The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]

The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]

last updateLast Updated : 2021-12-03
By:   Rhona-chan  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
109Chapters
7.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Aurora Augustus spent most of her time with her childhood friend-Arthur Cameron. They've been through a lot, bad times and good times. She wanted to cherish their friendship. But they never thought a tragedy would happen on Arthur's life, which will be the reason for him to change, and their friendship would totally go to waste. Arthur is willing to throw away their friendship just so he could accomplish his revenge. Aurora wanted to bring him back to light. She realized that she wanted to help him not just because he is her friend, but because she felt something deeper towards him. Her mission is to make the boy who murdered love, bring love back to life. Will she be able to do so? Or will everything end up with nothing? DISCLAIMER: This story is written in Taglish.

View More

Latest chapter

Free Preview

SIMULA

"Oh, ikaw taya!" Mabilis akong tumakbo palayo kay Art matapos ko siyang hawakan. Hinabol naman niya ako habang pakamot-kamot pa ng sariling ulo. Magaling kasi ako sa panlilinlang ng mga tao, at siya na ta-tanga-tanga naman, nahulog sa patibong ko.Araw-araw kaming nagkikita. Minsan ay ako ang pupunta sa mansyon nila, minsan naman ay siya ang pupunta sa bahay namin. Masyado kaming close. Para na nga kaming magkakapatid eh. Mahal na mahal ko itong kaibigan ko."Arthur, pumasok ka na sa loob at para makaligo ka na!" sigaw ng mommy ni Art mula sa loob ng kanilang mansyon. Nagpaalam na si Art sa'kin pero alam ko namang maglalaro pa kami sa susunod."Laro tayo!" Nakatayo ako ngayon sa labas ng gate nina Art. Yayayain ko na naman siyang maglaro dahil alam kong miss na niya ang makipaglaro sa akin."Sorry, Ror. Andito si dad eh." Malungkot na bigkas nito sabay tungo. Alam kong gustong-gusto niyang maglaro pero ayaw naman niyang magalit ang daddy niya. Malamang ay...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Ralph Niño Alfarero Masbang
nice story...
2021-10-21 07:56:52
1
109 Chapters
SIMULA
"Oh, ikaw taya!" Mabilis akong tumakbo palayo kay Art matapos ko siyang hawakan. Hinabol naman niya ako habang pakamot-kamot pa ng sariling ulo. Magaling kasi ako sa panlilinlang ng mga tao, at siya na ta-tanga-tanga naman, nahulog sa patibong ko.Araw-araw kaming nagkikita. Minsan ay ako ang pupunta sa mansyon nila, minsan naman ay siya ang pupunta sa bahay namin. Masyado kaming close. Para na nga kaming magkakapatid eh. Mahal na mahal ko itong kaibigan ko."Arthur, pumasok ka na sa loob at para makaligo ka na!" sigaw ng mommy ni Art mula sa loob ng kanilang mansyon. Nagpaalam na si Art sa'kin pero alam ko namang maglalaro pa kami sa susunod."Laro tayo!" Nakatayo ako ngayon sa labas ng gate nina Art. Yayayain ko na naman siyang maglaro dahil alam kong miss na niya ang makipaglaro sa akin."Sorry, Ror. Andito si dad eh." Malungkot na bigkas nito sabay tungo. Alam kong gustong-gusto niyang maglaro pero ayaw naman niyang magalit ang daddy niya. Malamang ay
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more
KABANATA 1
First day of class ko bilang first year college. At ito ang unang beses na mag-isa lang akong papasok sa eskwelahan. Noon kasi, sabay kaming papasok ni Art, sabay pa kaming mag-eenroll. Last night was the worst day of my life. He really wasted everything we had para lang pagplanuhan kung paano niya mapapatumba ang kanyang ama. And I can't support him because that's just too much. Revenge is not the best thing to do."Excuse me?" May lumapit na isang babae sa akin. Tiningnan ko naman siya. Pinagdidikit pa niya ang kanyang magkabilang hintuturo sabay tungo. She have black, long straight hair and she is wearing a skirt and off-shoulder. Nakasandals siya sa pang-ibaba."M-may nakita ka bang lalaki na g-gwapo tapos nakasuot ng black pants at long sleeve polo? Uhm yung hairstyle niya ay quiff tsaka kayumanggi ang kulay ng balat niya, atsaka-""T-teka teka." I cut her off. Lumingon-lingon pa ako sa paligid para hanapin ang sinasabi niyang lalaki. Marami namang naka lon
