AYA
NAPAKO ako sa aking kinatatayuan habang nakaawang ang bibig ko. Hindi ko man nakikita ay nararamdaman kong namumula ang pisngi ko. Hindi ko talaga inaasahan ang paagahan niya sa akin."Miss Santillan, I know you're there. Privacy, please."Napukaw lang ako nang marinig ko siyang magsalita. Flushed with embarrassment, I immediately closed the door at saka napasandal sa pader. I can still feel my heart racing from that unexpected breakfast. Ihain ba naman niya ang puwet niya!Nagpatuloy lang si Mister Unknown sa pagligo habang ako naman ay unti-unti nang ikinakalma ang sarili. Para mabaling ang isip sa ibang bagay ay napagpasyahan kong maglakad-lakad sa loob ng kanyang napakalinis na kuwarto. I was amazed. From his furnitures to his wall decorations, lahat ay organisado. Hindi ko maiwasang maisip kung lalaki nga ba ito. Tila ba'y kakaiba siya sa karamihan ng lalaking mga kakilala ko when it comes to cleanliness and orderliness.Napaangat ako bahagya nang tingin nang mapansin ko ang isang bagay na nakadikit sa ibabaw ng headboard ng kama niya. A beautifully crafted anchor was pasted on the wall. I can't help but furrow my brows while studying the anchor with intrigue. Sa pagkalaki-laki nito ay ngayon ko pa lamang ito napansin. Sa disenyo at puwesto nito, I couldn't help but wonder about its significance.My curiosity piqued kaya hindi ko na napigilan ang mas paglapit pa rito as I want to inspect the anchor more closely. Hahawakan ko na sana ito nang marinig kong bumukas ang pintuan ng banyo kaya kaagad akong napaatras.Napalingon ako sa direksyon nito and there was Mister Unknown with damp hair and a towel wrapped around his waist. Pinupunasan nito gamit ang isang maliit na tuwalya ang kanyang basang buhok at ang mga muscles sa kanyang balikat at likod. It was as if flexing itself as he was drying himself off. Napalunok ako ng laway. From his butt to his kinked muscles, sino ba naman ang hindi tutuyuan ng lalamunan. Nakatuon lang ang atensyon niya sa kanyang ginagawa na tila'y hindi niya napapansin na nasa harap niya ako 'di kalayuan habang pinapanood siya.Maya-maya pa ay mahina akong tumikhim. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin."O. Puwede mo nang gamitin ang banyo," anito at lumakad patungo sa cabinet niya. Nakita kong kumuha siya ng damit pamalit.Kaagad akong tumungo at pumasok sa banyo. Isinara ko ang pinto, naghubad ng shorts at panty na natatakpan lang ng oversized shirt niya, at naupo sa inidoro."Grabe! Wala ba siyang ibang naramdaman? Hindi ba siya nahiya na nakita ko ang puwet niya at nakita ko siya just wrapped in a towel? May pagkasuplado talaga 'yong taong 'yon," bulalas ko.Tapos na ako sa pag-ihi pero hindi pa ako tumayo. Tatagalan ko muna para pagkabukas ko ng pinto ay tapos na siyang magbihis. Baka kung ano na ang makita ko kapag lumabas ako kaagad.Ilang minuto na rin ang lumipas ay naghugas na ako ng ano ko gamit ang bidet, pinunasan ito gamit ang tissue na nakakabit sa tabi ng bowl, saka tumayo, ibinalik ng suot ang panty at shorts ko, at ifinlush ang inidoro. Paunti-unti pa ako sa pagbukas ng pinto, making sure he's finished on putting his clothes on. Nang masilip kong wala na pala siya sa loob ng kuwarto ay lumabas na ako ng banyo at nagdidiretso na sa sala na katabi lang ng dining at kusina.The aroma of freshly brewed coffee filled the air habang dinadala ako ng mga paa ko sa dakong nanggagaling ang amoy nito. Nakita ko siyang nagbubuhos ng kape mula sa coffee pot sa dalawang puting cup. Napatingin siya sa akin nang mapansin niya ako. Ilang segundo rin siyang napatitig sa akin bago nagsalita."Hindi ka ba maliligo? O toothbrush man lang?" he asked at inilapag na ang coffee pot sa lagayan nito. He then went to set the table