Share

KABANATA 2

Author: Rhona-chan
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

I formed my hands into fists habang pinapanood si Diego na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Sino bang may sabing close na kami?

"Ror—" Hindi ko siya pinatapos. Sinapak ko siya sa mukha and I heard people gasped. What I did really caught their attention. Ngunit wala lang akong pakialam dahil nakatuon lang ang atensyon ko dito sa lalaki. Nagulat siya sa ginawa ko. Sa lakas ng pagkakasapak ko sa kanya ay dumugo ang kanyang labi. Mukhang nakonsensya naman ako sa ginawa ko kaya inalalayan ko siya.

"S-sorry. Ikaw kasi eh." Pinaupo ko siya sa silya dito sa canteen. Naalis na rin ang mga tingin ng mga estudyante sa amin at nagkanya-kanya na sila. Nagdadalawang-isip ako kung hahawakan ko ba ang labi niyang may dugo. Paano ba naman kasi, bakit Ror ang tawag niya sa'kin? Si Art lang ang may karapatang tumawag sa'kin ng ganyan.

"Okay na ako. May anghel kasi sa harapan ko eh." Napangisi siya. Balak ko ulit sana siyang sampalin kaso baka lumala pa iyong sugat niya kaya tiningnan ko na lang siya nang masama.

"Feeling close ka ba?"

"Uy, pick-up line ba yan? Sige sige. Bakit?" Mukha pang excited siya sa sasabihin ko.

"Hindi yan pick-up line, tukmol!"

"Aysshh, ang cute mo." Hinaplos niya ang pisngi ko pero mabilis kong tinabig ang kamay niya. Nakaramdam na lang ako ng paninindig ng balahibo.

"Manyak ka ba?"

"Sigurado akong pick-up line na yan. Bakit?"

"Gusto mo bang sapakin kita ulit?" I showed my fist to him. He raised his hands in defeat but still, his face flashed a scornful smile. Bagay naman sa kanya ang ganyan kasi gwapo naman siya kaso nga lang, ayoko talaga ng mga playboy. They're creeping me out.

Pinipilit ko siyang pumunta sa clinic para magamot ang sugat sa labi niya kaso ayaw naman niya. Palagi niyang sinasabi na okay na daw siya dahil kasama daw niya ako. His style is just bolok. Hindi uubra sa akin ang ganiyan.

Hinatid niya ako sa classroom kahit hindi naman dapat. Dapat nga na siya ang ihahatid ko eh pero dahil feeling naman niya superhero siya, hinayaan ko na lang.

"Sa'n ka galing?" tanong agad sa akin ni Art pagkaupo ko sa pwesto ko sa tabi niya.

"Sa canteen. Diba sabi ko sumunod ka sa'kin? Bakit wala akong nakitang ni anino mo? Ha?" pagsermon ko sa kanya.

"Tinatamad ako." Bored niyang sabi. Itinuon niya ang atensyon sa labas ng bintana at iniiwasang tumingin sa'kin. I just shrugged my shoulders. Bahala siya diyan.

Ganito talaga kami. Kahapon ay hindi kami nagpansinan matapos nung mag-usap kami pero hindi naman namin matitiis ang mga sarili namin. Magpapansinan at magpapansinan pa rin kami. Ganyan naman talaga ang tunay na magkakaibigan. Kinakalimutan lang namin iyong mga kahapon. Kaso, hindi pa rin talaga mawawala sa isip ko ang gagawin niyang paghihiganti. Ano pa ba ang gagawin ko para lang matigil ang plano niya?

"Sabay tayong kumain mamayang tanghali ha?" masigla kong sabi sa kanya.

"Ayoko."

"Bakit? Nagtatampo ka ba sa'kin kasi hindi kita binilhan ng snacks?" Tumawa pa ako nang mahina pero parang wala lang sa kanya iyon. Seryoso lang siyang nakatanaw sa labas at parang may iniisip siyang hindi matutumbasan ng pagjo-joke ko.

