“AHHHHH!”
Humihingal na bumangon si Jenny mula sa pagkakahimbing ng tulog. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto at pagbaha ng liwanag sa kanyang silid.“Hey, okay ka lang?” Nilapitan ni Sasha ang kaibigan at naupo sa gilid ng kama. “Napanaginipan mo na naman ba?”Marahang tumango si Jenny habang pawisan at nanginginig na nakayakap sa mga tuhod. “I was too young, back then. Nakalimutan ko na dapat 'yun. Pero bakit ang linaw-linaw pa rin ng lahat sa utak ko? It's so unfair!”Inalo nito ang pag-iyak ng kaibigan. “Kung wala kang alaala sa iyong nakaraan, mabibigyan mo ba ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang mo?”“Pero hindi na niyon maibabalik pa ang kanilang buhay!” angil niya sa kaibigan at doon ibinunton ang galit na nadarama. “Sumusuko ka na?” Malungkot na tanong ni Sasha sa kaibigan.Mabilis naman niyang pinahid ang mga luha at sunud-sunod na umiling. “No. I've come this far para basta na lamang sumuko.”“Good. Malapit mo nang maisakatuparan ang plano mong paghihiganti. We’re in midway. Kunting tiis pa.”Tiningala ni Jenny ang kaibigan na naging sandalan niya sa loob ng mahabang panahon. Nakilala niya ito sa kasama ang kinikilala na rin niyang ina. Mga panahong walang direksyon ang kaniyang patutungohan. Tulad niya ay nasa isang kalye rin at kinupkop siya kahit walang sariling tirahan ang mga ito. “Thank you for always being there.”“Don't mention it.” Kinuha nito ang pitsel sa ibabaw ng bedside table at nagsalin ng tubig sa baso. “Uminom ka muna para kumalma ka.”“Salamat.” Matipid niyang turan.Nang masaid ni Jenny ang laman ng baso ay ibinalik niya iyon sa bedside table.“Matulog ka na ulit. Babantayan kita.”Binigyan muna nang mahigpit na yakap ni Jenny ang kaibigan bago muling bumalik sa paghiga. Ipinikit niya ang mga mata hanggang hilahin siya ng antok. Nakatulong ang presensiya ni Sasha upang maging maayos ang kanyang pagtulog.Kinabukasan ay maagang gumasing si Jennifer at muling tumanaw sa malayo habang malalim ang iniisip.“Hindi ka pa ba nagugutom?” tanong ni Sasha sa kaibigang tulala na namang nakaupo sa isang tabi.Napukaw ang diwa ni Jenny mula sa paglalakbay sa nakaraan nang lumapit si Sasha at tumabi ng upo sa kanya. “Busog pa ako.”“Ang sabi ni Nanay ay hindi ka pa nakapag-almusal. Baka naman magkakasakit ka na niyan.” panenermon ni Sasha sa kaibigan.Muling itinuon ni Jenny ang tingin sa kawalan at walang tugon na maapuhap para sa kaibigan.“Ano na naman ba ang iniisip mo?”“Wala. Huwag mo na lang akong intindihin.” Emotionless na sagot niya kay Sasha.Napabuntong-hininga si Sasha habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng kaibigan. "Lamanan mo ang tiyan mo bago tayo umalis.”Napasulyap si Jenny sa suot na relo. Planado na ang tungkol sa pagluwas nila ng Maynila. Ilang taon na rin ang lumipas nang umalis siya sa kinalakihan niyang lungsod kasama si Sasha at ina nito. Nakilala niya ang dalawa na tulad niya ay palaboy rin noon sa lansangan. She has nowhere to go nor a place to lived. But still, God sent her to them and started a new life. Nang malaman ng ina ni Sasha noon na nanganganib ang kaniyang buhay ay nagpasya itong umuwi ng probinsya kasama siya.Akala niya ay tuluyan na siyang makakalimot sa masalimoot at masakit niyang nakaraan. Pero para na iyong anino na nakakabit sa kanyang murang isipan.She grew up with so much hatred in her heart. Hanggang siya'y nagplano ng paghihiganti. At hindi naging lingid ang mga binabalak niya sa kaibigan.