mapalapit siya dito.
Seducing Yohan at her lowest and submitting her own body just to fulfill the place of Catherine. And because Yohan needed to be married before he gets the whole empire, he married the most convenient girl he knew... and that was her.
"Huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin, Sandra," matigas na pakiusap ni Yohan sa kanya. "Pirmahan mo na ang divorce paper. You will get a monthly allowance as a settlement."
Hindi pera o kahit anong settlement ang kailangan niya. Si Yohan ang kailangan niya, ang asawa niya. Pero paano niya ito ipaglalaban, kung ito mismo ay pinipilit siya na huwag lumaban? Gusto niyang isalba ang marriage nila, pero si Yohan na mismo ang sumira nito.
Pinunas niya luha, at malamig na tumitig sa asawa niya. "Let's go inside. I'll sign it." Tinalikuran niya ang dalawa at naunang pumasok sa loob ng mansyon. Narinig naman niya ang tunog ng mga takong ni Catherine, tanda na ito ang kaagad na sumunod sa kanya.
"Katulad ng sinabi ko ay makakakuha ka ng monthly allowance, dederitso iyon sa bank mo. Ibibigay ko rin sayo ang rest house natin sa tagaytay," sabi ni Yohan at inilapag ang divorce paper sa lamesa, kasama na rin ang ballpen.
Hindi niya alam kung kailan pa pinagpaplanuhan ni Yohan na hiwalayan siya, pero isa lang ang sigurado niya. May plano talaga ito na iwan siya, dumating man si Catherine o hindi.
Matapos pirmahan ni Sandra ang divorce ay binigyan lang siya ni Yohan ng isang oras para mag-impake ng mga dadalhin niyang gamit. Nag-iiyakan ang mga kasambahay habang tumutulong sa kanya ilagay sa maleta ang mga gamit niya. Pati na rin si Nana Cora ay hindi mapigilan na hindi humagolhol sa lungkot.
"Ma'am Sandra, talaga bang hindi niyo na maaayos ni Sir Yohan?" tanong ng isang kasambahay.
Hindi siya sumagot. Wala na siyang lakas para ibukas pa ang mga bibig at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa para makaalis na. As she was walking out of the mansion, she saw them both kissing in the living room.
She doesn't want to prolong her agony anymore... So, even though she's not yet prepared, she left the mansion.
Narinig niya na tinawag siya ni Yohan, pero hindi na siya lumingon pa. Sa halip ay tumakbo siya palayo sa mansyon hila-hila ang dalawang malaking maleta, umiiyak na naman.
While running through the roads, she was so busy crying that she didn't see a car coming in her direction. It was too late when she saw it. Before Sandra could even run away, the car had already hit her, causing another painful experience.
**
"Ilang araw na siya dito at hindi pa rin siya gumigising, doc. Wala ka bang pwedeng gawin?" slang na boses ng babae ang narinig ni Sandra, kaya dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. "Oh my god... she's awake! Gising na siya!"
Mabilis siyang nilapitan ng doctor at tiningnan ang mga mata. Hirap siyang igalaw ang mga kamay at paa, para siyang nakatali at nadadagaan ng mga bakal.
"Do you feel anything? Anong nararamdaman mo?" tanong ng ginang sa tabi niya.
Tumitig si Sandra sa babae. Hindi niya ito kilala. "Nasaan ako?" tanong niya at inilibot ang tingin sa paligid. Napagtanto niya na nasa hospital siya. Pero hindi niya maalala kung bakit siya nasa hospital. "Anong... ginagawa ko rito?"
Nagkatinganan ang ginang at ang doctor sa tanong niya. May mali ba siyang nasabi? Hindi naman talaga siya alam kung bakit siya nasa hospital, at kung anong ginagawa niya rito. Ang huling natatandaan niya ay... wala.
"Hindi mo alam?" parang gulat na tanong ng babae.
Umiling si Sandra. "Hindi ko alam. Wala akong maalala."
"How about your name? Your age, saan ka nakatira?" sabat naman ng doctor at sumenyas sa isang nurse na i-check ang vitals niya.
Sandaling natigilan si Sandra at muling sinubukan alalahanin. She closed her eyes and imma hold her head, bigla iyong sumakit. May nakikita siyang pigura ng lalaki, pero pero wala siyang marinig na boses.
Sino ang lalaking iyon?
