AYA
"WHOA! PARTTTYYYYYY!"Walang katapusang dagundong ng musika ng bar ang nagbibigay buhay sa loob nito. Everyone is wild. Everyone is drunk. I'm at the center of the dancefloor doing my wild sexy dance moves hawak-hawak ang isang bote ng Spirytus Vodka."ALL DRINKS ON ME, PEOPLEEEE!" sigaw ko uli, patalon-talon while raising my arms sa ere.Grind here, grind there. There's a lot of grinding everywhere. Sabayan pa ng papikit-pikit ng mga mata ko habang sumasayaw. Ang gusto ko lamang ngayon ay magpakalunod sa alak kasama ang mga taong hindi ko kilala. Dumilat ako kasabay ng paglaklak ko sa hawak-hawak kong vodka. I can feel zippers and hard cocks touching my butt pero hindi ko 'yon inintindi. Tuloy pa rin ako sa pagsayaw."WHOA! LET'S MORNING THE NIGHT!!!!" sigaw ko tapos inom uli ng alak. Napanganga pa ako nang buhusan ako ng alak sa bibig ng kung sinuman.Giling dito. Twerk doon. Walang tigil ang kembot ko habang sinasabayan ako ng mga taong pilit na dinidikitan ang katawan ko. May mga bumubulong na sa tainga kong mga maiinit na hininga ng mga kalalakihan pero ni isa ay wala akong pinansin. Laklak lang ng laklak.Shots here. Shots there. Shots everywhere. Walang tigil na inom ng iba't ibang klase ng alak. Kulang na lang ay ipanligo ko ito. At sa tingin n'yo ba ay lasing na ako? Hell, no! Kahit pabuhol-buhol na ang lakad ko, wala na sa katinuan ang pagsasayaw, at kahit hindi ko na maaninag ng diretso ang paligid, alam ko sa sarili kong hindi pa ako lasing. 'Coz who I am? Ako lang naman si Aya Santillan. Ang party-goer slash brat slash heartbroken sa gabing ito. Na kahit isang balde pa ng pinagsamasamang vodka, gin, at tequila ay kaya kong patusin malunod lang lahat ng hinanakit ko.Inom dito. Inom doon. Nang-aagaw pa ako ng inumin ng iba at walang hiya-hiyang ibinubuhos ito sa bibig ko. Nang maramdaman kong tinamaan na ako ay saka lamang ako umawat. Pilit akong naghahanap ng balikat na masasandalan ngunit wala akong makita. Lahat ay walang pakundangang sumasayaw at ang iba naman ay tulog na at tulo laway pa.Para makapagpahinga saglit ay paekis-ekis akong lumakad patungo sa isang bakanteng upuan sa may gilid at pabagsak na napaupo roon. Hindi ko na malaman kung totoo pa ba itong mga nakikita ko o nananaginip na lamang ako. Unti-unti na akong naduduling sa mga nakasisilaw na disco ball ng bar. Napahiga ako sa sandalan ng sofa at doon napapikit. Pakiramdam ko ay nalulunod na ako."Tama na 'yan. Iuuwi na kita."Napadilat ako ng bahagya nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Tiningnan ko siya na ngayon ay nasa mismong harap ko habang kinakausap ako. Pero hindi ko siya pinansin at piniling pumikit na lang uli. Pa'no ko naman siya papansinin gayong hindi ko na maaninag ang mukha niya? Basta sa pagkakaalam ko, hindi ko siya kilala.***KASING bigat ng ulo ko ang mga mata ko habang pilit na idinilat ang mga ito. Ang tanging naaaninag ko lang ay liwanag. Nasa langit na ba ako? At dahil hindi ko makayanan ang sakit ng ulo ko ay pinili ko na lamang na pumikit uli. Naparami yata ako ng inom kagabi at matinding hangover itong nararamdaman ko. Matutulog na sana ako uli when I heard my phone beep. May nag-text sa 'kin. Nanatiling nakapikit ay kinapakapa ko ang telepono under my pillow upang tingnan ito, ngunit nakapa ko na ang lahat hindi ko pa rin ito nahawakan."Nasa'n na ba 'yon?" I muttered pissed.At dahil hindi ko talaga ito mahanap ay pinili ko na lang na ibuka ng pilit ang aking mga mata ngunit pagkadilat ko ay bigla lang din akong natigilan."Where am I?" I asked curiously. Hindi ganito ang kisame ng kuwarto ko.Napatingin ako sa kabuuan nito. Puting-puti ang pintura ng sementadong pader at may pa king-sized bed pa. Eh, maliit lang naman ang kama ko sa bahay at gulagulanit na rin ang designs ng kuwarto ko.Nakaramdam ako ng kaba kaya kaagad kong hinablot ang handbag ko na nakapatong lang sa ibabaw ng kama."This can't be happening. Am I kidnapped? Ano bang lugar 'to?" I said scared.I immediately stepped my feet at lumabas ng kuwarto. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang hitsura ng sala nito. Big and fancy chandelier is hanging on the ceiling. Under it is a medium-sized glass table with decorations on top and chairs around. May malaking sofa din sa 'di kalayuan with a 110-inch flat screen TV in front. Para bang sinehan lang. May mga paintings din na nakasabit sa pader na sa tingin ko'y mamahalin. May drawers, lamps, at magagarang window curtains. I can't even think straight dahil sa mga nakikita ko ngayon. Nasa isang mansyon ba ako?Bigla akong napukaw nang marinig kong tumunog uli ang cell phone ko. I immediately picked it up sa loob ng handbag na hawak-hawak ko at inunlock ito."Hey, gorgeous.""Good morning, sexy. Are you free tonight?""Let's hangout later?""Can you be my, baby? You're damn hot."Kumunot ang noo ko sa mga nababasa kong text messages galing sa iba't ibang unknown numbers. Who the hell are these people?! Halos 30 plus unread messages pa ang hindi ko nabubuksan at 20 missed calls galing sa iba't ibang numero rin. Am I pranked? Sino ba itong mga alien na 'to?When suddenly my eyes got stuck sa isang text message. Out of curiosity, kaagad ko itong binuksan at binasa."Good morning. Rise and shine. If ever magising ka na at wala pa ako, don't feel scared. I'm just out doing groceries. Feel at home."Mas lalong kumunot ang noo ko at napahawak pa ako sa dibdib ko. Mas lumala ang nararamdaman kong kaba. Sino ba 'to at bakit naririto ako sa bahay niya?Papahakbang na sana ako nang makatanggap uli ako ng text message."And please don't feel sad. Get over to what happened last night. Kaya ka lang siguro ipinagpalit ng boyfriend mo kasi Hello Kitty 'yang panty mo."Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Anong Hello Kitty? Anong panty?I immediately went for the mirror at tiningnan ang hitsura ko. Sa labis na pagtataka ay hindi ko na pala napansin na isang large sized men's shirt lang ang suot-suot ko ngayon. Ang gulo-gulo pa ng buhok ko at nagkalat ang makeup ko sa mukha. I then looked at my inner. All this time ay wala pala akong suot-suot na bra. What the! Tiningnan ko rin ang ibaba ko. Holy molly! Hello Kitty panty nga! Tangina! Hindi pala ako nakapaglaba ng mga sexy panty at thong ko kaya ito na lang ang isinuot ko no'ng pumunta ako ng bar.Nasampal ko ang sarili kong mukha. Sobrang nahihiya ako! Pero teka, bakit alam ng taong 'yon ang hitsura ng panty ko?Napa-pause ako ng tingin sa repleksyon ko sa salamin habang hindi mapigilan ang panlalaki ng mga mata. Somebody brought me here with me waking up not in my own clothes, without a bra, at alam pa niya ang panty na suot ko. Natigilan ako at parang naging bato.I'm doomed.DID SOMEONE JUST UNDRESS ME?!***SUOT ko na ang damit ko habang nakasakay ako ng elevator patungong groudfloor. Nang mapagtanto kong nasa isang condo unit ako at mag-isa lang ay hindi na ako nag-atubili pang tumakas. Kaagad akong nagpalit at umalis para hindi ako madatnan nang kung sinumang nagdala sa akin dito. Puro katanungan pa rin ang nasa utak ko.Nasa likod na bahagi ako ng elevator at may limang tao pa sa harap ko. Hindi ako mapakali. Lahat sila ay pasimpleng sumusulyap sa akin. Nagtataka ay bahagya ko ring tiningnan ang repleksyon ko. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na pala inalala ang hitsura mo. Messy hair na halatang-halatang bagong gising, kalat na makeup sa mukha at nabuburang lipstick sa labi, samahan pa ng hindi nabutones sa may dibdib ng knitted fitted dress ko. What the---Luwang-luwa ang cleavage ko!Napayuko ako at pasimpleng inayos ang damit ko. I felt so ashamed.Nang makarating ng groundfloor ay nagsiunang nagsilabasan ang mga taong nasa harap ko. Tiningnan pa nila ako uli bago tuluyang lumayo."What's wrong with these people? First time n'yo bang makakita ng flat na cleavage?" I whispered. Oo, ako na ang walang dede.Pagkalabas ko ng pinto ng elevator ay tumambad sa akin ang malawak na lobby ng building. May iilang taong abala sa kani-kanilang ginagawa which were all elegant at sa tingin ko'y mayayaman. Napatingin uli ako sa sarili ko. I really looked like a rag here.Sa 'di kalayuan ay tanaw ko ang registration desk ng gusali. Kaagad kong hinakbang ang aking mga paa at lumapit sa babaeng attendant."Do you know where I am? Nagising na lang ako na hindi ko alam kung nasaan ako. I need your help," aligagang aniko sa kanya.Her forehead creased. Tila'y nababaliwan sa 'kin ngayon. Matagal bago niya ako sinagot. Hindi pa siguro ma-sink-in sa utak niya na hindi taong grasa itong kaharap niya. Later on, she smiled. Yes, she should. After all, I'm still a guest. A kidnapped guest."Good morning, ma'am. You're in La Grande Casa. A 5 star condo-hotel here in Tagaytay," aning receptionist.Nanlaki ang mga mata ko. "Nasa Tagaytay ako? Ang layo naman ng niliparan ko!" I whispered. Daig ko pa ang niligaw ng engkanto."What's your unit number ma'am, if I may ask?" tanong ng babae.Napatingin lang ako sa kanya. Unit number? Ano ba'ng alam ko d'yan? Lugar nga hindi ko alam kung saan, unit number pa kaya?Sa halip na sagutin ay pinili ko na lang na magpaalam sa kanya. "Never mind. Thank you!" aniko at tuluyan nang lumabas ng gusali.***ILANG segundo akong huminto sa paglalakad at inayos ang pagkakalugay ng buhok ko. Sa ilang oras na biyahe, sa wakas ay nasa bungad na ako ng nakasarang pinto ng bahay namin. Paniguradong matinding litanya na naman ang sasalubong sa akin ngayon.Kinuha ko ang maliit kong salamin mula sa handbag ko at tiningnan ang mukha ko rito. I need to slightly fix my face nang 'di ako masabon ng sobra ni Daddy. Matapos maiayos ang hitsura ay ibinalik ko ang salamin sa loob ng bag saka bumuntonghininga. I have to settle my mind para makaisip ako ng palusot na puwedeng sabihin sa kanila. I continued my steps papasok ng bahay.Striktong mukha kaagad ni Daddy ang nadatnan ko pagkapasok ko ng pinto. He's holding a piece of magazine like what he usually does every morning. Narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya kaagad siyang napalingon sa direksyon ko. He's giving me a stern look. He's not really happy seeing me got home at 10 o'clock in the morning."Where have you been? Akala ko hindi ka na uuwi," striktong aniya habang ibinalik ang tingin sa binabasang diyaryo.I slightly smile saka lumapit kay Daddy sa may sofa. I kissed him on his cheek."Good morning, Dad," bati ko sa kanya.Tatalikod na sana ako when I heard him spoke again."Hindi na ako natutuwa sa mga ipinapakita mo lately, Aya. Going home late in the morning from somewhere is not what decent girls do," sabi ni Daddy, still not looking at me.'Is he really that mad that he can't gaze at me?' I whispered in my own thought."I'm sorry, Dad. I didn't mean to---"Daddy cut me off. "No explanations, Aya. Your mom and I will talk about this. Go to your room."Hindi na ako nakaimik pa at sinunod na lang ang utos niya. Dahan-dahan akong naglakad palayo at pumanhik ng kuwarto.