“Mag-ingat kayo. Lalo ka na Kailani.” Kausap ni Aleng Nimfa sa dalawang dalaga.Jenny winced from her seat. Minsan ay hindi pa rin siya sanay sa kanyang bagong pangalan. Mula nang manirahan sila sa tagong lugar ay gumamit na rin siya ng ibang pangalan sa takot na matunton siya ng mamatay tao. Sinundan niya ng tingin ang ina ni Sasha na pumasok sa maliit na sala tangan ang tray na kinalalagyan ng ilang pirasong tinapay at umuusok na inumin.“Ilihim niyo man sa akin ang totoong dahilan nang pag-alis ninyo, alam kong hindi ko kayo mapipigilan. Ipagdarasal ko na lang ang inyong kaligtasan.” Malungkod na turan ni Aleng Nimfa nang walang ni isa nakapagsalita sa dalawa.Nagkasulyapan sina Jenny at Sasha. Marahil ay narinig sila ng matanda na pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.“Kailani, huwag kang magpadala sa galit.” Naupo ito sa tapat ng magkaibigan. “May awa ang Diyos. Hindi ako tumitigil sa panalangin na sana'y mabigyan ng katarungan ang namayapa mong mga magulang.”“Opo, Nanay Nimfa. Salamat sa lahat.” Malugod na pasasalamat ni Jenny sa ginang.“Teka. Hindi na ba tayo magkikita pa? Bakit ka nagpapasalamat?” biro ni Aleng Nimfa sa dalaga upang maibsan ang lumbay na nadarama nito.Nakangiti niyang kinuha ang kamay ng tumayong pangalawa niyang ina at pinisil iyon. “Dapat nga po araw-araw kong sinasabi 'yun dahil baka dumating ang panahon na mawalan na ako ng pagkakataon.”“Ano bang sinasabi mong bata ka? Babalik kayo rito nang magkasama pa rin. Naiintindihan ninyo?” Pinameymawang niya ang dalawa.“Oo naman po, 'Nay!” Maagap na singit ni Sasha at inakbayan ang ina. “Hindi ka pa nasanay kay Kailani. Madrama lang talaga iyan. Kumain na tayo.”Naunawaan ni Jenny ang makahulugang tingin sa kanya ng kaibigan. Ayaw lang nito na mag-alala sa kanila ang kanyang naging ina-inahan.“Mukhang masasarap ang inihanda niyo ngayon, ah?” pag-iba ni Sasha sa usapan. “Ano po 'to? Despedida?” biro ni Sasha sa ina.“Tinapay lang ang mga iyan!” Inirapan ni Nimfa ang anak.Nagkatawanan ang magkaibigan na sinabayan na rin ng matanda.“Kumain kayo nang marami.”“Marami? Apat na piraso lang po ito, ah?” reklamo ni Sasha sa ina.Si Nimfa naman ang natawa sa pagkakataong iyon kasunod ang dalawa. Tiyak na mami-miss nila ang ganoong mga tagpo. Kahit kasi dumaan sa roller coaster ang kanilang naging buhay, masaya sila kapag magkakasama.“WELCOME back to your hometown!” masiglang mukha ni James ang sumalubong kina Shasha at Jenny.Si Sasha lamang ang tanging gumanti sa magiliw na pagbati ni James na sumalubong sa kanila sa NAIA. Nilagpasan ito ni Jenny na agad nang dumiretso sa naghihintay na sasakyan.“May mali ba sa sinabi ko?” pabulong na tanong ni James kay Sasha.“Jet lag,” wika ni Sasha sa binata.Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni James at marahang tumango kay Sasha upang ipakita dito na naunawaan niya.“Pero ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa'yo na huwag mo na siyang pangarapin o kahit pagpantasyahan. Zero chance. Believe me.” Gumuhit ang daliri ni Sasha sa hangin ng pabilog upang mas malinawan ang kaibigang binata.“Ako na naman ang nakita mo,” pagsusungit ni James sa kababatang kaibigan.Nagkakilala silang tatlo noong tumuntong sila sa sekondarya. Sabay-sabay rin sila sa kolehiyo maging nang mag-umpisa silang sumabak sa training para sa pakikipaglaban.They are not assassins. Inihanda lamang nila ang kanilang mga sarili upang maisakaruparan ang nais ni Kailani na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang nito. They are friends, afterall. Ang laban ng isa, laban ng lahat. Alam niya rin ang tunay nitong pangalan at nakasanayan na niyang tawagin ito sa ikalawang pangalan nito.