with plates and utensils.Sa sinabi niya ay pasimple akong napaamoy sa sarili ko, lalong-lalo na sa bibig at bandang kilikili ko."Mabango pa naman ako," sagot ko at naupo na sa isa sa mga upuan kahit hindi pa niya ako niyayayang kumain. Sa bango ng pagkain na nalalanghap ko ay natakam na ako. "So, what are we having for breakfast?" aniko habang tila nagniningning pa ang mga mata na nakatingin sa kanya.Tumungo naman siya sa stove at kinuha at non-stick pan."Scrambled eggs with sautéed veggies and toast. Kanina ko pa naluto 'to bago ako naligo. At siyempre, kape," sagot niya habang maingat na inilalagay ang pagkain sa plato at inabot sa akin ang kape ko."Ang taray! May pa plating pa. Chef ka ba?" aniko nang mapagmasdan ko kung paano niya inilagay ang iniluto niya sa puting pinggan. Kumuha ako ng share ko rito at tinikman ito."Para 'yan lang, chef agad," sabi niya at naupo na rin sa silyang kaharap ko. Humigop siya nang kaunti sa mainit niyang kape."Hmm, pa-humble," sabi ko at tinikman na ito. I must admit, masarap siyang magluto. Pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya at baka ganahan siya. "Baka naman pati pa ito idadagdag mo sa utang ko sa 'yo, ha," dagdag ko sabay inom sa kape ko."Nuh, saka na 'yon. We'll discuss that soon," wika niya at sumubo na ng pagkain niya."Alam mo, may na-realize ako," sabi ko at napatingin naman siya sa akin. "Thrice na tayong nagkita at heto't sabay pa tayong nag-breakfast, pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo."Uminom uli siya ng kape bago sumagot sa akin. "I'm Rei Cristobaz. You can call me Rei, Miss Santillan," sagot nito."Miss Santillan? You know what? You can stop calling me by my surname. Masyado ka namang formal. Aya nalang, R-Rei," aniko at bahagyang nag-angat ng upo para makipagkamay sa kanya. "It was nice to finally know your name. Thank you sa palibreng breakfast," I said while reaching my right hand at tinanggap naman niya ito kaya nagkamayan kami. "By the way, do you have some rice? Puwede bang makahingi?" I said in a lower tone of voice. Saka pa talaga ako nahiya."Nasa rice cooker. Go and help yourself," aniya at nagbitiw na kami ng kamay. Tumayo naman ako at tinungo kung saan naroon ang rice cooker. Pagkakuha ko ng kanin ay kaagad din akong bumalik sa puwesto ko sa dining table."So, what are your plans now?" Rei asked na siyang nakapagpahinto sa akin sa pagsubo sana ng kanin sa bibig ko.'Ano nga ba ang plano ko?' naisaisip ko."Maybe I'll call --- Oh, my God!" putol ko sa nais kong sabihin when realization suddenly hit me. "Nasira nga pala ang phone ko kagabi! It's not working anymore. Hindi ko na siya ma-on. OMG! Pa'no ko na ngayon matatawagan ang BF ko?" dagdag kong sabi."BF? May boyfriend ka na uli or still that Pao guy?" Rei asked while his eyebrows slighty titled.Nagulat ako sa sinabi niya. "Oh, my God! There's no chance that I'm gonna go back to that man! 'Wag mo nga siyang mabanggit-banggit at naririndi ako sa pangalan niya," reklamo ko at nagkibit-balikat lang siya."And just for your info, BF for best friend. From how Paolo betrayed me, I'm not sure if I can trust guys again," aniko at sa wakas ay naisubo ko na ang isang kutsarang kanin."If you say so," tanging sabi ni Rei at nagpatuloy lang sa pagkain. Tila ba'y hindi siya interesado sa personal kong buhay o pananaw kaya gusto lang niyang tapusin ang usapan."Mayroon akong lumang cell phone na hindi ko na ginagamit. Sa 'yo na lang. Ilagay mo na lang ang sim card mo roon to call kung sino man 'yang tatawagan mo," maya-maya ay wika niya.Bigla namang nagningning ang mga mata ko sa narinig."Really? OMG! Thank you! In my situation, hindi ko talaga 'yan hihindian," saad ko at abot tainga ang ngiti habang siya naman ay seryoso lang sa pag-ubos ng pagkain niya.