Share

Chapter 3: Bar Mistake

AYA

TAHIMIK ang loob ng sasakyan habang bumibyahe kami ni Mister Unknown slash Suplado. Matapos ang mahabang diskusyon, sa wakas ay isinuko rin niya ang ID ko sa akin at nagboluntaryong ihatid ako sa eskuwelahan.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi kung papa'no ko nga ba siya babayaran. Maybe he's just making some excuses just to see me again. Gusto pa niya yatang magkita kami at mag-usap, na hindi ko naman ikinakikilig.

I'm pissed with the thought na I owe him something. Darn! Bakit ba kasi nagawa kong manlibre? E, kuripot naman ako.

"We're here," he seriously said without looking at me sa passenger's seat katabi niya.

I immediately removed my seatbelt. Gusto ko nang makalabas sa sasakyan na ito at makalayo na sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto when I heard him spoke.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" he said in a strong tone of voice.

Nilingon ko siya at sinagot. "For?" taas-kilay kong sabi.

He looked at me. Walang kangiti-ngiti ang labi niya.

"For letting you go? For dropping you here? Wala ka bang ka sense-sense of appreciation?" he answered.

Itinuon ko ang mukha ko sa bintana ng passenger's side then rolled my eyes. Saka ako bumaling uli ng tingin sa kanya.

"Thanks," I said without sincerity.

Hindi na siya sumagot pa kaya binuksan ko na ang pinto sa gawi ko at lumabas na ng sasakyan. Nakailang hakbang na ako patungo sa gate ng campus nang makita kong humaharurot na siya paalis.

"Wow! Did I just see that? Who dropped you here using his Ferrari?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang blockmate kong si Violet. Kaagad akong nilapitan nito kasama ang walo pa naming kaklase.

"'Di ba 'yon 'yong red Ferrari na laman ng usap-usapan na twice nang nagpupunta rito sa school at may hot na may-ari pa? Wow! Ikaw pala 'yong pinupuntahan dito, Aya? Ang haba naman ng hair mo," wika naman ni Cheska.

Gusto kong sabihin na hindi ko naman kilala ang mokong na 'yon at gusto lang akong pagbayarin ng utang ko raw. Pero dahil gusto kong ma-amaze at mainggit sila sa akin, I answered them with a wide smile on my lips. "Yes. Me."

And as expected, they were wowed. Sino pa ba ang main character dito kundi ako.

"Aya? Bes?"

Napatigil ako nang may marinig akong nagsalita sa gawing likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Corinne, ang best friend ko, with an air of innocence about her.

"Where have you been? Mabuti at pumasok ka na. Text ako ng text sa 'yo pero hindi mo naman sinasagot," mahabang bati nito sa 'kin at nagbesohan kami.

I just smiled while looking at her. Sa kapal ng lente ng eyeglasses nito ay talagang hindi makaliligtas sa paningin niyang hindi ako pumasok kahapon at kaninang umaga.

"I'll spill the tea later, bes. Mamaya ko na sa 'yo itsi-chika," tanging sagot ko sa kanya. Ayoko kasing magkuwento sa kanya sa harap ng grupo nina Violet at Cheska. Nagkakayayaan kami sa mga galaan pero I don't trust them that much. I know they say things behind everyone's back, even in their own circle of friends.

"So, since it's already 3:30 PM, and boring naman 'yong prof natin for this subject, why don't we just go to the bar? Let's have some fun, guys! Are you in?" alok ni Violet sa lahat with a wide smile on her lips.

"'Di ba, kaka-bar niyo lang noong isang araw?" ani Corinne rito. She's my best friend pero sobrang opposite namin. She's a school-home girl while I'm a party goer. Sobrang masunurin niya sa mga magulang niya samantalang sobrang matigas namin ang ulo ko sa mga bilin nila.

But in a way, I love her. Kahit sobrang magkaiba kami ay naiiintindihan naman namin ang isa't isa. We're validating each other's feelings at sobrang importante 'yon para sa akin. Siya rin 'yong tipo ng kaibigang isang paalam lang niya sa parents ko ay paniguradong kaagad na kaming papayagan. She's so kind and seems like an angel sa bait na my parents trust her so much habang kasama ako.

"We don't need your words, Corinne. Besides, hindi ka naman kasama," sagot ni Violet dito.

I immediately defended her.

"I'm in. And I'm always in. Just don't mess with Corinne," I said while making an eye contact with her, saying that I'm serious at what I just said.