“Sumusuko ka na?” tukso ni Sasha sa binata nang tumahimik ito.Pinitik ni James ang noo ni Sasha na ikina-ngiwi nito. “Wala akong isusuko dahil wala rin naman akong dapat na ipaglaban.”“Sayang. Gusto sana kita para kay Kailani. Mukha kasing bagay kayo.” Nakalabi na bulong ni Sasha habang hinahaplos ang noo na tinamaan ng daliri ng binata.Napakibit-balikat si James bago sumagot sa kaibigan. “Pero ayaw naman niya sa akin. Anong magagawa ko?”Tinungo na ng dalawa ang kinapaparadahan ng kotse na dala ni James habang patuloy sa pag-uusap.“Siguro nakukulangan pa siya sa effort mo.” Biglang naisip na dahilan ni Sasha para sa binata.Napangisi ang binata at napailing. “Kulang? Huh! Alam mo naman siguro ang malaking peligro na kinakaharap ko sa trabaho para sa kanya, 'di ba?” tonong nagyayabang na sagot ni James dito.“Biro lang. Masyado kang seryoso.”Tumahimik na ang dalawa nang makapasok na sila sa sasakyan kung saan ay nakapikit na sa backseat si Jenny. At nanatili silang walang imikan hanggang makarating sila sa bahay na pansamantala nilang tutuluyan.“Okay na ba sa inyo ang lugar na ito?” tanong ni James sa mga kaibigan.“Magaling kang pumili,” tugon ni Jenny. “Malayo sa mga kapitbahay, tago at mukhang ligtas dito.”Lihim na nakaramdam ng kasiyahan si James kahit sa simpleng papuri na iyon ng dalaga.“Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo?” kapagdaka'y tanong ni Kailani sa binata.“Walang trabaho na hindi mahirap, Kailani.” Biro ni James sa kaibigan dahil sobrang seryuso nito.“Mukhang nasasanay ka nang makisama sa kanila, ah? Baka naman makuha na nila ang loob mo?” puna ni Jenny sa trabaho ng kaibigan.“Hindi ako babaliktad. Ang trabaho, trabaho lang.” Senserong tugon niya sa dalaga.“Good. Mag-iingat ka lang. Once na malaman nila ang totoo mong pagkatao, isa lang ang pupuntahan mo. Sementeryo.” Birong totoo ni Jenny sa kaibigan.Tumango si James. “I'll go ahead. Baka kasi hanapin na nila ako. Tawagan na lang ninyo ako kung may kailangan pa kayo.”“Salamat.” Muling pasasalamat ni Jenny kay James.Nadagdagan ang saya na nararamdaman ni James nang ngumiti rito si Jenny. Minsan lang kasi iyon mangyari. Suntok sa buwan.Dala ng pagod sa beyahe ay agad nakatulog si Jenny kahit maliwanag pa ang paligid. Ngunit muli rin siyang dinalaw ng bangungot ng nakaraan kung kaya tulalang sinariwa na na naman sa isipan ang nakaraan- ten years ago. Kahit nagka trauma siya noon at hindi nagsasalita, naririnig naman niya ang ingay sa paligid at tumanin iyon sa kaniyang isipan.“HEY...”Natauhan si Jenny mula sa pagbabalik-tanaw na naman sa nakaraan dahil sa pagtapik sa kanyang bakikat ng kaibigan.“Bakit tahimik ka riyan?” tanong ni Sasha sa kaibigan.Ibinalik ni Jenny ang tingin sa malayo. Nagpapahangin lang siya sa beranda. And she can't help herself from recollecting her past. Parang routine na iyon sa utak niya kapag nag-iisa.“Iniisip mo na naman ba ang mga magulang mo?” usisa ni Sasha matapos maupo sa bakanteng upuan.“Hindi sila madaling kalimutan.”“I know. Pero hindi kaya pinapahirapan mo nang masyado ang sarili mo?” woried niya tanong kay Jenny.“I'm not complaining.” Masungit niyang sagot sa kaibigan. Ganito siya kapag iniisip ang nakaraan.“Pero malungkot ka sa tuwing sila'y naiisip mo.”“Normal lang siguro iyon sa nawalan ng magulang lalo na sa karumal-dumal na kamatayan.” emotionless niyang sagot kay Sasha.“Tama na. Huwag na lang sila ang pag-usapan natin. Anyway, what's our next move?” pag-iiba ni Sasha sa kanilang paksa.“Gusto kong malaman