***PABAGSAK akong napahiga ng kama. Gulong-gulo pa rin ang isip ko. Hindi mawala-wala sa utak ko ang mga nangyari. Sa pagkakatanda ko ay wala akong ibang kilala kagabi sa bar. But it seems like someone knew me na may gana pa akong dalhin sa lugar niya.I gazed my eyes at the ceiling. Maya-maya ay narinig ko ang pagtunog ng cell phone ko. Kaagad akong napabangon ng higa at kinuha ito. An unknown number sent a message again."Where are you? Kauuwi ko lang. Hindi man lang kita naabutan. You should have waited for me."Ang kaninang pagtataka lang ay napalitan ng kaba. With this stranger bugging me, dapat na ba akong matakot? Should I seek for safety? Should I call the police?Napahiga ako uli at inilayo ko ang phone ko sa akin. Saka ko naman narinig ang pagbukas ng pinto ng kuwarto."Kumain na raw ho kayo nang makapasok na po kayo sa eskuwela," ani Manang Tess, ang katulong namin dito sa bahay."Just give me a sec," tanging sabi ko without looking at her saka siya lumabas ng kuwarto at isinara ang pinto.Napatingin uli ako sa kisame. Bumalik sa isip ko ang natanggap kong text message.No, I should not be scared. Kaya ko namang dedmahin kung sino man 'yong nangugulo sa akin. I can block him on my contacts. Kung puwede pa nga, magpapalit ako ng numero so that he could not reach out. This will be easy. Nothing can put Aya on fret.***INAAYOS ko ang necktie ng pang itaas kong uniporme habang naglalakad papasok ng main gate ng university na pinapasukan ko. Looking around, all I'm seeing are white long sleeve with a checkered red tie na ka-terno ng above the knee checkered skirt na mga babae.Yes, I'm in an exclusive university for girls. Dito talaga ako pinag-enroll ng parents ko para raw mailayo ako sa mga lalaki. But going near boys won't stop me, lalo na sa pinagdadaanan ko ngayon.I was about to enter the gate when the ladyguard raises her hand with palm open towards me. Itinutok niya talaga ito sa mukha ko kaya bigla akong natigilan."What?" I asked, my forehead creased.Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay itinuro lang niya ang signage na nakapaskil sa may gilid. Kaagad ko itong tiningnan at binasa. No ID, No Entry. At saka ko lang napagtantong wala nga pala akong suot na ID. Napahakbang ako pagilid para makadaan ang ibang estudyante na nakasunod sa akin.'Saan ko ba nailagay 'yong ID ko?' tanong ko sa isip.I immediately opened my bag at hinanap ito baka sakali, pero wala. I checked on the pocket of my skirt pero wala rin. I gazed upwards trying to remember kung ano ang mga ginawa ko pagkatapos kong kumain: took a bath, did my makeup and my hair, wore uniform, put on my shoes, grab my bag, then left the house. Takte! Hindi nga pala talaga ako nakapagsuot ng ID! Bigla akong kinabahan. Pa'no ako makakapasok nito? Lagot na naman ako kay Daddy!Maya-maya ay bigla akong napukaw sa pagkabahala nang mapansin ko ang bulong-bulungan ng lahat ng mga estudyante. They were marvelled when a red Ferrari stopped right in front of the university's gate. Lahat ay tila namangha at napanganga, nag-aabang kung sino ang bababa sa magarang kotse.Nakatuon lang ang mga mata ko rito nang bigla itong umabante nang kaunti at huminto sa mismong tapat ko. At tuluyan na akong natulala when a well-built