"Uy. Wag ka nang magtampo." Pagsuyo ko sa kanya. Napahawak pa ako sa kanyang braso pero tinabig lang niya ang kamay ko dahilan para mabitawan ko siya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Galit ka ba? Sa akin ba o sa dad mo?" Dahil doon ay nilingon na niya ako. Napalunok ako ng laway dahil masama ang tingin niya sa'kin. May nasabi ba akong mali?

"Umalis ka nga sa tabi ko." Ibinalik na ulit niya ang atensyon sa labas ng bintana. Naramdaman ko na lang ang pagsikip ng dibdib ko. Nanunubig ang mga mata ko pero ginagawa ko ang lahat para pigilan ang sariling luha. Hindi ko gugustuhing makita niya ako na umiiyak. Napapakuyom pa ako ng aking mga kamay para lang hindi tumulo ang luha ko. Ang OA ko naman ata. Pero kasi, ni minsan ay hindi ako sinasabihan ni Art na umalis ako sa tabi niya. Palagi naman kaming magkasama eh. Minsan ay pinapaalis niya ako dahil masyado lang akong clingy sa kanya sa paraan na parang sini-seduce ko siya. Pero kapag ganito...

Ewan ko pero ang sakit. Ayaw na ba niya sa'kin? Nakikita ko rin na seryoso talaga siya sa sinasabi niya, walang halong joke, dahilan para mas lalo akong masaktan. Ang OA ko na talaga masyado. Tumigil ka nga, Aurora. Nakakairita ka!

Wala pa ang instructor namin kaya pwede pa akong lumabas. May mga vacant seats din doon sa kabilang banda kaya doon na lang ako uupo.

"Lipat lang ako." Malamig kong sabi kay Art at tumayo na mula sa pagkakaupo. Dala-dala ang bag ay naglakad ako palabas ng classroom. Inilagay ko muna ang bag ko sa isang vacant seat, para malaman ng iba na meron nang nakaupo doon.

I took a deep breath as I hold on to the railings. Nasa third floor kami at natatanaw namin mula dito ang activity center, ang ibang department, ang canteen at iba pa. Each students here are doing anything. May mga nag-P-PE sa activity center, they were doing some exercises. Mayroon namang nagpa-practice ng sayaw sa quadrangle, may mga kumakain sa canteen, nagtatawanan at nagku-kwentuhan. May iba rin naman na gumagawa ng kanilang projects doon.

I heaved a sigh to calm myself down. Itutuon ko na lang ang isip at pokus ko sa mga pangyayari sa paligid keysa sa dibdibin ang sinabi ng kaibigan ko. Hinintay kong sundan niya ako at para humingi ng tawad sa'kin pero mukhang wala naman siyang balak. Baliw siya. Naiinis ako sa kanya!

Inilipat ko ang tingin sa kabilang building. Napako ang tingin ko sa second floor nang makita ko sina Diego at yung babaeng lumapit sa akin kahapon. Kung hindi ako nagkamali ay Emma ang pangalan niya. Are they friends? Or maybe siblings? I don't think they are siblings. Kahapon, nung lumapit siya sa'kin at nagtanong kung nakita ko ba si Diego, she described him as handsome. Marami akong kilala na mga magkakapatid na hindi dinidescribe ang sariling kapatid na gwapo o maganda dahil para sa kanila, ang sagwa ng mga itsura ng mga kapatid nila. Other people may find them attractive, but their own siblings won't see them as that. Ganyan talaga kapag palagi mong nakikita ang mukha ng kapatid mo.

Ang ibig sabihin ba niyan, magkakaibigan sina Diego at Emma? Are they bestfriends, perhaps? If they are, well, I envy them. Sa nakikita ko ngayon, they are really close. Medyo napapansin ko lang na mahiyain si Emma. Maybe it's just her personality, though.

Napailing ako sa loob ng isipan. Tama na yan, Aurora.

Pumasok na lang ako sa loob at umupo na sa bago kong pwesto. Sinulyapan ko pa si Art sa pwesto niya pero nakatingin pa rin siya sa labas ng bintana. He was really serious, huh?

