“HEY...”
Natauhan si Jenny mula sa pagbabalik-tanaw na naman sa nakaraan dahil sa pagtapik sa kanyang bakikat ng kaibigan.“Bakit tahimik ka riyan?” tanong ni Sasha sa kaibigan.Ibinalik ni Jenny ang tingin sa malayo. Nagpapahangin lang siya sa beranda. And she can't help herself from recollecting her past. Parang routine na iyon sa utak niya kapag nag-iisa.“Iniisip mo na naman ba ang mga magulang mo?” usisa ni Sasha matapos maupo sa bakanteng upuan.“Hindi sila madaling kalimutan.”“I know. Pero hindi kaya pinapahirapan mo nang masyado ang sarili mo?” woried niya tanong kay Jenny.“I'm not complaining.” Masungit niyang sagot sa kaibigan. Ganito siya kapag iniisip ang nakaraan.“Pero malungkot ka sa tuwing sila'y naiisip mo.”“Normal lang siguro iyon sa nawalan ng magulang lalo na sa karumal-dumal na kamatayan.” emotionless niyang sagot kay Sasha.“Tama na. Huwag na lang sila ang pag-usapan natin. Anyway, what's our next move?” pag-iiba ni Sasha sa kanilang paksa.“Gusto kong malaman kung nakatira pa rin ba sa bahay namin ang pinsan at Tita ko.”“Wanna visit them?” tanong ni Sasha dito.“Huwag muna ngayon. May kailangan pa kasi akong unahin.”“Is it still part of our plan?” pangungulit ni Sasha.“It's personal.” maiksing tugon ni Jenny dito.“Naglilihim ka na sa akin?” himig nagtatampong turan si Sasha.“Ofcourse not. Sasabihin ko na lang sa'yo once na na-sort out ko na ang mga dapat plantsahin.” Mabilis na paliwanag niya sa kaibigan.“Tandaan mo lang lagi na ang laban mo ay laban ko rin.” paalala ni Sahsha dito. Hindi siya sanay na naglilihim ito sa kaniya.“I will keep that in mind.” sumusukong sagot ni Jenny sa kaibigan.“Anyway, tumawag nga pala si James.”“Anong balita?” Biglang nagkaroon ng buhay ang tinig ni Jenny.“It's good news. Dumating na ang taong matagal mo nang hinihintay. Handa ka na bang magkaharap kayong dalawa?”Natawa nang mapakla si Jenny. “Matagal ko nang inihanda ang sarili ko sa araw nang muli naming pagtatagpo.”“Oo nga. Mukhang excited ka na.” Biro ni Sasha sa kaibigan.Nginitian na lamang ni Jenny ang kaibigan. Pero hindi excitement ang kanyang nararamdaman kundi pagbangon ng matinding galit sa taong kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang.Kinagabihan ay palihim na umalis si Jenny at ayaw niyang isama si Sasha. Kahit matagal siyang nawala sa bayan na iyon ay alam pa rin niya ang pasikot-sikot sa dati niyang lugar.ISANG anino ang maingat na bumabagtas sa likuran ng bakuran ng Villa Garcia at matagumpay na tinawid ang kabilang dako.Nakaidlip ang guwardiya na nagbabantay sa gate at ilang katulong na lamang ang gising pa sa mg oras na 'yun.Makikita mula sa liwanag ng buwan ang kalumaan ng bahay. Malaki ito, may malawak na hardin. It has a picture of perfection, so as the whole villa. Desinyo kasi iyon ng kanyang ina.Hindi napigilang mapaluha ni Jennifer habang ang mga mata ay titig na titig sa naging tahanan niyang iniwan sa mahabang panahon.She remember well how she was pampered in that house noong pareho pang buhay ang kanyang ama't ina. She missed them like how she missed her life at the villa.Kung puwede lang sanang ibalik ang nakaraan. She'll be the most happiest person in the world. Lalo na kung muli niyang mayayakap at makikita ang namayapang mga magulang.Pinahid ni Jenny ang mga luha. Kahit na bumuhos pa ang dugo sa kanyang mga mata, hindi na mangyayari ang paulit-ulit niyang hiling. What she can do for her deceased parents is to take revenge for them.Patingkayad na nilakad ng dalaga ang patungo sa backdoor. Alam pa niya ang pasikot-sikot doon.“Siguraduhin ninyong sarado ang mga bintana at pinto...”Mabilis siyang nagkubli sa gilid ng nagtataasang mga halaman nang makita ang tatlong katulong.