HINDI na safe kay Dexter ang lugar na iyon kaya naisip niyang tumuloy muna sa pad ng kaibigang si Micko. Ikinuwento niya dito ang nangyari."Ikaw nga puntirya ng mga taong iyon. Pasalamat ka at may guardian angel kang dumating. By the way, maganda ba siya?"Pumalatak si Dexter dahil sa huling tinuran ng kaibigan. Kahit kailan talaga kapag may involve na babae ay nalilihis ang usapan nila."I'm just kidding," bawi ni Micko at bumalik sa pagkaseryuso ang mukha. "Sigurado ka bang Kailani Moñuz ang pangalan ng babaeng pinaiimbistigaha niyo ni Yazed?""Iyan ang pakilala niya sa amin, may natuklasan ka ba sa kaniyang pagkatao?" tanong ni Dexter dito."Pinuntahan ko ang lugar kung saan nakatira ang kaniyang ina. Ngunit walang nakakakilala sa kanila lalo na sa kaniyang ina."Napaisip si Dexter sa report ng kaibigan. "Sinasabi mo bang fake ang kaniyang pagkatao?""Short of, pero based sa iyong kwento ay inaalagana niyang mabuti ang ina ni Yazed. Maging ang ina ng kaibigan mo ay dito lang nagti
“Ang sarap naman ng buhay mo. Oras pa ng trabaho mo, nandito ka nakaupo at kumakain.” Nanunuya ang paraan ng pagsita ni Jennelyn kay Kailani.“Normal lang naman ito sa nagugutom, hindi ba?” walang gana na sagot ni Jennifer sa pinsan.“So, uunahin mo pa 'yang sikmura mo kaysa sa kapakanan at kalusugan ni Tita Amber?!”Tila walang pakialam sa sinabi ng pinsan si Jenny. Ipinagpatuloy lang niya ang pagkain. “Ano pa ang silbi at naroon ka upang magpakitang gilas ng kabaitan mo sa harap ng mapapangasawa mo?”Nameywang si Jennelyn sa harap ng babae at hindi nagustohan ang pagsagot nito sa kaniyang ngayon. "Huwag kang pilosopo! Ang trabaho mo ang asikasuhin mo at intindihin kung ayaw mong matanggal sa trabaho!”“Kailangan ko rin namang lamanan ang tiyan ko para hindi ako magkasakit.” Mahinahon na sagot na ni Jenny dito. Wala siya sa mood ngayon na makipag-away sa impostora niya. Lumapit si Jennelyn at marahas na hinawi ang plato ng dalaga dahilan upang lumipad iyon pati ang laman na pagkain.
"JEN.. NY.." Tawag ni Amber sa dalaga nang mamulatan ito ng mga mata. Nagtatanong ang tingin niya dito at kinakamusta."Ayos lang po ako kaya huwag kayong mag-alala." Nakangiting ginagap ni Jenny ang isang palad ng ginang.Humulma ang matipid na ngiti sa labi ni Amber at gumanti ng pagpisil sa palad ng dalaga. Naputol ang pag-uusap nila ni Jenny nang muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Yazed. Napansin niyang may nagbago sa kinikilos na anak lalo na sa panlalamig nito sa tunay na si Jenny. Hindi nito kinakausap ang dalaga at halatang umiiwas.Nagmatigas din si Jenny sa binata at iniirapan ito sa tuwing magtagpo ang kanilang mga paningin. Hindi rin nagtagal doon ito at mukhang may bisitang hinihintay."Darating po si Attorney at kasama ang isa pa sa kaibigan namin kaya maiwan na muna kita dito." Paalam ni Yazed sa ina.Napairap na lamang si Jenny sa likod ng binata bago pa nito naisara ang pintuan. Pagbaling niya ng tingin sa ginang ay nahuli niya itong nakangiti at nanunuks
HABANG papalapit ang kasal, pakiramdam ni Yazed ay nasasakal siya. Naging clingy na rin si Jenny at madalas ay ang gusto ang masusunod sa plano ng kanilang kasal. Ang simple lang na gusto niya ay nagmukha ng engrande. Naipagpasalamat na lamang niya at hindi na ito nagtanong pa kung bakit sa ibang bansa sila magpapakasal. May kaibigan siyang nakatira sa U.S.A at ito ang nag-aayos ng maging venue niya doon.Nasabi na niya sa sarili na isantabi na ang kakaibang nadarama para kay Kailani. Na ipaubaya na ito sa lalaking kaya itong ipaglaban at mahalin ng buo. Ngunit sa tuwina na makikita itong kausap si James ay umiinit ang kaniyang ulo. Dahil sa nakikitang pag-aalaga nito sa kaniyang ina ay lalong yumabong ang paghangang nadarama para rito. Naniniwala na siya ngayon na hindi nga nito nakarelasyon ang kaniyang ama. Kanina nang nakita niyang tangkang sasaktan ito ng kaniyang ama ay sobra siyang nag-alala. Kung wala lang sa harapan nila si Jenny ay baka nayakap na niya si Kailani para ipaal