***

Sumakay na ako ng taxi pauwi dahil alam ko namang hindi ako makakasabay kay Art dahil sa nangyari kanina. Hindi ako mayaman katulad niya. Nasa middle class lang naman kami. Pero hindi naman ito ang hadlang sa pagkakaibigan namin.

Pagkalabas ko ng taxi ay hinintay ko munang makaalis ang sinasakyan bago ako papasok sa gate namin. Nang hindi ko na matanaw iyon ay naisipan kong buksan ang gate nang...

"Ror..." Napatigil ako at mabilis siyang nilingon. Maliwanag dito sa labas dahil sa malalaking ilaw diyan sa gate nina Art. Nasa tapat lang naman kasi ang mansyon nila sa bahay namin kaya nadadamay na din ang bakuran namin at naiilawan kahit wala naman talaga kaming ilaw na nilagay sa labas. At kung ikukumpara ang bahay namin sa mansyon nila, wag na lang, mapapahiya lang ako. Bangka lang ang bahay namin kumpara sa mala-titanic na mansyon nila.

"A-art..."

Mukhang kalalabas lang niya sa kanilang gate. Ibig sabihin, hinintay niya talaga ako?

Naglakad siya palapit sa'kin habang ang kamay niya ay nasa loob ng kanyang bulsa. Ang suot niya kanina sa school ang suot niya ngayon, kaya talagang hindi pa siya nakapagbihis.

"I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi sa'yo kanina iyon," panimula niya.

"Okay lang. Sorry din, kasi ang OA ko." I faked a laugh.

"Sorry din kasi naririnig ko ang pinag-uusapan ninyo."

Sabay kaming napalingon sa taong bumukas ng gate.

"K-kuya? Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong sa kanya.

"Anong ginagawa—Pumasok ka na!" Tinulak niya ako papasok. "Ikaw naman, lalaki. Pasok na! Gabing-gabi na, sus!"

Napakamot na lang si Art sa sariling batok. Hay naku, si Kuya, overprotective.

Related chapters

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 3

    "Ano mo na ba talaga iyang Arthur na 'yan?" tanong ni Kuya pagkapasok namin agad sa loob ng bahay. Si Kuya pala ay nagta-trabaho na bilang isang nurse sa isang health center."Kuya, ang tsismosa mo ah." Inilagay ko ang bag sa sofa at dumiretsu sa kusina para magmano kay nanay. Ang tatay ko naman ay nagta-trabaho abroad kaya kaming tatlo ang natitira dito sa bahay.Palagi lang akong tinatanong ni Kuya tungkol kay Art, kung ano na daw ang relasyon naming dalawa, pero ang totoo naman niyan ay kaibigan ko lang talaga ang lalaking iyon. Parang kapatid ko na nga eh. Hindi ko maiimagine na maging magboyfriend at mag-girlfriend kaming dalawa."Sigurado ka ba talaga diyan?" paulit-ulit na tanong ni Kuya. Pati ba naman sa hapagkainan ay hindi niya pa rin ako tinitigilan.Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy lang ang pagkain."Alam mo naman siguro ang bali-balita tungkol sa dad niya, diba?"Napatigil ako sa pagsubo at napatingala kay Kuya na nakaup

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 4

    "Saan ka pupunta?" tanong ko kay Art nang bigla itong tumayo sa kinauupuan. "Wait lang." He smiled at lumabas nitong milktea shop. Naglakad siya palapit sa batang may hawak na mga tinitindang rosas. Kanina pa rin kasi namin iyon napapansin at naaawa na rin kami doon. Pero hindi ko aakalaing lalapit talaga si Art doon. Let me guess. Tutulungan niya ang bata at bibilhin niya lahat ng tinitinda nitong rosas. Iyan naman kasi ang kadalasan kong nakikita sa mga romance movie eh. Ang sweet niya ah. Typical boyfie yieee yaks. Kinausap niya muna ang bata bago niya ito pinapasok dito sa loob. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makarating sila dito. "Siya daw si Grace." Pinakilala ni Art ang bata sa akin. "Hi, ako si Aurora. Ilang taon ka na?" nakangiti kong tanong dito. "10 po."Dahan-dahan akong tumango. Na

