Share

Chapter 4: Lost Chick

REI

NURSING a glass of whiskey, I sat alone in a dimly lit corner of a smoky bar. Bumalot sa akin ang mahihinang ugong ng pag-uusap ng mga samu't-saring tao while glasses and bottles are clinking around me. Matapos kong maihatid si Aya sa eskuwelahan niya ay naglibot-libot muna ako sa kalapit na mall hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa bar na ito.

It took me years until I got used to set foot alone in such places like this. It felt like a cocoon of solitude which I desperately sought. Away from fake friends. Away from traitors.

Habang pinapasadahan ko ng tingin ang paligid ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng mga pamilyar na mukha na kararating pa lamang. A bit of anxiety and hostile shot through me when I immediately recognized them. It was Ace, Lance, and Hunter... my old friends.

Inilayo ko ang tingin ko sa kanila at binalingan na lamang ng tingin ang hawak-hawak kong inumin.

"Bro, bro, is that Rei?" I overheard Ace spoke.

Nagkunwari akong hindi ko pa sila nakikita. Ininom ko lang ang whiskey na nasa basong hawak ko at nagpabuhos ng isa pa sa bartender.

"Nakauwi na pala siya?" Lance said.

I never heard anything from Hunter... as he should. Ilang taon na rin kaming hindi nag-uusap at ayoko na rin. They were the remnants of my past that I tried so hard to leave behind. And seeing them now brought back a flood of emotions I had long buried.

Nakita ko sa peripheral vision ko na lumakad na rin sila at pumunta sa kabilang sulok ng bar. To drown all the sorrows that I'm once again experiencing, I drank my last shot of whiskey bottoms up at kaagad na lumabas ng bar pagkababa ko ng baso sa bar counter.

***

AYA

NABALOT ng kadiliman ang paligid habang naiiliwan lang ng magkakalayong poste ng ilaw ang daang tinatahak ko. Malayo-layo na rin ang nalakad ko mula sa bahay. The air was heavy with silence at wala pa gaanong sasakyan na dumadaan.

I rolled my suitcase along the uneven sidewalk. Maipipinta sa mukha ko ang lungkot at takot habang mag-isa akong naglalakad sa gilid ng sementadong daan.

Napahawak ako sa isa kong braso. Nararamdaman ko ang panunuot ng lamig ng hangin sa balat ko. Malas nga siguro ako sa araw na ito dahil wala man lamang jacket na napasama sa loob ng maleta. Puro croptops lang ang naroon at ang iba ay tube pa kagaya ng soot ko ngayon.

I tear fell from my eyes. Grabeng parusa naman ito. Hindi ko lubos akalain na mapapalayas ako nina Mom at Dad. Alam kong sobrang mahal nila ako dahil nag-iisa nila akong anak pero tila ba'y naabuso ko sila at napuno kaya heto't hinayaan lang nila akong palaboy-laboy nang hatinggabi na may revealing pang suot. Naka mini-skirt pa ako. Papa'no kung ma-rape o ma-holdap ako rito? Mamamatay na yata ako.

Bigla akong napahinto sa paglalakad at nangatog ang tuhod ko nang may isang lalaking naka-hoodie na sumasalubong sa direksyon ko. Nakayuko lang ito na naglalakad habang nakapamulsa sa kanyang pantalon. Sa tindig nito ay tila ba sanay na itong gumawa ng masama. Sino ba naman ang palakad-lakad sa daan ng ganitong oras maliban sa akin na tinaboy ng mga magulang?

Napahawak ako sa dibdib ko. 'Oh, my God! Ito na ba? Is this the end of me?' naisaisip ko habang todo ang kaba na nararamdaman ko.

Inayos ko ang pagkakatayo ko at nagpatuloy sa paglalakad. I moved as if hindi ako natatakot sa kanya. I must let him feel intimidated by my presence para hindi niya ako lapitan.

Mahahaba ang naging hakbang ng lalaki kaya madali lang siyang nakalapit sa kinaroroonan ko. Ang pagtatapang-tapangan ko ay hindi umubra. Mas tumindi ang naramdaman kong takot nang tuluyan na siyang makatabi sa akin sa daan.

"OMG, Kuya! 'Wag po!" sigaw ko habang napapikit ng mga mata. 'Ito na talaga! Mamamatay na talaga ako!'

Ilang segundong walang yabag akong narinig. Wala rin akong naramdaman na kung anong matulis na bagay na tumusok sa katawan ko, at wala ring kamay na dumampi sa balat ko. Napamulat ako ng mata at nakita ko ang  nakakunot-noo na mamá habang tinitingnan ako. Tila bang nagsasabi siyang napa'no ako o ano'ng sinasabi ko.

Maya-maya pa ay nagpatuloy lang din siya sa paglalakad at hindi na ako nilingon pa. Napabuntong-hininga ako. Mabuting tao pala siya. Sagad na talaga ang pagiging judgmental ko.