“Marami ngayong mga akyat-bahay gang. Baka naman kung kailan sila babalik ay saka pa tayo pasukin ng magnanakaw.” Tinig mula sa isa pang katulong na hindi kilala ni Jenny.Magandang pagkakataon na iyon para kay Jenny. It will not take her effort in vain.“Sabihan ninyo ang mga guwardiya na mag-ronda sa buong paligid. Baka natutulog na naman ang mga ‘yun.” Utos ng isa na mukhang nakakataas ang katungkulan.Hindi kilala ni Jenny ang nag-uutos, pero sigurado na iyon ang mayordoma.“Darn!” mahinang mura ng dalaga nang may marinig siyang tunog ng pag-lock ng pinto na malapit mula sa kanyang kinatatayuan. She find another way to get in, pero naunahan na siya ng mga katulong.“Haist! Akala ko pa naman sinuwerte na ako. But this won't stop me. I will make sure na sa susunod kong pagbabalik, makukuha ko na ang mga bagay na para sa akin.” Kausap ni Jenny sa kaniyang sarili.Nang makaalis si Jenny sa lugar, naisip niya na dumaan muna sa isang bar. She need some liquor to lessen her sadness and longing for her parents.“SINO ba 'yang babaing tinitingnan mo?” tanong ni Dexter kay Yazed.Napatingin muna si Yazed sa nagtanong na kaibigan bago nagkibit-balikat.“Hindi mo pala kilala, pero kung makatitig ka parang gusto mo nang gawing pulutan.” buska ni Dexter dito. Kanina pa niya napapansin ang pagsulyap ng kaibigan sa kinaruunan ng isang babae na nag-iisa lang sa kabilang table.Natawa siya sa kumento ni Dexter. “At anong akala mo sa akin, lasenggo?”“Sort of.” Maikling tugon ni Dexter dito.“Gago,” sabay mahinang palipad niya ng palad sa batok ng tumatawang si Dexter. “Sumama ka lang ba para inisin ako? Hindi ka na talaga nagbago?”“Hey, abogado ako. Show me some respect.” Reklamo ni Dexter pero nakangiti sa kaibigan.“And I'm your client. I am the one paying you.” Paalala niya kay Dexter.Sabay na nagkatawanan ang dalawa na sinundan ng pag-angat ng hawak nilang kopita. Minsan ay asal kalye sila kung mag-usap at hindi inaalala ang propisyon nila sa buhay.“Cheers!”Muling natuon ang tingin ni Yazed sa kinaroroonan ng babae. Halata na marami na itong nainom na alak. Ewan ba niya pero may kakaibang halina ang babaeng nakaagaw ng kaniyang pansin. Hindi lang naman siya ang nakakapansin dito at halatang inosinte ang huli sa mga kakaibang tingin ng kalalakihang naroon.“Mukhang malaki ang problema,” pagpuna ni Dexter. “Lapitan mo na.”“Why should I?”“Kunwari ka pa. Halata namang type mo.” Nakangising pambubuko ni Dexter sa kaibigan.“Stop teasing me.” Sumeryuso bigla si Yazed.“Ikaw rin. Baka maunahan ka pa ng iba.” Pabirong pananakot ni Dexter sa kaibigan.“Hindi tayo pumunta rito para lang maghanap ng aliw.”Pumalatak si Dexter at hindi na nagsalita pa. Tahimik na sinimsim ang laman ng baso habang inuobserbahan ang kaibigang tahimik din umiinum.Ilang minuto pa ang lumipas at muling naagaw ng babae ang atensyon ni Yazed. Napatingin silang dalawa sa direksyon ng babae nang lumikha ito ng komosyon dahil sa paglapit dito ng ilang kalalakihan.Pinagmasdan mabuti ni Yazed ang reaction ng babae na nakaagaw ng kaniyang atensyon. Nangunot ang kaniyang noo nang manulis ang nguso ng babae at nakasimangot habang nakatingala sa lalaking nakatayo sa harapan nito. Hindi niya nagustohan ang inasta nito dahil nagmukha itong kaakit-akit lalo sa mga mata ng lalaking mapagsamantala. Biglang may pumasok na alaala sa kaniyang balintataw na nagpalakas ng pagnanais na ilayo ito sa kapahamakan."Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Dexter sa kaibigan nang bigla itong tumayo.Parang walang narinig si Yazed at diritso ang lakad papunta sa kinaroonan ng babae. Hindi niya nagustohan ang paghawak ng lalaki sa braso ng babae na gustong itayo kaya mabilis niyang sinita."Pare, huwag mong pilitin ang ayaw sumama sa iyo." Pasigaw na wika ni Yazed upang malinaw na marinig ng lalaki dahil malakas ang music sa paligid.