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 5

    Sabi no'ng Felicity ay hindi niya sasabihin sa akin kung saan siya nakatira dahil iyon daw ang bilin ni Art. Ngunit matigas ang ulo ko at palihim siyang sinusundan ngayon. Talagang umabsent ako sa last subject namin para masigurado kong masundan ko siya ngayong araw.Naghihintay siya sa may unahan at nakikita ko siya mula rito. Pagkalipas ay may tumigil na tricycle sa harap niya. Sumakay siya dito kaya pumara rin ako ng isang tricycle para sundan siya. Lumipas muna ang tatlong minuto bago kami tumigil sa isang kanto. Sinigurado kong ilang metro ang layo namin para hindi niya mahalatang sinusundan ko siya.Pumasok siya sa isang konkretong bahay sa tabi lang ng kalsada. Napaangat ako ng tingin sa lugar na iyon. So dito pala natutulog si Art. Humanda ka talaga sa'kin.Naglakad ako ng pasimple palapit sa bahay. Tinitingnan ko pa ang kabuuan nito para makapag-isip ako kung saan ako pwedeng dumaan."Bulaga!"Nagulat na lang ako nang biglang may sumulpot

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 6

    WARNING: HARASSMENT"Umalis ka na." Malamig niyang sabi sabay layo sa'kin. Umupo siya sa may mesa at humarap sa isang computer. Pinapanood ko na lang siya habang nararamdaman ko pa rin na ang sikip-sikip ng dibdib ko.Kakapasok lang nina Dustin at Felicity ay lumabas na agad ako ng kwarto. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay habang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. I can't believe him! Does he have to go this far?Nang makalabas na nang tuluyan ng bahay ay tumigil muna ako at tiningnan ang kabuuan no'n. I bravely wiped my tears off my cheeks. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa dati, Art. I will do everything to bring back our friendship.Naghintay ako ng tricycle dito pero mukhang wala ng darating. Gabi na rin kaya sigurado akong umuwi na sila. Paano na? Saan ako magpapalipas ng gabi? Malayo-layo pa naman ang bahay namin.May natanaw akong tricycle na paparating kaya pinara ko ito. I sighed with relief dahil mayroon pa pal

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 7

    Nang makuha ko na ang librong hinahanap ay agad din akong lumabas ng library. Mabuti na lang at hindi na ako sinundan ni Diego dahil malamang ay bubwesitin na naman ako no'n. Nakakairita. "Guard number 2, nagkaproblema na naman po doon sa entrance gate. Pumasok na naman po kasi si Erojo," sabi ng isang estudyante sa isang guard na nakatambay malapit sa building ng mga engineering. "Hindi ba natututo iyong batang iyon? No'ng first year ay puro lang naman iyon suspension eh. Pati ba naman ngayong second year ay bibigyan na naman tayo no'n ng sakit ng ulo?" Napakamot pa ng batok ang guard bago umalis para puntahan ang sinumang estudyanteng nasa entrance gate. Nacurious ako kung sino ang estudyanteng mukhang nagpapabadtrip sa mga guards kaya nakiki-tsismis na rin ako. Eh sa tsismosa ako eh. Maraming mga estudyanteng nagkukumpulan doon sa gate, both inside and outside kaya hindi ko nakikita kung sino ang sinasabing estudyante. "Magsialisan kayo rito! Pumas

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 8

    Matapos ang practice ay hinanap ulit ng mga mata ko si Art doon sa pwesto kung saan ko siya unang nakita ngunit wala na siya doon. Inilibot ko ang paningin ko sa pag-aakalang baka andito pa rin siya sa paligid. Nagsialisan na rin ang ibang mga estudyanteng kanina ay nanonood sa amin."Aurora?" I heard Emma's voice so I immediately looked to where she is. My eyes widened when I saw her being one of the contestants for the singing contest. May kanya-kanya kasi kaming coach para mag-ensayo sa amin. Hindi ko man lang napansin na isa rin pala si Emma sa contestants."Emma. I didn't know you can sing." I rolled my eyes inside my thought. Wow, Aurora. Akala mo naman na kilalang-kilala mo na talaga si Emma."Well, yeah. I have actually been into singing since I was young. Nakasali na rin ako sa mga patimpalak. Not to brag, but, I won all of them." Nakangiti niyang sabi na halata sa mukhang medyo nahihiya siya. I made an 'ooohh' reaction. Hindi ako makapaniwalang halimaw

