“T-Tita Amber?” nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata nang tuluyan itong makilala. Kahit bata pa siya noon at isang beses lang ito nakaharap ito, naalala pa rin naman niya ito. Bukambibig ng kaniyang ina ito sa tuwing magkuwento. Naalala niya rin na ito ang huling taong binangit ng ina na lapitan niya upang hingan ng tulong. Ngunit sa mga natuklasan ngayon at nagdalawan isip na siya kung tama ba ang napiling tao na pinagkatiwalaan ng ina noon. Naisip niyang baka katulad din ito ng asawa nito.Nakita ni Jenny ang pagkislot ng hintuturong daliri ng ginang kaya alam niyang gising na ito. “Ikaw ba 'yan? Ikaw ba ang matalik na kaibigan ng mama ko? At asawa mo ang taong kinasusuklaman ko?” nang-uusig na muling tanong ni Jenny sa ginang.Gumalaw ang ulo ni Amber at iminulat ang mga mata upang makita ang taong nagsasalita.“Anong ginawa ng pamilya ko sa inyo para sirain niyo? I became an orphan dahil sa kasamaan ng asawa mo! Pera ba? Ang yaman namin? Ipinagpalit ninyo iyon sa pagkakaibiga
“MAMAYANG gabi na nga pala ang tuloy sa pananambang sa kapulisan upang makuha natin ang tatlong priso." Pag-iba bigla ni Sasha sa paksa pagkaalala sa misyon nila."I know at nakakabuti na rin pala itong day off ko sa trabaho." Sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Jenny. Ang alam ni Edwin ay babantayan niya ang kaniyang ina ngayon na may sakit kaya hindi agad siya makabalik ngayong gabi.Pagkatapos kumain ay nagpasya nang umuwi ang dalawa. Pero siniguro ni Jenny na walang nakasunod sa kanila. Pagdating nila sa hideout nila ay tulog pa rin si Lando na sadyang pinainum ni Sasha ng pampatulog bago iniwan. May busal din ito sa bibig at mahigpit ang tali sa katawan kaya kahit magising ito na walang bantay ay hindi makakatakas."Mamayang madaling araw pa ang gising niyang kaya pwede na nating iwan." Tumango si Jenny sa kaibigan at naghanda na ng dadalhin nilang gamit na armas. Bago ang takdang oras ay naroon na sina Sasha at Jenny sa daan kung saan nila tambangan ang sinasakyan ng mg
GALIT na tinapunan ng tingin ni Dino si James nang dumating ito at duguan ang suot na damit. Nagyayabang na naman ito dahil nagawa ang trabaho mag-isa. Ayon pa dito ay may kasabwat na pulis o binayaran kaya napadali ang trabaho sa pagkuha sa tatlong kasama nila."Good job! Maasahan ka na sa ganitong trabaho at inaasahan kong hindi ka tutulad kay Edwin!" Tumalim bigla ang tingin ni Edwin pagkaalala sa lalaki. "Salamat, boss! Ito na po ang patunay na patay na ang tatlo at isinako ko ng buhay bago inilibing sa malalim na hukay." Nagyayabang na ibinagsak ni James ang dalang duguang damit sa harap ng matanda."Hindi sapat ang damit na iyan para masabing pinatay mo nga sila." Naka ismid na kontra ni Dino kay James.Nangangalit ang mga ngipin na nilingon ni James si Dino. "Kung diskumpyado ka sa trabaho ko, pumunta ka doon sa pinaglibingan ko sa kanila at hukayin mo!""Ikaw ang humukay at dalhin dito ang mga ulo nila, pahihirapan mo pa ako!" Singhal ni Dino kay James."Tumigil ka na Dino! P
“ANONG balita?” pasimpleng tanong ni Jenny kay James sa mahinang tinig lamang.“Tama yata ang kutob mo. Mukhang magkakasabwat silang tatlo.” Sagot ni James habang ngumungoya ng pagkain at ang mata ay nakatutok sa tv.Natanaw ni Jenny mula sa kanilang kinaupuan ang pagdaan nila Edwin at Jackie. Bahagyan nangunot ang noo niya nang makitang nakahawak sa beywang ng tiyahin ang kamay ni Edwin. Tinatahak ng mga ito ang daan papasok sa loob ng silid ni Amber. . “I think she's after my wealth. At hindi ko hahayaan na angkinin nila ang pinagpaguran ng mga magulang ko!” paanas na wika ni Jenny habang sinusundan ng tingin ang nakatalid na sina Edwin at Jackie.“Change of plan?” tanong ni James nakayuko ang ulo at nagkunwaring abala sa kinakain.Napatingin si Jenny sa kaibigan. “Probably.” Maiksi niya sagot dito.“Just don't tell me na si Yazed ang nakikita mong alternative plan.” Pinangunahan na ni James ang kaibigan. Bilang lalaki ay nagseselos siya sa kaalamang ito ang batang minsan ay naging