“Huwag kang makialam dito!” Bulyaw ng lalaki kay Yazed at halatang lango na rin ito sa alak.“Pinipilit ninyo ang taong ayaw namang sumama sa inyo kaya dapat lang ako makialam!” mahamig na rin sa tinig ni Yazed ang galit.“Bakit? Magkakilala ba kayo?” nang-uuyam na tanong na hambog na lalaki kay Yazed.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jenny sa dalawang lalaking nagtatalo. Kaya naman niyang itumba ang lalaking mapangahas na iuwi siya pero may kasama itong isa pa kaya medyo dihado siya dahil babae pa rin siya. Napatitig siya sa lalaking nagpapaka-bayani. Guwapo ito at mukhang hindi sanay sa basagan ng mukha unlike sa dalawang lalaki na halatang naglalaway sa kaniyang katawan.“Hindi, bakit, kayo ba ay magkakilala?” balik-tanong ni Yazed sa lalaki.“Nauna kami sa kanya kaya maghanap ka ng ibang paparausan mo!” maangas na sagot ng lalaki at kasamang pananakot ang mga titig na ipinukol kay Yazed.Nag-init naman ang tainga ni Jenny sa huling tinuran ng bastos na lalaki. Kahit na nakainom siya ay maayos pa rin naman ang kaniyang pag-iisp.“Ahh!”Ang balak na pagtabig ni Yazed sa kamay ng lalaki nang tangka nitong hawakan ang babae ay naudlot dahil napahiyaw ito sa sakit. Manghang napabaling ang tingin niya sa babae dahil nagawa nitong saktan ang lalaking sanggano. Hindi napaghandaan ng lalaki ang sipa mula dito kaya napurohan ito. Para na itong tigreng nakatayo na ngayon sa harapan nila.“Anong sinabi mo?” galit na tanong ni Jenny sa lalaki. “Parausan? Geezz! Nagkamali ka ng babaeng sinabihan niyan!”Muling napaliyad sa sakit ang lalaki matapos tuhurin ni Jenny ang maselang bahagi ng katawan nito.“You, bitch! Matapang ka, ha?” Galit na minura ng isa pang lalaki ang dalaga at nilapitan ito.Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ng dalaga para makaganti ang dalawa. She gave them what they deserved. Mabilis niyang sinipa sa tuhod ang isa kasabay ng pagtama ng kamao sa mukha ng lalaking tinuhod kanina.Humahangang nakamasid lang si Yazed sa dalaga. He have never seen such a woman na may lakas pa kahit lasing na.“Kakaibang babae,” bulong ni Dexter sa nakatulalang kaibigan. “I guess, she's kind of your type.”“Yeah. Tama ka.” Wala sa sariling sagot ni Yazed pero bigla ring binawi nang mahimasmasan. “What?! I mean, no! Ayoko sa babae na parang isang barako.”Natawa si Dexter sa naging reaction ng kaibigan. “Kunwari ka pa, nauutal ka nga.” Patuloy niyang tukso dito.Hindi na nakasagot pa si Yazed nang mapayakap sa kanya ang babae dahil sa pagkakatulak dito ng isa sa mga kalaban. Nagkatitigan ang dalawa sa posisyong halos wala nang pagitan sa kanilang mga katawan. Sa pagkakapako ng mga mata nila ay may nasilip sila roon na tila isang pamilyar na kislap na hindi nila maipaliwanag.“Not bad,” mahinang sambit ni Jenny na siyang unang nakabawi mula sa pagka magnito ng kanilang mga mata ng estranherong lalaki.Magtatanong pa sana si Yazed ngunit biglang bumitaw mula sa pagkayakap sa kaniya ang dalaga.Mabilis na nailagan ni Jenny ang suntok ng kalaban na minalas namang tumama kay Yazed. “Ops! Sorry, pogi!” paghingi ng paumanhin ng nakangiting dalaga. Binalingan nito ang mga kalaban. “You messed with the wrong woman!”Muling nagsagupaan ang dalawang kampo. Walang gustong sumuko at magpaawat. Umikot ang dalaga sa kabilang table upang hindi siya mapagtulongan ng dalawa.“Bro, okay ka lang?” tanong ni Dexter sa nasuntok na kaibigan. Maging siya ay nagulat sa nangyari at sa bilis kumilos ng babae na gusto sanang tulongan ng kaibigan. Ngunit mukhang nabaliktad ang sitwasyon at ang kaibigan dapat ang tulongan.“Fuck!” Galit na nagmura si Yazed habang sapo ang pangang tinamaan ng suntok ng kalaban. Galit na hinaklit niya ang kuwelyo ng isanv lalaking malapit sa kaniya bag