***MAMASA-MASA ang kamay ko habang hawak ang cell phone na ibinigay ni Rei. I volunteered to wash the plates kasi siya naman ang nagluto. My only problem is this is my first time to do this as I used to have our housemaid do all the house chores. Kaya hindi ko pa man nahahawakan ang mga maruruming pinggan at kubyertos ay nag-alangan na ako sa unang gagawin. Hanggang sa nagpasya na muna akong maghugas ng kamay at tawagan na lang muna si Corinne."Hindi na ba talaga natin maipapakiusapan ang parents mo, bes? Kahit isang buwan lang akong magsi-stay sa inyo," I said. May kaunting kirot sa puso ko nang sabihin niyang hindi ako allowed sa bahay nila according to her parents. Hindi ko maiwasang maging malungot."I'm so sorry, bes, pero hindi na talaga, e. Please know that I tried begging pero your parents called my parents telling them not to allow you here. Sabi nila na you have to learn your lesson daw. Pasensya ka na talaga. Kung may magagawa lang sana ako kaso wala, e. Nalulungkot din ako para sa 'yo," malungkot na anito mula sa kabilang linya.I sighed. "Okay, bes. I understand. Alam ko naman kung paano mo pinahahalagahan 'yong mga bilin ng parents mo sa 'yo, unlike me. Thank you anyway," aniko at maya-maya pa ay ibinaba na namin ang tawag.Inilapag ko ang cell phone sa ibabaw ng dining table at muling hinarap ang lababo kung saan nakalagay ang mga hugasin.Napabuntong-hininga ako. Lumilipad ang isip ko habang kinukuha ko ang isang plato. I then turned on the faucet and stared at the running water, unsure of what to do next... with my life and with these dishes.I squirted some dish soap onto the sponge at sinimulan nang kuskusin ang plato na mayroon pang mga nakadikit na pagkain. I then moved to a glass nang sa tingin ko'y ayos na ang pagkakasabon ko sa pinggan. Ngunit pagkahawak ko sa baso ay dumulas ito sa masabon kong kamay na naging dahilan para malaglag ito patungo sa sahig. Nagulat ako sa tunog nang pagkabasag nito kaya hindi ko napigilang mapasigaw."Aya! Are you okay?" Narinig kong sabi ni Rei. Mabilis itong lumabas mula sa kuwarto niya at nilapitan ako. Tanaw niya ang mga bubog na nagkalat sa paanan ko. "Are you hurt? Nasugatan ka ba? Sabi ko naman kasi sa 'yo na ako na ang maghuhugas. Ang tigas rin kasi ng ulo mo, e!"Sa sinaad nito ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. "Oo na! Matigas na ang ulo ko! I'm a failure! Hindi ako marunong makinig! Pasaway ako! Kaya look at me now, I'm homeless! I have no one! I'm such a disgrace... I'm such a disgrace," hagulgol ko.***REIUNTI-UNTI nang kumakalma si Aya mula sa labis na pag-iyak nang mapaupo ko na siya sa sofa sa may sala. Ipinatigil ko sa kanya ang ginagawa niyang paghuhugas ng mga pinggan at kubyertos and just let her release all her tears. Nilinis ko na rin muna ang mga bubog bago ako maupo sa upuang nasa gilid niya."Sorry if I brokedown in front of you and inside your house. Hindi ko na talaga napigilan. I'm overwhelmed. Masakit sa akin na mawalay sa parents ko. And my best friend's family can't even accept me. I'm such a big disappointment," aniya habang nakayuko."Hey," I said and tap her knee. "It's okay."Napatingin naman siya sa akin."We all make mistakes pero hindi ibig sabihin no'n na hindi natin kayang itama ang mga pagkakamaling 'yon," dagdag ko."I know," sagot naman ni Aya at napayuko uli. "Pero ano na'ng gagawin ko ngayon? I need to find some place to stay pero wala naman akong pera. Wala akong matutuluyan. One night lang ako puwedeng matulog dito kaya kailangan ko nang umalis ngayon," she said still bowing down."You can be my roommate," diretso kong sabi na siyang nakapagpaangat muli ng kanyang ulo. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang tingnan ako."I'm on my three-month vacation from my work and I also have no one around. So, if mag-isa ka lang at mag-isa lang din ako, ba't 'di na lang tayo magsama? I mean, stay in one place," sabi ko. Wala akong nakuhang sagot mula kay Aya. Nanatili pa rin itong nakatingin sa akin."Well, iyon na rin ang naisip kong way para mabayaran mo ako since wala ka namang pera. Pero this is just a suggestion lang, ha. Iyon naman kung papayag ka. You can leave freely kung ayaw mo," dagdag ko at maya-maya ay nagsalita na siya sa wakas."Magsasama tayo rito? Me, a girl, and you, a guy. Hindi ba 'yon awkward?" tanong nito."Offering you my place has nothing to do with developing any romantic feelings kung iyon ang iniisip mo. I just want to help you get through this difficult time in your life. At gusto ko lang din na may kasama sa kaunting panahon kong bakasyon. If you need some time to think, you---" Hindi ko natapos pa ang nais kong sabihin when Aya interrupted."No. I mean, hindi ko na kailangan pa ng time na mag-isip. Yes, papayag ako. After all, wala naman na talaga akong iba pang option. Pero salamat sa offer na ito. I hope we'll get along just fine," sabi niya at ngumiti.Tumayo ako at humakbang nang paunti-unti habang nagsasalita. "Well, you better say that to yourself 'coz, you know, you're kind of a... brat," tugon ko at tumungo na sa hugasin sa may lababo.AYAA boutique is bathed in warm, inviting light habang pumapasok ako sa loob nito. It's my shopping day as Rei insisted na bumili ako ng mga damit ko dahil nga kaunti lang ang nasa maleta at wala pang pambahay na napasama. He volunteered to pay for my clothes, including my hygiene kits, skin care, and hair care stuff na mamaya ko pa bibilhin pagkatapos ko rito. Tinanggap ko ang alok niya dahil sa pagpupumilit niya. At sinabi niya pang ayaw raw niyang may kasamang mabaho sa unit niya. Sumakay lang ako ng taxi to the mall. Hindi na niya ako sinamahan as he doesn't want me to feel pressured on the thought na may naghihintay habang namimili."Good noon, ma'am. Trendy clothes po?" masayang bati sa akin ng sales assistant ng boutique while soft music is playing on the background.Nginitian ko lang siya at iginawi ang paningin sa loob ng establisyemento. Racks of clothes in various colors and styles line the walls. Mga kasuotang tipo ko.Inihakbang ko ang aking mga paa at pinadausdos ang d
AYASA isang hindi inaasahang pagkakataon ay parang nanigas ang katawan ko pagkatapos na matumba kami ni Rei papunta sa malambot niyang kama. He's on top of me and the feeling of his weight pressing down on me sent a rush of sensations through my body. Tila ba'y hindi ako makagalaw, sabayan pa nang napakalakas na pagkabog ng dibdib ko. The closeness of our faces left me momentarily breathless. Nagtagpo ang aming mga mata at nararamdaman ko ang mainit ngunit mabango niyang hininga.Napukaw lang ako nang bigla siyang sumigaw, "F*ck! 'Yong niluluto ko!" aniya at saka ko lang naamoy ang amoy sunog mula sa kusina.Dali-dali siyang umalis mula sa pagkakapatong sa akin at pahablot na kumuha ng damit sa kanyang cabinet. Kaagad niyang isinara ang siradora nito at hinagis sa tabi ko ang damit na nakuha niya. Para akong napako sa kama habang tinitingnan ko siyang patakbo na tumungo sa kusina. Hindi ko pa magawang tumayo. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Hindi pa nga ako nakaka-get over sa s
WARNING!!! R-18.This story contains adult language and sexual content not suitable for young readers and may also not be suitable for all adult readers.Read at your own discretion!Disclaimer: This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, mimeographing, or by any information and retrieval system WITHOUT PERMISSION from the author.
