HABANG papalapit ang kasal, pakiramdam ni Yazed ay nasasakal siya. Naging clingy na rin si Jenny at madalas ay ang gusto ang masusunod sa plano ng kanilang kasal. Ang simple lang na gusto niya ay nagmukha ng engrande. Naipagpasalamat na lamang niya at hindi na ito nagtanong pa kung bakit sa ibang bansa sila magpapakasal. May kaibigan siyang nakatira sa U.S.A at ito ang nag-aayos ng maging venue niya doon.Nasabi na niya sa sarili na isantabi na ang kakaibang nadarama para kay Kailani. Na ipaubaya na ito sa lalaking kaya itong ipaglaban at mahalin ng buo. Ngunit sa tuwina na makikita itong kausap si James ay umiinit ang kaniyang ulo. Dahil sa nakikitang pag-aalaga nito sa kaniyang ina ay lalong yumabong ang paghangang nadarama para rito. Naniniwala na siya ngayon na hindi nga nito nakarelasyon ang kaniyang ama. Kanina nang nakita niyang tangkang sasaktan ito ng kaniyang ama ay sobra siyang nag-alala. Kung wala lang sa harapan nila si Jenny ay baka nayakap na niya si Kailani para ipaal
"INUTIL!" Galit na hinampas ni Edwin ang lamesa nang ibalita ni Dino na pumalpak ito sa lakad nito.Nang-aasar ang ngiting sumilay sa labi ni James. "Ang yabang kasi, tatlo na kayo pero natakasan pa kayo ng taong hinahabol ninyo."Masamang tingin ang ipinukol ni Dino kay James. Parang kailan lang ay siya ang nang-iinsulto sa kakayahan nito. Pero ngayon ay siya na ang nasa hot seat. "Gusto kong unahin niyong itumba ang kung sino man ang pumuprotekta sa abogadong iyon!" nangangalit ang mga bagang ni Edwin habang dinuduro isa-isa ang nasa harapan na tauhan."Mukhang tama si James, boss. Magaling ang taong nagbabantay sa abogado at patago kung kumilos. Bigla na lang siya sumusulpot at inuunahan kami." Pangatwiran ng isa sa kasama ni Dino."Wala akong pakialam kung magaling man siya! Nag-iisa lang siya at marami kayo! Galit na bulyaw ni Edwin dito."Boss, mas maganda siguro kung pagkatapos na ng kasal ng anak niyo ituloy ang plano. Baka siya pa ang maging dahilan ng pag-postpone ni Yazed
"KAILANI, gusto ka daw makausap ni Sir Yazed." Tawag ng isang katulong sa dalaga habang hawak ang landline ng telepono.Biglang tumahip ang dibdib ni Jenny pagkarinig sa pangalan ng binata. Maghapon din itong walang paramdam sa kaniya dahil abala ito sa opisina. Pero nakatapos na sila maghapunan ay hindi pa ito umuuwi. Gusto na sana niyang magtampo dito dahil mukhang nakakalimutan na siya kapag kasama nito ang kaniyang impostora."Hey!" Napasimangot si Jenny nang marinig bungad na bati sa kaniya ni Yazed. Ang lagom na boses nito mula sa kabilang linya at medyo maingay sa paligid nito."Kumain na ba kayo ni Mommy?" Pormal pa rin ang boses ng binata sa pakipag-usap sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung ano na ba ang level na ng relasyon nila. Bago pa makasagot sa binata narinig niya ang boses ni Jennelyn."Yazed, ese-serve na ang pagkain." Malambing ang boses na tawag ni Jennelyn sa binata. Nagpaalam ito kanina sa kaniya na may tatawagan lamang. Pero hindi niya nagustohan na dumistans
PAGPASOK ni Yazed ng bahay nila ay tahimik na ang paligid. Malalim na rin ang gabi kaya tulog na ang karamihan maliban sa isang katulong na sadyang naghihintay sa kaniyang pag-uwi."Good evening po, Sir. Ipaghanda ko po ba kayo ng makakain?" magalang na tanong ng katulong sa binata."Huwag na po kayong mag-abala pa, Manang. Kumusta po si Mommy?" tanong niya dito habang isinasandal ang likod sa sandalan ng sofa. "Nakita ko pong ipinagluto siya ni Kailani ng pagkaing gusto nitong kainin.""How about her?""Sino po?" nalilitong tanong ng may edad ng katulong sa binata."Si Kailani, kumain po ba siya?" Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ng ginang. Kung wala lang Jenny sa buhay ng alaga ay masasabi niyang may spark sa pagitan ng dalawa."Kasabay ko siyang kumain kanina pero hindi niya naubos ang pagkain." Nagsasabi lamang siya ng totoo sa binata. Tinanong niya kanina si Kailani kung hindi ba nito nagustohan ang pagkain. Ang sagot lang nito ay busog pa ito. Mabilis na tumayo si Yazed,