guy stepped out of the driver's side. With his symmetrical face, stubble beard, and obviously hard biceps ay mapapalaway ka talaga. All the girls went near his car, ang iba ay aakma ng lalapit sa kanya. But then he stopped them."Hands off please, ladies," aniya with his hard tone and serious face. Napaatras naman ang mga babae.He then looked at me. I didn't bother to say a word dahil natengga pa rin ako habang sinasalubong ang tingin niya. Silence fill the air between us. Ang tanging nag-uusap lang ay ang aming mga mata. But that stillness got broken when he suddenly spoke."Hop in," he said still looking at me.I was paused.WHAT DID HE JUST SAY? I DON'T EVEN KNOW THIS FUCKING HANDSOME MAN!"I'M sorry?" I reacted while my right eyebrow raised."You heard me," aniya."I'm sorry sir, pero nagkakamali po kayo. Hindi ho ako pick-up girl," aniko, pero imbis umalis ay tiningnan lang niya ako ng seryoso. Nakaramdam ako ng kaunting takot kaya ang ginawa ko ay lumakad ako palayo ng university at sa kanya. Pamasidmasid pa ako baka sakaling susundan niya ako. Pero hindi. He just stayed on where he's standing habang tinitingnan ako sa malayo. Well, mabuti naman, kundi tatawag na talaga ako ng pulis.***NANG makarating ako ng bahay ay dumiretso agad ako ng kuwarto para hanapin ang ID ko. Good thing at hindi ko nadatnan si Dad sa sala kundi malalagot na naman sana ako. "Sa'n ba kasi 'yon?" himutok ko habang pa bagsak na itinatabi ang bedsheet at mga unan baka sakaling nadaganan lang ito. Ngunit naalis ko ng lahat, hindi ko pa rin ito makita. Yumuko ako at sinilip ang ilalim ng kama."Aray!" d***g ko nang mauntog pa ako sa sahig.And as expected, wala talaga. At dahil dito, napahiga
AYATAHIMIK ang loob ng sasakyan habang bumibyahe kami ni Mister Unknown slash Suplado. Matapos ang mahabang diskusyon, sa wakas ay isinuko rin niya ang ID ko sa akin at nagboluntaryong ihatid ako sa eskuwelahan.Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi kung papa'no ko nga ba siya babayaran. Maybe he's just making some excuses just to see me again. Gusto pa niya yatang magkita kami at mag-usap, na hindi ko naman ikinakikilig.I'm pissed with the thought na I owe him something. Darn! Bakit ba kasi nagawa kong manlibre? E, kuripot naman ako."We're here," he seriously said without looking at me sa passenger's seat katabi niya.I immediately removed my seatbelt. Gusto ko nang makalabas sa sasakyan na ito at makalayo na sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto when I heard him spoke."Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" he said in a strong tone of voice.Nilingon ko siya at sinagot. "For?" taas-kilay kong sabi.He looked at me. Walang kangiti-ngiti ang labi niya."For letting y
REINURSING a glass of whiskey, I sat alone in a dimly lit corner of a smoky bar. Bumalot sa akin ang mahihinang ugong ng pag-uusap ng mga samu't-saring tao while glasses and bottles are clinking around me. Matapos kong maihatid si Aya sa eskuwelahan niya ay naglibot-libot muna ako sa kalapit na mall hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa bar na ito.It took me years until I got used to set foot alone in such places like this. It felt like a cocoon of solitude which I desperately sought. Away from fake friends. Away from traitors.Habang pinapasadahan ko ng tingin ang paligid ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng mga pamilyar na mukha na kararating pa lamang. A bit of anxiety and hostile shot through me when I immediately recognized them. It was Ace, Lance, and Hunter... my old friends. Inilayo ko ang tingin ko sa kanila at binalingan na lamang ng tingin ang hawak-hawak kong inumin."Bro, bro, is that Rei?" I overheard Ace spoke.Nagkunwari akong hindi ko pa sila