“ANO pang hinihintay mo?" naiinip na tanong ni Jenny sa lalaki. "Ah! You want me to take the first move?” Biglang hinila ni Jenny sa kamay ang lalaki at kinabig ang batok nito nang maabot.Mabilis na naiharang ni Yazed ang palad at doon lumapat ang labi ng dalaga. “Ganyan ka ba sa lahat ng lalaking gusto mong pasalamatan?” galit niyang tanong sa babae sa halip na matuwa sa ginagawa nito.“Only to special people. At dahil ikaw ang saviour ko, you're special to me.” Binaliwala ni Jenny ang galit ng binata. Nabawasan ang confident niya ngayon sa maging misyon niya dahil mukhang hindi siya kaakit-akit sa mata ng lalaking ito.Muling napaatras si Yazed nang aktong lalambitin sa kanya ang kamay ng dalaga. Halata pa rin dito ang impluwensiya ng alak. “Dinala kita rito dahil hindi ko alam kung saan ka ihahatid. Gusto mo bang umuwi? I can offer you a ride.” Biglang naging malumanay ang kaniyang tinig nang mapansin na lumungkot ang mukha nito.“No.” Mabilis na sagot ni Jenny at ibinagsak nito a
“AMBER..”Nagising sa kawalan ang diwa ni Amber nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Paulit-ulit niyong tinatawag ang kanyang pangalan. Nais niyang humakbang at sumigaw, ngunit hindi niya magawa.“Bumalik ka na, Amber. Kailangan ka ng anak ko!”Ramdam niya ang lungkot sa tinig ng isang babaeng kumakausap sa kaniya ngunit hindi niya ito makita. Hindi niya rin matukoy ang pinagmumulan ng tinig.“Huwag mo siyang iiwan. Protektahan mo ang anak ko!” umiiyak na pagpatuloy ng isang tinig.“Dalia?” sambit ni Amber sa pangalan ng kaibigan nang makilala ang tinig nito sa kaniyang isipan lamang. Wala pa siyang kakayahan na ibuka ang bibig o imulat ang mga mata. “Dalia!” muli niyang tawag sa pangalan ng kaibigan at nangangapa ang diwa sa karimlan.“Si Jenny. Ingatan mo ang anak ko, Amber.”“Nasaan ka? Magpakita ka sa akin Dalia! Tulongan mo akong makabangon dito para mapuntahan ko ang anak mo!” pakiusap niya sa matalik na kaibigan dahil ramdam niya ang panghihina ng kaniyang katawan. Unti-un
“BILISAN ninyo ang pagdiskarga ng mga iyan!” nakabulyaw na mando ng isang lalaki sa lahat ng naroon.Palihim na nagmamatyag si James sa grupo habang abala ang kanilang pinuno sa pag-utos. Apat na mga sasakyan ang nakahimpil sa harap ng isang luma at abandonadong gusali na puno ng mga kahon ng kontrabando.“Oh, ingatan niyo naman!” pasigaw na sita ni Lando sa mga tauhan. “Ikaw!” sabay turo nito kay James. “Magbantay ka sa gate! Siguraduhin mong walang parak na makakaamoy sa atin!”“Okay, boss.” Magalang na sagot ni James sa lalaki.Naging pabor kay James ang iniutos sa kanya dahil kumukuha nga siya ng tiyempo para maisagawa ang kanilang plano. Tinungo niya ang likurang bahagi ng gusali. Sa harap kasi ay may ilang armado na nakatanod doon.Nang masiguro ng binata na walang tao sa paligid, sumipol siya bilang senyales sa dalawang anino na nakakubli sa dilim. Maingat na dumaan ang mga ito sa maliit na gate.“Ilan sila?” pabulong na tanong ni Jenny kay James.“Siyam sa loob, apat sa entran