"Fine. But you have to bring that Ferrari guy with you, Aya. We want to meet him," Violet said na siyang dahilan para magtaas ako ng kilay. Natanguan din ang iba pang mga babae at halata ang excitement sa kanilang mga mata.

"No way," I disagree.

"Why so selfish, Aya? I'm sure naman na hindi pa kayo ng lalaking 'yon," Cheska interjected.

"Yeah, right. Or siguro, wala siyang balak na jowain ka," hirit pa ni Voilet.

I just rolled my eyes at them. "Whatever, but I'll never introduce him to you, girls. Go and find your own guys. 'Wag niyo namang ipahalatang nauubusan na kayo," my last words to them at hindi na sila nakaisip pa ng iri-rebut sa akin.

"Okay, fine. So, what are we waiting for? Let's prepare na. Mahirap namang naka-uniporme tayo habang nagpa-party," Violet finally said sa lahat.

Napalingon ako kay Corinne habang nasa gilid ko siya at naramdaman kong kinilabit niya ako.

"Bes, 'wag ka nang sumama. A-absent ka na naman ngayon. Pagagalitan ka na ng parents mo n'yan," aniya sa akin habang nag-aalala.

I lowered the tone of my voice habang sinasagot siya. "I just need this now, bes. Ang dami ko kasing iniisip lately. I'm craving for some alcohol. Don't worry, last time ko na 'to this month, okay? Or puwedeng ring samahan mo ako," aniko sa kanya.

"I can't," kaagad na sagot nito. "Alam mo namang hindi ako nagpupunta sa mga lugar na 'yan. And if ever man na pupunta ako, I still can't kasi sasama ako kina Mommy sa out-of-town quarterly devotion nila sa Iloilo. Saktong Friday ngayon kaya makakabalik pa ako by Sunday night at hindi ako makaka-absent sa klase next week," paliwanag nito.

"Well, in that case, bes, I'll be partying without you. But please, don't tell my parents," sabi ko at wala na ngang nagawa ang best friend ko kundi ang sumang-ayon na lang. She loves me that much that she wants me to be happy kahit may pag-aalala sa loob niya.

***

THE bar was dimly lit habang halos punuin na namin ang espasyo sa loob nito. First time ko sa bar na ito. Marami ang sumama sa amin at marami rin ang nagdala ng mga lalaki. 'Yong iba ay mga boy friend ng ilan sa aming schoolmates at ang iba naman ay mga kaibigan o kaharutan nila.

Neon signs illuminate the room, casting colorful reflections on the polished wooden bar while we're enjoying the night. Malakas na nakabibinging musika ang pumipintig sa mga speaker habang napuno ng tawanan at hindi malinaw na satsat ang hangin.

I was dancing in the middle of the dancefloor habang hawak sa isang kamay ang shot glass kong may laman. I really love partying. It seems like my escape from my parents' strictness, school's pressure, and my heart aching because of Paolo.

"Hey, gorgeous." Narinig kong ani ng isang lalaki sa tainga ko habang sinasabayan ako sa pagsasayaw. Tiningnan ko ito and I saw a not-so-tall guy sporting a leather jacket and a devil-may-care attitude.

"Excuse me?! You're with me, CJ!" Violet shouted nang mapansin niya kami and she can't help but frown. Bumalik naman ang lalaki sa pagsama sa kanya sa pagsayaw.

I smirked. Naaanigan ng patay-sinding ilaw ang mukha niya while her heavy makeup is evident in her face. Napailing ako. 'Hindi talaga siya papakabog sa ganda ko,' naisaisip ko at natawa. She's so trying hard to be me.

I took the shot na kanina ko pa hawak. I can feel the fiery liquid burning down my throat. The atmosphere inside the bar became more chaotic as the night progresses. Lahat ay nagsasayawan na sa gitna ng dancefloor habang umuulan ng nakalalasing na inumin ang paligid.

***

ISABEL

HINDI maitago ang pag-aalala sa mukha ko habang nakaupo kami ng asawa kong si Franco sa sofa. Nakapantulog na kami ng damit pero tila hindi kami dinadapuan ng antok dahil sa paghihintay. Pilit kong binabaliwala ang pagiging balisa ko habang inaaliw ang sarili sa palabas sa telebisyon. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa pader. Mag a-alas onse na ng gabi at wala pa rin si Aya.

"Kanina pa dapat nakauwi ang anak natin," aniko sa asawa ko habang nililipat niya ng istasyon ang TV gamit ang remote.