“Not bad,” mahinang sambit ni Jenny na siyang unang nakabawi mula sa pagka magnito ng kanilang mga mata ng estranherong lalaki.Magtatanong pa sana si Yazed ngunit biglang bumitaw mula sa pagkayakap sa kaniya ang dalaga.Mabilis na nailagan ni Jenny ang suntok ng kalaban na minalas namang tumama kay Yazed. “Ops! Sorry, pogi!” paghingi ng paumanhin ng nakangiting dalaga. Binalingan nito ang mga kalaban. “You messed with the wrong woman!”Muling nagsagupaan ang dalawang kampo. Walang gustong sumuko at magpaawat. Umikot ang dalaga sa kabilang table upang hindi siya mapagtulongan ng dalawa.“Bro, okay ka lang?” tanong ni Dexter sa nasuntok na kaibigan. Maging siya ay nagulat sa nangyari at sa bilis kumilos ng babae na gusto sanang tulongan ng kaibigan. Ngunit mukhang nabaliktad ang sitwasyon at ang kaibigan dapat ang tulongan.“Fuck!” Galit na nagmura si Yazed habang sapo ang pangang tinamaan ng suntok ng kalaban. Galit na hinaklit niya ang kuwelyo ng isanv lalaking malapit sa kaniya bag
“ANO pang hinihintay mo?" naiinip na tanong ni Jenny sa lalaki. "Ah! You want me to take the first move?” Biglang hinila ni Jenny sa kamay ang lalaki at kinabig ang batok nito nang maabot.Mabilis na naiharang ni Yazed ang palad at doon lumapat ang labi ng dalaga. “Ganyan ka ba sa lahat ng lalaking gusto mong pasalamatan?” galit niyang tanong sa babae sa halip na matuwa sa ginagawa nito.“Only to special people. At dahil ikaw ang saviour ko, you're special to me.” Binaliwala ni Jenny ang galit ng binata. Nabawasan ang confident niya ngayon sa maging misyon niya dahil mukhang hindi siya kaakit-akit sa mata ng lalaking ito.Muling napaatras si Yazed nang aktong lalambitin sa kanya ang kamay ng dalaga. Halata pa rin dito ang impluwensiya ng alak. “Dinala kita rito dahil hindi ko alam kung saan ka ihahatid. Gusto mo bang umuwi? I can offer you a ride.” Biglang naging malumanay ang kaniyang tinig nang mapansin na lumungkot ang mukha nito.“No.” Mabilis na sagot ni Jenny at ibinagsak nito a
“AMBER..”Nagising sa kawalan ang diwa ni Amber nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Paulit-ulit niyong tinatawag ang kanyang pangalan. Nais niyang humakbang at sumigaw, ngunit hindi niya magawa.“Bumalik ka na, Amber. Kailangan ka ng anak ko!”Ramdam niya ang lungkot sa tinig ng isang babaeng kumakausap sa kaniya ngunit hindi niya ito makita. Hindi niya rin matukoy ang pinagmumulan ng tinig.“Huwag mo siyang iiwan. Protektahan mo ang anak ko!” umiiyak na pagpatuloy ng isang tinig.“Dalia?” sambit ni Amber sa pangalan ng kaibigan nang makilala ang tinig nito sa kaniyang isipan lamang. Wala pa siyang kakayahan na ibuka ang bibig o imulat ang mga mata. “Dalia!” muli niyang tawag sa pangalan ng kaibigan at nangangapa ang diwa sa karimlan.“Si Jenny. Ingatan mo ang anak ko, Amber.”“Nasaan ka? Magpakita ka sa akin Dalia! Tulongan mo akong makabangon dito para mapuntahan ko ang anak mo!” pakiusap niya sa matalik na kaibigan dahil ramdam niya ang panghihina ng kaniyang katawan. Unti-un
“BILISAN ninyo ang pagdiskarga ng mga iyan!” nakabulyaw na mando ng isang lalaki sa lahat ng naroon.Palihim na nagmamatyag si James sa grupo habang abala ang kanilang pinuno sa pag-utos. Apat na mga sasakyan ang nakahimpil sa harap ng isang luma at abandonadong gusali na puno ng mga kahon ng kontrabando.“Oh, ingatan niyo naman!” pasigaw na sita ni Lando sa mga tauhan. “Ikaw!” sabay turo nito kay James. “Magbantay ka sa gate! Siguraduhin mong walang parak na makakaamoy sa atin!”“Okay, boss.” Magalang na sagot ni James sa lalaki.Naging pabor kay James ang iniutos sa kanya dahil kumukuha nga siya ng tiyempo para maisagawa ang kanilang plano. Tinungo niya ang likurang bahagi ng gusali. Sa harap kasi ay may ilang armado na nakatanod doon.Nang masiguro ng binata na walang tao sa paligid, sumipol siya bilang senyales sa dalawang anino na nakakubli sa dilim. Maingat na dumaan ang mga ito sa maliit na gate.“Ilan sila?” pabulong na tanong ni Jenny kay James.“Siyam sa loob, apat sa entran
