“ANAK, natatandaan mo pa ba si Jenny?”
Mula sa pag-aayos ng mga libro ay natuon ang tingin ni Yazed sa ina. “Sino po 'yun?” tanong niya sa ina kahit na nahulaan niya kung sino ang tinutukoy nito.“Nakalimutan mo na? Anak siya ng matalik kong kaibigan na binibisita natin noon kapag umuuwi tayo ng Pilipinas.” Kinuha ni Amber ang isa sa mga larawan na nasa tinitingnan nitong photo album.“Here. Look.”Nanariwa naman sa isip ni Yazed ang nakaraan nang makita ang lumang litrato na inilahad sa kanya ng ina. Limang taon na rin ang lumipas nang huli niya itong makita.“Naalala mo na?” Nakangiting tanong ni Amber sa anak.Tumango ang binatilyo. He’s fifteen now. And currently studying in Italy. “What about her?” tanong niya kahit may hinala na siya kung bakit nabuksan na naman ang paksa tungkol sa anak ng kaibigan nito.“Malaki na siya ngayon, at maganda. Bagay na bagay kayo.”“Ma, she’s just turning ten years old. Right?”“Yes. But look...”Nabaling ang mga mata ni Yazed sa cellphone na inangat ng ina. Isang nakangiting bata ang naroon. Maamo ang mukha nito na binagayan ng mapipilantik na pilik-mata. Pero mas napatitig siya sa mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.“Mabuti naman at sinunod niya ang bilin ko na huwag masyadong kumain ng mga matatamis na pagkain.” Sumilay ang matipid na ngiti sa mga labi ni Yazed habang nakatitig sa ngipin ng nasa larawan. Ang huling pagkikita nila ng huli noon ay sira ang ngipin nito kaya napagsabihan niya.Napangiti si Amber habang nakatitig din sa larawan. “Oo. Alam mo bang madalas ‘yang banggitin sa akin ni Dalia. Mula nga raw nang sabihin mo ang tungkol diyan ay nagbago na ang kanyang eating habit.”“Good for her.” kibit-balikat niyang tugon sa ina at muling itinuon ang atensyon sa libro.“Anak, gusto ko na muli kayong maging malapit sa isa’t isa.”Napakunot ng noo si Yazed. “Why?”“Nakalimutan mo na rin ba ang kasunduan?” himig pagtatampo na paalala ni Amber sa anak.Naintindihan niya ang nais ipahiwatig ng ina. “Are you serious about it, ma?”“I think she's the best one for you.”“Ma, hindi niyo po hawak ang kapalaran naming dalawa.”Lumukot ang mukha ni Amber. Sinadya nitong ipakita sa anak ang pagkadismaya.“We're still young, okay? Hindi pa natin dapat pinag-uusapan ang bagay na iyan.”“Pero may nobya ka ngayon. At ayoko sa kanya.”“She's not my girlfriend,” paglilinaw niya sa babaing tinutukoy ng ina. “Close lang kaming dalawa ni Anette.”“Anak…” Buong paglalambing nitong hinawakan ang kamay ni Yazed, “Gusto ko na si Jenny ang maging asawa mo.”“Ma, please? This is not the right time to talk about it.” Nasa tinig ng binatilyo na malapit na itong mapikon sa ina.“Hindi ko naman sinasabi na ngayon na kayo magpakasal. I was just reminding you. You know, Jenny is very precious to me. Alam ko kasi na maaalagaan mo siya. Baka kung mapunta siya sa ibang lalaki ay matulad siya sa akin na isang battered wife.”Mula sa pagbabalik-tanaw ni Yazed sa nakaraan ay nalipat ang tingin niya sa ina na ilang taon na ring comatose. Hindi na nga nito nakita ang pagtatapos niya sa kolehiyo at pagkakaroon ng magandang trabaho. Maraming taon na rin ang lumipas at hindi niya binibitawan ang ina.They lived in Italy for more than a decade. And they had a very hard life after his father abandoned them. Pero kinaya naman nila ang buhay dahil na rin sa pagtutulungan nilang dalawa. Isa pa ay may sariling pera ang kaniyang ina at iyon ang kaniyang pinapalago ngayon.Nang mabalitaan ng kanyang ina ang tungkol sa biglaang pagkamatay ng matalik nitong kaibigan ay agad itong lumipad pabalik ng Pilipinas at naiwan siya. Napasunod na lamang siya ng uwi nang maaksidente ang kaniyang mga magulang. Maliit pa noon ang anak ng kaibigan ng ina kaya wala siyang idea kung ano na ang hitsura nito ngayon.