“BILISAN ninyo ang pagdiskarga ng mga iyan!” nakabulyaw na mando ng isang lalaki sa lahat ng naroon.
Palihim na nagmamatyag si James sa grupo habang abala ang kanilang pinuno sa pag-utos. Apat na mga sasakyan ang nakahimpil sa harap ng isang luma at abandonadong gusali na puno ng mga kahon ng kontrabando.“Oh, ingatan niyo naman!” pasigaw na sita ni Lando sa mga tauhan. “Ikaw!” sabay turo nito kay James. “Magbantay ka sa gate! Siguraduhin mong walang parak na makakaamoy sa atin!”“Okay, boss.” Magalang na sagot ni James sa lalaki.Naging pabor kay James ang iniutos sa kanya dahil kumukuha nga siya ng tiyempo para maisagawa ang kanilang plano. Tinungo niya ang likurang bahagi ng gusali. Sa harap kasi ay may ilang armado na nakatanod doon.Nang masiguro ng binata na walang tao sa paligid, sumipol siya bilang senyales sa dalawang anino na nakakubli sa dilim. Maingat na dumaan ang mga ito sa maliit na gate.“Ilan sila?” pabulong na tanong ni Jenny kay James.“Siyam sa loob, apat sa entrance gate at lima ang nakabantay sa labas ng main door. Lahat armado.”“Salamat,” ani Jenny habang iginagala ang paningin sa paligid.“Sige na. Mag-iingat kayo.” Mabilis na tumalikod si James at iniwan ang dalawa. Nagpatiuna siya upang masigurong walang tao sa daraanan ng mga kaibigan.Tama lang pagbalik ni James sa pwesto niya nang makita ang isa sa kalaban malapit lang din sa kinaroonan niya. Kailangang makadaan ng dalawang kaibigan kaya kailangan niya itong mapatahimik."Pre, may sigarilyo ka?" tanong ni James sa kasama nang lumingon ito sa kanya."Nandun sa bulsa ng jacket ko." Turo nito sa nakasukbit sa isang upuan."Arghhh"Mabilis na naitakip ni James ang palad sa bibig ng lalaki upang hindi makalikha ng ingay matapos paluin ng baril sa batok ito.Agad na hinila ni Kailani ang nakahandusay na katawan ng lalaki. Ikinubli sa tagong lugar ito matapos mapatulog ni James. Mabilis ang kilos at nakapasok sila sa kasunod na pagkakublihan."Nakita mo ba si Jano?" tanong ng isa pang lalaki na lumapit kay James."Nagpaalam na gagamit ng toilet, may ipag-utos ka ba sa kanya?" sagot ni James sa lalaki habang nakapamulsa ang isang kamay sa pocket ng pantalon na suot nito."Kahit kailan talaga ang lalaking iyon oh, kulang na lang ay tumira sa palikuran." Reklamo ng kaharap. "Ikaw na ang gumawa, dalhin mo ito kay Boss Lando." Inabot nito kay James ang makapal na envelopeKilala ni James ang taong tinutukoy ng kasama. Ito ang puntirya nila at pagkakataon na niyang makalapit dito. Tumatango na inabot ni James ang hawak ng huli. Nakapasok na rin ang dalawang kaibigan sa loob ng bakuran kaya maari na siyang pumasok sa loob.Sumipol ulit si James bago tumuloy sa loob bilang pagbigay alam sa dalawa. Hindi na pinapansin ng mga kasama ang ganoon gawi niya dahil sa umpisa pa lang ay naging habbit niya ang sumipol."Bakit ikaw ang nagdala niyan? Nasaan si Jano?" tanong ni Lando sa pumasok na tauhang hindi pa gaanong kilala."Sira na naman yata ang tiyan, Boss kaya ako na lang ang nagdala nito sa iyo." Pinagala ni James ang paningin sa loob ng silid. Mayroong dalawang lalaki na may hawak na baril, nakatayo ang mga ito sa tabi ng lalaking kausap niya."Ano pa ang tinitingin-tingin mo pa riyan?" galit na sita nito sa binata. "Akin na ang papelis at kanina pa iyan kailangan ni Boss!" nakaangil na ani Lando kay James.Tangkang tatayo na si Lando nang bigla bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang tao na may nakatakip sa mukha at tanging mata lang ang makikita. Armado ang mga ito at diritsong nakatutok sa kanila ang hawak na baril ng mga ito."Sino kayo?" magkapanabay na tanong ng mga naroon sa