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 9

    I walked like a zombie habang papunta ako sa classroom. Walang buhay, tulala, nasa daan lang ang tingin. I can't believe Art doesn't even miss me even the slightest bit. O talagang nagpapanggap lang siya na wala siyang pakialam sa'kin para makapagpokus siya sa paghihiganti niya? Imposible naman kasi na itatapon lang niya nang ganun-ganun lang ang pagkakaibigan namin eh.Pabagsak akong umupo sa pwesto ko at tumingin sa labas ng bintana. Hindi mawala sa isipan ko si Art. Ano bang dapat kong gawin para matigil niya ang pinanggagagawa niya?"Good morning, class."Walang gana kong inilipat ang tingin sa harapan. Modern Physics ang next subject at ngayon ang unang araw na papasok ang instructor namin.Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang instructor namin. The terror professor!I gulped. Bakit sa lahat-lahat ng subjects ay Modern Physics pa ang hina-handle niya? Is this it? Papahirapan ba niya ako?Inilibot nito ang paningin sa palig

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 10

    "Uh, Rora..." Tumigil na lang kami sa paglalakad nang makababa na kami sa CEA building. Hinarap ko kaagad si Diego na kanina pa pala nakatingin sa magkahawak naming kamay. I gulped as I immediately lets go of his hand. My skin started to roughen so I hugged myself. Giniginaw ako na kinikilabutan.My forehead creased when he smiled as he kept on looking at his palm. Agad ko rin naman siyang hinampas sa kanyang balikat kaya mabilis rin siyang nakabalik sa realidad. He gave me a puzzled look."Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito."Bakit? Ano bang ginawa ko?""Bahala ka nga diyan!" I took steps away from him but he followed me."Sino ba ang lalaking iyon, Rora?""Wala kang pakialam.""Grabe oh, parang hindi tayo magkaibigan ah." Napatigil ako at hinarap ulit siya."Kailan pa tayo naging magkaibigan?" I don't even have an idea what this guy is talking about. He is just flirting with me, for goodness' sake!"H-hindi pa ba m-mag

Latest chapter

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   AUTHOR'S NOTE

    Ang kwentong ito ay tungkol sa isang lalaking napuno ng poot at galit dahil sa kanyang amang pumatay sa kanyang ina. A man who has anger. An angry man loses his reason. In anger, a man will do what he afterwards regrets. From anger arise hatred, revenge, quarreling, blasphemy, contumely, and murder. This is a sin against the fifth commandment. "Thou shall not kill" (Ex. 20:13) Hatred is a kind of habitual anger, a strong dislike of or ill-will towards anyone. When a person hates someone, he sees no good in the one hated; he would like to see evil rain down on the one hated; he rejoices in all misfortune of the one hated. Hatred is a sin because it violates God's commandment: "You shall love your neighbor as yourself." If we hate certain qualities of a person, but have no antagonism towards the person himself, our feeling is not necessarily sinful. It is not hatred to detest evil qualities of others; we must hate the sin, but not the sinner. We

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   WAKAS

    Have you ever been blinded by hatred and revenge? You wouldn't realize that dahil nga, nabulag ka na. Like you didn't care about right and wrong as long as you stick to what you decide on. Iyong tipong wala ka nang pakialam sa sasabihin ng iba.Revenge was the only thing that comes into my mind when my mom was killed by dad. Siyempre, siya ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko. He's my mom. At gagawin ko ang lahat para lang sa kanya, gagawin ko din ang lahat para lang maipaghiganti siya, even if it's dad that I should fight against.I planned everything, did everything to be the person that is worthy to be a rival of someone like dad. He was known as an elite and powerful member of the mafia. I was just a mere gangster who only do streetfights. I asked for the help of my fellow gangsters Felicity Veloso and Dustin Erojo, who were in a relationship since senior high.Dustin Erojo is someone I can count on. I always ask h