“DARN!” Inis na bumangon si Yazed na kanina pa hindi dalawin ng antok. “Ano bang meron sa babaing 'yun at hindi siya mawala-wala sa isip ko? Ginayuma niya ba ako?” kausap ni Yazed sa kaniyang sarili.Muling nahiga ang binata, pero mabilis din agad na bumangon at lumabas ng silid. “That woman! Siguradong ginayuma niya rin si Papa.”Dumiretso si Yazed sa kusina at uminom muna siya ng malamig na tubig bago naisipang tumungo sa silid ng ina.“Ma...” sambit ng binata nang makaupo. “I know it's not really appropriate para sabihin ko sa'yo ang nararamdaman ko. Pero naguguluhan na kasi ako. That woman is provoking me. Your personal nurse. Yeah, I'm talking to her. I think, hindi lamang siya isang gold-digger. She is also insane. Malaki ang tama niya sa ulo. Believe me.”Tahimik lang si Amber mula sa pagkakatitig sa puting kisame ng silid na nagising sa pagtulog nang pumasok ang anak. Hinayaan ang anak na maglabas ng saloobin nito. Biglang hinaplos ng mainit na palad ang kaniyang puso sa isipi
PINAGMASADAN ni Jenny si Amber habang tahimik itong nakaupo sa de gulong na upuan at kinakausap ito ng impostora niyang pinsan. Naroon sila ngayon sa harden at pinaaarawan ang ginang. "Tita, pasensya na at hindi ako magtatagal ngayon dito. May lakad po kasi kami ni Yazed." Kausap ni Jennelyn sa ina ni Yazed.Lihim na napaismid si Jennifer habang nakikinig lang sa kaniyang impostorang pinsan. Feel na feel nito ang papel bilang siya sa pamilya ni Yazed. Ilang araw na rin na wala si Edwin at alam niyang nagpunta ito sa ibang bansa. Kakatuwa lang dahil maging ang kaniyang tiyahin ay hindi niya nakikita."Je... nny..""Yes po, Tita, nandito ako. May gusto ka po bang sasabihin sa akin?" Malambing na kausap ni Jennelyn sa ginang.Idinaan na lang ni Amber sa pagkunot ng noo ang gustong sabihin sa kaharap. Mabait ang babaeng nagpakilalang si Jenny pero hindi niya maramdaman dito ang katauhan ng tunay na si Jenny. Sobra siyang nag-aalala na baka mahulog ang loob ng anak dito at hindi nito maki
BAKAS sa mukha ni Amber ang pagkaaliw habang pinagmamasdan ang dalagang nasa kaniyang harapan. Walang duda na ito nga ang totoong Jenny. Proud niyang pinagmasdan ito dahil isa na itong ganap na dalaga at palaban. Hindi basta binababa ang sarili at marunong ipagtangol ang sarili.Mabilis na bumalik sa pormal ang mukha ni Jenny nang mapansin na nakatitig sa kaniya ang ginang. "Alam mo, ang pangit ng anak mo. Ang tanga niya dahil ang dali niyang malinlang ng fake na babaeng iyon!"Sa halip na magalit sa panlalait sa kaniyang anak ay lalo lamang naaliw si Amber sa dalaga. Ito ang kilala niyang Jenny, hindi mapagkunwari upang itago ang tunay na saloobin. Lalo lamang humaba ang nguso ni Jenny at nainis dahil pinagtatawanan siya ng ginang. Pero nang maalala ang sitwasyon nila ay bigla siyang sumeryuso. "Bakit hindi ka nagagalit?""Jen.. ny.." Malungkot na pinagmasdan ni Jenny ang mukha ng ginang. Naaawa siya dito dahil madalas lang nitong masambit ay ang kaniyang pangalan. Na miss niya big
"ANO ang ginagawa mo dito?" sita ni Yazed kay James nang makita ito sa kanilang bakuran. Maaga siyang umuwi nang ibinalita kanina ng katulong na napansin nitong nahirapan huminga ang ina."Call of duty," plat ang tono na sagot ni James sa karibal niya kay Kailani. Kararating niya lang din at hindi pa sila nagkikita ng dalaga "Wala dito si Daddy ka—""Siya ang nagpapunta sa akin dito para maging personal driver ng iyong ina sa tuwing lalabas sila." Maangas na sagot ni James sa lalaki.Gumalaw ang panga ni Yazed dahil sa pagpigil ng emosyong nadarama. Tanging ang lalaki lang na ito ang naglalakas loob na putulin ang kaniyang pagsasalita nang walang pakundangan.Binaliwala lang ni James ang mapanuring tinging ipinukol sa kaniya ni Yazed. Mga tinging walang tiwala sa kaniya at hindi nagustohan ang kaniyang presensya doon. Ipinamulsa niya ang kaliwang kamay at ang isa ay hawak ang sigarilyo. "If you don't mind?" Itinaas niya ang may sindi ng sigarilyo.Pinukol ng masamang tingin ni Yazed
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l