silid. Naging alerto ang mga ito ngunit mas mabilis ang taong pumasok."Huwag gagalaw!" Banta ng isa na may takip sa mukha nang magtangkang itutok sa kanila ng dalawang armadong lalaki ang mga hawak na baril nito."Paano nakapasok ang dalawang iyan dito?" galit na sigaw ni Lando sa mga tauhan. Hindi alintanang nakatutok sa kaniya ang baril ng isa mula sa kinatayuan ng mga ito sa nakasarang pinto.Mabilis na kumilos si Sasha at tumambling upang bigyan ng isang sipa ang isang lalaki nang mapansin ang hindi nitong magandang balak. Hangga't maari sana ay hindi sila gagawa ng ingay upang hindi maalerto ang mga taong nasa labas.Tumalon si Kailani at nagkubli sa likod ng mahabang sofa nang paputukan siya ng isa pa.Naging alerto naman si James, mabilis siyang nakalapit kay Lando at tinutukan ito ng baril sa ulo. "Huwag kayo magpaputok ng baril!"Itinulos naman sa kinatayuan ang isa sa tauhan nang makita ang ginawa ni James. Ang isa pa ay napataas ang mga kamay dahil nabitiwan nito ang baril nang masipa iyon ni Sasha."Hayop ka, isa kang traidor!" Nanlilisik ang mga mata ni Lando at pilit kumakawala sa mahigpit na pagkahawak ni James sa kanyang leeg.Mula sa pinagkublihan ni Kailani ay lumabas siya at lumapit sa lalaking hawak ni James sa leeg. Si Sasha ay mabilis na sinipa ang kamay ng isa pa habang nanatiling nakatutok ang baril sa lalaking unang nakatikim ng kaniyang sipa. Nabitawan nito ang hawak na baril at walang nagawa kundi itaas din ang dalawang kamay bilang pagsuko."Mas hayop ka, gago!" Magkasunod na malakas na suntok ang ibinigay ni Kailani sa panga ng lalaki at sa tiyan nito. Hindi na ito nakapagsalita pa dahil pinatulog na ito ni James.Nagkaroon ng ingay sa labas dahil sa narinig na putok ng baril. No choice si James kundi ang barilin ang dalawang lalaki upang hindi masira ang plano nila."Umalis na kayo, ako na ang bahala dito!" Utos ni James sa dalawa at pinagtutulungan na mailabas ng silid ang walang malay na si Lando.Binigyan muna ng dalawang suntok ni Sasha si James na ikinadugo ng ilong nito at nagpalit sila ng hawak na baril. Kasama sa plano iyon upang hindi pagdududahan ang kaibigan ng kaaway."Sorry, napa sobra yata!" Nakangiwi ang mga labing saad ni Sasha."Babawi ako, umalis na kayo!" Pagtataboy niyang muli sa mga kaibigan habang pinupunasan ang ilong gamit ang likod ng palad. Pinadaan niya sa likod ang dalawa upang makaiwas sa iba pang kalaban. Nang masigurong nakalayo na ang dalawa ay paika-ika siyang lumabas ng main door."Ano ang nangyayari sa loob? Bakit may putok ng baril?" Sinalubong ng isang lalaki si James pagkalabas nito ng pinto."May nakapasok na kaaway, habulin ninyo at kasama nila si Boss Lando na umalis!" Itinuro niya ang maling direksiyon.Naniwala naman agad ang kausap dahil sa nakikitang hitsura ni James. Tinawag ang iba pang kasama upang sundan ang mga kaaway. Hindi nagtagal ay maririnig ang sirena ng police patrol."May paparating na parak!" Sigaw ng isa at nagkanya-kanya na sila ng takbo upang takasan ang mga pulis. Maliksi ang kilos ni James at walang kahirap-hirap na nakalabas ng naturang bodega. Ilan sa kanila ay nahuli ng mga police."NASAAN si Lando?!" Nagwawala dahil sa galit si Edwin sa harap ng ilan sa tauhan na nakatakas sa nangyaring pagsalakay sa kaniyang bodega, kung saan nilalagak ang mga bawal na gamot at produkto."Nakita ko siya, boss, kasama ng dalawang tao na nanloob sa Bodega."Nilingon ni Edwin ang taong nagsalita, ito ang nirekominda ni Jano na isa rin sa pinagkakatiwalaan niya. Paga ang mukha nito sa natamong suntok mula sa kaaway. "Ano ang ibig mong sabihin?""Isang ahas si Lando, Boss!" Walang pag