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 106

    "Felicity? Anong ginawa mo? B-bakit mo sila binaril?"Nakahandusay na ngayon sa sahig sina Irina at Johnson. Mga wala na rin silang malay. They were shot by Felicity alone."Hindi magdadalawang-isip si Irina na patayin ka, hindi mo ba nakikita iyon? Tuluyan nang nabilog ang ulo niya at tuluyan na rin siyang nabulag sa pagmamahal niya sa lalaki! Ngayon, dapat pa nga ay magpasalamat ka sa akin e!""Sa tingin mo magpapasalamat ako sa 'yo? Hindi! Dahil gusto ko na ring mamatay! Iniwan na ako ng lahat ng taong importante sa akin! Ano na lang ang natitira sa akin? Wala!""Nagkakamali ka!!"My eyes widened. Mukhang hindi rin magpapatalo ang babae."Andito pa kami!! Ako, si Arthur, si Dustin, si Mrs. Erojo, si Mr. Ochoa! Lahat kami, andito pa! Mahal ka namin! At importante ka sa amin! Ngayon, ang tanong, importante rin ba kami sa 'yo?!"Tears fell off my cheeks. May kakaibang pakiramdam sa aking puso na nagdudulot ng saya sa akin. Despite eve

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 105

    Lumabas ako ng Simbahan na nakatulala. Why does this always happen to me? Bakit palagi na lang? Bakit ako na lang ang palaging nakakaranas nito?"Aurora?!"Natigil na ang barilan, pero hinahanap ko ang sinumang nagpasimuno nito. Gusto kong ako naman ang isunod nito. Gusto kong mamatay na rin kasama ni Diego. Ano pa ang silbi ng buhay ko kung wala na ang taong mahal ko?"Aurora!!"Napaluhod ako nang dahan-dahan. Tumulo na naman ulit ang luha ko imbis na tumigil na ito at natuyo na rin sa sarili kong mukha."Aurora, tara na!!" May taong lumapit sa akin at pilit aking pinapatayo. I looked at her face and I saw Irina."I-irina. S-si Diego... Wala na siya." Mahina kong sambit at tulala pa rin."Mamaya na iyan, Aurora! Kailangan na nating umalis dito para madala kita sa isang ligtas na lugar!" Hinila na niya ako at nagpadala na rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya ako dinala pero wala na rin akong pakialam. Alam kong dadalhin niya

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 104

    "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Felicity?" I asked her. Gusto kong isipin na nagjo-joke lang siya pero napakaseryoso lang ng kanyang mukha."Please tell me you're kidding." Ulit ko pero wala siyang balak na magsalita dahilan para mainis ako sa kanya."Umalis ka na ngayon din, Felicity." I pointed the door."Maniwala ka sa akin, Aurora. Irina is not what you think she is—""UMALIS KA NA NGAYON DIN! HINDI KO KAILANMAN TATANGGAPIN ANG MGA TAONG NANINIRA SA BESTFRIEND KO!" Napasigaw na talaga ako dahil hindi ko na kaya. Ayaw ko sanang sabihin ito kay Felicity dahil nagiging kaibigan ko na rin siya. But she's way too much! Sinisiraan na niya ang kaibigan kong si Irina! Ni wala nga siyang ebidensya para mapatunayan ang sinasabi niya e! She just accuse people!Napatungo siya at umalis na ng mansyon nang walang sinasabi. Sinusundan ko na lang siya nang tingin hanggang sa tuluyan na siyang makaalis."Young lady." Tawag ni Mr. Simon. Mukhan