“OH, gising na ang bisita natin!” wika ni Sasha nang makapasok sa silid kasunod si Jenny na agad na dumiretso ng upo sa bakanteng upuan na nasa may paanan ng higaan.“Masamang damo talaga! Ang haba ng buhay!” pumapalatak na ani Jenny habang matalim ang mga titig na ipinukol sa taong bumaril sa kaniyang ina. Nangalit ang kaniyang mga ngipin pagkaalala sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki.“Ugghhh!” Napaungol at napangiwi sa sakit si Lando nang pilitin niyang makagalaw ang katawan. Ngunit agad niyang napansin na nakatali ang kaniyang mga kamay maging ang mga paa sa kinaupuan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at dumako iyon sa dalawang magagandang babae ngunit mukhang mga gagawa ng hindi maganda sa kaniya. “Sino kayo?”“Hindi na mahalaga kung sino kami. Ang unahin mong isipin ngayon ay kung paano ka mabubuhay habang nasa lungga ka namin." Nang-iinsultong sagot ni Jenny sa lalaki kasabay ng pagtaas ng mga paa sa ibabaw ng lamesa.“Anong kailangan ninyo sa
“MULA sa araw na ito, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako lang...”Nakatitig lang si Jenny sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng isang ginang. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Kahapon lamang ay masaya sila ng kanyang mga magulang. Pero ngayon ay nagluluksa siya kasama ng hindi niya gaanong kilalang mga kamag-anak.“Ma, huwag mo na ngang kinakausap ang pipi na 'yan! Nagmumukha ka lang tanga!” inis na sita ni Jennelyn sa ina.“Tumahimik ka nga riyan!” angil ni Jackie sa anak. “Hindi ka nakakatulong!”“We've been pampering her since mamatay ang kanyang mga magulang. But look at her? Hindi naman niya tinutulungan ang sarili.” Nakasimangot na reklamo ni Jennelyn habang pinagmamasdan ang pinsan na mukhang robot na lamang na nakaupo sa isang tabi. Kusa itong gumagalaw ngunit parang walang naririnig o nakikita. Maging sa pagkain ay pinagsisilbihan pa ito ng ina na ikinaselos niya ng husto.“Jen...” Hindi na natapos ni Jackie ang pagtawag sa pangalan ng pamangkin nan
NAPANSIN ni Jenny mula sa sulok ng mga mata ang dalawang lalaki na kanina pa nakatuon sa kanila ang atensyon. “Lumapit ka sa akin,” bulong niya sa kaibigan.“Ha?” Nagugulohang tanong ni James dito“Huwag ka nang magtanong. Gawin mo na lang.”Iniusad ni James ang upuan palapit sa dalaga nang mahamig sa tinig nito ang banta. “May sasabihin ka ba?”“Halikan mo ako.” Utos niya kay James.“Ha?!” pakiramdam ni James ay nabingi naman siya sa pagkakataon na ito.“Sa pisngi lang. At huwag mong lalagyan ng malisya.” Ngumiti si Jenny habang kinakausap ang kaibigan.Nalilito man ay sinunod niya ang kaibigan. Alam niyang may ibang dahilan ang dalaga sa pinaggagawa nito sa kaniya. Pero ayaw na niyang alamin pa, ang importante ay nakahalik siya dito kahit sa pisngi lamang.“Abutan mo ako ng pera,” dugtong pa niyang utos kay James.“Bakit alam mong bago akong sahod? At kailan pa nagkaroon ng bayad ang paghalik?” pabirong reklamo ni James upang mawala ang awkwardness sa pagitan nila matapos igawad ang
BUMAGAL ang paglalakad ng dalaga nang malapit na sila sa library na nagsisilbing opisina ni Edwin. Napansin kasi niya ang pagkakatitig sa kanya ni James na nakatanod sa entrada ng pinto. Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya. She was expecting for that reaction dahil hindi niya sinabi rito ang pagpunta roon sa araw na iyon. Alam kasi niyang sasalungat din ito katulad ni Sasha.“Pasok na.” Muling mando ni Dino sa dalaga bago nilingon si James at ngumisi dito. Kitang-kita niya rin kanina ang pagkagulat sa mukha nito nang mamukhaan ang babaeng kasama niya.Pasimpleng sinenyasan ni Jenny ang kaibigan. She gave him an assurance na hindi siya papalpak. And that everything will be fine.“Happy birthday, boss.” Bati ni Dino sa amo pagkapasok nila sa isamg silid.Natuon ang lahat ng tingin ng mga kasama ni Edwin sa pagpasok nina Dino at Jenny, partikular sa dalaga na agaw-atensiyon ang ganda at makurbang katawan nito.“Sino 'yang kasama mo?” tanong ng ginoo matapos pasadahan ng baba-taa
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l