“Pangako, ma, tutuparin ko po ang huling habilin mo sa akin. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita.” tukoy ng binata sa anak ng matalik na kaibigan ng ina.Sinulyapan ni Yazed ang mga apparatus na nagdudugtong sa buhay ng kanyang ina. Its rhythmic noise sadden him.“Gumising ka na, ma, please, I'm begging you. Miss na miss na kita.” Iniangat niya ang isang kamay ng ina at idinantay iyon sa kanyang pisngi. Ang init na hatid niyon ay bahagyang nagpagaan sa nararamdaman niya ritong pangungulila. Ilang minuto pa ay dumating ang personal doctor ng kaniyang ina at sinuri ito.“Kumusta na po siya, doc?” agad na tanong ni Yazed sa manggamot matapos nitong masuri ang kaniyang ina.“Well, it's a good sign that her body is responding.” Nakangiting pagbabalita ng doctor sa anak ng kaniyang pasyente.Nakahinga nang maluwang si Yazed sa balitang narinig. After five years of waiting in despair, it was indeed a great news to him.“Her brain also functions well. Sooner or later, your mum will be on her way to a total recovery,” pagpapatuloy na ani ng doctor.“Salamat po, doc!” taos pusong pasasalamat ni Yazed sa butihing manggagamot.Tumango ang manggamot at nakipagkamay sa binata. “If you need anything, you know where to find me.”“Thank you,” muli niyang pasasalamat bago umalis ang doktor.Nang maiwan si Yazed sa loob ng silid, hindi niya naiwasang titigan ang ina.It was a car accident that made his mum fell into a comatose. Ang ama niya ang nagmamaneho nang mangyari ang aksidente. Ayon sa imbestigasyon, hindi naman ang mga ito nakainom. At lalong wala ring mechanical error sa kotse. Ang nakita nilang anggulo ay away.Naging palaisipan kay Yazed hanggang sa mga oras na iyon kung ano ang ugat ng pinag-awayan ng kanyang mga magulang. Sigurado na mabigat iyon dahil may nakita ang pulisya ng mga strangulation wounds.“Ma, gumising ka na. Ikaw lang ang makakasagot sa mga katanungan ko.” Kausap niya sa natutulog na ina.Mula sa pagkakatitig sa ina, nalipat ang tingin ni Yazed sa nagbukas na pinto. Pumasok doon ang matalik niyang kaibigan— si Dexter, his personal lawyer and a detective.“Kumusta si Tita?” bati ni Dexter sa kaibigan.“She's getting better. Ikaw, kumusta ang lakad mo?”“May bagong lead tayo,” ani Dexter habang pinagmamasdan ang ina ng kaibigan.“That's a good news.” Biglang sumigla ang tinig ni Yazed.“But the bad news is...” Sandaling pinutol ni Dexter ang sasabihin at sinulyapan ang walang malay na pasyente, “Wait. How to say it?” sabay kamot nito sa batok.“Just say it!” asik ni Yazed sa pag-aalinlangang nakikita sa kaibigan.“It involves your, dad.”“What do you mean?” nagugulohang tanong ni Yazed sa kaibigan.“Hindi ko pa masasabi sa ngayon ang kongkretong detalye. I will tell it to you once makumpirma ko na ang mga ebidensiya.”“Why hanging me in suspension? At least give me some hint.” Mahamig sa tinig ni Yazed ang pagkairita.“Abogado mo ako. You should listen to me and stop arguing. It's for the good.” Pagsusungit din ni Dexter sa kaibigan.“Fine. Malaki naman ang tiwala ko sa'yo. But how about her?” tukoy niya sa hinahanap nilang anak ng kanyang Tita Dalia.“Wala pa ring balita. But we are doing all the best we can to find her.”Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Yazed. “I was really wondering if she's still alive.”