alinlangan na sagot nito."Magdahan-dahan ka sa iyong binibitawang salita, baguhan ka lang dito kaya huwag kang pumapel kay boss! Kilala ko si Landi at hindi niya magagawa ang kalabanin si Boss Edwin!" Galit na sita ni Dino kay James. Nag-uumpisa palang ang grupo ay magkasama na sila ni Lando kaya hindi siya naniniwala sa bintang ng baguhan lamang."May patunay ka ba sa paratang mong iyan, bata?" Tiim-bagang na tanong ni Edwin sa lalaki. Kung sakaling totoo ang sinabi nito ay uubusin niya ang pamilya ng traidor."Nakita ko, boss, nang binaril niya si Jano dahil nakita siya nito na may kausap na ibang tao. Bukod pa riyan, pinatay niya rin ang dalawa pa na nasa silid at tinangay ang pera na nasa loob ng bag." Liyad ang dibdib na sagot ni James sa pinuno ng hukbo.Malaking pera ang nawala kaya ganoon na lang ang galit ni Edwin. Ang mga produkto na nasa bodega ay nakumpiska rin ng mga pulis kaya malaking halaga ang nawawala sa kaniya. Hindi rin siya agad naniniwalang magawa nga ni Lando ang traidurin siya dahil matagal na niya itong katiwala."Sino pa ang nakakita sa nangyari?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Edwin sa iba pang naroon na tauhan."Wala na, boss dahil ako lang ang naroon nang mapag-utusan ako ni Bugoy na dalhin ang papelis sa silid kung nasaan si Lando." Si James ulit ang sumagot sa ginoo."Hayop siya, matapos ko siyang pagkakatiwalaan! Wala siyang utang na loob! Nasaan na ang mga papelis?!" Naipukpok ni Edwin ang kanang kamay sa lamesa dahil sa galit. Hindi maaaring mawala ang dokumentong iyon dahil doon nakasulat ang lahat ng orginisasyon at pangalan ng mga importanting tao."Sorry, Boss, natangay ng isa sa kasama niya. Pero huwag kang mag-alala dahil nagawan ko ng paraan na maitago ang ilan sa epiktos." Sagot ni James dito.Nabawasan ng kaunti ang init ng ulo ni Edwin sa tinuran ng tauhan. Pero mas importente pa rin sa kaniya ang papers kumpara sa epiktos. Naisip niyang maaring iyon ang panghawakang papel ni Lando upang hindi niya magalaw ang pamilya nito.Samantalang si Dino ay hindi kumbinsado sa palabas ng kasamang si James. Nayayabangan siya dito at halatang gustong magkaroon ng malaking papel sa organization kaya lihim niya ito minamatyagan.“OH, gising na ang bisita natin!” wika ni Sasha nang makapasok sa silid kasunod si Jenny na agad na dumiretso ng upo sa bakanteng upuan na nasa may paanan ng higaan.“Masamang damo talaga! Ang haba ng buhay!” pumapalatak na ani Jenny habang matalim ang mga titig na ipinukol sa taong bumaril sa kaniyang ina. Nangalit ang kaniyang mga ngipin pagkaalala sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki.“Ugghhh!” Napaungol at napangiwi sa sakit si Lando nang pilitin niyang makagalaw ang katawan. Ngunit agad niyang napansin na nakatali ang kaniyang mga kamay maging ang mga paa sa kinaupuan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at dumako iyon sa dalawang magagandang babae ngunit mukhang mga gagawa ng hindi maganda sa kaniya. “Sino kayo?”“Hindi na mahalaga kung sino kami. Ang unahin mong isipin ngayon ay kung paano ka mabubuhay habang nasa lungga ka namin." Nang-iinsultong sagot ni Jenny sa lalaki kasabay ng pagtaas ng mga paa sa ibabaw ng lamesa.“Anong kailangan ninyo sa