Napabalik uli ang tingin ko sa direksyon na kanina ko pa nilalakaran. Naalala ko uli ang kalagayan ko. 'Saan ba ako pupunta ngayon?' naisaisip ko.

Hindi naman ako puwedeng pumunta sa mga kamag-anak namin dahil alam kong binalaan na sila ni Dad na 'wag akong tanggapin. Alam ko kung paano magalit si Dad and he didn't want anyone to tolerate my bad actions. Kaya nga wala nang nagawa si Mommy at napapayag na rin na palayasin ako.

Wala rin akong mga kaibigan na puwedeng tulugan. Karamihan naman sa kanila ay mga peke katulad ng adik na grupo ni Violet. Tanging si Corinne lang ang masasandalan ko pero nasa Iloilo naman siya. Pero maaari ko naman siguro subukang tawagan siya. Baka may maisip siyang paraan para matulungan ako sa sitwasyon ko.

Habang nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang lamig ng hangin, I deftly slipped my hand into the pocket of my snug mini skirt para kunin ang cell phone ko. This trendy, yet impractical, mini skirt that I'm wearing barely left any room for my essentials kaya nahihirapan akong hugutin ang cell phone ko mula rito. Bakit ba kasi rito ko inilagay imbis na sa sling bag ko matapos kong makausap si Corinne kanina?

I could feel the device just within my grasp, but it seemed determined to evade my fingers. Habang iginagalaw ko ang aking kamay sa loob ng masikip na bulsa, sinusubukang ilabas ang telepono, ay nag-alinlangan naman ang aking konsentrasyon.

Nang mahugot ko na ito sa wakas ay bigla namang dumulas ang telepono mula sa aking pagkakahawak. Lumabas ito mula sa bulsa ng aking palda at dire-diretsong lumapag sa gitna ng kalye ilang distansya mula sa kinatatayuan ko.

Time seemed to slow as I watched in horror. The phone skidded for a moment, and then, with a heart-wrenching crunch, it met the asphalt. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang basag na screen na tila ba'y mala-spider web na bitak nang maaninagan ito ng buwan. I rushed to the middle of the road to pick it up at hindi ko na namalayan ang isang kotseng paparating.

***

REI

MAHIGPIT kong hinawakan ang manibela ng sasakyan habang binabaybay ko ang tahimik at walang katao-taong daan. Pero mabilis ko ring naapakan ang brake pedal ng kotse when suddenly, without warning, a blur of movement caught my eye. Isang babae ang biglang tumakbo patungo sa gitna ng kalsada. The tires screeched to a halt just inches away from the woman.

The world seemed to freeze for a moment. Kinabahan ako. Muntik ko na siyang mabangga, mabuti at nakahinto ako kaagad.

"Miss, are you okay?" pag-aalala kong tanong nang makalabas na ako ng kotse.

Pinulot niya ang cell phone niyang nasa kalsada at saka humarap sa akin.

"Miss Santillan?!" gulat kong reaksyon nang makita na ang mukha niya. Bahagyang nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ako.

"What are you doing here? Hatinggabi na at..." dagdag ko at napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "...ganyan pa ang suot mo," patuloy ko sa nais kong sabihin.

Hindi siya umimik pero halata ang mamumula-mula niyang mga mata. Napansin ko rin na may dala-dala siyang maliit na maleta.

'Naglayas ba siya?' naisaisip ko.

"Do you need help?" aniko at tango lang ang naging sagot niya sa akin.

Kaagad ko siyang nilapitan at kinuha ang suitcase na hawak-hawak niya. Nilagay ko naman ito sa compartment ng sasakyan ko. Maya-maya pa ay pumasok na ako sa driver's seat at sumunod naman siya sa pag-upo sa passenger's seat.

"What are you doing sa gitna ng kalsada at this hour?" I asked once again dahil hindi pa ako nakakakuha ng sagot mula sa kanya.

"I-I'm sorry. Hindi ko napansin na may paparating na sasakyan," tanging sabi niya, hindi man lang nasagot ang tanong ko.

"It's not safe to be out here at nag-iisa ka pa. Can you tell me what happened?" I asked again. Nakatuon lang ang paningin niya sa may windshield ng kotse. Tila ba'y lumilipad ang isip niya.

"Mom and Dad kicked me out," sagot niya at hindi napigilan ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Because?"

"They thought I was using ecstasy. E, hindi naman ako gano'n. Sumama lang ako sa mga friends ko na mag bar without knowing na they're users," she uttered.

Bigla akong napaisip.

"Wait. Nandoon ka sa bar na ni-raid ng mga pulis kanina?" usisa ko.

Napatingin siya sa akin. "You were there?"

"No. Nasa kabilang bar ako. I just heard it sa mga usap-usapan doon."