“Let’s think positive. Baka malaki ang maitulong niya sa paggaling ni Tita Amber.”Parehong napatingin ang dalawa sa nakahimlay na ginang. Tila payapa lang itong natutulog at walang kahit anumang bakas ng pag-aalala at problema.But no one knows, Amber hears everything. She just can't move even an inch or open her eyes.Hindi na rin nagtagal si Dexter sa hospital at sumabay na siya kay Yazed palabas. Pupunta ito ngayon sa airport upang sunduin ang ama nito na nanggaling pa sa Hong Kong.“KUMUSTA ang biyahe mo, Dad?”Nilagpasan lang ni Edwin ang anak na sumalubong dito sa NAIA at dumiretso sa sasakyan. Napailing na lang si Yazed. Naupo siya sa harap ng manubela at saka pinaandar na ang kotse.“Ang mama mo? May improvement na ba sa kanyang kondisyon?” tanong ni Edwin sa anak nang umusad na sa daan ang sinasakyan.“She's still the same kahit wala na siya sa kritikal na kalagayan.”“Where is she?”Hindi nagustohan ni Yazed ang paraan ng pagtatanong ng ama ngunit pinalampas na lamang niya iyon para sa ina.“Sinabi sa akin ng doktor na makakabuti sa kanya na iuwi na lang natin siya sa bahay. She needs our physical presence. It may help her fast recovery.”Napabuntong-hininga si Edwin upang ipakita sa anak ang pag-alala sa asawa. “Bakit ba hindi pa rin siya nagigising?”“Palaisipan din sa amin ng doktor ang tanong na iyan, Dad. Hindi kaya mayroong kinalaman iyon sa ugat ng aksidente na nangyari sa inyong dalawa?” pag-uungkat niya sa nakaraanNagtama ang mga mata ng mag-ama sa rearview mirror. Si Yazed lang ang unang umiwas ng tingin dahil ibinalik niya ang atensyon sa tinatahak ng sasakyan na kanyang minamaneho.“Are you trying to say something?” dumilim ang aura ng mukha ni Edwin.“Karapatan ko rin namang malaman ang katotohanan.” Mariin niyang tugon sa ama.“And do you think I’m lying? Sinabi ko na sa mga pulis noon na aksidente ang nangyari. Maulan at madulas ang kalsada nang gabing iyon. Kailangan ko pa bang ulitin sa’yo?” galit na naibulalas ni Edwin at masamang tingin ang ipinukol sa anak.“Dad…” Hindi niya maituloy ang nais sabihin nang makita ang galit sa mukha ng ama.Ibinaling nito ang tingin sa labas ng bintana matapos sumandal sa kinauupuan. “Drive. I'm exhausted and need to rest.”“Matagal ka nang umiiwas—”Maagap uling pinutol ni Edwin ang iba pang sasabihin ng anak. “Just drive and shut up your mouth!” tumaas na ang timbre ng tono ng pananalita nito.Hindi na umimik si Yazed. Halata talaga ang pag-iwas ng kanyang ama. Pero naniniwala siya na walang sekretong hindi sumisingaw. He knows that truth and justice will prevail.“AHHHHH!”Humihingal na bumangon si Jenny mula sa pagkakahimbing ng tulog. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto at pagbaha ng liwanag sa kanyang silid.“Hey, okay ka lang?” Nilapitan ni Sasha ang kaibigan at naupo sa gilid ng kama. “Napanaginipan mo na naman ba?”Marahang tumango si Jenny habang pawisan at nanginginig na nakayakap sa mga tuhod. “I was too young, back then. Nakalimutan ko na dapat 'yun. Pero bakit ang linaw-linaw pa rin ng lahat sa utak ko? It's so unfair!”Inalo nito ang pag-iyak ng kaibigan. “Kung wala kang alaala sa iyong nakaraan, mabibigyan mo ba ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang mo?”“Pero hindi na niyon maibabalik pa ang kanilang buhay!” angil niya sa kaibigan at doon ibinunton ang galit na nadarama. “Sumusuko ka na?” Malungkot na tanong ni Sasha sa kaibigan.Mabilis naman niyang pinahid ang mga luha at sunud-sunod na umiling. “No. I've come this far para basta na lamang sumuko.”“Good. Malapit mo nang maisakatuparan ang plano mong paghihiganti. We’re in