“MULA sa araw na ito, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako lang...”Nakatitig lang si Jenny sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng isang ginang. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Kahapon lamang ay masaya sila ng kanyang mga magulang. Pero ngayon ay nagluluksa siya kasama ng hindi niya gaanong kilalang mga kamag-anak.“Ma, huwag mo na ngang kinakausap ang pipi na 'yan! Nagmumukha ka lang tanga!” inis na sita ni Jennelyn sa ina.“Tumahimik ka nga riyan!” angil ni Jackie sa anak. “Hindi ka nakakatulong!”“We've been pampering her since mamatay ang kanyang mga magulang. But look at her? Hindi naman niya tinutulungan ang sarili.” Nakasimangot na reklamo ni Jennelyn habang pinagmamasdan ang pinsan na mukhang robot na lamang na nakaupo sa isang tabi. Kusa itong gumagalaw ngunit parang walang naririnig o nakikita. Maging sa pagkain ay pinagsisilbihan pa ito ng ina na ikinaselos niya ng husto.“Jen...” Hindi na natapos ni Jackie ang pagtawag sa pangalan ng pamangkin nan
NAPANSIN ni Jenny mula sa sulok ng mga mata ang dalawang lalaki na kanina pa nakatuon sa kanila ang atensyon. “Lumapit ka sa akin,” bulong niya sa kaibigan.“Ha?” Nagugulohang tanong ni James dito“Huwag ka nang magtanong. Gawin mo na lang.”Iniusad ni James ang upuan palapit sa dalaga nang mahamig sa tinig nito ang banta. “May sasabihin ka ba?”“Halikan mo ako.” Utos niya kay James.“Ha?!” pakiramdam ni James ay nabingi naman siya sa pagkakataon na ito.“Sa pisngi lang. At huwag mong lalagyan ng malisya.” Ngumiti si Jenny habang kinakausap ang kaibigan.Nalilito man ay sinunod niya ang kaibigan. Alam niyang may ibang dahilan ang dalaga sa pinaggagawa nito sa kaniya. Pero ayaw na niyang alamin pa, ang importante ay nakahalik siya dito kahit sa pisngi lamang.“Abutan mo ako ng pera,” dugtong pa niyang utos kay James.“Bakit alam mong bago akong sahod? At kailan pa nagkaroon ng bayad ang paghalik?” pabirong reklamo ni James upang mawala ang awkwardness sa pagitan nila matapos igawad ang
BUMAGAL ang paglalakad ng dalaga nang malapit na sila sa library na nagsisilbing opisina ni Edwin. Napansin kasi niya ang pagkakatitig sa kanya ni James na nakatanod sa entrada ng pinto. Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya. She was expecting for that reaction dahil hindi niya sinabi rito ang pagpunta roon sa araw na iyon. Alam kasi niyang sasalungat din ito katulad ni Sasha.“Pasok na.” Muling mando ni Dino sa dalaga bago nilingon si James at ngumisi dito. Kitang-kita niya rin kanina ang pagkagulat sa mukha nito nang mamukhaan ang babaeng kasama niya.Pasimpleng sinenyasan ni Jenny ang kaibigan. She gave him an assurance na hindi siya papalpak. And that everything will be fine.“Happy birthday, boss.” Bati ni Dino sa amo pagkapasok nila sa isamg silid.Natuon ang lahat ng tingin ng mga kasama ni Edwin sa pagpasok nina Dino at Jenny, partikular sa dalaga na agaw-atensiyon ang ganda at makurbang katawan nito.“Sino 'yang kasama mo?” tanong ng ginoo matapos pasadahan ng baba-taa
MULA sa kinaupuan ay hindi mapakali si Amber sa hindi niya malamang dahilan naging balisa siya. Nang tumunog ang kaniyang tawagan ay nagulat pa siya at mabilis iyong sinagot. “Hello?”“Amber...”“Dalia?” patanong niyang tawag sa pangalan ng kaibigan. Bigla rin siya kinabahan sa tono ng boses nito. Iba ding numero ang gamit nito kaya hindi siya sigurado kung ito nga ang tumawag.“Ako nga.” Sagot ni Dalia mula sa kabilang linya sa mahinang tinig lamang.“Bakit napatawag ka ng des-oras diyan?”“May ipapakiusap sana ako saiyo.” Mahamig sa tinig ni Dalia ang kaseryusohan.“Bakit parang umiiyak ka? May problema ba?” nag-aalala niyang tanong dito.“Please, listen to me.” May pagmamadaling pakiusap ni Dalia dito.“Dalia-” naputol ang iba pa niyang sasabihin nang magsalita muli ang kaibigan.“Listen Amber, please protektahan mo si Jenny.”“Teka nga. Inihahabilin mo ba sa akin ang anak mo? Saan ka pupunta?” pinaghalong pagtataka at pag-alala na ang nararamdaman ni Amber sa pagkakataon na ito.