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more
KABANATA 2
I formed my hands into fists habang pinapanood si Diego na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Sino bang may sabing close na kami?"Ror—" Hindi ko siya pinatapos. Sinapak ko siya sa mukha and I heard people gasped. What I did really caught their attention. Ngunit wala lang akong pakialam dahil nakatuon lang ang atensyon ko dito sa lalaki. Nagulat siya sa ginawa ko. Sa lakas ng pagkakasapak ko sa kanya ay dumugo ang kanyang labi. Mukhang nakonsensya naman ako sa ginawa ko kaya inalalayan ko siya."S-sorry. Ikaw kasi eh." Pinaupo ko siya sa silya dito sa canteen. Naalis na rin ang mga tingin ng mga estudyante sa amin at nagkanya-kanya na sila. Nagdadalawang-isip ako kung hahawakan ko ba ang labi niyang may dugo. Paano ba naman kasi, bakit Ror ang tawag niya sa'kin? Si Art lang ang may karapatang tumawag sa'kin ng ganyan."Okay na ako. May anghel kasi sa harapan ko eh." Napangisi siya. Balak ko ulit sana siyang sampalin kaso baka lumala pa iyong sugat niya kay
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more
KABANATA 3
"Ano mo na ba talaga iyang Arthur na 'yan?" tanong ni Kuya pagkapasok namin agad sa loob ng bahay. Si Kuya pala ay nagta-trabaho na bilang isang nurse sa isang health center."Kuya, ang tsismosa mo ah." Inilagay ko ang bag sa sofa at dumiretsu sa kusina para magmano kay nanay. Ang tatay ko naman ay nagta-trabaho abroad kaya kaming tatlo ang natitira dito sa bahay.Palagi lang akong tinatanong ni Kuya tungkol kay Art, kung ano na daw ang relasyon naming dalawa, pero ang totoo naman niyan ay kaibigan ko lang talaga ang lalaking iyon. Parang kapatid ko na nga eh. Hindi ko maiimagine na maging magboyfriend at mag-girlfriend kaming dalawa."Sigurado ka ba talaga diyan?" paulit-ulit na tanong ni Kuya. Pati ba naman sa hapagkainan ay hindi niya pa rin ako tinitigilan.Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy lang ang pagkain."Alam mo naman siguro ang bali-balita tungkol sa dad niya, diba?"Napatigil ako sa pagsubo at napatingala kay Kuya na nakaup
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more
KABANATA 4
"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Art nang bigla itong tumayo sa kinauupuan. "Wait lang." He smiled at lumabas nitong milktea shop. Naglakad siya palapit sa batang may hawak na mga tinitindang rosas. Kanina pa rin kasi namin iyon napapansin at naaawa na rin kami doon. Pero hindi ko aakalaing lalapit talaga si Art doon. Let me guess. Tutulungan niya ang bata at bibilhin niya lahat ng tinitinda nitong rosas. Iyan naman kasi ang kadalasan kong nakikita sa mga romance movie eh. Ang sweet niya ah. Typical boyfie yieee yaks. Kinausap niya muna ang bata bago niya ito pinapasok dito sa loob. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makarating sila dito. "Siya daw si Grace." Pinakilala ni Art ang bata sa akin. "Hi, ako si Aurora. Ilang taon ka na?" nakangiti kong tanong dito. "10 po."Dahan-dahan akong tumango. Na
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more
KABANATA 5
Sabi no'ng Felicity ay hindi niya sasabihin sa akin kung saan siya nakatira dahil iyon daw ang bilin ni Art. Ngunit matigas ang ulo ko at palihim siyang sinusundan ngayon. Talagang umabsent ako sa last subject namin para masigurado kong masundan ko siya ngayong araw.Naghihintay siya sa may unahan at nakikita ko siya mula rito. Pagkalipas ay may tumigil na tricycle sa harap niya. Sumakay siya dito kaya pumara rin ako ng isang tricycle para sundan siya. Lumipas muna ang tatlong minuto bago kami tumigil sa isang kanto. Sinigurado kong ilang metro ang layo namin para hindi niya mahalatang sinusundan ko siya.Pumasok siya sa isang konkretong bahay sa tabi lang ng kalsada. Napaangat ako ng tingin sa lugar na iyon. So dito pala natutulog si Art. Humanda ka talaga sa'kin.Naglakad ako ng pasimple palapit sa bahay. Tinitingnan ko pa ang kabuuan nito para makapag-isip ako kung saan ako pwedeng dumaan."Bulaga!"Nagulat na lang ako nang biglang may sumulpot
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more
KABANATA 6