“OH, gising na ang bisita natin!” wika ni Sasha nang makapasok sa silid kasunod si Jenny na agad na dumiretso ng upo sa bakanteng upuan na nasa may paanan ng higaan.“Masamang damo talaga! Ang haba ng buhay!” pumapalatak na ani Jenny habang matalim ang mga titig na ipinukol sa taong bumaril sa kaniyang ina. Nangalit ang kaniyang mga ngipin pagkaalala sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki.“Ugghhh!” Napaungol at napangiwi sa sakit si Lando nang pilitin niyang makagalaw ang katawan. Ngunit agad niyang napansin na nakatali ang kaniyang mga kamay maging ang mga paa sa kinaupuan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at dumako iyon sa dalawang magagandang babae ngunit mukhang mga gagawa ng hindi maganda sa kaniya. “Sino kayo?”“Hindi na mahalaga kung sino kami. Ang unahin mong isipin ngayon ay kung paano ka mabubuhay habang nasa lungga ka namin." Nang-iinsultong sagot ni Jenny sa lalaki kasabay ng pagtaas ng mga paa sa ibabaw ng lamesa.“Anong kailangan ninyo sa
“MULA sa araw na ito, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako lang...”Nakatitig lang si Jenny sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng isang ginang. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Kahapon lamang ay masaya sila ng kanyang mga magulang. Pero ngayon ay nagluluksa siya kasama ng hindi niya gaanong kilalang mga kamag-anak.“Ma, huwag mo na ngang kinakausap ang pipi na 'yan! Nagmumukha ka lang tanga!” inis na sita ni Jennelyn sa ina.“Tumahimik ka nga riyan!” angil ni Jackie sa anak. “Hindi ka nakakatulong!”“We've been pampering her since mamatay ang kanyang mga magulang. But look at her? Hindi naman niya tinutulungan ang sarili.” Nakasimangot na reklamo ni Jennelyn habang pinagmamasdan ang pinsan na mukhang robot na lamang na nakaupo sa isang tabi. Kusa itong gumagalaw ngunit parang walang naririnig o nakikita. Maging sa pagkain ay pinagsisilbihan pa ito ng ina na ikinaselos niya ng husto.“Jen...” Hindi na natapos ni Jackie ang pagtawag sa pangalan ng pamangkin nan
NAPANSIN ni Jenny mula sa sulok ng mga mata ang dalawang lalaki na kanina pa nakatuon sa kanila ang atensyon. “Lumapit ka sa akin,” bulong niya sa kaibigan.“Ha?” Nagugulohang tanong ni James dito“Huwag ka nang magtanong. Gawin mo na lang.”Iniusad ni James ang upuan palapit sa dalaga nang mahamig sa tinig nito ang banta. “May sasabihin ka ba?”“Halikan mo ako.” Utos niya kay James.“Ha?!” pakiramdam ni James ay nabingi naman siya sa pagkakataon na ito.“Sa pisngi lang. At huwag mong lalagyan ng malisya.” Ngumiti si Jenny habang kinakausap ang kaibigan.Nalilito man ay sinunod niya ang kaibigan. Alam niyang may ibang dahilan ang dalaga sa pinaggagawa nito sa kaniya. Pero ayaw na niyang alamin pa, ang importante ay nakahalik siya dito kahit sa pisngi lamang.“Abutan mo ako ng pera,” dugtong pa niyang utos kay James.“Bakit alam mong bago akong sahod? At kailan pa nagkaroon ng bayad ang paghalik?” pabirong reklamo ni James upang mawala ang awkwardness sa pagitan nila matapos igawad ang
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l