“HEY...”Natauhan si Jenny mula sa pagbabalik-tanaw na naman sa nakaraan dahil sa pagtapik sa kanyang bakikat ng kaibigan.“Bakit tahimik ka riyan?” tanong ni Sasha sa kaibigan.Ibinalik ni Jenny ang tingin sa malayo. Nagpapahangin lang siya sa beranda. And she can't help herself from recollecting her past. Parang routine na iyon sa utak niya kapag nag-iisa.“Iniisip mo na naman ba ang mga magulang mo?” usisa ni Sasha matapos maupo sa bakanteng upuan.“Hindi sila madaling kalimutan.”“I know. Pero hindi kaya pinapahirapan mo nang masyado ang sarili mo?” woried niya tanong kay Jenny.“I'm not complaining.” Masungit niyang sagot sa kaibigan. Ganito siya kapag iniisip ang nakaraan.“Pero malungkot ka sa tuwing sila'y naiisip mo.”“Normal lang siguro iyon sa nawalan ng magulang lalo na sa karumal-dumal na kamatayan.” emotionless niyang sagot kay Sasha.“Tama na. Huwag na lang sila ang pag-usapan natin. Anyway, what's our next move?” pag-iiba ni Sasha sa kanilang paksa.“Gusto kong malaman
“Not bad,” mahinang sambit ni Jenny na siyang unang nakabawi mula sa pagka magnito ng kanilang mga mata ng estranherong lalaki.Magtatanong pa sana si Yazed ngunit biglang bumitaw mula sa pagkayakap sa kaniya ang dalaga.Mabilis na nailagan ni Jenny ang suntok ng kalaban na minalas namang tumama kay Yazed. “Ops! Sorry, pogi!” paghingi ng paumanhin ng nakangiting dalaga. Binalingan nito ang mga kalaban. “You messed with the wrong woman!”Muling nagsagupaan ang dalawang kampo. Walang gustong sumuko at magpaawat. Umikot ang dalaga sa kabilang table upang hindi siya mapagtulongan ng dalawa.“Bro, okay ka lang?” tanong ni Dexter sa nasuntok na kaibigan. Maging siya ay nagulat sa nangyari at sa bilis kumilos ng babae na gusto sanang tulongan ng kaibigan. Ngunit mukhang nabaliktad ang sitwasyon at ang kaibigan dapat ang tulongan.“Fuck!” Galit na nagmura si Yazed habang sapo ang pangang tinamaan ng suntok ng kalaban. Galit na hinaklit niya ang kuwelyo ng isanv lalaking malapit sa kaniya bag
“ANO pang hinihintay mo?" naiinip na tanong ni Jenny sa lalaki. "Ah! You want me to take the first move?” Biglang hinila ni Jenny sa kamay ang lalaki at kinabig ang batok nito nang maabot.Mabilis na naiharang ni Yazed ang palad at doon lumapat ang labi ng dalaga. “Ganyan ka ba sa lahat ng lalaking gusto mong pasalamatan?” galit niyang tanong sa babae sa halip na matuwa sa ginagawa nito.“Only to special people. At dahil ikaw ang saviour ko, you're special to me.” Binaliwala ni Jenny ang galit ng binata. Nabawasan ang confident niya ngayon sa maging misyon niya dahil mukhang hindi siya kaakit-akit sa mata ng lalaking ito.Muling napaatras si Yazed nang aktong lalambitin sa kanya ang kamay ng dalaga. Halata pa rin dito ang impluwensiya ng alak. “Dinala kita rito dahil hindi ko alam kung saan ka ihahatid. Gusto mo bang umuwi? I can offer you a ride.” Biglang naging malumanay ang kaniyang tinig nang mapansin na lumungkot ang mukha nito.“No.” Mabilis na sagot ni Jenny at ibinagsak nito a
“AMBER..”Nagising sa kawalan ang diwa ni Amber nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Paulit-ulit niyong tinatawag ang kanyang pangalan. Nais niyang humakbang at sumigaw, ngunit hindi niya magawa.“Bumalik ka na, Amber. Kailangan ka ng anak ko!”Ramdam niya ang lungkot sa tinig ng isang babaeng kumakausap sa kaniya ngunit hindi niya ito makita. Hindi niya rin matukoy ang pinagmumulan ng tinig.“Huwag mo siyang iiwan. Protektahan mo ang anak ko!” umiiyak na pagpatuloy ng isang tinig.“Dalia?” sambit ni Amber sa pangalan ng kaibigan nang makilala ang tinig nito sa kaniyang isipan lamang. Wala pa siyang kakayahan na ibuka ang bibig o imulat ang mga mata. “Dalia!” muli niyang tawag sa pangalan ng kaibigan at nangangapa ang diwa sa karimlan.“Si Jenny. Ingatan mo ang anak ko, Amber.”“Nasaan ka? Magpakita ka sa akin Dalia! Tulongan mo akong makabangon dito para mapuntahan ko ang anak mo!” pakiusap niya sa matalik na kaibigan dahil ramdam niya ang panghihina ng kaniyang katawan. Unti-un