WARNING: HARASSMENT"Umalis ka na." Malamig niyang sabi sabay layo sa'kin. Umupo siya sa may mesa at humarap sa isang computer. Pinapanood ko na lang siya habang nararamdaman ko pa rin na ang sikip-sikip ng dibdib ko.Kakapasok lang nina Dustin at Felicity ay lumabas na agad ako ng kwarto. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay habang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. I can't believe him! Does he have to go this far?Nang makalabas na nang tuluyan ng bahay ay tumigil muna ako at tiningnan ang kabuuan no'n. I bravely wiped my tears off my cheeks. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa dati, Art. I will do everything to bring back our friendship.Naghintay ako ng tricycle dito pero mukhang wala ng darating. Gabi na rin kaya sigurado akong umuwi na sila. Paano na? Saan ako magpapalipas ng gabi? Malayo-layo pa naman ang bahay namin.May natanaw akong tricycle na paparating kaya pinara ko ito. I sighed with relief dahil mayroon pa pal
last updateLast Updated : 2021-08-20
Read more
KABANATA 7
Nang makuha ko na ang librong hinahanap ay agad din akong lumabas ng library. Mabuti na lang at hindi na ako sinundan ni Diego dahil malamang ay bubwesitin na naman ako no'n. Nakakairita. "Guard number 2, nagkaproblema na naman po doon sa entrance gate. Pumasok na naman po kasi si Erojo," sabi ng isang estudyante sa isang guard na nakatambay malapit sa building ng mga engineering. "Hindi ba natututo iyong batang iyon? No'ng first year ay puro lang naman iyon suspension eh. Pati ba naman ngayong second year ay bibigyan na naman tayo no'n ng sakit ng ulo?" Napakamot pa ng batok ang guard bago umalis para puntahan ang sinumang estudyanteng nasa entrance gate. Nacurious ako kung sino ang estudyanteng mukhang nagpapabadtrip sa mga guards kaya nakiki-tsismis na rin ako. Eh sa tsismosa ako eh. Maraming mga estudyanteng nagkukumpulan doon sa gate, both inside and outside kaya hindi ko nakikita kung sino ang sinasabing estudyante. "Magsialisan kayo rito! Pumas
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more
KABANATA 8
Matapos ang practice ay hinanap ulit ng mga mata ko si Art doon sa pwesto kung saan ko siya unang nakita ngunit wala na siya doon. Inilibot ko ang paningin ko sa pag-aakalang baka andito pa rin siya sa paligid. Nagsialisan na rin ang ibang mga estudyanteng kanina ay nanonood sa amin."Aurora?" I heard Emma's voice so I immediately looked to where she is. My eyes widened when I saw her being one of the contestants for the singing contest. May kanya-kanya kasi kaming coach para mag-ensayo sa amin. Hindi ko man lang napansin na isa rin pala si Emma sa contestants."Emma. I didn't know you can sing." I rolled my eyes inside my thought. Wow, Aurora. Akala mo naman na kilalang-kilala mo na talaga si Emma."Well, yeah. I have actually been into singing since I was young. Nakasali na rin ako sa mga patimpalak. Not to brag, but, I won all of them." Nakangiti niyang sabi na halata sa mukhang medyo nahihiya siya. I made an 'ooohh' reaction. Hindi ako makapaniwalang halimaw
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more
KABANATA 9
I walked like a zombie habang papunta ako sa classroom. Walang buhay, tulala, nasa daan lang ang tingin. I can't believe Art doesn't even miss me even the slightest bit. O talagang nagpapanggap lang siya na wala siyang pakialam sa'kin para makapagpokus siya sa paghihiganti niya? Imposible naman kasi na itatapon lang niya nang ganun-ganun lang ang pagkakaibigan namin eh.Pabagsak akong umupo sa pwesto ko at tumingin sa labas ng bintana. Hindi mawala sa isipan ko si Art. Ano bang dapat kong gawin para matigil niya ang pinanggagagawa niya?"Good morning, class."Walang gana kong inilipat ang tingin sa harapan. Modern Physics ang next subject at ngayon ang unang araw na papasok ang instructor namin.Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang instructor namin. The terror professor!I gulped. Bakit sa lahat-lahat ng subjects ay Modern Physics pa ang hina-handle niya? Is this it? Papahirapan ba niya ako?Inilibot nito ang paningin sa palig
last updateLast Updated : 2021-08-25
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status