“PAREHO pa kayo ng pangalan ng babaing nagnakaw sa akin ng halik na hindi naman pala marunong humalik.” Sarkastikong paalala ni Yazed sa babae.“Hey-” Dinuro nito ang nakangising binata, pero natigil lang ito nang mapansin ang pagtitig dito ni Edwin.“Sinong babae ang tinutukoy mo? At bakit nakipagmabutihan ka pa sa iba? Alam mong may nakalaan ng babae sa iyo at hindi pwede iyon ipagsawalang bahala lang." Panenermon ni Edwin sa anak.“I think she's just a pretentious social climber at alam mong wala akong amor sa ganoong klaseng babae.” Emotionless na sagot ni Yazed sa ama.Lihim na napakuyom ng kamao si Jenny habang sinundan naman ng tingin ni Yazed ang pagtungo ng ama sa kinahihigaan ng kanyang ina.“Bawiin mo ang sinabi mo,” mahinang saad ng dalaga kay Yazed.Muli niyang ipinako ang tingin sa kaharap. “Kahit high school lang pala ang natapos mo, matalino ka dahil naintindihan mo ang sinabi ko.” Nang-uuyam na puri ni Tazed dito.“Oo. Kaya huwag ka agad manghusga ng taong hindi mo na
"MA, why do I need to wear these crap?” reklamo ni Jennelyn sa ina habang nagpipilantik ang mga daliri sa pag-ayos sa suot na damit.“Just bear it, okay?” tila nauubusan na ng pasensya si Jackie sa pagiging reklamador ng anak.Matagal na panahon din silang namalagi sa ibang bansa kaya lalong naging liberated sa kilos at pananamit ang anak.Muling sinipat ni Jennelyn ang sarili sa whole-body mirror. She's wearing like an old maiden— too old-fashioned. “This is sucked!” Nandidiri niyang reklamo muli sa ina.“Tumigil ka nga riyan sa karereklamo!” naririnding angil ni Jackie sa anak. “Kailangan mong gampanan ang pinapagawa saiyo ng ama mo kung ayaw mong tuluyan na tayong maghirap!”Lumaking si Jennelyn na nakukuha ang lahat ng gusto sa ibang bansa. She's very conscious about her fashion. Pero sa pagkakataong iyon, she will break her rule not to wear any outdated dress. Hindi niya maintindihan kung dadalo ba siya ng binyag o papasok ng kumbento.“What a f*cking life!”“Kapag hindi mo nagam
SINUNDAN ng tingin ni Jenny ang pagpasok ni Dexter kasunod ang dalawang babae. At halos mapamulagat siya nang makilala ang mga ito. Pasimple niyang kinuha ang pintel pen mula sa pen stand ng katabing mesa at nilagyan ng parang nunal ang isang pisngi.“Tito Edwin, I brought you someone here.” Masayang bati ni Dexter sa ginoo. Tanging sila ni Yazed ang nakakaalam ng pagdating niya kasama ang dalawa.“Hi, is that you, Jackie?!” Nilapitan ni Edwin ang bisita at kinamayan ito.“Kumusta, Edwin?” Masiglang bati ni Jackie sa ginoo.“I’m good! Long time no see,” ani Edwin habang ang mga mata ay naktutok sa dalagang kasama ni Jackie.Para sa mga hindi nakakaalam, matagal nang magkakilala ang dalawa. Ang akala ng mga tao ay simpleng business associate lamang sila dahil sa mga negosyong naiwan ng mag-asawang Garcia. But everything about them are all lies. At maghahabi na naman sila ng panibagong kasinungalingan.“Anyway, who’s with you?” tanong ni Edwin sa ginang.“Hindi mo ba siya nakikilala?” h
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l