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 103

    "Wow, congrats, Aurora! I'm so happy for you talaga!" Bati sa akin ni Irina nang sabihin ko sa kanyang magpapakasal na ako kay Diego. Natatawa talaga ako sa lalaking iyon. Masyado ba namang excited. Gumawa pa ako ng rason para hindi mapadali ang kasal namin. Like, paano ako nito bubuhayin? I can't believe that he would answer right away. He said that he has many businesses. Mayaman rin naman kasi ito kaya hindi na rin kaduda-duda. Si Irina pa lang at si Mr. Simon ang nakakaalam nitong kasal. Balak ko rin sanang sabihin kay Mr. Ochoa, kasi siyempre boss ko ito kaya iimbitahin ko rin ito sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay ko.I was also planning to tell this to Felicity. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pa itong imbitahan e ang sama ng ugali no'n. Char lang. Siyempre kaibigan ko na ang babaeng iyon kaya dapat lang din na imbitahan ko ito sa kasal ko. I know that she will tell Art about this kaya hindi ko na kailangan pang sabihin dito. It is up to him kung pupunta siya

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 102

    I went to the comfort room at doon ay naghilamos. Napatitig muna ako sa mukha ko ng ilang minuto. Am I just assuming o talagang si Art ang nagfire doon sa unang secretary? Is it just me or talagang si Art iyong humila sa babae noong araw na iyon? But why would he do that?I sighed. I wiped my hands dry before I decided to go outside."Hey." Agad na dumikit ang mga paa ko sa sahig. Kahit na hindi ko pa tingnan ay alam kong si Art ang nakasandal dito sa gilid sa labas ng CR na para bang hinihintay ako. Gusto kong itanong agad sa kanya kung ano ang totoo."So, magkaibigan pala kayo ni Jennie. She's a great person. Hindi siya plastik at hindi rin masama ang ugali niya." He stated. Hindi ko pa rin siya nililingon. I remained my eyes at my front habang siya ay pinapakinggan. May parte sa akin na umalis na lang dahil ayoko naman siyang makausap man lang. I don't want to communicate with him. Pero kailangan, kasi marami rin akong mga katanungan sa kanya na gusto kong ma

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 101

    That was strange. Nakaramdam na nga lang ako ng paninindig ng balahibo ko dahil wala namang tao sa labas."Sino iyon?" Tanong ni Diego pagbalik ko."Wala, kalimutan mo na iyon." I wanted to forget about it. Sa totoo lang ay nakakatakot. I know I shouldn't be because I still believe that God is all-powerful. Siguradong mayroong tao doon kanina at umalis kaagad. Pero, sino naman kaya?Bumalik ako sa trabaho. I told Diego that he has to stay here and take a rest dahil kapag break time ko ay babalikan ko siya dito at mabibigay ko kung ano ang kailangan niya.Nagsimula na akong gawin ang trabaho ko. Sa break time ko ay naisipan ko munang pumunta sa opisina ni Sir bago ko puntahan si Diego sa clinic. Baka kasi gising na si Sir at baka ay nahimasmasan na iyon. Sana.I knocked on the door but no one answered. I knocked again, still, no answer kaya naisipan ko nang buksan ang pinto. I rotated the doorknob and I realized that it's locked. Napapaisip ako. Hin

  • The Boy Who Murdered Love [TAGLISH]   KABANATA 100

    There is a clinic here kaya dinala ko na siya rito. Noong una ay ayaw pa nga niyang pumunta dito pero pinilit ko siya. Siyempre hindi ako magpapatalo, alam ko namang hindi niya ako matitiis."I never thought na magkakasakit din pala ang isang Diego Archibald." I joked."Tss, I'm still human." Nakahiga siya ngayon sa kama. May towel na nakalagay sa kanyang noo. Ako naman ay nakaupo sa kanyang tabi. Ang nurse na assigned dito ay umalis muna at babalik din daw agad."Hindi ako magtatagal dito. Kailangan kong balikan si Mr. Ochoa doon dahil lasing at baka kung ano pa mangyari sa kanya doon." Tatayo na sana ako pero napatigil ako sa tanong niya."Naniwala ka ba sa sinabi niya sa iyo?"I sighed. I know that this is going to be about what Mr. Ochoa told me, na anak ako nito. Lasing ang tao, mas papaniwalaan ko ito kung nasa matino itong pag-iisip."Diego, may alam ka ba rito?" I asked him back."Maybe?""Ano ba talaga ang totoo?"

DMCA.com Protection Status