AYA"WHOA! PARTTTYYYYYY!"Walang katapusang dagundong ng musika ng bar ang nagbibigay buhay sa loob nito. Everyone is wild. Everyone is drunk. I'm at the center of the dancefloor doing my wild sexy dance moves hawak-hawak ang isang bote ng Spirytus Vodka."ALL DRINKS ON ME, PEOPLEEEE!" sigaw ko uli, patalon-talon while raising my arms sa ere. Grind here, grind there. There's a lot of grinding everywhere. Sabayan pa ng papikit-pikit ng mga mata ko habang sumasayaw. Ang gusto ko lamang ngayon ay magpakalunod sa alak kasama ang mga taong hindi ko kilala. Dumilat ako kasabay ng paglaklak ko sa hawak-hawak kong vodka. I can feel zippers and hard cocks touching my butt pero hindi ko 'yon inintindi. Tuloy pa rin ako sa pagsayaw."WHOA! LET'S MORNING THE NIGHT!!!!" sigaw ko tapos inom uli ng alak. Napanganga pa ako nang buhusan ako ng alak sa bibig ng kung sinuman.Giling dito. Twerk doon. Walang tigil ang kembot ko habang sinasabayan ako ng mga taong pilit na dinidikitan ang katawan ko. May
"I'M sorry?" I reacted while my right eyebrow raised."You heard me," aniya."I'm sorry sir, pero nagkakamali po kayo. Hindi ho ako pick-up girl," aniko, pero imbis umalis ay tiningnan lang niya ako ng seryoso. Nakaramdam ako ng kaunting takot kaya ang ginawa ko ay lumakad ako palayo ng university at sa kanya. Pamasidmasid pa ako baka sakaling susundan niya ako. Pero hindi. He just stayed on where he's standing habang tinitingnan ako sa malayo. Well, mabuti naman, kundi tatawag na talaga ako ng pulis.***NANG makarating ako ng bahay ay dumiretso agad ako ng kuwarto para hanapin ang ID ko. Good thing at hindi ko nadatnan si Dad sa sala kundi malalagot na naman sana ako. "Sa'n ba kasi 'yon?" himutok ko habang pa bagsak na itinatabi ang bedsheet at mga unan baka sakaling nadaganan lang ito. Ngunit naalis ko ng lahat, hindi ko pa rin ito makita. Yumuko ako at sinilip ang ilalim ng kama."Aray!" d***g ko nang mauntog pa ako sa sahig.And as expected, wala talaga. At dahil dito, napahiga
AYATAHIMIK ang loob ng sasakyan habang bumibyahe kami ni Mister Unknown slash Suplado. Matapos ang mahabang diskusyon, sa wakas ay isinuko rin niya ang ID ko sa akin at nagboluntaryong ihatid ako sa eskuwelahan.Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi kung papa'no ko nga ba siya babayaran. Maybe he's just making some excuses just to see me again. Gusto pa niya yatang magkita kami at mag-usap, na hindi ko naman ikinakikilig.I'm pissed with the thought na I owe him something. Darn! Bakit ba kasi nagawa kong manlibre? E, kuripot naman ako."We're here," he seriously said without looking at me sa passenger's seat katabi niya.I immediately removed my seatbelt. Gusto ko nang makalabas sa sasakyan na ito at makalayo na sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto when I heard him spoke."Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" he said in a strong tone of voice.Nilingon ko siya at sinagot. "For?" taas-kilay kong sabi.He looked at me. Walang kangiti-ngiti ang labi niya."For letting y
REINURSING a glass of whiskey, I sat alone in a dimly lit corner of a smoky bar. Bumalot sa akin ang mahihinang ugong ng pag-uusap ng mga samu't-saring tao while glasses and bottles are clinking around me. Matapos kong maihatid si Aya sa eskuwelahan niya ay naglibot-libot muna ako sa kalapit na mall hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa bar na ito.It took me years until I got used to set foot alone in such places like this. It felt like a cocoon of solitude which I desperately sought. Away from fake friends. Away from traitors.Habang pinapasadahan ko ng tingin ang paligid ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng mga pamilyar na mukha na kararating pa lamang. A bit of anxiety and hostile shot through me when I immediately recognized them. It was Ace, Lance, and Hunter... my old friends. Inilayo ko ang tingin ko sa kanila at binalingan na lamang ng tingin ang hawak-hawak kong inumin."Bro, bro, is that Rei?" I overheard Ace spoke.Nagkunwari akong hindi ko pa sila