"INUTIL!" Galit na hinampas ni Edwin ang lamesa nang ibalita ni Dino na pumalpak ito sa lakad nito.Nang-aasar ang ngiting sumilay sa labi ni James. "Ang yabang kasi, tatlo na kayo pero natakasan pa kayo ng taong hinahabol ninyo."Masamang tingin ang ipinukol ni Dino kay James. Parang kailan lang ay siya ang nang-iinsulto sa kakayahan nito. Pero ngayon ay siya na ang nasa hot seat. "Gusto kong unahin niyong itumba ang kung sino man ang pumuprotekta sa abogadong iyon!" nangangalit ang mga bagang ni Edwin habang dinuduro isa-isa ang nasa harapan na tauhan."Mukhang tama si James, boss. Magaling ang taong nagbabantay sa abogado at patago kung kumilos. Bigla na lang siya sumusulpot at inuunahan kami." Pangatwiran ng isa sa kasama ni Dino."Wala akong pakialam kung magaling man siya! Nag-iisa lang siya at marami kayo! Galit na bulyaw ni Edwin dito."Boss, mas maganda siguro kung pagkatapos na ng kasal ng anak niyo ituloy ang plano. Baka siya pa ang maging dahilan ng pag-postpone ni Yazed
"KAILANI, gusto ka daw makausap ni Sir Yazed." Tawag ng isang katulong sa dalaga habang hawak ang landline ng telepono.Biglang tumahip ang dibdib ni Jenny pagkarinig sa pangalan ng binata. Maghapon din itong walang paramdam sa kaniya dahil abala ito sa opisina. Pero nakatapos na sila maghapunan ay hindi pa ito umuuwi. Gusto na sana niyang magtampo dito dahil mukhang nakakalimutan na siya kapag kasama nito ang kaniyang impostora."Hey!" Napasimangot si Jenny nang marinig bungad na bati sa kaniya ni Yazed. Ang lagom na boses nito mula sa kabilang linya at medyo maingay sa paligid nito."Kumain na ba kayo ni Mommy?" Pormal pa rin ang boses ng binata sa pakipag-usap sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung ano na ba ang level na ng relasyon nila. Bago pa makasagot sa binata narinig niya ang boses ni Jennelyn."Yazed, ese-serve na ang pagkain." Malambing ang boses na tawag ni Jennelyn sa binata. Nagpaalam ito kanina sa kaniya na may tatawagan lamang. Pero hindi niya nagustohan na dumistans
PAGPASOK ni Yazed ng bahay nila ay tahimik na ang paligid. Malalim na rin ang gabi kaya tulog na ang karamihan maliban sa isang katulong na sadyang naghihintay sa kaniyang pag-uwi."Good evening po, Sir. Ipaghanda ko po ba kayo ng makakain?" magalang na tanong ng katulong sa binata."Huwag na po kayong mag-abala pa, Manang. Kumusta po si Mommy?" tanong niya dito habang isinasandal ang likod sa sandalan ng sofa. "Nakita ko pong ipinagluto siya ni Kailani ng pagkaing gusto nitong kainin.""How about her?""Sino po?" nalilitong tanong ng may edad ng katulong sa binata."Si Kailani, kumain po ba siya?" Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ng ginang. Kung wala lang Jenny sa buhay ng alaga ay masasabi niyang may spark sa pagitan ng dalawa."Kasabay ko siyang kumain kanina pero hindi niya naubos ang pagkain." Nagsasabi lamang siya ng totoo sa binata. Tinanong niya kanina si Kailani kung hindi ba nito nagustohan ang pagkain. Ang sagot lang nito ay busog pa ito. Mabilis na tumayo si Yazed,
"BAKIT ikaw ang gumagawa niyan? Hindi ka ba papasok ng opisina?" tanong ni Edwin kay Yazed nang maabutan ito sa silid ni Amber."May sakit ang tagapag-alaga ni Mommy kaya ako muna umaasikaso sa kaniya." Pabaliwalang sagot ni Yazed sa ama.Hindi siya pumasok dahil nag-aalala siya kay Kailani. Sa tingin niya ay sumobra siya kagabi. May sinat ito kanina nang gumising siya. Gusto niya itong alagaan at ang ina kaya hindi siya pumasok. Ayaw niyang ipagkatiwala lang basta sa katulong ang mga ito. Napatingin si Edwin sa gamot na nasa tray. Iyon pa rin gamot na ibinigay niya kay Kailani. "Mukhang nag-iinarte na ang babaeng iyon mula nang malipat sa iyo ang serbisyo niya. Umamin ka sa akin, may gusto ka ba sa babaeng iyon?Kita ni Yazed ang pagdududa ng ama sa kaniyang damdamin para kay Kailani. Pero kailangan niyang magsinungaling dahil tiyak na gagawa lang ito ng paraan upang mawala sa landas nila ang dalaga."Papayag ba akong magpakasal kay Jenny kung tama ang hinala mo? Ang mahalag sa akin