"Pauwi na siguro 'yon," kalmado nitong sagot pero alam kong nag-aalala na rin ito.

"Hindi lang niya ngayon ito ginawa, Franc," aniko.

Tiningnan ako ng asawa ko at seryosong nagsalita. "Alam ko. At 'wag mo na akong pipigilan sa posibleng gawin kong parusa sa anak natin kapag nalaman kong may ginagawa siya hindi maganda, Isabel," banta nito na siyang ikinatahimik ko.

Binalik ko ang tingin ko sa telebisyon pero naroon kay Aya pa rin ang isip ko. 'Nasaan ka na ba, anak?'

***

AYA

MEDYO nahihilo na ako dahil sa tama ng alak na kanina pa namin pinagsasaluhan. Hindi pa rin natatapos ang pag-indak ko sa gitna ng dancefloor nang lapitan ako ng grupo nina Violet at CJ.

"Here."

Napatigil ako sa pagsayaw at pilit na kinaklaro ng tingin ang inaabot sa akin ni Violet. Tila isa itong kulay dilaw na tableta nang maaninagan na ito ng patay-sinding ilaw.

"What's that?" I asked confused. Walang akong ideya kung ano itong ibinibigay niya sa akin. Hindi naman ako nilalagnat para bigyan niya ng Paracetamol.

"Come on, Aya! Just take it and drink it!" Violet exclaimed.

"Hindi ka na lugi niyan, Aya. Technically, binebenta ko sana iyan, e. Sa gabi-gabi kong narito sa bar na ito, ang laki na rin ng kinita ko. Pero since you guys invited me here, libre ko nalang iyan sa inyo. Nakainom na ang lahat. Ikaw na lang ang kulang. I swear to you, para kang nasa langit kapag tinira mo na iyan. We're gonna have so much fun tonight. This would be the best night of our lives!" CJ said.

A realization hit me sa salitang sinabi ni CJ. 'Binebenta? Langit?'

"Oh, my God! Is that a party drug?!" I was surprised. Mga adik pala itong mga kasama ko.

"Don't be such a naive, Aya! Hindi ka pa ba nakakatikim ng ecstasy pill?" Cheska asked.

"I'm not gonna take that! Never!" I answered at inilalayo ang nakalahad na kamay ni Violet kung saan naroroon ang pill.

"Oh, come on! You're such a buzzkill, Aya!" wika ni Violet, halatang nagulat siya sa pagtulak ko sa kamay niya habang buong pigil na hindi niya maihuhulog ang hawak niyang druga.

Ipipilit niya sanang ipahawak ito sa kamay ko pero natigilan kami nang biglang tumunog at nag-vibrate ang cell phone kong nakalagay sa sling bag ko na kanina ko pa suot.

"I have to take this call. And please, ilayo niyo sa akin 'yan. I'm not like you, guys," huling sabi ko at dali-daling lumabas ng bar para sagutin ang tawag.

***

NANG tuluyan na akong makalabas ng bar ay pumiwesto ako ilang distansya mula sa entrance. Tiningnan ko ang cell phone kong kanina pa nagri-ring at nakita kong si Corinne ang tumatawag kaya sinagot ko ito.

"Bes?" aniko.

"Aya? Mabuti naman at sumagot ka na! Alas dose na, a! At kanina pa po tumatawag ang parents mo sa akin at hindi ka raw ma-contact! Bakit ba kasi dini-disable mo 'yong isa mong sim card? Ibigay ko na lang kaya itong number mo na hindi nila alam? You know that I hate lying. Wala na akong maisasagot sa kanila," mahabang sabi nito mula sa kabilang linya.

"Don't you ever do that, bes. Please! Uuwi na rin ako. Ang labo ng---" Naputol ang nais kong sabihin nang biglang magsidatingan ang mga police mobile at ilang segundo lang ay dali-daling pumasok ang mga pulis sa loob ng bar habang hawak ang mga baril nila.

Nakaramdam ako ng takot kaya kaagad kong pinatay ang tawag.

'Ano'ng nangyayari?' tanong ko sa sarili sabay kabog nang kay lakas ng dibdib ko. Hanggang sa nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pagsigaw ng isang pulis ng raid. Nangatog ang mga tuhod ko. Baka sina CJ at ang grupo nito kasama sila Violet ang hinuhuli dahil nga sa dala nilang bawal na gamot. Ayokong masangkot sa kaso nila kaya dali-dali akong naglakad-takbo palayo sa bar habang ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Sakto namang may dumaan na taxi kaya pinara ko ito at kaagad na sumakay.