"Miss, anong huling natatandaan mo?" Nagmulat si Sandra nang muling marinig ang boses ng doctor.
Sinalubong niya ang mga titig nito, at napagtanto na tumutulo na pala ang mga luha niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay masakit ang puso niya at may malalim siyang pinagdadaanan.
"W-Wala akong maalala..." Umiiyak niyang sagot. "B-Bakit... ganito? Bakit hindi ko matandaan man lang kung anong pangalan ko? Anong nangyari?"
Nilapitan siya nang babae ay hinawakan sa balikat. Inalo siya nito at pinunasan ang mga luha niya. "Kasalanan ko. Kasalanan ko ito. Hindi kita nakita noong gabi na nagda-drive ako."
Kumunot ang noo ni Sandra. Hindi maintindihan ang sinasabi ng babae. "Gabi? Anong nangyari?"
"Nagmamadali ako makauwi sa bahay. Nakita kita tumatakbo, hila-hila ang dalawang maleta. Ang akala ko ay hihinto ka at pauunahin ako, pero nagulat na lang ako na bigla kang tumawid at parang wala ka sa sarili mo."
May dala siyang maleta? Bakit? At saan siya pupunta?
"Pero imposible na walang pamilya na maghahanap sa akin," inis niyang sabi. "Ilang araw na ba ako rito sa hospital? Siguro naman ay may pumuntang kakilala ko rito?"
Hindi sumagot ang babae. Nagbuntong-hininga ito at tumingin sa doctor na nakatayo sa harapan nila. "Tatlong linggo ka na rito, comatose. Sinubukan ko rin ipagtanong ka maliit sa pinangyarihan ng aksidente kung kilala ka nila, pero walang nakakakilala sayo roon."
Kahit isang tao ay walang nakakakilala sa kanya? Anong kalokohan iyon! Paanong walang nakakakilala sa kanya?
"Iyan ang naging resulta ng pagkabagog ng ulo mo—nawalan ka ng ala-ala," bulalas ng doctor. "Bukod pa roon ay nakita ay nakita namin na isang buwan ka nang buntis. Ligtas naman ang bata sa tiyan mo at walang nangyari."
Napahawak siya sa bibig niya. Buntis siya. Hindi kaya may asawa siya? O boyfriend? Hindi naman siya mabubuntis kung wala. Maliban na lang kung sumiping siya sa ibang lalaki kaya siya nabuntis.
Nagpaalam na ang doctor at sinabing may ihahanda itong mga test na gagawin sa kanya mamaya. Naiwan naman si Sandra na katulala sa kawalan at patuloy na nag-iisip kung sino ba talaga siya.
"Huwag ka mag-alala, iha. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang pamilya mo. Hindi ako patatahimikin ng konsensya ko kung makikita kita na ganito." Bakas sa mukha ng babae ang guilt.
Gusto rin ito sisihin ni Sandra, pero wala na siya roon magagawa pa. Nangyari na, tapos na iyon. Ang kailangan niya ngayon ay mahanap ang pamilya niya. Hindi siya pwedeng wala ala-ala.
"Ang... mga gamit ko," panimula niya. "Wala ka bang nakita sa sinasabi mong dala kong maleta?"
Umiling ang babae. "Wala akong nakita. Mga damit lamang ang naroon. Ang wallet mo ay hindi ko na nakita pa. Siguro ay nahulog iyon sa bangin nang tumilapon ka." Inabot nito sa kanya ang news paper. "Nagpalagay na rin ako rito ng announcement tungkol sayo. May isang babae na tumawag sa akin kanina lang, pupunta raw siya rito."
Sumigla ang puso ni Sandra. "Talaga? Sana nga ay kakilala niya ako para makauwi na ako."
Muling bumalik ang doctor matapos ang dalawang oras, para sa mga test na gagawin sa kanya. Hindi raw alam ng mga ito kung kailan babalik ang ala-ala niya, pero kung totoo ngang may pupunta mamaya rito sa hospital para dalawin siya ay malaking tulong iyon para sa kanya at ipaalala ang buhay na meron siya bago siya naaksidente.
"Aasikasuhin ko lang ang mga gamot mo, babalik din ako agad," paalam ni Divina, ang babaeng nagdala sa kanya rito sa hospital. Masasabi niyang mabait itong tao dahil kung Ina ang nakabangga sa kanya, siguro ay hinayaan na lang siya namatay.