"BAKIT ikaw ang gumagawa niyan? Hindi ka ba papasok ng opisina?" tanong ni Edwin kay Yazed nang maabutan ito sa silid ni Amber."May sakit ang tagapag-alaga ni Mommy kaya ako muna umaasikaso sa kaniya." Pabaliwalang sagot ni Yazed sa ama.Hindi siya pumasok dahil nag-aalala siya kay Kailani. Sa tingin niya ay sumobra siya kagabi. May sinat ito kanina nang gumising siya. Gusto niya itong alagaan at ang ina kaya hindi siya pumasok. Ayaw niyang ipagkatiwala lang basta sa katulong ang mga ito. Napatingin si Edwin sa gamot na nasa tray. Iyon pa rin gamot na ibinigay niya kay Kailani. "Mukhang nag-iinarte na ang babaeng iyon mula nang malipat sa iyo ang serbisyo niya. Umamin ka sa akin, may gusto ka ba sa babaeng iyon?Kita ni Yazed ang pagdududa ng ama sa kaniyang damdamin para kay Kailani. Pero kailangan niyang magsinungaling dahil tiyak na gagawa lang ito ng paraan upang mawala sa landas nila ang dalaga."Papayag ba akong magpakasal kay Jenny kung tama ang hinala mo? Ang mahalag sa akin
PAGKAPASOK ni Jenny sa mansyon ay bigla siyang kinabahan. Wala ang sasakyan ni Yazed sa garahe. Ibig sabihin ay iniwan nito ang ina sa pangangalaga lamang ng impostora niyang pinsan. May pagmamadaling pumasok sa loob at dumiritso na sa room ni Amber."Shit! Ano ang ginagawa mo?" Inilang hakbang niya lang ang kinaroonan ni Jennelyn at pahablot na inagaw dito ang hawak nitong injection.Nanginig sa takot si Jennelyn dahil nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Kailani. Halatang guilty siya ngayon sa isang kasalanan na ginawa. Pero nakahinga siya ng maluwag dahil ito lang ang nakakita sa ginawa niya. Biglang tumapang ang aura ng kaniyang mukha at hinarap ang babae."You! Hindi ka ba marunong kumatok, ha? At sino ka para kwestyunin ang ginagawa ko?" Dinuro niya ito habang ang isang kamay ay nakapamaywang."Ako ang tagapag-alaga niya kaya may karapatan ako na punain ka kasi ako ang sisihin kapag may nangyaring masama sa pasyente ko!" Bahagyang napaurong si Jennelyn dahil sa nakikitang galit
PAGSAPIT ng malalim na gabi ay sumilip si Jennifer sa sala. Nakiramdam din kung mayroon pa bang gising nang mga oras na iyon. One a.m na in the morning kaya siguro siyang masarap na ang tulog ng mga katulong. Dahan-dahan siyang lumapit sa silid ni Jennelyn at pinakiramdaman kung gising pa. Kasunod ay ang silid naman ni Edwin. Patingkayad ang mga paa sa bawat hakbang upang hindi makalikha ng ingay. "Pare, kuha ka muna ng maiinum na pampawala ng antok." Utos ng isang guard sa kasama. Tanging silang dalawa lang ang gising tuwing gabi bilang bantay.Hinintay ni James na makaalis ang isa bago maingat na lumapit sa lalaking naiwan. Nakasuot siya ng kulay itim na damit at tanging mata lang ang nakikita kaya hindi siya makilala kahit makita pa siya sa surveillance camera. Alam niyang dalawa ang security camera sa labas ng bahay at hagip niyon ang gate."Uhmmmmp!" Nanlaban ang lalaki at pilit na kumawala sa pagkasakal ni James dito pero mas malakas ang binata. Naitakip din nito agad ang pany
"HINDI ko siya makuntak." Marahas na napabuntonghininga si Dexter pagkababa sa tawagan."Paano ka nagkaroon ng numero niya?" nagdududang tanong ni Yazed sa kaibiban. Nakaraang araw niya lang nakuha ang numero ni Kailani pero ito ay mukhang matagal ng may kontak sa dalaga.""Hindi ko na sinabi sa iyo noong makipag-usap siya sa akin. Hindi detelyado ang sinabi niya pero nabanggit niyang may alam siya sa tunay na nangyari sa pamilya Garcia." "Bakit may alam siya at bakit niya idinamay si Mommy?" galit pa rin si Yazed at nalilito na sa tunay na pagkatao ni Kailani."Hindi kita masagot pero isa lang ang alam ko, planado ang pagtagpo ng inyong landas at nakapasok sa pamilya mo. Hintayin natin ang tawag niya kung pera ba ang kailangan niya.""May iba pa ba siyang dahilan bukod sa pera kung bakit niya ginagawa ito?" salubong ang mga kilay ni Yazed at puro galit na ang nadarama ng mga oras na iyon. Hindi alam ni Dexter kung ano dapat ang isagot sa kaibigan. Sa nangyayari sa kaniya nitong nag
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l