AYANAPAKO ako sa aking kinatatayuan habang nakaawang ang bibig ko. Hindi ko man nakikita ay nararamdaman kong namumula ang pisngi ko. Hindi ko talaga inaasahan ang paagahan niya sa akin."Miss Santillan, I know you're there. Privacy, please."Napukaw lang ako nang marinig ko siyang magsalita. Flushed with embarrassment, I immediately closed the door at saka napasandal sa pader. I can still feel my heart racing from that unexpected breakfast. Ihain ba naman niya ang puwet niya!Nagpatuloy lang si Mister Unknown sa pagligo habang ako naman ay unti-unti nang ikinakalma ang sarili. Para mabaling ang isip sa ibang bagay ay napagpasyahan kong maglakad-lakad sa loob ng kanyang napakalinis na kuwarto. I was amazed. From his furnitures to his wall decorations, lahat ay organisado. Hindi ko maiwasang maisip kung lalaki nga ba ito. Tila ba'y kakaiba siya sa karamihan ng lalaking mga kakilala ko when it comes to cleanliness and orderliness.Napaangat ako bahagya nang tingin nang mapansin ko ang
AYAA boutique is bathed in warm, inviting light habang pumapasok ako sa loob nito. It's my shopping day as Rei insisted na bumili ako ng mga damit ko dahil nga kaunti lang ang nasa maleta at wala pang pambahay na napasama. He volunteered to pay for my clothes, including my hygiene kits, skin care, and hair care stuff na mamaya ko pa bibilhin pagkatapos ko rito. Tinanggap ko ang alok niya dahil sa pagpupumilit niya. At sinabi niya pang ayaw raw niyang may kasamang mabaho sa unit niya. Sumakay lang ako ng taxi to the mall. Hindi na niya ako sinamahan as he doesn't want me to feel pressured on the thought na may naghihintay habang namimili."Good noon, ma'am. Trendy clothes po?" masayang bati sa akin ng sales assistant ng boutique while soft music is playing on the background.Nginitian ko lang siya at iginawi ang paningin sa loob ng establisyemento. Racks of clothes in various colors and styles line the walls. Mga kasuotang tipo ko.Inihakbang ko ang aking mga paa at pinadausdos ang d
AYASA isang hindi inaasahang pagkakataon ay parang nanigas ang katawan ko pagkatapos na matumba kami ni Rei papunta sa malambot niyang kama. He's on top of me and the feeling of his weight pressing down on me sent a rush of sensations through my body. Tila ba'y hindi ako makagalaw, sabayan pa nang napakalakas na pagkabog ng dibdib ko. The closeness of our faces left me momentarily breathless. Nagtagpo ang aming mga mata at nararamdaman ko ang mainit ngunit mabango niyang hininga.Napukaw lang ako nang bigla siyang sumigaw, "F*ck! 'Yong niluluto ko!" aniya at saka ko lang naamoy ang amoy sunog mula sa kusina.Dali-dali siyang umalis mula sa pagkakapatong sa akin at pahablot na kumuha ng damit sa kanyang cabinet. Kaagad niyang isinara ang siradora nito at hinagis sa tabi ko ang damit na nakuha niya. Para akong napako sa kama habang tinitingnan ko siyang patakbo na tumungo sa kusina. Hindi ko pa magawang tumayo. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Hindi pa nga ako nakaka-get over sa s
WARNING!!! R-18.This story contains adult language and sexual content not suitable for young readers and may also not be suitable for all adult readers.Read at your own discretion!Disclaimer: This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, mimeographing, or by any information and retrieval system WITHOUT PERMISSION from the author.