“BILISAN ninyo ang pagdiskarga ng mga iyan!” nakabulyaw na mando ng isang lalaki sa lahat ng naroon.Palihim na nagmamatyag si James sa grupo habang abala ang kanilang pinuno sa pag-utos. Apat na mga sasakyan ang nakahimpil sa harap ng isang luma at abandonadong gusali na puno ng mga kahon ng kontrabando.“Oh, ingatan niyo naman!” pasigaw na sita ni Lando sa mga tauhan. “Ikaw!” sabay turo nito kay James. “Magbantay ka sa gate! Siguraduhin mong walang parak na makakaamoy sa atin!”“Okay, boss.” Magalang na sagot ni James sa lalaki.Naging pabor kay James ang iniutos sa kanya dahil kumukuha nga siya ng tiyempo para maisagawa ang kanilang plano. Tinungo niya ang likurang bahagi ng gusali. Sa harap kasi ay may ilang armado na nakatanod doon.Nang masiguro ng binata na walang tao sa paligid, sumipol siya bilang senyales sa dalawang anino na nakakubli sa dilim. Maingat na dumaan ang mga ito sa maliit na gate.“Ilan sila?” pabulong na tanong ni Jenny kay James.“Siyam sa loob, apat sa entran
“OH, gising na ang bisita natin!” wika ni Sasha nang makapasok sa silid kasunod si Jenny na agad na dumiretso ng upo sa bakanteng upuan na nasa may paanan ng higaan.“Masamang damo talaga! Ang haba ng buhay!” pumapalatak na ani Jenny habang matalim ang mga titig na ipinukol sa taong bumaril sa kaniyang ina. Nangalit ang kaniyang mga ngipin pagkaalala sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki.“Ugghhh!” Napaungol at napangiwi sa sakit si Lando nang pilitin niyang makagalaw ang katawan. Ngunit agad niyang napansin na nakatali ang kaniyang mga kamay maging ang mga paa sa kinaupuan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at dumako iyon sa dalawang magagandang babae ngunit mukhang mga gagawa ng hindi maganda sa kaniya. “Sino kayo?”“Hindi na mahalaga kung sino kami. Ang unahin mong isipin ngayon ay kung paano ka mabubuhay habang nasa lungga ka namin." Nang-iinsultong sagot ni Jenny sa lalaki kasabay ng pagtaas ng mga paa sa ibabaw ng lamesa.“Anong kailangan ninyo sa
“MULA sa araw na ito, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako lang...”Nakatitig lang si Jenny sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng isang ginang. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Kahapon lamang ay masaya sila ng kanyang mga magulang. Pero ngayon ay nagluluksa siya kasama ng hindi niya gaanong kilalang mga kamag-anak.“Ma, huwag mo na ngang kinakausap ang pipi na 'yan! Nagmumukha ka lang tanga!” inis na sita ni Jennelyn sa ina.“Tumahimik ka nga riyan!” angil ni Jackie sa anak. “Hindi ka nakakatulong!”“We've been pampering her since mamatay ang kanyang mga magulang. But look at her? Hindi naman niya tinutulungan ang sarili.” Nakasimangot na reklamo ni Jennelyn habang pinagmamasdan ang pinsan na mukhang robot na lamang na nakaupo sa isang tabi. Kusa itong gumagalaw ngunit parang walang naririnig o nakikita. Maging sa pagkain ay pinagsisilbihan pa ito ng ina na ikinaselos niya ng husto.“Jen...” Hindi na natapos ni Jackie ang pagtawag sa pangalan ng pamangkin nan
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l