Bumaling uli ang tingin niya sa windshield as she's trying to dry her tears.

"Thank you at napadaan ka rito. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta." Narinig kong sabi niya.

"I'm glad you're safe. But since this is the second time na I saved you from your bar issues, Miss Santillan, hindi naman na siguro masama kung sisingilin kita ngayon."

Sa sinabi ko ay napatingin siya sa akin uli. "Napalayas na nga ako, sisingilin mo pa ako," aniya at tumulo muli ang luha.

I just chuckled. "Just kidding. But for now, a place that I can only think of to drop you off is my condo. I can let you stay pero hanggang umaga lang. Gusto mo ba?" aya ko sa kanya.

I can sense that she hesitated for a moment, then nodded gratefully as she was left with no choice.

"Please, if you don't mind. Wala talaga akong mapupuntahan ngayon. Nasira pa 'tong cell phone ko," sabi niya sabay tingin sa hawak niyang telepono na wasak-wasak ang screen.

"Okay. But first..." putol kong saad at hinubad ang suot-suot kong jacket. "...Wear this. It's getting really cold. Baka magkapulmonya ka pa niyan," patuloy ko at inabot sa kanya ang jacket.

Kinuha naman niya ito at kaagad na isinuot. "Salamat," aniya.

***

I WAS rolling Miss Santillan's suitcase sa floor ng condo unit ko. I volunteered na ako na ang magdadala as she's hugging herself dahil sa sobrang lamig na nararamdam niya kahit ba naka-jacket na siya. Well, she's on her mini skirt kaya siguro she's still half cold.

"Well, what do I say? Welcome again to my sweet nest," aniko ko sa kanya nang pinagbubuksan ko siya ng pinto.

Kaagad siya na pumasok at pahapong naupo sa sofa.

"Are you hungry? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya as I was putting her suitcase sa may gilid ng sofa.

"No. I'm okay. Busog pa ako," sagot niya.

"All right. You can use my bed. Doon ka na matulog. Dito na muna ako sa sofa sa sala," aniko at kumuha ng tubig sa ref. Ininom ko ito at nagsalin uli sa baso. Lumapit ako sa kanya at inabot ang tubig. Kinuha naman niya ito at ininom.

"Salamat," sabi niya. "Are you really sure na ako roon sa bedroom mo?" pang-uulit niya.

"Yes, so that you'll be comfortable. Ayos lang ako rito," sagot ko at binalik na niya sa akin ang baso.

Tumalikod na ako para ilagay na sana ang baso sa lababo pero napansin kong tumayo na siya at papasok na sana sa kuwarto ko.

"Miss Santillan," pigil ko sa kanya at nilingon naman niya ako. "No outside clothes on my bed, please," aniko.

She seems troubled at what I just said. May pag-aalala sa mukha niya. "Sorry pero walang napasamang pambahay sa maleta ko. Puro sexy clothes ko 'yong nailagay nila Dad. Well, mostly din naman ng mga damit ko ay revealing," sabi niya.

"Ganoon ba? Well, I can lend you some of my shirts," alok ko at inilapag na ang baso sa lababo. Pagkatapos ay pumunta ako ng kuwarto para tunguhin ang cabinet at kumuha ng isang t-shirt.

"You can go freshen up sa banyo dito sa loob ng kuwarto. Well, isa lang naman talaga ang banyo ko. May sabon na roon at shampoo if gusto mo maligo. Doon ka na rin magpalit ng damit. Then you can rest. See you in the morning," saad ko sabay abot sa kanya ng puti kong t-shirt. Lumabas na rin ako ng silid at kinuha naman niya ang maleta niya at pumasok na sa kuwarto ko habang dala-dala ito. Maya-maya ay nagsara na rin siya ng pinto.

***

Kinabukasan...

AYA

ANG matirik na liwanag ng araw na nasasala sa mga kurtina ang gumising sa akin mula sa pagtulog. I blinked my groggy eyes open. Nasanay na yata akong matulog sa kamang ito na naging dahilan para maging mahimbing ang pagtulog ko rito.

Pahikab akong napabangon ng kama as I feel the need to pee. Narerebolusyon na ang pantog ko at kailangan ko nang ilabas ito. Napakamot ako ng mga mata habang tinutungo ang banyo sa mismong kuwarto at maya-maya pa ay pinihit ang siradora ng pinto.

Pero nanlaki lang ang mga mata ko nang tuluyan ko nang mabuksan ang pintuan. Umatras ang ihi ko at tila nagising din ang diwa ko nang tumambad sa akin ang matambok na mga pisngi ng puwet ng mala-Adonis na lalaking kasama ko sa condo na ito.

'Ang ganda naman ng bungad ng araw ko!' reaksyon ko habang nakatuon pa rin ang tingin sa makinis niyang puwet.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status