Tumango siya at muling bumalik sa pagkakahiga. Ilang sandali ay pa bumukas ulit ang pintuan, akala niya ay bumalik si Divina. Pero isang matangkad at sexy na babae ang nakatayo roon. May dala-dala itong basket ng mga prutas. Napakaganda nito at hindi maiwasan na hangaan ito.
Bumangon siya at nginitian ang babae. "Ikaw na ang sinasabi ni Divina na nakakakilala sa akin? Kilala mo ba talaga ako? B-Bakit... Bakit ako may dalang maleta? Kaano-ano kita?" Sunod-sunod na tanong ni Sandra.
Napatitig sa kanya ang babae at sarkastikong natawa. "So totoo nga nawala kang ala-ala?"
Unti-unting nabura ang mga ngiti ni Sandra sa tuno ng pananalita ng babae. "Buntis din daw ako," pag-aamin niya.
Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ng babae. Mariin siya nitong tinitigan. "You deserven kung ano man itong nangyayari sayo. Tama lang ito."
Napalunok si Sandra. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng babae. Bakit parang may galit ito sa kanya?
"M-May... nagawa ba ako sayong hindi maganda? Nasaktan ba kita?" naguguluhan talaga siya. Hindi niya gusto na walang ala-ala. Para siyang inutil at walang silbi.
Hindi na sumagot pa ang babae. Naglakad ito papunta sa bedside table at inilapad doon ang mga prutas, at tsaka ito nagsimulang maglakad palabas.
"Sandali, Miss! Sandali lang! Sagutin mo muna ang mga tanong ko!" sigaw niya sa babae at pinilit na tumayo para habulin ito. Pero natumba lamang siya at hindi makatayo. "Huwag ka muna umalis!" Umiiyak na pakiusap niya.
Bumukas ulit ang pintuan at ganon na lamang ang gulat ni Divina nang makita siya nito na nasa sahig. Ibinalik siya nito sa kama at inayos ang damit niya.
"Bakit ka ba tumayo?" pagalit nitong sermon. "Hindi ba't sabi ng doctor na hindi ka pa pwede maglakad?"
Itinuro niya ang pintuan. "Yung babae, Divina... Kilala niya ako. Sigurado akong kilala niya ako."
"Babae?"
"Yung babaeng sinasabi mo, pumunta siya rito. Kaaalis niya lang. Sinabi niya sakin na nararapat lang ang nangyari sa akin."
Kumunot ang noo ni Divina, parang hindi pa naniniwala sa kanya. "Sigurado ka ba? Wala naman akong nakasalubong na babae."
"Totoo ang sinasabi ko!" giit ni Sandra at itinuro naman ang mga prutas. "Siya ang may dala nito! At alam kong maraming siyang nalalaman tungkol sa akin! Galit siya at kailangan ko malaman kung bakit!"
Tinapik ni Divina ang balikat ni Sandra para pakalmahin siya. "Sige, susubukan ko siyang habulin para ipagtanong ang tungkol sayo."
"Ibon ang paborito kong hayop. Dahil katulad nila, gusto ko rin na malaya makalipad," nakangiting paliwanag ni Sandra sa anak na si Cielo.Tatlong taon na ang lumipas simula nang naaksidente si Sandra, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ala-ala. Hindi niya pa rin alam kung sino ba talaga siya. Nang habulin ni Divina ang babaeng pumunta sa hospital noon, ang sabi nito ay nagkamali lamang ito at hindi talaga nito kilala si Sandra. At simula noon, wala na talaga silang nahanap na nakakakilala sa kanya.Kahit pa ipinalabas na nila sa tv, radyo, o newspaper man ay wala pa rin. Siguro ay isa siyang ulila. Pero kahit na kaibigan ay wala rin siya?"My favorite animal is dog, mommy!" masiglang sabi ni Cielo at tumalon-talon pa sa tuwa. "Can you buy me one?"Natawa naman si Sandra at pinitik ang ilong ng anak. "No, hindi pwede. Hindi ba't sinabi ko na sayo na allergy si Mamita sa mga aso? Gusto mo ba na magkasakit siya?"Ngumuso si Cielo at umiling. "Ayaw ko po magkasakit si Mamita.""A