***

BAHAGYANG tumigil ang pagpapawis ng mga kamay ko nang matanaw ko na ang bahay namin. Nang tumigil na ang taxi ilang distansya mula sa gate namin ay binayaran ko na ang taxi driver at kaagad na bumaba ng sasakyan. Nang makaalis na ang taxi at naglalakad na ako patungo sa gate ay kumunot naman ang noo ko.

A small suitcase that I'm familiar with was placed outside the gate. Ang kaninang kabog ng dibdib ko ay biglang bumalik. Kaagad kong tinakbo ang maleta at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ilan kong mga damit sa loob nito. Napatingin ako sa bahay. Patay na ang lahat ng ilaw sa loob nito. Binitiwan ko ang maleta at tinungo ang bukasan ng gate. Sinubukan ko itong buksan pero hindi ko magawa dahil nakakandado ito sa loob.

"Mom! Dad!" sigaw ko sa mangiyak-ngiyak na boses. "Mom! Dad! Let me in, please! I'm so sorry!" I pleaded. My voice is shaking.

With a few of my clothes outside, alam kong pinapalayas nila ako. "Mom! Dad!" I shouted.

Bumukas ang ilaw sa may front door at maya-maya ay iniluwa nito si Dad. Lumapit ito ilang distansya mula sa gate pero wala yata itong balak na pagbuksan ako. Nakatayo lang siya habang halata ang galit sa mga mata niya, samantalang natatanaw ko naman si Mommy sa bungad ng pintuan.

"Dad? Why are my clothes outside?" tanong ko at tumulo na ang luha ko. Biglang nawala ang kaunting tama ng alcohol na nainom ko kanina.

"Pinalampas namin ang mga late mong pag-uwi pero ecstasy, Aya? What are you thinking?!" Nanlaki ang mga mata ko sa winika ni Dad.

"Dad, hindi ko alam 'yang sinasabi niyo," I said in denial.

"Don't you dare lie to us, Aya! Tinawagan ng mommy mo ang kaklase mong si Cheska para sana tanungin kong alam ba niya kung nasaan ka dahil wala namang maibigay na sagot sa amin si Corinne because you ordered her to lie! At alam mo ba ang sinabi sa amin ni Cheska? Magkasama kayong nag bar at dinadala na sila sa presinto dahil nahuli sila ng mga pulis because of some party drugs! She doesn't know your whereabouts nang dumating na ang mga pulis kaya alam naming hindi ka nahuli! But we can't let you in! Wala kaming anak na adik!" mahabang sabi ni Daddy. Frustration is evident on his eyes.

"Dad, it's not what you think! Hindi po ako adik. Hindi po ako gumamit n'on! Dad, nagulat nga rin ako nang abutan nila ako. Pero hindi ko po iyon tinanggap! Dad, please believe me!" sagot ko at naglabasan na ang mga luha ko.

"We've had enough, Aya. You need to understand the consequences of your actions," Dad answered as he was trying to calm down.

"Dad, I know I messed up dahil sa palagian kong pagba-bar and partying, and I'm so sorry! Please, bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon! I will change!" pahikbi kong saad at napaluhod na.

Nakita kong lumalapit si Mommy. Akala ko'y pagbubuksan na niya ako ng gate pero tumabi lang siya kung saan nakatayo si Dad. Mommy exchanges a troubled glance with Dad while her eyes are filled with tears.

"You've hurt us so much, Anak. Hindi namin akalaing aabot ka sa puntong sasalamuha ka na sa mga taong gumagamit ng bawal na gamot. We can't let you in for now. We need time to think." Narinig kong sabi ni Mommy at napahagulgol na ako.

"Mom, please don't do this," I said begging.

"You need to learn from your mistakes, Aya. You need to grow up. Figure things out on your own and then come back," ani Dad.

With heavy hearts, Mom and Dad turn away habang naiwan akong mag-isa sa labas ng nakasaradong gate kasama ang nakabulatlat kong maliit na maleta. Seconds passed, they shut the front door and turn the lights off. I was left broken and devastated habang inihahakbang ko ang mga paa ko palapit sa mga damit kong nakalabas at ibinalik ito sa loob ng suitcase. Panay pa rin ang pag-agos ng mga luha ko habang inaalala ang sunod na mangyayari.

'Saan na ako nito?' naisaisip ko habang hindi ko mapigilan ang paghikbi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status