"Ikaw na talaga, Sandra. Ikaw na ang pinakaulirang asawa. I wish you and your husband a lifetime full of love." Nakangiting palakpak ni Hannah sa kanya.Tinutulungan nito si Sandra para sa surprise dinner na gagawin ni Sandra para sa asawa niyang si Yohan.Ngayon ang unang anniversary ng kasal nila ni Yohan ay gusto ni Sandra na paghandaan ito nang bongga. She wanted to make it more special and meaningful for them. At sana ay maraming anniversary pa ang dumaan sa kanila.Napatingin siya sa wristwatch niya, at nakitang malapit na mag alas otso y media ng gabi kaya nagligpit na agad sila pagkatapos ng mga dapat ayusin at ihanda. Parating na si Yohan Ilang minuto na lang at ayaw ni Sandra na mapurnada ang kanyang surpresa."Maraming salamat sa tulong mo, Hannah. Naku, hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi ka dumating. I owe you this." Sincere niyang pasasalamat sa kaibigan, bago niya ito ihatid palabas ng mansyon. Hannah then gave her a hug. "Ano ka ba, wala iyon. Para saan pa at
"Ibon ang paborito kong hayop. Dahil katulad nila, gusto ko rin na malaya makalipad," nakangiting paliwanag ni Sandra sa anak na si Cielo.Tatlong taon na ang lumipas simula nang naaksidente si Sandra, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ala-ala. Hindi niya pa rin alam kung sino ba talaga siya. Nang habulin ni Divina ang babaeng pumunta sa hospital noon, ang sabi nito ay nagkamali lamang ito at hindi talaga nito kilala si Sandra. At simula noon, wala na talaga silang nahanap na nakakakilala sa kanya.Kahit pa ipinalabas na nila sa tv, radyo, o newspaper man ay wala pa rin. Siguro ay isa siyang ulila. Pero kahit na kaibigan ay wala rin siya?"My favorite animal is dog, mommy!" masiglang sabi ni Cielo at tumalon-talon pa sa tuwa. "Can you buy me one?"Natawa naman si Sandra at pinitik ang ilong ng anak. "No, hindi pwede. Hindi ba't sinabi ko na sayo na allergy si Mamita sa mga aso? Gusto mo ba na magkasakit siya?"Ngumuso si Cielo at umiling. "Ayaw ko po magkasakit si Mamita.""A
The truth is, their marriage wasn't formed because of love. It was formed because Sandra made a move. Ginawa ni Sandra ang lahat para mapansin siya ni Yohan noon. Wasak na wasak si Yohan noon nang iwan ito ni Catherine, kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon para mapalapit siya dito.Seducing Yohan at her lowest and submitting her own body just to fulfill the place of Catherine. And because Yohan needed to be married before he gets the whole empire, he married the most convenient girl he knew... and that was her."Huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin, Sandra," matigas na pakiusap ni Yohan sa kanya. "Pirmahan mo na ang divorce paper. You will get a monthly allowance as a settlement."Hindi pera o kahit anong settlement ang kailangan niya. Si Yohan ang kailangan niya, ang asawa niya. Pero paano niya ito ipaglalaban, kung ito mismo ay pinipilit siya na huwag lumaban? Gusto niyang isalba ang marriage nila, pero si Yohan na mismo ang sumira nito.Pinunas niya luha, at malamig na
"Ikaw na talaga, Sandra. Ikaw na ang pinakaulirang asawa. I wish you and your husband a lifetime full of love." Nakangiting palakpak ni Hannah sa kanya.Tinutulungan nito si Sandra para sa surprise dinner na gagawin ni Sandra para sa asawa niyang si Yohan.Ngayon ang unang anniversary ng kasal nila ni Yohan ay gusto ni Sandra na paghandaan ito nang bongga. She wanted to make it more special and meaningful for them. At sana ay maraming anniversary pa ang dumaan sa kanila.Napatingin siya sa wristwatch niya, at nakitang malapit na mag alas otso y media ng gabi kaya nagligpit na agad sila pagkatapos ng mga dapat ayusin at ihanda. Parating na si Yohan Ilang minuto na lang at ayaw ni Sandra na mapurnada ang kanyang surpresa."Maraming salamat sa tulong mo, Hannah. Naku, hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi ka dumating. I owe you this." Sincere niyang pasasalamat sa kaibigan, bago niya ito ihatid palabas ng mansyon. Hannah then gave her a hug. "Ano ka ba, wala iyon. Para saan pa at